NAPASUNOD ang tingin ko sa mama ni Rufo at sa babaeng dumating nang lumabas na ang mga ito sa main door. Naiwan naman kami ni Rufo sa may ibaba ng hagdan kasama ang anak niya.
I slowly let out a deep breath and looked back at Rufo and then at Ciri. She’s still looking at me seriously. Mayamaya ay inirapan ako nito at tumalikod. She was about to leave, but Rufo called her.
“Ciri.”
Huminto naman ito at lumingon.
“Can we talk?”
Hindi naman ito sumagot, sa halip ay bumuntong-hininga lamang ito at nagtuloy na sa paglalakad.
“Is it okay if I leave you here for a moment?” tanong ni Rufo sa akin nang tumingin siya ulit sa akin. “I will just talk to Ciri. I won’t be long and I’ll get back to you. Just stay here, okay? Maupo ka na muna sa sofa.”
Tumango naman ako sa kaniya at iginiya niya ako palapit sa sofa. Pagkatapos ay nagmamadali na siyang lumabas para sundan si Ciri. Naiwan ako sa loob ng bahay. Ako lang ata mag-isa ang tao rito at lahat ng tao ay nasa labas at nagkakasiyahan.
Muli akong bumuntong-hininga nang malalim upang tanggalin ang bolang nakabara sa lalamunan ko maging ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.
Sabi ko na nga ba, e! Hindi ako magugustohan ng mama ni Rufo. Well, expected naman na kasi ’yon, e! Karamihan talaga sa mga mayayamang pamilya, hindi gusto ng mga magulang ang karelasyon ng mga anak nila. At marahil ay kitang-kita agad sa hitsura ko ng mama ni Rufo na galing lamang ako sa hindi mayamang pamilya kaya pinakitaan agad ako nito ng pagkadisgusto. Kahit pa sabihing binilhan ako ni Rufo ng mamahaling damit at nakasuot ako ng mamahaling alahas, hindi pa rin niyon maikukubli na mahirap lang ako.
I can’t count how many minutes I’ve been sitting on the sofa waiting for Rufo to come back. Ang sabi niya ay hindi lang siya magtatagal at babalikan niya agad ako. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Nang makaramdam ako ulit ng pagkainip ay tumayo na ako sa puwesto ko at naglakad palabas ng main door. Kaagad kong inilibot ang paningin ko sa buong paligid upang hagilapin si Rufo. And I saw him in the middle of the crowd. His mother was with him... and the Rhea who had arrived earlier was also with them. Nakikipag-usap sila sa mga bisita.
I sighed again at the same time, the pain that my heart felt when I saw the wide smile on the face of the woman next to him and hugging his arm.
Who is Rhea in Rufo’s life? Is she his girlfriend?
Humakbang ako upang tuluyang lumabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o pupwesto. Kasi wala naman akong kakilala ritong bisita. Si Rufo lang talaga ang kakilala ko. Hindi rin naman ako puwedeng lumapit sa kaniya dahil paniguradong mapapahiya lang ako sa mama niya, maging sa mga bisitang naroon.
Malungkot na napangiti ako at laglag ang mga balikat na saglit ko pang pinagmasdan si Rufo. Mayamaya ay lumingon siya sa direksyon ko. When he saw me, he was about to walk to approach me, but his mom also looked in my direction. She quickly grabbed Rufo’s arm at seryoso ang mukha na kinausap ang anak. Pagkatapos ay kinausap din nito ’yong Rhea. At mas lalo akong nakadama ng kirot sa puso ko nang sa halip na lumapit siya sa akin, hinawakan niya sa kamay ’yong babae at naglakad sila palapit sa isang mesa at doon magkatabing umupo.
Hindi ko napigilan na kagatin ang pang-ilalim kong labi nang maramdaman ko ang biglang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. Ang kirot na nararamdaman ng puso ko kanina ay mas lalo pang dumoble.
Muling tumingin sa direksyon ko si Rufo. Pero mabilis na akong tumalikod at naglakad palabas ng gate.
Oh, Solana! Bakit ka pa kasi sumama rito? Mangiyak-ngiyak na panenermon ko sa sarili ko, hanggang sa tuluyan akong makalabas ng gate at naglakad sa gilid ng kalsada. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Shit naman, oh! Bakit naman ang sakit ng dibdib ko?
HINDI KO ALAM kung saan ako patungo ngayon. Wala naman akong alam tungkol dito sa village na tinitirhan nila. Basta ang ginawa ko lang ay naglakad nang naglakad sa kalsada habang yakap-yakap ko ang sarili ko dahil ramdam ko na ang labis na ginaw ng panggabing hangin.
“Aray!” daing ko nang muntikan na akong matapilok.
My feet and legs hurt because of the heels I was wearing. I stopped walking for a moment and took off my heels. Saka lamang ako nakaramdam ng ginhawa nang maiapak ko sa semento ang mga paa ko. Naglakad ako sa kalsada nang nakapaa lamang. Mabuti na lamang, sa paglalakad ko ay may dumaang taxi kaya kaagad ko ’yong pinara. Nagpahatid ako sa DC. Maaga pa naman at ayokong umuwi sa bahay na ganito ang hitsura ko. Namumula ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina habang naglalakad sa kalsada. Sigurado kasi akong magtataka sa akin sina Gabby at Cat.
“Bes, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Candy nang lumapit ito sa puwesto ko. Nakaupo ako sa isang mesa na nasa sulok ng club. Kanina pa ako rito at solong nag-iinom. May customer kasi ito kanina kaya hindi nito agad naiwanan para lapitan ako.
Before I answered Candy’s question, I brought the bottle of beer I was drinking to my mouth. Actually, pang-apat ko na ito. Hindi ako malakas sa alak, pero ngayong gabi, kailangan ko ito para kahit papaano ay maibsan ang kirot na nararamdaman ng puso ko.
“Hoy, Solana! Ayos ka lang ba?” ulit na tanong sa akin ni Candy at bahagyang inawat ang kamay ko.
Sa halip na sumagot, bigla naman akong naiyak. Rumagasa na naman ang lintik kong mga luha. Buwiset! Kanina pa ’to! Bakit ayaw nilang tumigil?
“May problema ba, bes? Bakit ka umiiyak?” lumapit na sa akin si Candy at inakbayan ako.
“Bes... a-ang sakit,” umiiyak na sabi ko. “Ang sakit-sakit!”
“Ano ba ang nangyari? Nag-away ba kayo ni Sir Rufo?”
Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa labis na paninikip ng dibdib ko. Hinayaan na lang muna ako ni Candy na umiyak nang umiyak. Yakap lang ako nito at marahan nitong hinahaplos ang likod ko.
Makaraan ang ilang minuto, kumalma na rin ako. Kahit papaano ay lumuwag-luwag na rin ang dibdib at paghinga ka.
“Heto, inumin mo muna itong tubig. Huwag na ’yang beer.” Anito at iniabot sa akin ang baso ng tubig na hiningi nito kanina sa isang waiter. Inilayo naman nito sa harapan ko ang beer na iniinom ko.
Tinanggap ko ang baso at uminom ako at pagkatapos ay sinupil ko ang sarili ko. Inayos ko rin ang damit at buhok ko.
“Kalma ka na ba?”
Tumango ako. “Salamat, Candy.”
“So, puwede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang problema mo? Bakit ka umiiyak at... nag-iinom?”
Malalim na paghinga ang saglit kong pinakawalan sa ere, “ayaw sa akin ng mama niya,” sabi ko.
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Candy habang matamang nakatitig sa akin. “Mama nino? Ni Sir Rufo?” tanong nito.
I nodded again. “Isinama niya ako sa bahay nila kanina kasi... birthday ng mama niya ngayon. Pero, bes... tama nga ang kutob ko na hindi ako magugustohan ng mama niya. Tapos... girlfriend niya ata ’yong Rhea.”
“What? May girlfriend na iba si Sir Rufo?” hindi makapaniwalang tanong nito. “E, kung may girlfriend siya, ano ka niya?” hindi maipinta ang mukha na tanong pa nito.
Bed warmer, Candy. Just a bed warmer kahit pa sinabi niyang gusto niya ako at special ako sa kaniya.
“Hindi ko alam, Candy!” umiling-uling pa ako habang may kirot pa rin sa puso ko. “Basta ang alam ko lang ngayon... mahal ko na siya at... sobra akong nasasaktan dahil sa mga nangyari kanina.” Muli na namang may pumatak na luha sa mga mata ko.
“Aba’y gago pala ang Rufo na ’yon. May girlfriend na pala siya tapos ginirlfriend ka pa niya!”
Mabuti na lamang at nandito si Candy para damayan ako. Dahil kung wala, ewan ko na lamang kung saan ako pupunta at kung ano ang gagawin ko para kahit papaano ay kumalma ako.
Sinamahan ako nitong mag-inom dahil iyon ang hiling ko nang sabihin nitong ihahatid ako nito pauwi sa bahay. Pumayag naman ito na sasamahan akong mag-inom. At pagkatapos ay sumama na rin ako sa apartment nito para doon na muna matulog. Ayaw kong umuwi sa bahay ngayon dahil sigurado akong magpupunta roon mamaya si Rufo para kausapin ako.
“Halika bes, pasok ka!” nang mabuksan ni Candy ang pinto ng apartment nito. “Pasensya ka na at medyo magulo rito. Hindi pa kasi ako nakakapaglinis, e!”
“Okay lang, bes. Ako nga ang dapat na humingin ng pasensya kasi iniisturbo pa kita sa—”
“Ano ka ba naman, Solana. Of course... kaibigan kita kaya dadamayan at tutulungan kita. Hindi ko naman puwedeng hayaan na sa kalsada ka matulog ’no.”
Napangiti naman ako. “Thank you, Melitele.”
“Oh, God!” inismiran ako nito. “Tinulungan na kita, pero huwag mo akong tatawagin sa pangalan na ’yan baka palabasin pa kita ngayon sa apartment ko.”
Hindi ko na napigilan ang matawa ng pagak dahil sa naging hitsura nito. Ayaw na ayaw talaga nitong nagpapatawag sa totoo nitong pangalan. Ayos na raw na ang nickname nito sa DC ang itawag dito.
“Saglit at kukuha ako ng pamalit mo.”
Saka ito naglakad papasok sa kwarto nito. Umupo naman ako sa sofa. Pagkabalik nito, ibinigay nito sa akin ang ternong pajama.
Naparami kami ng inom kanina pero hindi naman ako nalasing nang husto. Masakit lang ang ulo ko at medyo umiikot ang paningin at pakiramdam ko. Hindi na ako naglinis ng katawan ko dahil natatamad na ako at gusto ko ng humiga. Nagbihis na lang ako at pagkatapos ay sabay na rin kami ni Candy na pumasok sa silid nito at nagpahinga na kami.
KINABUKASAN, hindi ko alam kung ano’ng oras na ako nagising. Nagtataka pa nga ako nang pagkamulat ko ay hindi pamilyar sa akin ang silid na tinulugan ko. Mabuti na lang at pumasok sa pinto si Candy...
“Gising ka na pala, bes.” Anito. “Bumangon ka na at may niluto akong sabaw para sa ’tin.”
“Ano’ng oras na ba, bes?” sa halip ay tanong ko rito.
“Alas onse na.”
“Huh?” gulat at bigla akong napabangon. Pero napahawak din ako agad sa sentido ko nang makaramdam ako roon ng kirot at pagkahilo. “Aray!”
“Dahan-dahan kasi, bes. May hang-over ka pa.” Natatawang saad sa akin ni Candy.
Bahagyang nangunot ang noo ko. Hang-over? Bakit, nag-inom ba ako kagabi?
Then I remembered what happened last night. Simula nang nasa pad pa kami ni Rufo, ang nangyari sa bahay nila, ang pagkikita namin ng mama niya, hanggang sa napunta ako sa DC at naglasing ako roon.
Oh, God! Narito na naman ang kakaibang kirot sa puso ko dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
“Oh, tama na ang iyak, huh!”
Muli akong napatingin kay Candy. Malungkot naman itong ngumiti sa akin.
“Ayusin mo na ang sarili mo bes at sumunod ka sa akin sa kusina. Masarap humigop ng sabaw kapag mainit pa.”
Tumango na lamang ako bago tumalikod si Candy at muling lumabas sa silid nito.
I took a deep breath and released it into the air. I fell back to lie down and stared at the ceiling. Pero mayamaya, nang marinig kong mahinang tumunog ang cellphone ko, hinanap ng mga mata ko ang bag ko. Nakita ko naman iyon na nasa ibabaw ng upuan. Kumilos ako upang kunin iyon. Pagkabukas ko sa cellphone ko, sandamakmak na text messages at missed calls ang natanggap. Ang iba ay galing kay Gabby at Cat, at karamihan ay galing kay Rufo.
Where are you?
Please, pick up your phone.
Solana, I’m sorry. Please, where are you?
Hindi ko na binasa ang ibang messages ni Rufo. I didn’t bother to reply to him. I turned off my cellphone again and closed my eyes tightly. Oh, God! Ang sakit na nga ng ulo ko na parang feeling ko binibiyak iyon; ganoon din ang sakit na nararamdaman ng puso ko. At naalala ko pang may klase pala ako ngayong araw. Pero dahil magtatanghali na rin, hindi na siguro ako papasok. Bukas na lang.
Nang bumangon ako at ayusin ang sarili ko, nagtungo na rin ako sa kusina para puntahan si Candy. Pinagsaluhan nga namin ang sinigang na bangus na niluto nito. At kahit papaano ay naibsan naman ang sakit ng ulo at sikmura ko.
“Gusto mo ba ay ihahatid na kita pauwi, bes.” Anang Candy sa akin nang matapos na kaming kumain at magbihis.
Umiling naman ako, “hindi na, bes,” sabi ko. “Kaya ko naman na.”
“Sigurado ka?”
Ngumiti ako. “Salamat sa tulong mo sa akin, Metilete.” Saad ko at lumapit ako rito at niyakap ito nang mahigpit.
“Bruha ka! Kung hindi ka lang broken ngayon, sasabunutan na talaga kita.”
Mahina akong tumawa.
“Sige na. Ihahatid na lang kita sa sakayan.” Anito.
PAGKARATING ko sa bahay, hindi ko inaasahan na nasa labas ng gate si Rufo. Panay ang katok niya. Wala sina Gabby at Cat ngayon sa bahay dahil may pasok din ang dalawa sa school. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya roon sa labas ng bahay namin.
Hindi na sana muna ako tutuloy sa pag-uwi at hihintayin ko munang makaalis siya dahil ayoko muna siyang makausap ngayon. Pero...
“Solana, may bisita ka! Kanina pa si sir naghihintay sa ’yo.”
Malakas na saad nang kapit-bahay namin kaya napalingon sa direksyon ko si Rufo. Nang makita niya ako, parang bigla siyang nakahinga nang maluwag at malalaki ang mga hakbang niya na naglakad palapit sa akin.
Bumuntong-hininga ako at wala na ring nagawa kun’di ang maglakad palapit sa kaniya.
“Hey! Where have you been? I was worried about you last night,” sabi niya. Kitang-kita ko ang lungkot at pag-aalala sa mga mata niya. “I was calling and texting you last night. But you don’t answer.”
“Ano ang ginagawa mo rito, Rufo?” sa halip ay walang buhay na tanong ko sa kaniya.
Nangunot ang kaniyang noo at malalim na paghinga rin ang pinakawalan niya sa ere at malungkot na pinakatitigan ako. Didn’t he sleep last night? Ang lalim kasi ng mga mata niya. Nangingitim pa ang gilid niyon. Ang buhok niya, bahagyang magulo.
“Solana...” aniya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka naglakad palapit sa gate. Binuksan ko iyon. Akma ko na sana iyong isasarado, pero kaagad naman siyang nakapasok kaya hinayaan ko na siya. Naglakad ako ulit palapit sa pinto at binuksan ko rin iyon. Pagkapasok ko pa lamang sa bahay namin, kaagad kong naramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Rufo mula sa likuran ko. Ibinaon niya rin sa leeg ko ang mukha niya.
“I’m sorry. I’m sorry. Please don’t get mad at me.” Ang paulit-ulit na sinambit niya sa akin.
Hindi ko napigilan ang biglang pagpatak ng mga luha ko habang nakatitig lang ako sa unahan ko. Mayamaya ay dahan-dahan na pumikit ang mga mata ko at kinagat ko ang pang-ilalim kong labi.