HABANG naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin, lahat ng nakakasalubong ko ay nakatitig sa akin. Naiilang man ako sa klase ng mga titig nila sa akin, hindi ko na lamang iyon pinansin. Alam ko kung bakit ganoon na lamang sila makatingin sa akin. Iyon ay dahil sa nangyari no’ng isang araw.
Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan ko iyon sa ere. Niyakap ko pa lalo ang librong bitbit ko at itinuon na sa unahan ang paningin ko. I didn’t pay attention to the people around me until I got to our classroom. Nang nasa may pintuan pa lamang ako, biglang nanahimik ang mga classmate ko at umupo sa kaniya-kaniyang mga upuan nang makita nila ako. Saglit kong iginala ang aking paningin sa buong classroom namin. Nang dumako ang paningin ko kay Arisa, nakita ko ang pangiti nito sa akin ng nakaloloko. Bumuntong-hininga ako ulit saka naglakad na papunta sa upuan ko. Medyo nakakarinig na rin ako ng bulungan sa paligid.
“Bes!”
Napalingon ako kay Millie nang pagkaupo ko ay dumukwang ito palapit sa akin.
“Okay ka na ba?” tanong nito.
Pinilit kong ngumiti at tumango. “Okay na, bes,” sabi ko kahit ang totoo ay hindi naman talaga. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa kung ano ang pinaplano ng mommy ni Rufo pati ni Rhea. Hindi naman kasi sila bastang uurong sa pagsampa sa akin ng kaso kung wala silang binabalak na iba. Si Mrs. Montague na mismo ang nagsabi na hindi ito titigil hanggat hindi ako nakukulong dahil sa ginawa ko raw kay Rhea.
“Huwag mo na lang sila pansinin, bes.” Anang Millie sa akin.
“Salamat, Millie.” Saad ko na lang.
Ngumiti ito sa akin at masuyong hinaplos ang balikat ko saka umayos ulit sa pagkakaupo nito. Nang tumingin ako sa unahan, nakita ko naman si Arisa at Lindsy na lumapit sa akin. Namaywang pa si Arisa.
“So, kumusta ang pakiramdam mo, Solana?” nakangiti pa ring tanong nito sa akin.
Bumuntong-hininga ako ulit at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa lamang nang makita ko ang mukha nitong si Arisa, nakadama na ako ng inis... lalo na ngayong lumapit ito sa akin at tila may nais ipahiwatig sa akin.
“I’m sure hindi okay si Solana ngayon, Arisa,” sabi ni Lindsy na sinundan pa ng pagak na pagtawa.
“Sino naman kasi ang magiging okay pagkatapos sunduin ng mga pulis dito?”
Napalingon din ako kay Mark na malapad din ang pagkakangisi sa akin. Hindi ko talaga maintindihan kung lalaki ba itong si Mark or bading! Napaka-tsismoso kasi, e! Pumapatol din sa babae.
“Kawawa ka naman, Solana. I heard, sasampahan ka raw ng kaso nang babaeng sinaktan mo nang magbakasyon kayo sa Isla Ildefonso,” sabi ni Arisa. “My God! Napaka-war freak mo naman pala, Solana.”
“And... talagang sinamahan pa siya ni Sir Rufo. I’m wondering tuloy na may something sa kanila.” Saad din ni Lindsy.
“Puwede ba, Arisa, Lindsy, kung wala kayong sasabihin na maganda sa akin... lubayan n’yo na ako!”
“Oh, I’m sorry, Solana. Pero... this is one of my favorite thing. Ang pakialam ka.”
“Hoy, Arisa!” pagalit na saad ni Millie na kaagad tumayo sa likuran ko. “Sumusobra ka na talagang babae ka! Bakit ba laging si Solana na lang ang pinupunterya ninyong dalawa?”
“Because I don’t like her, Millie. Duh!”
“E, hindi ka rin naman gusto ni Solana, a! So, kwits lang kayo kaya lubayan mo na siya.”
“Millie, tama na. Umupo ka na.” Saad ko at hinawakan ko pa ang kamay ni Millie upang paupuin na ito. Baka mamaya ay magkagulo pa rito sa room namin. “Please, Arisa... ayoko ng gulo! Kaya kung puwede lang... tigilan mo na ako. Wala naman akong ginagawang mali sa ’yo, a!”
Pero sa halip na umalis sa harapan ko si Arisa, ngumisi pa ito lalo sa akin at pagkuwa’y yumuko upang pantayan ako. Hindi manlang ako kumukurap habang seryoso ang titig ko rito.
“Kaunti na lang Solana... malalaman ko na ang sektrito mo at ni Sir Rufo. And I will make sure to you... hindi ka makakapag-graduate sa eskwelahang ito.” Anito.
Napatiim-bagang ako kasabay niyon ang pagkuyom ng mga kamao ko. Ugh! I really hate this woman. Kung masama lang talaga ang ugali ko at sanay akong makipag-away... matagal ko na talaga itong inginudnod sa semento. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang nagawa kong mali kay Arisa para pilit ako nitong sirain at hilahin pababa. Sa pagkakaalam ko, tahimik lang naman ako na estudyante rito sa eskwelahan namin, a! Pero itong si Arisa, simula umpisa hanggang sa mga sandaling ito, ako lagi ang pinupunterya!
“I know... may something sa inyong dalawa.”
“Sinabi ko na sa ’yo Arisa... isipin mo na kung anuman ang gusto mong isipin tungkol sa amin ni Sir Rufo. Pero wala akong—”
“Oh, no, no! Huwag kang magsalita ng tapos, Solana.” Anito kaya naputol ang pagsasalita ko. “Marami akong connection ngayon na magpapatunay na tama ang hinala ko.” Ngumisi itong muli sa akin bago tumayo nang tuwid at tumalikod. Naglakad ito pabalik sa puwesto nito.
“Good morning, guys!”
Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ko ang boses ni Rufo. Kararating lamang niya.
“Sorry, I’m a little late,” sabi niya nang nasa tapat na siya ng kaniyang lamesa. Inilibot niya saglit ang kaniyang paningin sa buong klase namin. At nang dumako sa akin ang mga mata niya, tinitigan niya lang ako ng seryoso. “And... I also want to apologize if I didn’t come in yesterday. You know what happened to Miss Marinduque the other day, right? I helped her to take care of her problem. But now... she’s fine. And I also just want to make it clear to you she did nothing wrong, so the police came here and took her to the precinct. Miss Marinduque is innocent of the complaint filed against her. So, kung anuman ang mga maling iniisip ninyo ngayon tungkol sa kaniya, tigilan n’yo na because I don’t want to hear any more bad words you throw at Miss Marinduque.”
Kahit papaano, nakadama ako ng ginhawa sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Rufo. Oh, hindi lamang kay Rhea at sa mommy niya ako ipinagtatanggol. Pati na rin sa mga kaklase ko na kung anu-ano na ang mga sinasabi laban sa akin. Lihim akong natuwa at napangiti.
“But sir...” anang Arisa.
“Yes, Miss Kim?”
“I heard na totoo raw pong may sinaktan si Solana kaya nga siya sinampahan ng—”
“You don’t know what really happened, Miss Kim. So, whatever you heard about what Miss Marinduque has done, don’t just believe it. She knows what really happened. And... yesterday, the person who filed the complaint against her withdrew the case she wanted to file against Solana.”
“Baka naman po kaya inurong, kasi natakot kay Solana?” natatawang saad naman ni Mark.
Seryosong tingin din ang ipinukol dito ni Rufo. “Miss Sanchez did not pursue the filing of the case against Miss Marinduque, because she knew for herself that Solana was innocent. That is the reason.”
Natahimik naman si Mark dahil sa sinabi ni Rufo.
“Alright. This conversation is done. Ayoko ng makarinig ulit ng usapan tungkol doon,” pagkasabi niya niyon ay kaagad niyang kinuha ang libro sa bag na dala niya. Nagsimula na siya sa discussion namin.
Naging tahimik na lamang ako habang nakatuon ang aking buong atensyon sa pakikinig kay Rufo. At nang matapos ang subject namin sa kaniya, may kalahating oras kaming vacant bago pumunta sa second subject namin.
“Sa canteen tayo, bes?” aya sa akin ni Millie nang makalabas na kami sa classroom.
“Busog pa naman ako, Millie.”
“Ganoon?” anito.
“Oo.”
“Sige. Pupunta muna ako roon saglit. Mauna ka na sa second subject natin. Susunod na lang ako.”
“Sige, bes.”
Nang umalis na si Millie para magpunta sa canteen, dumiretso muna ako sa banyo para umihi. Balak ko ring magpunta muna sa office ni Rufo dahil gusto ko siyang makausap saglit.
“Grabe... hindi manlang nahiya si Solana, ano?”
Bigla akong natigilan sa akmang pagbukas ko sa pinto ng cubicle nang may marinig akong boses ng babae na kapapasok lamang sa banyo. Nangunot din ang aking noo.
“Akala ko pa naman mabait siya. Maamo kasi ang mukha niya. Pero, war freak pala,” natatawa namang sabi ng isa pang babae.
Mga kaklase ko ang mga ito.
“Kaya ngayon... huwag na kayong magpapaniwala sa mga ganiyang mukha. Kasi kung sino pa ang may maamong mukha, sila pa pala ang panget ang ugali. Mabuti pa si Arisa, maldita nga, pero mabait naman siya kumpara kay Solana. Nasa loob pala ang kulo niya.”
Nagtawanan ang tatlong babae.
“I agree, bes.”
Napatiim-bagang na lamang ako at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto at lumabas ako. Nakita ko pa ang pagkagulat ng tatlo nang makita nila ako. Seryosong tingin ang ipinukol ko sa mga ito bago ako naglakad palapit sa lababo.
“Kung pagtsi-tsismisan ninyo ako... siguraduhin n’yo munang walang tao sa loob ng cubicle.” Saad ko habang naghuhugas na ako ng kamay ko. “Kung makapanghusga naman kayo na masama ang ugali ko parang sa inyo ako may ginawang hindi maganda! Kilala lang natin ang isa’t isa sa pangalan. Kagaya ko, hindi n’yo rin kilala ang totoo kong pagkatao kaya huwag kayong magbibitaw ng salita na masama ang ugali ko.”
Hindi naman nakaimik ang tatlo kong classmate. Tahimik lamang ang mga ito na nagpapalitan ng tingin sa isa’t isa. At nang matapos akong maghugas ng kamay ko, tiningnan ko ulit ang mga ito sa repleksyon sa salamin.
“Ang p-perfect n’yo naman para manghusga kayo sa kapwa ninyo.” Pagkasabi ko niyon ay tumalikod na rin ako at lumabas sa banyong iyon. Doon lang ako nagpakawala nang malalim na paghinga at iwinaglit na lang agad sa isipan ko ang mga narinig ko. Naglakad na ako papunta sa office ni Rufo. Bago ako kumatok doon, lumingon pa ako sa paligid. Baka kasi naroon sina Arisa at Lindsy. Sigurado akong mas lalo silang maghihinala sa akin ngayon. Nang makita kong wala namang tao sa dulo ng pasilyo, kumatok na ako sa pinto at binuksan ko iyon. Pero bigla rin akong natigilan nang pagkapasok ko roon ay nakita kong naroon din pala ang mommy ni Rufo. Magkausap sila!
Bigla akong kinabahan nang husto nang lumingon sa direksyon ko si Mrs. Montague.
Hindi agad ako nakakilos sa puwesto ko. Ipinagpalipat-lipat ko ang aking paningin kay Rufo at sa mommy niya na nakaupo sa visitor’s chair.
“There you are. Mabuti pala at pumunta ka rito.” Anito.
Lihim akong napalunok ng aking laway. Oh, God! Ngayon ay alam na ng mommy niya na estudyante pa ako at... professor ko si Rufo.
“Mom, please—”
“Come on, Rufo! I already know she’s one of your students.” Anito kaya naputol ang pagsasalita ni Rufo. Hindi pa rin nito inaalis ang seryosong tingin sa akin. “Come here, Solana. Hindi mo na kailangang mahiya o magtago sa akin. Dahil alam ko na ang totoo.”
Even though I wanted to just leave to avoid his mother or whatever else might happen now, but I didn’t.
Isinarado ko ang pinto saka dahan-dahang naglakad palapit sa kanila. Napatingin ako ulit kay Rufo nang tumayo siya sa kaniyang puwesto at nilapitan ako.
“Ma, please! What do you really want to happen to Solana and me?” tila nahihirapang tanong niya sa kaniyang mama.
Hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha ni Mrs. Montague habang ipinagpapalipat-lipat nito ang tingin sa amin ni Rufo. “Alam mo kung ano ang gusto kong mangyari, Rufo,” sabi nito. “Hiwalayan mo ang babaeng ’yan at pakasalan mo si Rhea.”
Bigla kong nahigit ang aking paghinga dahil sa huling sinabi nito. Si Rufo naman ay nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Hinawakan niya ako sa baywang ko at hinapit palapit sa kaniya.
“I really love Solana, mom. So no matter what you say or do, I will never leave this woman. So please... stop it, mom. Why don’t you just be happy for me, both of us?”
“Magiging masaya lang ako kung hihiwalayan mo siya. Pero kung hindi mo gagawin ang utos ko sa ’yo... well I’m sorry. Gagawin ko ang lahat para magkahiwalay kayo. Lalo na ngayon na nalaman kong dito pala siya nag-aaral. Sa eskwelahan na pag-aari ko.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ko ang huling mga sinabi ng mommy niya. Napatitig ako rito nang mataman. Ano raw? Si Mrs. Montague ang may-ari ng eskwelahang pinapasukan ko? Napatingin din ako kay Rufo.
“You heard it right, Solana.”
Napatingin ako ulit sa mommy niya. Tumayo ito sa puwesto nito at humakbang palapit sa amin ni Rufo.
“My husband owns this school. So that means... nasa akin ang lahat ng karapatan ng eskwelahang ito. At kung hindi mo hihiwalayan si Rufo I will—”
“You would never do that, ma.” Mariing saad ni Rufo.
“Why not?” tanong nito at ngumisi. “Kung hindi mo hihiwalayan ang babaeng ’yan... alam mong isang utos ko lang sa faculty ng eskwelahang ito na tanggalin si Solana, mapapaalis siya rito at hindi siya makakapag-graduate, Rufo, kagaya sa pangarap niya.”
Mas lalo akong nakadama ng takot at panghihina sa buong katawan ko dahil sa mga nalaman ko ngayon. God! Why? Bakit po ba nangyayari ang lahat ng ito ngayon sa akin? Bakit ako pa? Wala naman po akong ginagawang masama sa kapwa ko! Pero bakit pakiramdam ko ang sama-sama kong tao kaya lahat na lang ay puro problema ang dumadating sa akin?
Last year ko na ngayon sa college. Ilang buwan na lang ay matatapos na ako at magkakaroon na ng katuparan ang pangarap ko at ang pagod na tiniis ko ng ilang taon para lang makapag-aral ako. Pero dahil sa pagtutol ng mommy ni Rufo sa relasyon namin, parang mababaliwala lamang ang lahat ng naging sakripsiyo at pagod ko.
“Papa left this school to me, mama. So you have no right to order the faculty to remove Solana from this school.”
“I’m still your mother kaya may karapatan ako sa lahat ng ari-ariang iniwan sa ’yo ng papa mo, Rufo.”
Napatungo na lamang ako nang maramdaman ko ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. Kinagat ko rin ang pang-ibaba kong labi.
“Kaya ikaw, Solana. Kung ayaw mong mapahiya pa sa buong eskwelahang ito. I’m giving you twenty-four hours para hiwalayaan ang anak ko.” Mariing saad pa nito sa akin. “At alam ko rin kung saan ka nagtatrabaho,” sabi pa nito.
Muli akong nag-angat ng mukha at tiningnan ko ito. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko. Mas lalo akong nakadama ng takot ngayon. Oh, God! Please stop it!
“She’s a stripper, Rufo. That’s why I won’t allow you to have a relationship with a woman like her. Bayarang babae at kung sinu-sino’ng lalaki na ang—”
“Mama, please! Stop it—”
“Hindi ako titigil, Rufo! Gagawin ko ang lahat para pahirapan ang babaeng ’yan.”
“E-excuse me.” Saad ko na lang at mabilis na inalis sa baywang ko ang braso ni Rufo. Kaagad akong tumalikod at nagmamadaling lumabas sa kaniyang opisina bago pa man tuluyang pumatak ang mga luha ko. Ayoko ng makarinig ng kahit ano pa mang salita na galing sa mommy niya. Bawat salita kasing binibitawan nito sa akin ay labis akong dinudurog.
At nang nasa hallway na ako at nagmamadaling lumayo, sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko habang naninikip ang dibdib ko.
“Solana! Solana, wait!”
Nang marinig ko ang boses ni Rufo habang sinusundan ako, nagmadali na akong tumakbo. Ewan kung saan ako pupunta ngayon. Basta, nang makarating ako sa dulo ng pasilyo... umakyat ako sa hagdan hanggang sa makarating ako sa rooftop.
“Solana!”
“Rufo!” hindi ko na pinigilan ang sarili ko na umiyak nang husto.
“Hey!” nagmamadali siyang lumapit sa akin at kaagad akong niyakap. Pagkatapos ay inilayo niya ako sa kaniya at ikinulong sa mga palad niya ang mukha ko. Gamit ang mga hinlalaki niya ay pinunasan niya ang mga luha ko. “Stop crying.”
Pero ayaw paawat ang mga luha ko. “Rufo! H-hindi... hindi titigil ang mommy mo hanggat hindi tayo naghihiwalay. A-alam n’ya rin na nagtatrabaho ako sa DC. Rufo, ano... ano ang gagawin natin? Ayokong matanggal sa pag-aaral ko. Ayokong masayang ang mga pinaghirapan ko ng ilang taon para lang makapag-aral ako.”
“Of course, hindi ko hahayaan na matanggal ka sa pag-aaral mo. I promise you, baby.”
“Pero... galit ang mommy mo sa akin. Lahat gagawin niya para lang magkahiwalay tayo—”
“And I will do everything so that we don’t get separated. Trust me, baby. I will not leave you no matter what happen.”
“Natatakot lang ako, Rufo! P-puro problema na lang ang dumadating sa akin ngayon. Natatakot ako.”
“Don’t be scared. Didn’t I promise you I wouldn’t leave you? Together, we will face all our problems. Everything will be okay, Solana.” Aniya at hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ay muli akong niyakap.
Mahigpit akong gumanti ng yakap sa kaniya habang nakasubsob sa dibdib niya ang mukha ko.
“No matter what mom does, I will not leave you, Solana. I promise you.”
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang patuloy pa ring rumaragasa ang mga luha ko. Ramdam ko ang sensiridad sa mga binitawan niyang salita kaya naniniwala ako na gagawin ni Rufo ang lahat para lang hindi magtagumpay ang mommy niya na mapaghiwalay kaming dalawa.
“I love you, Solana.”
“Mahal din kita, Rufo! Mahal na mahal.”
“See? Tama nga ang sinabi ko sa ’yo, Arisa!” anang Lindsy habang nagkukubli ang dalawa sa gilid ng pinto ng rooftop. May hawak-hawak na cellphone si Lindsy habang kinukunan ng video at pictures sina Solana at Rufo na magkayakap.
Ngumiti nang malapad si Arisa. “Now, may ebidensya na ako na maibibigay sa faculty para matanggal sa eskwelahang ito si Solana.”
“I can’t wait that to happen, bes.” Nakangiti ring saad ni Lindsy.
“Oh, my God!” anang Arisa nang makita nito ang ginawang paghalik ni Rufo sa mga labi ni Solana.
“Well, to be honest... naiingit din ako kay Solana. Buti pa siya at nahalikan ni Sir Rufo.” Saad pa ni Lindsy.
Nilingon naman ito ni Arisa. “Huwag ka ng maingit, Linds. Mawawala na rin naman si Solana rito sa school.” Anito at tinapos na ang pagkuha ng video sa dalawa. “Let’s go. Baka pa tayo makita rito.” Kaagad itong tumalikod at bumaba sa hagdan.
Nang papaliko na ang dalawa sa pasilyo, nakasalubong naman ng mga ito si Elena.
“Mrs. Montague, nandito po pala kayo.” Anang Arisa na malapad ang pagkakangiti sa mga labi.
“Did you saw Rufo?” tanong nito.
Nagkatinginan naman sina Arisa at Lindsy.
“Nasa rooftop po at kasama si Solana,” sagot ni Lindsy.
“You know Solana?” tanong ni Elena.
Mas lalong napangiti si Arisa. “Of course po, Mrs. Montague.” Anito. “And mukhang... ayaw n’yo rin po ata kay Solana para kay Sir Rufo?”
“May alam kayo tungkol sa relasyon nila?” tanong pa ni Elena.
Lumapad lalo ang ngiti ni Arisa saka ipinakita sa ginang ang video na nasa cellphone nito.
Nang mapanuod iyon ni Elena, ngumisi na rin ito. “May klase pa ba kayo, hija? Gusto n’yo ba akong samahan mag-lunch?” tanong nito.
“Why not, Mrs. Montague.” Anang Arisa.
“Let’s go.”