MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan sa ere ni Rufo pagkuwa’y bumangon siya sa kaniyang kama at naglakad siya palapit sa kaniyang refrigetator. Binuksan niya iyon at kinuha niya roon ang pitcher na may lamang malamig na tubig at nagsalin siya sa high ball glass. Nang maubos niya ang isang baso ay muli siyang nagsalin doon at muling ininom iyon.
It was twelve midnight, but he still couldn’t sleep. Every time he closes his eyes, he sees the face of that woman while she is on stage and dancing. Ewan ba niya, ganoon nga siguro ang naging epekto sa kaniya ng babaeng ’yon kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mawala-wala sa kaniyang sistema. Maging ang kakaibang pakiramdam na nabuhay sa loob niya, ang init ng kaniyang naramdaman kanina, hanggang ngayon ay naroon pa rin.
“Damn!” tiim-bagang na usal niya at nagparoo’t parito siya nang lakad habang panay ang hagod ng palad niya sa kaniyang batok at ang isa naman ay nasa baywang niya. “Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit hindi na nawala sa isipan ko ang babaeng ’yon?” tanong niya sa kaniyang sarili.
He let out a deep breath again. Hindi na niya mabilang sa totoo lang magmula kanina kung nakailang buntong-hininga na siya. At sa ganitong oras, dapat ay natutulog na siya dahil maaga pa siyang gigising bukas para sa kaniyang trabaho. Pero heto siya, hindi pa rin dinadalaw ng kaniyang antok. Dilat na dilat pa rin ang kaniyang mga mata at naguguluhan ang kaniyang isipan.
He closed his eyes tightly, and just like earlier, ang nakangiting mukha na naman ng babae ang kaniyang nakita kaya bigla rin siyang nagmulat.
“f**k!” usal niya at nagmamadaling naglakad pabalik sa kaniyang kama at nagbihis. He picked up his car key that was on the bedside table and got out of his pad.
Makalipas ang ilang sandali, namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na nasa labas na naman ng Diamond Club. He sat quietly in the driver’s seat as he looked at the entrance of the club. Tila ba may inaabangan o hinihintay ang kaniyang mga mata na taong lalabas mula roon. Pero makalipas pa ang ilang minuto, buntong-hiningang tinanggal niya ang kaniyang seatbelt at kinuha niya mula sa dashboard ang black card na ginamit niya kanina para makapasok sa club. Umibis siya sa kaniyang sasakyan at walang pagdadalawang-isip na naglakad siya palapit sa entrance ng club.
“Patingin lang po ng card, sir!” Anang malaking bouncer na nagbabantay roon.
Ipinakita naman niya rito ang hawak na black card, saka siya pinapasok.
Habang naglalakad sa loob ng club ay iginagala rin niya ang kaniyang paningin sa buong paligid, nagbabakasakali siyang makita ulit ang babae na kanina pa gumugulo sa kaniyang isipan. Pero bigo siyang makita ito roon.
Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa puwesto nila ni Ricos kanina. Roon siya umupo at kaagad din naman siyang nilapitan ng isang waiter.
“Good evening, sir. May I take your order, please!”
“Um,” tumikhim pa siya. “One dry vermouth, please.”
“Okay, sir.” Anang waiter at kaagad namang umalis sa harapan niya.
He looked around again, and he sighed and leaned his back on the chair.
Where is she? Is she still here?
Damn. Bakit ngayon lamang pumasok sa isipan niya ang tanong na iyon? Baka wala na rito ang babaeng gusto niyang makita!
“Here’s your drink, sir.”
Kaagad na umangat ang likod niya mula sa pagkakasandal sa sofa at tiningnan ang waiter. “Can I ask you a question!” Aniya.
“Ano po ’yon, sir?” tanong ng waiter.
Saglit siyang tumikhim ulit. “Um, nandito pa ba ang babaeng nagsayaw kanina? I mean, the woman wearing the red mask.” Saad niya.
“Ah, si Soli po, sir?” anito.
“Yeah.” Aniya nang maalala niya ang sinabing pangalan ni Ricos sa kaniya kanina. “Nandito pa ba siya?”
“Nako, sir, hindi po ninyo naabutan. Kakaalis lang po ni Soli. Hanggang alas dose lang po kasi siya rito at pagkatapos ay umuuwi na rin siya.” Anito.
Wala sa sariling napatingin naman siya sa suot niyang wristwatch. And it’s almost one in the morning.
“Ganoon ba?”
“Opo, sir.”
“Okay, thank you.” Saad na lamang niya.
“Enjoy your drink, sir.” Anang waiter saka ito tumalikod at iniwan na siya.
Bumuntong-hininga naman siya nang malalim saka dinampot ang baso ng kaniyang alak at kaagad iyong dinala sa kaniyang bibig. Inisang lagok niya ang laman niyon at kaagad din siyang tumayo sa kaniyang puwesto. Dinukot niya ang kaniyang wallet at kumuha roon ng pera at inilapag niya iyon sa mesa.
Wala naman na roon ang pakay niya kaya hindi na siya magtatagal doon. Oh, gusto niya tuloy pagtawanan ang kaniyang sarili ngayon. Ano ba ang nangyayari sa kaniya at bumalik pa siya roon para lang makita ulit ang babaeng iyon?!
Naglakad na siya upang muling lumabas sa lugar na iyon. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa entrance ay may babae siyang nakabangga kaya napahinto siya sa kaniyang paglalakad.
“Sorry, miss.” Paghingi agad niya ng pasensya sa babae.
“I’m sorry. I’m sorry.” Anang babae at nagmamadali pa itong yumuko upang damputin ang maliit nitong bag na nahulog sa sahig.
Yumuko rin siya upang tulungan ito. At sa hindi sinasadyang pangyayari, ang kamay ng babae ang kaniyang nahawakan at sakto nang tingnan niya ito ay tumingin din ito sa kaniya. The moment their eyes meet, bigla na lamang siyang napatulala nang mapatitig siya sa magandang mukha ng babae. Ang babaeng kanina pa gumugulo sa isipan niya. Damn. She’s so beautiful. He wasn’t sure what color her eyes were because of the red light inside the club. But he was sure that he was suddenly fascinated because of those beautiful, tantalising and sparkling pairs of eyes. She has long eyelashes and beautiful eyebrows. Her nose is pointed and her lips are shaped like a heart and were red because of the lipstick she used. Her brown and slightly curly hair was just below her shoulders.
Ricos was right when he told him earlier that she’s so damn hot.
BIGLA AKONG natigilan nang pagka-angat ko ng aking tingin ay ang mukha ng lalaking ito ang kaagad kong nakita.
Oh, God! Kung kanina nang makita ko siya mula sa malayo ay nagwapohan na ako sa mukha niya, mas lalo pa pala siyang guwapo sa malapitan.
And I was right when I told myself earlier that he has a perfect handsome face. Makapal ang kaniyang mga kilay na bagay na bagay sa kaniya. Malalim at namumungay ang kulay gray niyang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong. Medyo manipis ang kaniyang mga labi na bagay lamang din sa kaniya. And he has a well-defined jawline. Bagay rin sa kaniya ang manipis na balbas at bigote niya.
Shit. Sa tanang buhay ko, ngayon lang talaga ako nakakita ng mukha ng lalaki na halos perfect na para sa paningin ko.
And his smell. Amoy na amoy ko ang kakaibang bango ng kaniyang perfume. I have met and talked to many men, so I have smelled almost every type of perfume inside this club. Pero ang kaniyang perfume, kakaiba at ngayon ko lamang iyon naamoy. I can’t tell what kind of smell it is, but it doesn’t hurt my nose.
“I’m sorry, miss.”
Oh, s**t. His voice. Husky yet super sexy. Bagay na bagay sa hitsura niya ang boses niya. So manly.
Wala sa sariling napalunok tuloy ako ng aking laway at dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko kasabay niyon ang unti-unting pag-angat namin.
Mayamaya ay napatingin ako sa kamay niyang hawak-hawak ko. Napapahiyang bigla ko iyong nabitawan.
“I... I’m... I’m sorry.” Kanda utal na usal ko.
“No. I’m sorry. Ako ang nakabangga sa ’yo.” Aniya. “Here’s your bag.”
“T-thank you,” wika ko at nag-aalangan pang kinuha iyon mula sa kaniya.
“I’m Rufo, by the way.”
Nabigla man ako dahil sa pagpapakilala niya sa akin, kaagad ko rin namang tinanggap ang kamay niya at nakipag-shake hands ako sa kaniya.
“S-Solana. I’m Solana.” Pagpapakilala ko rin sa kaniya at muling tipid na ngumiti at pagkuwa’y bahagya akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Damn. Nakakailang makipagtitigan sa mga mata niya. Parang feeling ko kasi ay nalulunod ako.
“Nice to meet you... Solana.”
“My pleasure.”
Naramdaman ko pa ang masuyong pagpisil niya sa palad ko na bahagyang ikinakislot ko kasabay nang kakaibang kiliti na biglang sumibol sa kaibuturan ko.
“T-thank you again.” Usal ko at masuyong binawi ang kamay ko mula sa kaniya nang hindi niya pa rin ako binibitawan.
“I’m sorry,” aniya.
Ngumiti lang ako ulit. At akma na sana akong hahakbang upang umalis na sa harapan niya, pero bigla rin akong napahinto nang hawakan niya ako sa braso ko.
“Wait,” sabi niya.
Muli akong napaharap sa kaniya. “B-bakit?”
Ilang segundo niya akong pinakatitigan sa mga mata ko bago bumaba ang paningin niya sa tapat ng dibdib ko. Dahil sa ginawa niyang iyon, napatingin na rin ako sa dibdib ko. Wala sa sariling umangat tuloy ang kamay ko upang bahagyang itaas ang tube na suot ko. Bahagya na kasing nakikita ang itaas ng dibdib ko.
Tumikhim siya at muling sinalubong ang aking mga mata. “Can I talk to you? I mean, are you... are you free?”
Oh, alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.