“BABY!”
Bigla akong napalingon sa bumukas na pinto ng banyo nang marinig ko ang boses ni Rufo. Nakatapis na siya ng tuwalya pero hindi pa siya basa. Siguro ay hinihintay niya talaga akong sumunod sa kaniya pero nang mainip na siya ay muli siyang lumabas upang tawagin ako.
He paused, and his eyebrows quickly crossed when he saw the woman in front of me.
“Ciri!” aniya.
Muli akong napalingon sa babae. Ciri? So, ibig sabihin ay hindi ito si Rhea? Who is she? Isa rin ba ito sa babae niya, kagaya sa Rhea na ’yon? Oh, God! Bakit parang isa-isa atang nagdadatingan ngayon ang mga babaeng ito? Sino sila? Girlfriend, ex-girlfriend or kagaya ko ay isa lamang ding babae ni Rufo?
“I knew it.” Anang babae at napailing pa pagkuwa’y mabilis na tumalikod.
“Ciri!” Tawag niya sa babae at nagmamadali naman siyang tumakbo palapit sa akin. Ang akala ko pa ay titigil siya, pero nilagpasan niya ako hanggang sa makalabas siya sa pinto. “Cirilla, wait!”
“I don’t want to talk to you!” dinig kong sigaw ng babae saka ito mabilis na sumakay sa kotse nito at pinaandar agad iyon.
“Ciri! Damn it.”
Nakatingin lamang ako kay Rufo habang nakapamaywang ang isang kamay niya at ang isa naman ay sapo-sapo ang kaniyang noo habang sinusundan niya ng tingin ang papalayong sasakyan. Inis na hinagod niya pa ang kaniyang buhok hanggang sa kaniyang batok pagkuwa’y naglakad siya palabalik. Bumuntong-hininga pa siya nang malalim at kitang-kita ko ang pagtiim ng bagang niya.
“f**k!” pagmumura niyang muli.
“W-who... who is she?” kinakabahang tanong ko sa kaniya nang daanan lamang niya ako ulit at nagdiretso siya papasok. Hindi niya naman agad sinagot ang tanong ko kaya naglakad na rin ako palapit sa kaniya. “Rufo, I said who is that woman?” tanong ko ulit sa kaniya.
He let out a deep breath and looked at me. He was a little surprised when he saw me. Siguro ay nawala sa isipan niya na narito ako at kasama niya ako. Dahil sa isiping iyon ay hindi ko naiwasang makadama ng kirot sa puso ko. Just because
of that woman, nawala ako sa isipan niya? Ouch naman! Ang sakit, huh!
“Is... is she your girlfriend?” I asked him again later even though I knew to myself that I would be hurt even more if he answered yes to my question.
I secretly swallowed while still gazing at him.
“Solana...”
Oh, so yes nga ang sagot niya?
I suddenly bit my lower lip when I felt the heat in the corner of my eyes. Oh, damn it. Is my happy day with him over? Why is it so fast? Can’t I be happy for a few more days, a few weeks or a few months bago matapos itong namamagitan sa amin ni Rufo?
Humugot ako nang malalim na paghinga saka iyon pinakawalan sa ere at tipid akong ngumiti sa kaniya.
“I think...”
Damn. Huwag sana munang pumatak ang mga luha ko ngayon dahil ayaw kong makita niya na iiyak ako ngayon sa harapan niya.
Tumalikod ako at nagmamadaling lumapit sa closet niya. Kinuha ko roon ang bag at mga damit ko. Kaagad ko ring isinuot ang short ko.
“Solana, what... what are you doing?” tanong niya nang lumapit siya sa akin.
“I need to go.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig ko habang nagmamadaling isinisilid sa bag ko ang mga gamit ko. Hindi ko rin ipinahalata sa kaniya ang panginginig ng katawan ko.
“What? No. You will stay—”
“I can’t stay, Rufo. I need to go.” Saad ko pa nang balingan ko siya saglit ng tingin bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Nang maisarado ko ang bag ko ay binitbit ko ’yon at naglakad ako palabas ng pad niya.
“Soli.” Sakto namang kabababa lang ni Ricos sa kotse nito.
“Solana, wait. You can’t leave.” Nagmamadali pa siyang sumunod sa akin at pinigilan ang braso ko.
“Kailangan kong umalis, Rufo. Please.” I’m still holding back my tears, even though I know he can see my red eyes. I stared at him for a few moments before I took my arm back and turned away again. “Ricos, p-puwede mo ba akong ihatid pauwi?” tanong ko rito. Pero hindi ko naman na hinintay na sumagot ito at kaagad kong binuksan ang pinto sa front seat ng sasakyan nito at lumulan ako roon.
Nakita ko naman si Ricos na saglit na kinausap ni Rufo bago ito bumalik sa kotse nito at sumakay na rin sa driver’s seat.
Naging tahimik lamang ako sa buong biyahe namin ni Ricos hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay namin. Nakatulala lamang ako habang hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Nasasaktan pa rin ako. Well, kasalanan ko naman kung bakit ko ito nararamdaman ngayon sa puso ko. Alam ko na sa sarili ko una pa lang na puwedeng mangyari ito. Pumayag ako sa set-up namin ni Rufo nang hindi manlang inaalam kung may girlfriend ba siya o karelasyon na maaaring masaktan kapag nalaman nito ang ginagawa naming dalawa. At higit sa lahat, minahal ko siya kahit wala namang kasiguraduhan kung may nararamdaman din siya para sa akin. This is really my fault kaya wala akong karapatan na umiyak at mag-emot kung nasasaktan man ako ngayon.
“Are you okay, Soli?” untag na tanong sa akin ni Ricos.
I sighed and looked at him. I smiled bitterly and nodded. “Yeah,” sagot ko. “Thank you pala sa paghatid mo sa akin, Ricos.” Dagdag ko pa.
Tipid na ngumiti naman ito sa akin. “No problem.” Anito.
“Sige, mauuna na ako. Ingat ka sa pag-uwi.” Saka ko binuksan ang pinto sa tabi ko at bumaba ako.
Until I got inside our house and headed to my room, I was still dumbfounded. I lay quietly on my bed and stared at the ceiling. There are so many things going through my mind right now that I don’t know what to think of first. Naguguluhan ako.
Nasa ganoong tagpo ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya kinapa ko iyon sa bulsa ng bag ko na nasa may uluhan ko lang. Tiningnan ko kung sino ang nag-text sa akin. Una, ang message ni Gabby ang binasa ko. Nasa bahay raw ito ng kaibigan nitong si Danica. Hindi na ako nag-reply. Binasa ko rin ang isa pang message. Galing naman iyon kay Rufo.
I’ll talk to you later, baby. Okay?
Muli akong humugot nang malalim na paghinga at in-off ko ang cellphone ko. Hindi na ako nag-abalang mag-reply sa kaniya. I don’t know. Pero parang ayaw ko muna siyang makausap at makita mamaya. Bahala na!
It’s Sunday and I have nothing to do. Instead of staring at the ceiling of my room and thinking about that Ciri... I headed to DC. Ilang araw na rin naman akong hindi pumapasok doon.
“Bes!” saad ni Candy nang pagkapasok ko sa dressing room ay nakita ko itong nakaupo sa tapat ng vanity table at nagme-make up. Kaagad pa itong tumayo sa puwesto nito at nagmamadaling lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
“Hi, bes!” nakangiting bati ko rito habang mahigpit din ang pagkakayakap ko rito.
“Namiss kita, bakla!” anito nang lumayo sa akin.
Napangiti akong lalo. “Namiss din kita, bes.”
“Grabe, ilang araw kang hindi pumasok dito. Talaga bang malaki ang offer sa ’yo ng labidabs mo kaya hindi ka na madalas pumasok dito sa trabaho mo?” tanong pa nito sa akin.
Tumawa naman ako at bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “Ano’ng labidabs ka riyan?” kunwari ay saad ko saka naglakad papunta sa vanity table ko. Oh, nakakamiss ding magtungo rito sa Diamond Club. Halos isang linggo rin akong hindi pumasok dito. “Busy lang ako sa school kaya hindi ako makapasok dito.” Pagdadahilan ko na lamang.
“Ganoon? Akala ko ay nagpakasasa ka na sa perang ibinayad sa ’yo ni Papa Rufo kaya wala ka ng balak na pumasok dito,” sabi nito. “Sasayaw ka ba ngayon?” tanong pa nito nang bumalik na rin ito sa puwesto nito at ipinagpatuloy ang paglalagay ng make up sa mukha.
“Yeah,” sagot ko. “Kinausap ko si Mama Lu kanina kaya nagpunta ako rito.”
“Mabuti naman. Namiss na kitang kasamang sumayaw sa stage. Ang mga kasama ko kasi ngayon... hindi ko ka-vibes.”
“Bakit naman?” tanong ko at nagsimula na ring mag-make up.
“Mga bago lang kasi, bes. Saka, mas maarte pa sa akin.” Umirap pa ito na ikinatawa ko.
Knowing Candy, pinakaayaw talaga nito na may uungos dito lalo na kapag baguhan lang dito sa DC.
Habang nagme-make up ay panay ang kwentohan namin ni Candy. Ang dami nitong chika sa akin na para bang isang taon kaming hindi nagkita. But I’m happy. At least, kahit hindi man ako pumasok dito ng ilang araw ay updated pa rin ako sa mga nangyayari dito sa club.
Pagkatapos naming mag-make up at magbihis ay sabay na rin kaming lumabas ng dressing room. Hindi pa man kami nakakaakyat sa stage ay naririnig ko na ang ibang customer na excited daw dahil nandito ako ngayong gabi. Sabi pa ni Candy sa akin kanina, marami daw talaga ang naghahanap sa akin at pabalik-balik na ng ilang gabi para lang mapanuod ang performance ko.
When the melodious song started playing, Candy and I went out on stage together and started dancing. Tahimik lamang ang buong paligid at nakatuon sa amin ang atensyon at mga mata ng mga audience. Malapad pa ang ngiti sa mga labi ko habang humahataw sa paggiling ko. Oh, God! Hindi ko man choice ang trabahong ito nang pasukin ko ito, pero nakakamiss din palang magsayaw sa harap ng maraming tao. Siguro kasi may isang taon ko na ring ginagawa ito kaya nasanay na akong sumayaw at panuorin ng maraming kalalakihan.
Dahan-dahan akong yumuko hanggang sa tumuwad ako at mula sa gitna ng mga hita ko ay tiningnan ko ang mga customer na nakangiti habang nakatingin sa akin. Pero nang dumako ang paningin ko sa lamesang nasa sulok, doon ay biglang kumabog ang puso ko nang makita ko ang galit na hitsura ni Rufo habang nakatitig siya sa akin. May hawak pa siyang rock glass. Damn. Kanina pa ba siya rito? Hindi ko siya napansin kanina, e!
Dahan-dahan akong umangat habang hindi ko inaalis sa kaniya ang paningin ko. Patuloy pa rin ang marahan kong paggalaw at paggiling habang sinasabayan ko ang malamyos na tugtog. Hanggang sa matapos ang kanta at ang pagsasayaw namin ni Candy. Kaagad akong bumaba sa likod ng stage at nagmamadali akong bumalik sa dressing room.
“Bes, nandito si Papa Rufo. Nakita mo?” anang Candy sa akin habang nagbibihis na kami.
Hindi naman ako umimik.
“LQ kayo?” tanong nitong muli sa akin.
I frowned and looked at her. “Ano’ng LQ? E, hindi naman kami magjowa.” Kunwari ay tumawa pa ako ng pagak.
“Ay hindi ba?” nangunot din ang noo nito nang tumingin sa akin. “Akala ko kasi ay jowa ka niya at jowa mo siya. Iyon kasi ang sesmes ni Mama Lu no’ng nakaraan.”
Kunwari ay umismid ako. “At naniwala ka naman sa tsismis ni Mama Lu?”
“Of course naman, bes. Marites ’yon, e! Kaya legit of source of sesmes si Mama Lu.”
Kunwari ay tumawa ako at umiling.
Saktong pagkatapos kong magbihis ay saka naman pumasok sa dressing room si Mama Lu.
“Soli, naghihintay sa ’yo si Papa Rufo.”
“Hindi po ako magpapa-table ngayong gabi, Mama Lu,” sabi ko. “Kailangan ko na po kasing umuwi ng maaga, e! Kasi may pasok pa po ako bukas.”
“Ay ganoon? E, kanina pa naghihintay ang labidabs mo! Nagbayad na naman siya ng malaki kay Madam Deb—”
“Mama Lu, sorry po.” Pinutol ko ang pagsasalita nito. “Kailangan ko lang po talagang umuwi ngayon ng maaga.” Bumuntong-hininga pa ako.
“Alright. I’ll talk to him na lang,” sabi nito at saka lumabas na ng dressing room.
Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko naman ang pagtingin sa akin ni Candy.
“Bes, sigurado ka bang okay lang kayo ni Papa Rufo?” tanong nito ulit sa akin.
Muli akong bumuntong-hininga nang malalim, pero hindi na ako nag-abalang sumagot. Iniligpit ko ang mga gamit ko. “Mauuna na ako, bes. Bye!” saad ko at yumakap pa ako rito.
“Kung may problema ka, you know you can call me anytime, Solana.”
Ngumiti naman ako. Minsan lang ako tawagin ni Candy sa totoo kong pangalan kaya alam kong seryoso ito ngayon.
“Salamat, bes.”
“Mag-iingat, okay?”
Tumango lamang ako saka isinukbit na ang shoulder bag ko at lumabas na sa dressing room. Dire-diretso pa ang lakad ko palabas para hindi ako makita ni Rufo. Pero nang pagkalabas ko, naroon na pala siya sa labas at nakasandal sa gilid ng kotse niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.
Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at ipinagpatuloy ang paglalakad ko papunta sa kalsada.
“Solana!”
Hindi ko siya pinansin.
“Solana, wait!”
Kaagad niyang hinawakan ang braso ko nang makalapit siya sa akin.
“Hey! Are you avoiding me?” malamlam ang mga mata niya nang tumitig siya sa akin.
Saglit kong sinalubong ang mga mata niya bago ako muling nag-iwas ng tingin sa kaniya. “I... I’m not avoiding you, Rufo. Kailangan ko lang umuwi ng maaga dahil may klase pa tayo bukas.” Saad ko at pinilit na bawiin sa kaniya ang braso ko. Ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
“No. You’re avoiding me, Solana.”
Napatiim-bagang ako at muling tiningnan siya. Muli akong napabuntong-hininga nang malalim. “Okay fine.” Seryosong saad ko. “I’m avoiding you. Okay na ba ’yon?”
“But why?”
Nangunot ang noo ko. But why? Hindi niya alam kung bakit ko siya nilalayuan ngayon at ayokong makausap siya? Come on, Rufo! After what happened earlier in your pad? Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniya, pero nawalan ako ng lakas na gawin iyon.
“Is it because of what happened earlier in my pad?” tanong niya.
Sa halip na sagutin ang tanong niya, tumungo lamang ako at mabilis na kinagat ang pang-ilalim kong labi. s**t naman kasi! Ayoko ngang umiyak sa harapan niya, pero parang hindi naman magpapaawat itong mga luha ko ngayon.
“Come with me. I need to explain everything to you. Especially what happened earlier in the pad.” Aniya at binitawan niya ang braso ko at lumipat ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Ipinagsalikop niya ang mga palad namin saka akma na sana niya akong hihilahin papunta sa kotse niya, pero pinigilan ko siya.
“I’m not coming with you, Rufo.”
Pumihit naman siya paharap sa akin. “Please!”
“I just wanna go home.”
Bumuntong-hininga siya. “Okay fine,” sabi niya mayamaya. “I’ll take you home.”
Hindi na ako nakaangal sa kaniya. Iginiya niya ako papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako sa front seat bago siya sumakay sa driver’s seat.
Tahimik lamang kami pareho habang nasa biyahe kami. Pero mayamaya, napalingon ako sa kaniya nang makita kong hindi pauwi sa bahay namin ang dinadaanan namin, kun’di papunta sa pad niya.
“Rufo!” naiinis na sambit ko sa pangalan niya. “I said I wanna go home. Huwag mo akong dadalhin sa pad mo. Stop the car.”
Hindi naman siya nagsalita. Tahimik at seryoso lamang siyang nakatingin sa unahan ng sasakyan niya.
“Rufo, I said stop the car.” Mas lalo akong nakaramdam ng inis sa kaniya.
Ayokong bumalik sa pad niya. I mean, ayoko ng bumalik sa pad niya lalo pa ngayon na alam ko ng may ibang babae na pala siyang dinala roon noon. Ang buong akala ko ay ako pa lang ang nakakapunta sa pad niya. Oh, asyumera naman ako sa part na ’yon!
“We need to talk, Solana.”
“I don’t want to talk to you.”
“I know you’re mad at me. But I insist, we need to talk.”
Napatiim-bagang na lamang ako na tumitig sa kaniya. Later, I turned my gaze outside the window again and didn’t speak anymore. Hanggang sa makarating na nga kami sa pad niya.
“Come on, baby!” aniya nang hindi pa rin ako kumikilos sa puwesto ko para bumaba sa kotse niya. Binuksan niya na ang pinto sa tabi ko. Sa halip na pansinin siya ay ibinaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko saka ipinag-krus sa tapat ng dibdib ko ang mga braso ko. Bahala siya sa buhay niya!
“Do not be hard-headed, Solana. Please!” Aniya at hinawakan ang kamay ko.
Pumiksi naman ako. “Ayokong pumasok sa pad mo,” mariing sabi ko. “Kung gusto mo akong makausap, then talk to me right now, right here. Hinding-hindi ako papasok sa pad mo.”
Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya nang malalim saka binitawan ang kamay ko. Pero mayamaya ay nagulat at napatili ako nang bigla niya akong pinangko.
“Ahhh! Rufo, isa! Put me down.” Saad ko sa kaniya.
“We need to talk inside.”
“Ayoko nga sabi, e!” pinalo ko pa ang braso at dibdib niya. “Put me down!”
Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko. Isinarado niya ang pinto sa front seat gamit ang paa niya at saka naglakad na siya papunta sa pinto ng pad niya.
“Rufo, I hate you!”
“You can’t hate me, baby.”
“Yes, I can.”
Hanggang sa walang kahirap-hirap na nabuksan niya ang pinto ng pad niya kahit karga-karga pa rin niya ako. Inilapag niya lamang ako sa ibabaw ng kama niya. Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya saka inayos ang maiksing palda na suot ko. Nakikita niya na kasi ang panty ko.
“I thought you wouldn’t dance at that club anymore?” tiim-bagang na tanong niya sa akin nang mamaywang siya sa harapan ko.
Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata ko. “Who told you that? E, hindi pa naman tapos ang kontrata at trabaho ko sa DC.”
Mas lalo siyang nagtiim-bagang dahil sa sinabi ko. “Damn it, Solana!”
“At ngayon ay minumura mo pa ako? Oh, so nice, Rufo! Nice.” Nayayamot na talaga ako sa kaniya ngayon.
Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at hinagod ang kaniyang batok pagkuwa’y saglit siyang nagparoo’t parito ng lakad sa harapan ko.
“Ano ba? Kakausapin mo ba ako o magpapalakad-lakad ka na lang diyan? Ako ang nahihilo sa ginagawa mo!” hindi ko pa rin mapigilan ang inis ko sa kaniya.
Huminto naman siya at pagkuwa’y tumabi sa akin. “I’m really sorry for what happened earlier.”
Hindi naman ako umimik. Hinintay ko lang ang susunod na sasabihin niya. Okay fine. Makikinig ako sa mga sasabihin niya para malinaw sa akin ang lahat. Iyon naman ang gusto kong mangyari, e! Ang malinawan ako sa nangyari kanina. Ang malaman ko kung sino ang Ciri na ’yon?
“Ciri is not my girlfriend...” aniya at saglit na muling huminto sa pagsasalita niya.
Nangunot naman ang noo ko nang balingan ko siya ng tingin. “S-she... she’s not your girlfriend?” tanong ko.
Marahan naman siyang tumango at nilingon ako. Ilang saglit siyang nanahimik habang nakatitig lamang siya sa akin. Pero mayamaya ay muli siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Muli rin siyang bumuntong-hininga nang pagkalalim.
“She’s my daughter.”