“ATE, kakarating mo lang po?”
Kunot ang noo na napatingin ako sa kapatid kong nakahiga sa sofa. Kapapasok ko lang sa sala. Medyo dim lang ang ilaw dahil nakapatay na ang ibang ilaw rito sa sala.
“Bakit nandito ka sa labas, Cat? Diyan ka ba natulog sa sofa?” kunot ang noo na tanong ko pa nang maglakad na ako palapit dito.
Bumangon naman ito at umupo at niyakap ang makapal na kumot. “Hinihintay po kasi kita, e!” anito.
Umupo ako sa tabi nito. Bunso naming kapatid itong si Cat. And she’s sixteen years old only. Nasa junior high school pa lang samantalang si Gabby naman ay eigthteen na at nasa first year college. Itong dalawang kapatid ko talaga ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako simula nang iwanan kami ng mga magulang namin. Kahit mahirap ang buhay ay kinakaya ko masuportahan ko lang sila, lalo na ang pag-aaral nila. Kasi ayoko namang mahinto sila sa pag-aaral maging ang pag-abot sa pangarap nila dahil lamang sa wala na kaming magulang. Kaya nga pikit-mata kong tinanggap ang trabaho ko sa Diamond Club para lamang maka-survive kami. Kasi wala namang may tutulong sa amin kun’di ang mga sarili lamang namin. Walang ibang tutulong sa akin kun’di ang sarili ko lamang.
“Bakit?” tanong ko.
“E ate, kailangan ko po kasi ng pera.”
“Why?”
“May babayaran po kasi kami bukas sa school.” Anito.
“Sana ipinagpabukas mo na lang. Hindi ka na sana nagpuyat. Ano’ng oras na, o!” Sabi ko pa.
“E ate, bukas po pagkagising ko masarap pa rin ang tulog mo. Hindi naman po kita puwedeng isturbuhin bago ako pumasok sa school.”
Napangiti naman ako. Oo nga pala. E, isa iyon sa pinakaayaw ko talaga. ’Yong iisturbuhin ang tulog ko ng napakaaga pa.
“So, may pera ka po ngayon, ate?” tanong nito ulit sa akin.
Kaagad kong binuksan ang bag ko na nasa ibabaw ng lap ko. Kinuha ko roon ang wallet ko at naglabas ng pera. “Oo naman. May pera ako ngayon kasi kakasahod ko lang,” sabi ko. “Magkano ba ang bayarin mo sa school?”
“Five hundred po ate, kasama na po ang ibang projects na kailangan kong bilhin.”
Kumuha ako ng one thousand sa wallet ko at ibinigay ko iyon sa kapatid ko. “Ito. Sa ’yo na rin ang iba riyan. Baon mo.”
Kaagad naman itong yumakap sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko. “Thank you, ate. Kaya love kita, e!”
Napahagikhik naman ako. “Sus! Binola mo pa ako. Sige na, umakyat ka na sa kwarto at matulog ka na.”
Kaagad naman itong tumayo. “Good night, ate. I love you.”
“I love you.”
Saka ito pumanhik sa hagdan habang yakap-yakap ang malaking kumot. Ako naman ay tumayo na sa puwesto ko at naglakad papunta sa kusina upang magtimpla ng gatas. Routine ko na talaga ito kapag uuwi ako sa bahay ng late, para madali akong makatulog.
Pagkatapos kong magtimpla ay umupo ako sa kabisera at tahimik na ininom ang gatas ko. At mayamaya ay biglang sumagi sa isipan ko si Rufo, maging ang nangyari kanina sa loob ng Show Room, ang muntikan na nitong paghalik sa akin, lalo na ang isang milyon na ibinayad niya sa akin para lang sa isang gabi na pagpapaligaya ko sa kaniya. Oh, until hindi pa rin iyon nagsi-sink in sa utak ko. I mean, malaking halaga iyon ng pera para lang sa isang gabi na trabaho. Pero... paano ko naman magagawang paligayahin siya kung wala naman akong experience pagdating sa bagay na iyon?
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere saka ako sumandal sa silya at marahang hinilot ang sentido ko.
“In all my life, among the many women I’ve met, not a single one has given my body a strange heat. While I was watching you dancing on stage earlier, my body reacted differently. And that’s irritating for me.” He uttered. “Ask me why.”
“W-why?”
“Because my body doesn’t heat that easily, even if I see a naked woman in front of me. Even if I see a woman pleasuring herself in front of me. But you... you did nothing but dance on stage, but you gave my body a strange warmth. And since earlier, you haven’t been out of my mind. I’m ready to pay any amount, just satisfy me, Solana. Just get rid of the heat from my body that you are the reason why I’m feeling it right now.”
Muling sumagi sa isipan ko ang mga sinabi niya sa akin kanina. And just like earlier, I once again felt the heat of my whole face, even my body.
Damn. Hindi ko alam na ganoon pala kabilis ang naging epekto ko sa kaniya.
“Pleasure me, Solana.”
I closed my eyes tightly when I heard his husky and sexy voice again.
Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ganito ang epekto niya sa akin. Ang puso ko, hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit ganoon ang kabog niyon.
“One million, Solana. If that money is not enough for you just to agree to what I want, dadagdagan ko pa ’yan pagkatapos.”
“Pero—”
“I don’t take no for an answer.”
Hindi na ako nakapagsalita nang may iabot siya sa aking maliit na papel. “Here’s my address. I’ll wait for you there, tomorrow night.”
Wala sa sariling dinukot ko ang aking cellphone na nasa bulsa ng pantalon ko at binuksan ko ang online bank account ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang may pera ako ngayon na nagkakahalagang isang milyon.
Muli akong napahugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Pagkatapos ay pinatay ko ang cellphone ko at dinampot ko ang baso na nasa harapan ko at inubos ko kaagad ang gatas ko at pagkatapos ay pumanhik na rin ako sa kwarto ko.
“NARINIG mo na ba ang balita, bes?”
Nangunot ang noo ko at napatingin kay Millie, ang best friend ko sa school simula pa man noong first year college pa lang kami. Naglalakad na kami ngayon papunta sa classroom namin.
“Ano’ng balita?” tanong ko.
“Hindi ka ba nag-back read sa GC natin kagabi?” sa halip ay balik na tanong nito ulit.
Umiling lang ako habang nginunguya ang cupcake na ibinigay nito sa akin kanina nang nasa gate pa lang kami. Hindi kasi ako nakapag-almusal kanina bago ako umalis sa bahay dahil nagmamadali na ako. Late na kasi akong nagising kanina.
“Ikaw talaga, matatapos na lang tayo sa college pero never kong nakita ang pangalan mong sumilip sa mga GC natin simula umpisa. ’Yong totoo, ano ba ang silbi ng account mo? Bakit ka pa sumali sa group chat natin kung hindi ka naman pala nagbabasa ng mga important announcement?” Inirapan pa ako nito.
“Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganiyan. Ayoko ng may maingay sa cellphone ko.” Saad ko.
Umismid ito ulit. “Paano ka na lang kung hindi mo ako kaibigan? E ’di walang may magchi-chika sa ’yo about sa mga balita na nangyayari dito sa school.”
“Just tell me what’s the news is, Millie. Huwag mo na akong pangaralan about diyan,” sabi ko pa.
Bumuntong-hininga naman ito nang malalim. “Well, kagabi nagbigay ng announcement si Arisa sa GC natin na isinugod daw sa ospital si Mr. Santos.”
Napahinto ako sa paglalakad ko at napaharap ako rito. “What? Bakit? Ano raw ang nangyari?” gulat na tanong ko. Kahit naman kasi minsan na akong napapagalitan ni Mr. Santos sa klase nito ay naging mabait din naman sa akin ang matandang Professor namin.
“E, ang sabi niya, inatake raw sa puso si Mr. Santos.”
“My God! Kawawa naman si Mr. Santos.”
“Kaya nga.” Anito. “Let’s pray for him na lang para sa mabilis na paggaling niya.”
“So wala tayong pasok ngayon sa subject ni Mr. Santos?” tanong ko.
“Mayroon. Kasi nag-announced din si Arisa kaninang madaling araw na may temporary na papalit kay Mr. Santos.”
Napatango na lang ako saka nagsimulang maglakad ulit, hanggang sa makarating na kami sa room namin.
Pagkapasok pa lamang namin sa room, dinig ko na ang usap-usapan tungkol sa professor namin, kung ano raw ang nangyari kay Mr. Santos. Tahimik na umupo na lang ako sa puwesto ko at nakinig sa mga tsismis ng mga kaklase ko.
“Bes,”
Napalingon naman ako kay Millie na nasa likuran ko nakaupo. “Bakit?”
“May assignment ka ba sa Logistic?” tanong nito sa akin.
“Hindi ka na naman gumawa?” kunwari ay iritadong tanong ko. Ugali kasi talaga ng babaeng ito, tamad!
Ngumiti ito sa akin ng malapad. “Nakalimutan ko kasi... may date kami ni H kagabi.”
“Ayan, mas inuna mo pang makipag-date kaysa unahin ang assignment mo.”
“Pakopya ako mamaya, a!”
“Mamaya na lang,” sabi ko at saka muling umayos sa puwesto ko.
Pero sa sandaling napatingin ako sa may pintuan, pakiramdam ko biglang nag-slow motion ang buong paligid ko at ang puso ko ay saglit na huminto sa pagtibok nang makita ko ang pamilyar na mukha ng lalaki na papasok sa classroom namin.
He’s wearing white long-sleeve polo and black trousers habang may bitbit naman siyang isang itim na bag.
Nangunot ang noo ko habang sinusundan ko siya ng tingin. At kagaya ko, nanahimik din bigla ang mga kaklase ko.
What is he doing here? Bakit siya nandito sa classroom ko?
Iyon ang tanong na naglalaro sa isipan ko habang nakatitig ako sa kaniyang mukha. As in, hindi ko magawang kumurap manlang habang titig na titig ako sa kaniya.
At nang nasa tapat na siya ng mesa, nang mag-angat siya ng kaniyang mukha, biglang nagsalubong ang aming mga mata. And just like me, nagsalubong din ang kaniyang mga kilay nang makita niya ako. Base on his ficial expression, nagtatanong siya kung bakit ako narito.
Damn. Don’t tell me, he’s... he is our new professor?