CHAPTER 7

2012 Words
“GOOD MORNING EVERYONE!” Bahagya kong nahigit ang aking paghinga saka ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. Oh, holy lordy! Siya nga ata talaga ang new Professor namin! Siya ang papalit kay Mr. Santos. “Oh, girl, is he our new prof?” “My God! Ang guwapo.” “Ang hot pa, girl.” Dinig kong bulung-bulungan ng mga classmate kong babae. Mga nagpipigil pa sa kilig at mapatili habang nakatingin kay Rufo, I mean, Sir Rufo? Well, he’s our new professor. “Bes, ang gwapo ng bagong prof natin,” dinig kong wika rin ni Millie mula sa likuran ko. “Ang yummy!” “Zzzttt! Millie, manahimik ka nga riyan!” Saway ko rito at magkasalubong pa ang mga kilay ko nang lingunin ko ito. “I just can’t help myself from praising him. I mean, ngayon lang ako nakakita ng hot and yummy professor in all my life, Solana.” Humagikhik pa ito at muling tumingin sa unahan. Lihim na lamang akong nagbuntong-hininga nang malalim saka dahan-dahang tumingin din sa unahan. God, sana lang hindi niya ako mamukhaan, I mean, dim naman kasi ang ilaw kagabi sa club maging sa Show Room kaya sana hindi niya ganoong maalala ang mukha ko. Nakita ko siyang tumalikod at nagsulat sa white board. Rufo Montague. That’s his name? Oh, damn. Pati pangalan lalaking-lalaki. Bahagya akong nag-side view nang humarap siya ulit. “I’m Rufo Montague, your new temporary Professor.” Pagpapakilala niya habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa amin. “I guess you guys already knew about what happened to Mr. Santos, right?” tanong niya. Nagtaas naman ng kamay si Arisa. “Yes, miss?” “Kim,” sagot nito habang may malapad na ngiti sa mga labi. Halatang nagpapa-cute. “I’m Arisa Kim, Mr. Montague. The class president.” Anito. “Alam na po namin ang tungkol sa nangyari kay Mr. Santos. Ang hindi lang namin alam at inaasahan ngayon ay ang pagpunta ninyo rito, Mr. Montague. I mean, hindi po kami na inform na...” anito at saglit na huminto sa pagsasalita. “Guwapo at hot professor po pala ang papalit kay Mr. Santos.” Lihim akong napairap dahil sa sinabi ni Arisa. Kahit kailan talaga ang babaeng ito, basta guwapo ang lalaki ay magpapa-cute agad ito. His facial expression didn’t change when he looked around again, until his eyes landed in my direction. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Oh, nakakahiya sa kaniya. Ano na lamang ang iisipin at sasabihin niya sa akin mamaya kapag nagkita kami sa bahay niya? Binuksan niya ang kaniyang bag at may kinuha siyang libro doon. “Before I start our discussion, I would like you to introduce yourselves to me para maging familiar ako sa bawat isa sa inyo. Let’s start with you.” Aniya at itinuro ang isang classmate namin na nasa pinakaunang upuan sa first row. Isa-isa namang nagpakilala sa kaniya ang mga classmate ko, habang tahimik at seryoso lamang siyang nakatingin sa bawat nagpapakilala sa kaniya. Hanggang sa ako na ang susunod na magpapakilala sa kaniya. Oh, mas lalong lumakas ang pagkabog ng puso ko nang muling magtama ang mga mata namin. Lihim at banayad akong nagbuntong-hininga saka dahan-dahang tumayo sa puwesto ko. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya nang diretso. Nahihiya kasi talaga ako sa kaniya. “I’m waiting miss...” aniya. Muli akong napatingin sa kaniya. Oh, holy lordy! Naroon na naman ang feeling ko na parang nalulunod ako sa mga titig niya. Damn. May distansya naman sa pagitan namin, but why do I still feel this way? Para hindi ako ma-distract sa mga titig niya, itinuon ko ang aking paningin sa white board na nasa likuran niya. “I, I’m Solana... Solana Marinduque, Mr. Montague.” Pagpapakilala ko. “Solana, what a nice name!” aniya kaya muli akong napatitig sa mga mata niya. “You may take your sit Ms. Marinduque.” Pagkuwa’y saad niya mayamaya. Kaagad naman akong napaupo na tila biglang naubos ang lakas ng mga tuhod ko. Huminga rin ako nang malalim at pinilit kong ituon ang paningin ko sa likuran ng upuan na nasa unahan ko. Nang matapos kaming magpakilala sa kaniya, nagsimula na rin siyang mag-discus tungkol sa topic na iniwan ni Mr. Santos kahapon. Oh, I really hate this subject, pero wala naman akong magagawa kasi major subject namin ito kaya kailangan ay matutunan ko rin ito kung ayaw kong bumagsak. Sabi nga ni Mr. Santos, ako lang ang may pinakamababang grade sa subject na ito, well that’s true. Pero okay lang, at least hindi ako bagsak o hindi pasang-awa ang grade ko. Boring na nga ang subject namin, masiyado pang seryoso ang nagtuturo, mas lalo lang tuloy akong inaantok. Ganito ba talaga siya kaseryosong tao? I mean, nang magkita kami kagabi sa Diamond Club, I know, unang tingin ko pa lamang sa kaniya na seryosong tao talaga siya, pero... “Ms. Marinduque, are you listening?” Bigla akong napatuwid ng pagkakaupo sa aking puwesto nang marinig ko ang baritino niyang boses. Oh, damn. Sa dami ng mga taong naglalaro sa isipan ko hindi ko na namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya. At nahuli niya akong wala sa sarili. And usual, natuon na naman sa akin ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko. “Are you with us, Ms. Marinduque? Or are you daydreaming?” Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. “Sir, pagpasensyahan mo na po si Solana, lagi po talagang tulala ’yan o hindi kaya ay natutulog sa oras ng klase namin.” Saad ni Arisa. Kunot ang noo na tiningnan ko naman ito. Ang sarap talagang sabunutan ng babaeng ito! Bida-bida na lang lagi. “What is Law on Business Organization, Ms. Marinduque?” Oh, s**t. Alam ko ’yon. Na-topic na namin iyon kay Mr. Santos, pero nakalimutan ko na. Nang hindi ko masagot ang tanong niya, napapahiyang nagbaba na lamang ako ng tingin sa kaniya. “This is not the first time I have taught college students. But this is the first time I have encountered a student who did not answer my question.” Damn. Huwag mo na akong ipahiya sa mga kaklase ko. Gusto kong sabihin iyon sa kaniya, pero sino ba naman ako para pagsabihan ang professor ko? “Sir.” Anang Arisa na nagtaas ng kamay. “Yes, Ms. Kim.” Mabilis itong tumayo. “Law on Business Organization is an introduction to the law relating to business enterprises. The course especially examines corporations and compares them to sole proprietorships, partnerships, and limited liability companies. Specific topics include the formation, financial structure, and control structure of different types of business organizations.” Nakangiting sagot nito. Tumango-tango naman si Rufo, I mean, si Mr. Montague, oh what should I call him? “You may take your sit, Ms. Kim. Thank you.” Aniya at muli niya akong binalingan ng tingin. Tinitigan niya ako ng mataman bago siya nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang discusions niya. Mayamaya ay tumunog na ang bill, hudyat na tapos na ang oras namin sa kaniya. “Alright. Let’s continue our discussions tomorrow,” wika niya. Kaagad namang nagsitayuan ang mga kaklase namin at lumabas na sa classroom. “Bes, pahiram ako ng assignment mo,” sabi sa akin ni Millie na kinakalabit pa ang likod ko. “Ito na. Hindi lang makapaghintay!” kunwari ay mataray na saad ko at inilabas sa bag ko ang assignment ko at ibinigay rito. “Wait, sa library ako. Kita tayo mamaya sa canteen, a!” pagkasabi niyon ay kaagad itong lumabas sa classroom. I just sighed as I stood up and slung my bag over my shoulder. I was about to walk out, when I heard him call me. “Ms. Marinduque!” Napahinto ako at napalingon sa kaniya. Seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin sa akin. “Yes, Mr. Montague?” “Can I talk to you for a moment.” Aniya. Bumuntong-hininga ulit ako at nang mahagip ng paningin ko si Arisa, pati ang dalawa nitong alipores, tinaasan ako nito ng kilay at inirapan bago tumalikod ang mga ito at lumabas na rin. “In the office,” aniya at kaagad niyang binitbit ang kaniyang bag at naglakad na siya palabas ng room. Wala naman akong nagawa kun’di ang mapasunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa office ni Mr. Santos na ngayon ay siya na muna ang gagamit. Muli akong humugot nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa dibdib ko bago pinakawalan sa ere. Ewan ko ba, simula nang makita ko siya kaninang papasok sa room namin, until now, the strange pounding in my chest has not gone away. I can’t explain why I feel this way now. Abnormal na ata ang puso ko. Baka kailangan kong magpunta sa doctor para magpa-check up. Umangat ang kamay ko at hinawakan ko ang doorknob. Dahan-dahan kong pinihit iyon upang bumukas ang pinto. Saglit akong sumilip sa loob, at nang makita ko siyang nakaupo sa gilid ng mesa habang nakapamulsa, saka ko binuksan nang tuluyan ang pinto at humakbang na ako papasok. Saglit akong tumikhim. “M-may kailangan ka po ba, sir?” tanong ko sa kaniya. Bumuntong-hininga naman siya at umalis sa kaniyang puwesto. “Have a sit, Ms. Marinduque.” Aniya. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa visitor’s chair na nasa gilid ng mesa. Nang humakbang siya palapit sa pinto ay sinundan ko siya ng tingin. Nakita kong ini-lock niya ang pinto. Dahil doon ay mas lalo kong naramdaman ang pagkabog ng dibdib ko. Why did he locked the door? Muli siyang naglakad palapit sa mesa at umupo siya sa swivel chair na nasa harapan niyon. “Hindi ko alam na nag-aaral ka pala,” wika niya. Hindi ko magawang salubungin ang mga mata niya. Damn. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya nang matagal. I let out a deep sigh again. “Dahil ba nagtatrabaho ako sa club?” tanong ko sa kaniya. “Well, to tell you the truth... ang buong akala ko kagabi nang makita kita sa club na ’yon ay iyon lang ang ginagawa mo. And I was expecting that we will meet at my place tonight. It never occurred to me that we could meet here today,” he said. “You didn’t tell me that you are still a student.” “Well, you didn’t ask me last night. So why should I tell you that I’m still studying, Mr. Montague?” sagot ko sa kaniya nang maglakas loob na akong salubungin ang mga mata niya. Damn. Mali pala na ginawa ko iyon. Kasi mas lalo pang kumabog ang puso ko na parang kaunti na lang ay luluwa na sa dibdib ko. “Sa pagkakaalala ko, tinanong mo lang ako kagabi kung gaano na ako katagal na nagtatrabaho sa Diamond Club, kaya iyon lang ang sinagot ko.” Dagdag na saad ko pa sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita agad. Sa halip ay mas lalo lamang niya akong tinitigan. At dahil hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kaniya, kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang adams apple nang lumunok siya nang mapatingin siya sa mga labi ko. “Do you know that the job you entered is prohibited, especially that you’re still a student?” “Alam kong bawal,” sabi ko at nag-iwas na ng tingin sa kaniya. “So ano, ngayong nalaman mo na... isa akong club dancer at nag-aaral ako rito, isusumbong mo ba ako sa administration ng eskwelahang ito?” hamong tanong ko sa kaniya. “Why would I do that?” sa halip ay balik na tanong niya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko at muling napatitig sa kaniya. Sumandal naman siya sa swivel chair at ipinatong ang kaniyang mga braso sa magkabilang armchair at ipinagsalikop ang mga palad niya sa tapat ng kaniyang tiyan. “I already paid you, Solana. And you haven’t done what I want you to do to me. So, maybe for now, we’ll keep this as a secret.” Napatitig na lamang ako sa kaniyang mga mata dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD