CHAPTER 5

1699 Words
“JUST... stay here for awhile,” sabi ko sa kaniya nang nasa Show Room na kami. “May kakausapin lang ako sa labas.” Dagdag ko pa. Tumango naman siya sa akin kaya kaagad akong tumalikod at muling lumabas sa silid na iyon at nagmamadali akong naglakad papunta sa dressing room. Pero hindi pa man ako nakakarating doon ay nakasalubong ko na si Mama Lu. “Soli? What are you still doing here?” nagtatakang tanong nito sa akin. “Akala ko ba nakauwi ka na?” “Um,” saglit akong tumikhim. “May... may nakalimutan lang po ako sa dressing room kaya bumalik ako, Mama Lu.” That’s true. Nakasakay na ako kanina sa private vehicle ni General Acosta dahil ipinahatid ako nito kanina pagkatapos naming mag-usap sa VIP room, pero muli akong nagpahatid pabalik dito sa DC kasi nakalimutan ko ang isang bag ko na nilalagyan ko ng damit pamalit ko pagkatapos ng trabaho ko rito. Tapos nang dumating naman ako rito kanina, hindi ko sinasadyang nakasalubong ko ang lalaking iyon... si Rufo, and then he asked me if I’m available tonight. Actually, kapag ganitong tapos na ang trabaho ko rito sa Diamond Club I don’t entertain customers anymore, but when he asked me earlier, I didn’t hesitate to agree, and I even took him to the Show Room. “What? Ano ba ang nakalimutan mo?” tanong ulit sa akin ni Mama Lu. “’Yong bag ko. Nandoon kasi ang cellphone ko.” Pagdadahilan ko na lamang. Bumuntong-hininga naman ito. “Okay. Kunin mo na at umuwi ka na para makapagpahinga ka na.” Anito at akma na sanang maglalakad upang iwanan ako, pero hinawakan ko naman ang braso nito. “Mama Lu.” “Bakit?” nagtatakang tanong ulit nito sa akin. Nagsalubong pa ang mga kilay nito. “Um, I... I have customer,” sabi ko. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito. “Huh? Tumanggap ka pa ng customer? E, tapos na ang oras mo rito.” “E,” hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko rito. Hindi ko naman puwedeng idahilan na gusto ko ’yong lalaki kaya pumayag ako na kunin nito ang oras ko kahit tapos na ang oras ng trabaho ko ngayong gabi. “Nasaan ang customer mo?” tanong ulit nito. “Nasa Show Room po.” Tiningnan naman nito ang suot na wristwatch. “Okay. Ako na ang kakausap kay Madam Deb.” Ngumiti naman ako dahil sa sinabi nito. “Thank you, Mama Lu.” Humalik pa ako sa pisngi nito. “Malakas ka sa akin, e!” nakangiting wika nito. “Sige na, kunin mo na kung ano ang naiwan mo sa dressing room at balikan mo na ang customer mo.” “Thanks.” Pagkasabi ko niyon ay nagmamadali na rin akong nagtungo sa dressing room at hinanap ang bag ko. Naroon pa naman iyon sa may vanity ko. Nang makuha ko iyon ay muli akong lumabas sa silid na iyon at bumalik ako sa Show Room. When I got in there, he suddenly turned in my direction. And just like when I first saw him earlier, my heart suddenly beat faster. I slowly entered and closed the door. He also stepped closer to me until the space between us was only two steps when he stopped. “I, I’m sorry for... kept you waiting.” “It’s okay,” aniya. “Let’s have a sit.” Saad pa niya at inilahad niya sa akin ang kamay niya. Hindi naman ako nag-alinlangang tanggapin iyon saka niya ako iginiya papunta sa mahabang sofa. When we were both sitting there, neither of us spoke. We were both silent. Ewan ko ba, sa lahat naman ng naging customer ko rito, simula nang maging kumportable na akong umupo at maki-table sa mga customer ko ay hindi pa naman ako natameme at nawalan ng sasabihin. But now, not a single word wants to come out of my mouth. I can also feel my heartbeat getting stronger. I can’t explain what it means. Because in my whole life, I only felt this now. “How are you?” Napatingin ako ulit sa mga mata niya nang marinig ko ang tanong niya. Damn. Ang ganda talaga ng kaniyang mga mata. Sa ilang beses na napatitig ako roon simula kanina, I still feel the same way. I feel like I’m still drowning in his gaze. “I, I’m good.” Sagot ko. “How long have you been working here?” “It’s been a year.” “Oh? So, you have many customers.” Saad niya. Tumango naman ako kasabay niyon ang pagbaba ng tingin ko. “I know your work is done tonight, so I’m sorry if I took up your time.” Muli akong tumingin sa kaniya. “You saw me earlier, right?” tanong niya ulit. Dahan-dahan naman akong tumango. “Y-yeah.” Humugot naman siya nang malalim na paghinga saka iyon pinakawalan sa ere nang mag-iwas siya ng tingin sa akin. Kumilos siya palapit sa mesa at dinampot niya ang naroong bote ng alak at nagsalin siya sa old fashion glass. “Do you drink?” “Yeah.” Nagsalin din siya sa isa pang baso at pagkatapos ay ibinigay niya iyon sa akin. “Thank you.” Saad ko at tipid na ngumiti. “This is my first time coming here,” sabi niya. Yeah. Sabi ko na nga ba. Kasi hindi familiar sa akin ang mukha niya. “Kaibigan ka ni Ricos?” “Mmm.” Aniya. “He also forced me to come here tonight. And I think I should thank him.” He said and met my eyes again. “Because if I don’t come here tonight, I won’t be able to see and meet you.” Thank you at pumunta ka. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya, kasi maging ako man ay natuwa rin dahil nakilala ko siya ngayong gabi. And, thank you kasi naiwan ko ang bag ko sa dressing room, kaya nagkaroon ako ng dahilan upang bumalik dito. “I think I like you.” Nabigla ako sa sinabi niya. Ano raw? He likes me? Pero, kanina lang naman kami nagkita at nagkakilala! Ah, baka ang gusto niyang sabihin ay like niya akong... maidala sa kama niya! Hindi naman na iyon bago sa akin. Simula pa man ay parati ko ng naririnig iyon sa mga nakaka-table ko. Pero wala pang ni isa ang nakuhang isama ako sa labas at dalhin sa ibang lugar. Ngumiti naman ako sa kaniya. “My price is expensive, sir.” Saad ko. Kumilos siya sa kaniyang puwesto at bahagyang humarap sa akin. “In all my life, among the many women I’ve met, not a single one has given my body a strange heat. While I was watching you dancing on stage earlier, my body reacted differently. And that’s irritating for me.” He uttered. Seryoso lamang akong nakatitig sa mga mata niya kahit parang hindi ko na kakayanin na tumagal sa ganoong pakikipagtitigan sa kaniya. “Ask me why?” saad niya mayamaya. Nagkibit naman ako ng mga balikat ko habang hindi pa rin inaalis ang paningin ko sa kaniya. “W-why?” tanong ko. “Because my body doesn’t heat that easily, even if I see a naked woman in front of me. Even if I see a woman pleasuring herself in front of me. But you... you did nothing but dance on stage, but you gave my body a strange warmth. And since earlier, you haven’t been out of my mind.” Oh, hindi ito ang unang beses na nakarinig ako ng diretsahang mga ganitong salita, pero ewan ko ba, the longer I stared into his eyes full of desire and lust while staring at me too, I gradually felt a strange warmth in my body. Que horror! Mayamaya ay napatingin ako sa kamay niyang pumatong sa isang hita ko. Pakiramdam ko nagtayuan bigla ang mga balahibo ko roon. “I’m ready to pay any amount, just satisfy me, Solana. Just get rid of the heat from my body that you are the reason why I’m feeling it right now.” At nang banayad na humaplos ang palad niya sa hita ko, bigla kong nahigit ang aking paghinga at napapikit ako nang mariin. Damn. Ano ba itong nararamdaman ko ngayon? Hindi naman ako madaling maapektohan ng ganito kahit ilang lalaki na ang sumubok na kunin ako, pero siya, sa mga titig, sa mga salita at haplos niya... “Pleasure me, Solana.” Muli akong nagmulat ng aking mga mata nang marinig ko ulit ang boses niya. At sa mga sandaling iyon, dahan-dahan ng bumababa ang mukha niya papunta sa akin. Oh, God! What should I do? Hindi ko magawang tumutol ngayon sa ginagawa ng lalaking ito sa akin. Because I didn’t know what to do now, I suddenly closed my eyes again and just waited for our lips to meet. Pero mayamaya ay muli rin akong napamulat nang marinig ko ang ingay ng cellphone. It’s probably not mine. Kasi iba ang ringtone. “Damn it.” Napamura pa siya nang lumayo siya sa akin at pagkuwa’y dinukot niya iyon mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Saglit niya iyong tiningnan bago pinatay. Bumuntong-hininga pa siya nang malalim. “Do you have bank account?” tanong niya. Saglit na nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Pero sa huli ay napatango na rin ako. Mabilis niyang binuksan ulit ang cellphone niya at may kinalikot doon. At mayamaya, ibinigay niya iyon sa akin. “Put your bank account number,” aniya. “Huh?” Teka, babayaran niya agad ako? E, hindi pa naman ako pumapayag sa sinabi niya kanina, a! “I have something important to go to so we can’t do what I want to happen tonight. So, I’ll just pay you in advance and tomorrow night, come to my place.” “What? Pero hindi pa ako pumapayag sa—” “I’ll pay you one milion. Or, how much do you want?” tanong niya dahilan ng pagkaputol ng pagsasalita ko. Hindi ako nakapagsalita sa halip ay napatitig na lamang ako sa kaniya. One million for one night?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD