CHAPTER 43

2602 Words
THE next morning, akala ko ay makikita ko pa ulit ang Rhea na ’yon. Pero mabuti na lamang at hindi na. Umalis na rin ata agad ang babaeng ’yon dito sa isla. Nako, kung nagkataon na magkikita pa kami ngayon dito, ewan ko na lamang kung ano pa ang magagawa ko sa kaniya! Nakangiting bumuntong-hininga ako at naglakad palapit kay Ciri. Nakadapang nakahiga ito sa telang nakalatag sa buhangin habang sina Millie at Cathy ay nasa dagat na naman. Si Rufo ay nasa cottage pa namin at si Gabby naman, ewan ko kung nasaan ang babaeng iyon. Kanina pa raw ito umalis sa cottage nila. “Hi, Ciri.” Bati ko rito nang umupo ako sa tabi nito. “Solana!” kumilos naman ito agad. Mula sa pagkakadapa ay umupo na rin ito. Nakasuot pa ito ng ray-ban shades. “Where is dad?” “Nasa cottage pa. Pero papunta na rin ’yon siya rito,” sagot ko. “Solana, can I ask you something?” mayamaya ay saad nito sa akin. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang tingnan ko ulit ito. “Oo naman. Ano ba ’yon?” tanong ko. Saglit itong bumuntong-hininga at itinaas sa ulo nito ang shades at seryosong tumitig sa akin. “Rhea talked to me earlier,” sabi nito. My face became serious as I stared at her. I didn’t speak, instead I waited for her to speak again. “She told me na sinaktan mo raw siya!” Napabuntong-hininga na rin ako nang malalim at nag-iwas saglit ng tingin kay Ciri. “Nagsumbong pala siya sa ’yo,” sabi ko. “So it’s true? Sinaktan mo nga siya?” Muli akong tumingin dito. “Yeah,” sagot ko. “Pero ginawa ko lang ’yon sa kaniya dahil bigla akong nagalit nang halikan niya ang daddy mo, Ciri.” “What?” kunot ang noo at gulat na tanong nito. “Kagabi, nang dumating tayo sa restaurant at wala roon ang daddy mo, hindi ba’t hinanap ko siya? At nakita ko siyang kausap si Rhea. At nang makita ako ni Rhea na palapit na sa kanila, bigla niyang hinalikan si Rufo. Of course, nagalit ako bigla at hindi ko napigilan ang sarili ko na saktan siya.” Pagpapaliwanag ko. “She deserved it.” Napatitig ako sa mukha ni Ciri. Ano raw? So, does that mean she’s not mad at me because of what she found out? I mean... Ciri doesn’t like Rhea any way. “Nagsumbong siya sa akin kanina. And as I expected... she lied to me again. Ang sabi niya ay wala raw siyang ginagawang mali at bigla mo siyang sinaktan. Oh, hindi talaga mapapagkatiwalaan ang babaeng ’yon!” “Iyon ang sinabi niya sa ’yo?” hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman ito. “Yeah. And... sinisiraan ka pa niya sa akin.” “Bruha talaga ang babaeng ’yon! Nako, mabuti nga at pasalamat siya na iyon lang ang ginawa ko sa kaniya kagabi. Dahil kung hindi ako inawat ng daddy mo... baka naibaon ko siya sa buhangin.” Natawa naman si Ciri sa sinabi ko. “Let’s not talk about her na nga. Masisira pa ang araw natin dahil sa kaniya” Anito. “Come, sa dagat na tayo.” Saad pa nito at kaagad na tumayo. Wala na rin akong nagawa kun’di ang tumayo sa puwesto ko at magkaagapay kami ni Ciri na sumulong sa dagat para puntahan sina Millie at Cathy. Naging masaya at magaan ang bakasyon namin sa Isla Ildefonso. Apat na araw lang, pero sulit na sulit naman ang bonding namin, lalo na kami ni Ciri. Ngayong nagkaroon na kami ng time na makapag-bonding, kahit papaano ay may mga nalaman ako tungkol dito at ganoon din naman ito sa akin. Mas lalong gumaan pa ang pakiramdam ko sa anak ni Rufo. Mukhang wala na nga akong magiging problema kay Ciri. Ang mommy na lamang niya ang kailangang kong problemahin. Si Cathy at Ciri naman, ayos din silang dalawa. Sila na lamang ni Gabby ang hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi pa rin sila okay hanggang ngayon. Hapon na at nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa paligid. Medyo malamig na rin ang simoy ng hangin na nanggagaling sa karagatan. Nang pagkalabas ko sa cottage namin ni Rufo, nakita ko si Gabby na nasa dalampasigan, mag-isang nakaupo sa buhangin habang nakatanaw sa malayo. Naglakad ako palapit dito. “Hindi ka ba nilalamig?” tanong ko. Tumingala naman ito sa akin. “Ate, nariyan ka po pala!” anito. Umupo ako sa tabi ito at nakipag-share ako rito sa shawl na dala ko. “May problema ka ba?” tanong ko rito mayamaya. Hindi naman agad sumagot si Gabby, sa halip ay humugot ito nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. “Wala po ate,” sabi nito. “Sa napapansin ko sa ’yo nitong mga nakaraang araw, at sa klase ng buntong-hininga mo ngayon. Alam kong may pinoproblema ka, Gabby,” sabi ko at binalingan ko ito ng seryosong tingin. Tumingin din ito sa akin. “Come on. Sabihin mo na sa akin kung ano ang problema mo.” “Huwag na ate—” “Gabriella. Ano ang sabi ko sa inyo ni Cathy dati pa?” putol ko sa pagsasalita nito. “Hindi ba kapag may problema kayo dapat ay hindi kayo maglilihim sa akin? Kailangan ay sasabihin ninyo sa akin para hindi na ako mag-alala sa inyo o mag-iisip ng kung anu-ano.” Muli itong bumuntong-hininga nang malalim at saglit na nanahimik. Mayamaya ay tumikhim ito. “Tungkol po sa amin ni Ciri, ate,” sabi nito. Bahagyang nangunot ang noo ko. “Ano ang tungkol sa inyo?” tanong ko ulit. Kagaya kanina, hindi agad ito sumagot at itinapon sa malayo ang tingin nito. “Magsabi ka nga sa akin ng totoo, Gabriella. Tomboy ka ba?” diretsahang tanong ko na. Mabilis naman itong tumingin sa akin. Halos mag-isang linya na ang mga kilay nito. “Ano po? Ate...” gulat na saad nito. “Bakit mo naman po iniisip na tomboy ako?” tanong pa nito. “So... hindi ka tomboy?” “Ate naman, e! Seryoso ako rito, e!” halata sa mukha nito ang pagkainis dahil sa mga sinabi ko. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa sinabi nito. So, hindi nga tomboy ang kapatid ko! “Sorry. E, si Millie kasi... ang sabi niya sa akin baka raw tomboy ka kasi napapansin niya raw ang kakaibang kilos mo. Tapos... isama pa na hindi kayo okay ni Ciri. Simula nang araw na magpunta sa bahay si Rufo at kasama si Ciri, bigla ka na lang nanahimik. Hanggang sa dumating tayo rito, hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo okay ni Ciri. So, parang napaisip na rin ako sa mga sinabi ni Millie sa akin.” Umirap sa akin si Gabby at muling nagbuntong-hininga. “Ate, one hundred percent, babae po ako.” “E... mabuti kung ganoon,” sabi ko. “So, ano nga ang problema sa inyo ni Ciri? Bakit hindi kayo okay? Magkakilala ba kayo dati at naging magkaaway?” “To be honest po Ate Solana... kaibigan ko po si Ciri.” Umayos ako sa aking pagkakaupo at mataman na tinitigan sa mukha si Gabby. Hindi na ako nagsalita at hinintay ko na lang na ituloy nito ang pagkukuwento. “Nagkakilala po kami two years ago nang dumayo kami sa school nila para sa isang activity namin sa school. Since that day, naging magkaibigan kaming dalawa. Tapos, nalaman ko po na may family problem siya. Wala na ang mommy niya tapos ang daddy naman niya ay hindi raw sila okay. Sa lola niya siya nakatira. Pero... hindi ko po alam na si Kuya Rufo pala ang daddy niya at lola niya ’yong matandang matapobre na nagpunta sa atin no’ng nakaraan.” Huminto ito sa pagsasalita at ilang saglit na hindi umimik. “Oh, tapos ano ang nangyari? Bakit hindi kayo okay ngayon?” mayamaya ay tanong ko. Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong-hininga na ito mula pa kanina. Halata sa mukha nito ngayon na malaki nga ang problema sa kanila ni Ciri. “Kilala mo Mateo ate, hindi ba?” Tumango ako. Ang tinutukoy nito ay ang kaklase nitong lalaki na matagal na raw nitong crush. “Gustong-gusto ko siya alam mo ’yon ate. Pero, six months ago... nalaman ko na girlfriend na pala niya si Ciri. Ate, nasaktan ako kasi... alam naman niya na gustong-gusto ko si Mateo, pero naglihim siya sa akin na niligawan pala siya ni Mateo at naging sila. Nalaman ko lang ang tungkol sa kanila nang mabasa ko ang conversation nila nang ipahiram niya sa akin ang cellphone niya. Ate, best friend ko si Ciri tapos matagal ko ng gusto si Mateo. May karapatan naman po siguro akong masaktan dahil sa nangyari, hindi po ba?” malungkot na tanong nito at bigla pang pumiyok ang boses sa dulo. At nang magbaling ito ng tingin sa akin, nakita ko ang mga mata nitong namumula na. Oh, ganoon pala ang nangyari sa kanilang dalawa? Hindi ko inaasahan na may ganito palang ganap sa pagitan nila. Kaya naman pala ganoon na lamang ang pag-iwas at panlalamig ng kapatid ko kay Ciri dahil hindi lang simpleng away ang nangyari sa kanilang dalawa. Nang sunod-sunod na suminghot si Gabby, kaagad kong hinimas-himas ang likod nito. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, ate. She said sorry... tapos nakipaghiwalay agad siya kay Mateo that time. Pero... pero hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang sorry niya. Kasi... sobra akong nasaktan, ate.” Hindi na muna ako nagsalita. Hinayaan ko na munang umiyak ito para mailabas ang sama ng loob nito na panigurado akong matagal na nitong kinikimkim. Pagkalipas ng ilang minuto, nang kumalma na sa pag-iyak si Gabby, pinunasan ko ang mga luha sa pisngi nito at inayos ko ang buhok nito. “Tahan ka na!” “Sorry po ate—” “Wala ka namang kasalanan sa akin, so bakit ka nag-so-sorry?” “Kasi... naglihim po ako.” “Okay lang ’yon. Naiintindihan kita,” sabi ko. “Pero, hindi pa ba kayo ulit nagkakausap ni Ciri tungkol dito?” Umiling ito at bumuntong-hininga ulit. “She tried to talk to me nang dumating po tayo rito. Pero, ayoko na po muna siyang makausap, ate.” “Pero Gabby... hindi magiging maayos ang sitwasyon ninyong dalawa kung patuloy mo lang siyang iiwasan at hindi kayo mag-uusap tungkol sa problema ninyo. I mean, sayang naman ang pagiging magkaibigan ninyo noon. ’Yong mga memories at bonding na ginawa ninyo ng magkasama. Okay lang ba sa ’yo na matapon na lang ’yon lahat?” tanong ko. “At isa pa... magiging isang pamilya na rin tayo. Hindi naman puwedeng okay kami ni Rufo, okay kami ni Ciri, okay sila ni Cathy, tapos kayo... laging mag-iiwasan.” Saad ko pa rito. “Bakit hindi mo subukan na makipag-usap ulit sa kaniya? Pakinggan mo ang paliwanag niya. Kung hindi naman na masakit sa puso mo ’yong mga nangyari dati, kung pakiramdam mo ay maluwag naman na ang dibdib ko kapag narinig mo na ang paliwanag niya, makipag-ayos ka na lang din sa kaniya. I mean, sabi mo nga kanina, nakipaghiwalay agad siya kay Mateo nang malaman mo ang tungkol sa kanila. So, ibig sabihin... na-realized agad ni Ciri na mas mahalaga pala ang pagkakaibigan ninyo kaysa sa relasyon nila ni Mateo.” Pagpapaliwanag ko pa rito. “Mabait naman si Ciri, hindi ba?” Marahan naman itong tumango. Tipid akong ngumiti. “Makipag-usap ka na sa kaniya. Sayang ang pagkakaibigan ninyo kung doon lang ’yon matatapos.” Saad ko pa at ipinilig ko sa balikat nito ang aking ulo. “At masaya ako ngayon na nalaman kong hindi ka nga tomboy.” “Ate!” Tumawa lamang ako dahil sa pagkainis nito sa sinabi nito. “May tomboy bang kayang magsuot ng two piece bikini sa beach, ate?” inis na tanong pa nito sa akin. Muli akong natawa. “Oo nga ’no!” sabi ko. “Tumahan ka na! Lalo kang papanget niyan.” “Salamat po, ate. Kahit papaano, gumaan po ang pakiramdam ko ngayon.” “Basta, huwag ng maglilihim sa akin, okay?” “I love you, Ate Solana!” “Mahal din kita, Gabby.” Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gabby, nauna na rin akong bumalik sa cottage namin ni Rufo. Saktong pagkapasok ko ay nadatnan ko siyang nakahiga sa kama at may hawak na libro. Nakasuot pa siya ng salamin. Ugh, bagay na bagay talaga sa kaniya ang ganoong ayos! Ngumiti ako sa kaniya saka naglakad palapit sa kabilang parte ng kama. He immediately closed the book he was holding and placed it on the bedside table, then immediately pulled me closer to him. “Looks like you and Gabby had a long talk,” he said. Umunan ako sa braso niya habang nakayakap sa kaniya ang isang braso ko. Nakayakap din siya sa akin. “Yeah,” sagot ko. “Actually, si Ciri ang pinag-uusapan namin.” Bahagyang nangunot ang noo niya. “Babe, matagal na palang magkaibigan sina Ciri at Gabby.” Saad ko. “Really? How come?” tanong niya. Ikinuwento ko naman sa kaniya ang mga napag-usapan namin ni Gabby kanina. “That’s why they avoid each other,” sabi niya. “Sinabi ko nga kay Gabby na makipag-usap na siya kay Ciri para maging okay na sila.” “Yeah. Sayang ang pagkakaibigan nila.” “Sinabi ko rin ’yon sa kaniya,” sabi ko. “Sana lang ay makinig siya sa mga sinabi ko para wala ng problema sa kanilang dalawa.” “Don’t worry, baby. Magiging okay rin silang dalawa.” “Sana nga, babe.” Bumuntong-hininga ako at sumiksik sa kilikili niya. “So, what are we going to do now, baby?” mayamaya ay tanong niya sa akin. Tumingala naman ako sa kaniya. He quickly planted a firm kiss on my lips, to which I responded. Our lips met for a few moments before he released me. “Let’s make love again, baby!” “Katatapos lang kanina, e! Hindi ka na nagsawa, Mr. Montague.” Nakangiting saad ko at bahagyang pinalo ang dibdib niya. “Oh, you know I will never get tired of making love with you. I love you.” Tumawa ako dahil sa kilig na bigla kong naramdaman sa kaibuturan ko. “Oo na. Iyan lagi ang magic word mo sa akin,” sabi ko na lamang sa kaniya. Mabilis siyang kumilos. Inihiga niya ako sa kama at kinubabawan niya ako. Muli niyang hinagkan ang mga labi ko. “This is our last night here in Isla Ildefonso. Baka puwedeng... masolo na kita buong gabi? This is your p*****t to me for bringing you here.” Tumaas ang isang kilay ko. “Aba! At kailangan ko pa palang magbayad sa ’yo dahil isinama mo kami rito?” kunwari ay mataray na tanong ko sa kaniya. Lumapad naman ang ngiti sa mga labi niya. “Of course, baby. Wala ng libre sa mundo ngayon.” “Para-paraan ka talaga ano, Mr. Montague?” napahalakhak na ako. “So is it a yes?” “May magagawa pa ba ako kung nasa ibabaw na kita ngayon?” sa halip ay balik na tanong ko sa kaniya. “That’s what I love to hear from you, baby.” Aniya at muli niyang inangkin ang mga labi ko. Mabilis kong ipinulupot sa leeg niya ang mga braso ko at buong puso na tinugon ang mga halik niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD