“I FEEL so sorry for Solana,” seryosong sabi ni Rufo kay Ricos pagkuwa’y nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Nasa labas sila ng kaniyang pad ngayon. Kararating lang din ni Ricos galing sa ibang bansa dahil sa problemang inasikaso nito. Mabuti at nagtungo agad ito sa pad niya kaya ngayon ay heto at may naaya siyang mag-inom. Wala si Solana ngayon sa pad niya dahil nagpahatid ito kanina pauwi sa bahay nito.
“Why, what’s the problem?” tanong ni Ricos sa kaniya.
“Because since mom met Solana, she did nothing but get angry and try to separate the two of us. I mean, I love Solana so much that I can’t do what she wants to happen. I feel sorry for Solana because everything that happens to us is just a problem, especially for her.”
“Hindi pa rin pala matanggap ni Tita Elena si Solana?”
Umiling siya at muling nagpakawala nang malalim na paghinga pagkatapos ay dinala niya sa tapat ng kaniyang bibig ang bote ng beer na kanina niya pa hawak at iniinom. “I don’t know what else I can do just to make mom stop and accept my relationship with Solana.”
Bumuntong-hininga rin nang malalim si Ricos pagkuwa’y tinapik ang kaniyang balikat. “Everything will be okay, bro,” sabi nito.
“I hope so. Because... our problem seems to get worse, Ricos. I thought that after our vacation, our relationship would be really okay. But this happened. I don’t know what else I will do if mom does something else to Solana. She and Rhea did not pursue the filing of the case against Solana, but mama had something else planned. If Solana doesn’t break up with me with in twenty-four hours, she will have Solana removed from our school.”
“What? Pero, malapit ng matapos ang school year! Sayang naman kung hindi makakapag-graduate si Solana.”
“That’s what I’m thinking now, Ricos,” sabi niya. “I don’t want Solana’s hard work to be wasted if she can’t graduate because of mom.”
“Pero sa ’yo naman iniwan ni Tito ang eskwelahan, hindi ba?” tanong pa ni Ricos sa kaniya.
“Yeah,” sagot niya. “But you know my mama, Ricos. Kahit ano pakikialaman niya basta alam niyang galing kay papa.”
“Oh, damn! Mas malala nga ang problemang ’yan, bro. You have to think of an idea para hindi mapaalis ni tita si Solana.”
Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at napatitig sa kawalan. Damn. Iyon nga ang iniisip niya simula pa kanina. Pero, wala naman siyang maisip na puwede niyang gawin para hindi magtagumpay ang mama niya na tanggalin si Solana sa eskwelahan niya.
“Oh, I have an idea, bro.” Anang Ricos.
Napalingon siya kay Ricos. “What idea?” tanong niya.
“Bakit hindi mo na lang pakasalan agad si Solana?” anito.
Bigla namang naghiwalay ang kaniyang mga kilay na magkasalubong dahil sa sinabi ni Ricos. Napatuwid pa siya sa kaniyang pagkakaupo.
“I mean, think about it, bro. Kapag ikinasal na kayo ni Solana, magkakaroon na rin siya ng karapatan sa lahat ng ari-arian mo. Lalo na sa skwelahan na nakapangalan na sa ’yo. So, kahit ano pa ang gawin ni Tita Elena, wala na siyang magagawa dahil dala na ni Solana ang apelyedo mo. At doon, wala na ring magagawa ang mama mo para pilitan kang pakasalan si Rhea.”
Right! Tama nga si Ricos! Tama ang naisip nitong idea. Bakit hindi niya naisip agad iyon?
Ngumiti siya. “You’re right, Ricos,” sabi niya. “Once Solana and I get married, there’s nothing mom can do.” Dagdag pang saad niya.
“That’s right.”
“But...” aniya nang maalala naman niya bigla ang oras na ibinigay ng kaniyang mama kay Solana. “Mama only gave Solana twenty-four hours to break up with me. So that means, tomorrow she will talk to the faculty to remove Solana from the school. But we can’t get married at this time of night.”
“Then talk to Solana. Magplano kayo. Like... kunwari ay palabasin na muna ninyo na hiniwalayan ka na ni Solana para hindi ituloy ni Tita Elena ang plano niya. And after that... asikasuhin mo agad ang kasal ninyo. Kahit civil wedding na muna. Basta ang mahalaga ay maikasal kayong dalawa.”
“That’s a bright idea, bro.” Aniya. Ngumiti pa siya sa kaibigan. “Thank you, Ricos.”
“And I’m willing to help, bro. Just tell me kung ano ang gagawin ko.” Nakangiting saad nito sa kaniya.
“I... I need to talk to her right now,” sabi niya.
“Yeah. Puntahan mo na siya.”
“How about you?”
“Don’t worry about me, bro. Pagkatapos nitong iniinom ko ay aalis na rin ako. May importante pa akong lakad bukas.”
Inisang lagok niya ang natitirang alak sa bote niya pagkatapos ay tumayo na siya sa kaniyang puwesto. “Thank you so much, Ricos. Ang laki ng naitulong mo sa akin ngayon.”
Tumayo na rin si Ricos sa puwesto nito at ngumiti sa kaniya. Niyakap niya ito.
“We’re best buddies, Rufo. Kung saan ka masaya... roon din ako.”
“Babawi ako sa ’yo.”
“Don’t think about it, bro. Just go. Do whatever you can do for your woman. I’m always here to support you.”
Tumango-tango na lamang siya pagkuwa’y nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng kaniyang pad upang kunin doon ang susi ng kaniyang kotse at ang kaniyang cellphone. Nang muli siyang makalabas, kaagad siyang sumakay sa kaniyang kotse at umalis na.
ALAS DOSE NA, pero hindi pa rin ako makatulog. Pabaling-baling lang ako sa higaan ko at hindi mapakali. Laman pa rin ng aking isipan ang mga nangyari kanina sa opisina ni Rufo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga sinabi ng mommy niya.
Oh, God! I love Rufo so much that I can’t break up with him. But I also don’t want to waste all my hard work and effort if I can’t graduate in college. Simula pa man ay ito na ang pangarap ko. Ang hirap mamili. Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang pakakawalan ko!
Muli akong humugot nang napakalalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere habang mataman akong nakatitig sa kisame.
At mayamaya, bigla akong napatingin sa may bedside table ko nang marinig kong tumunog ang cellphone kong naroon. Kumilos ako sa puwesto ko. Umupo ako at kinuha ang cellphone ko. Nangunot pa ang noo ko nang makita kong si Rufo pala ang tumatawag sa akin.
“Babe?” nang masagot ko ang tawag niya.
“You’re still awake!” aniya.
Bumuntong-hininga ako ulit at sumandal sa headboard. “Hindi pa rin ako makatulog, e!”
“Can I see you? I mean, I want to talk to you.”
“Babe, ano’ng oras na! Bukas na lang tayo mag-usap.”
“Actually, I’m here outside of your house, baby!”
Muling nagsalubong ang mga kilay ko at napaupo ako ulit nang tuwid. Mayamaya ay napatingin ako sa may bintana. Tumayo ako at naglakad papunta roon. Nang mabuksan ko iyon, nakita ko nga ang sasakyan niyang nakaparada sa tapat ng bahay namin. Nakasandal siya sa may hood niyon habang nakatingala siya. Kumaway pa siya sa akin nang makita niya ako.
“Hi, baby!”
Hindi ko napigilang mapangiti nang matamis. “Ikaw talaga,” sabi ko na lang. “Wait lang at bababa ako.” Pagkasabi ko niyon ay kaagad kong pinatay ang tawag niya at nagmamadali ng lumabas sa kwarto ko at bumaba sa sala.
Pagkabukas ko sa gate, kaagad ko siyang nakita.
“Pasok ka, babe.”
“Hey!” kaagad niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ang aking mga labi.
“Bakit napasugod ka rito ng dis-oras ng gabi?” tanong ko sa kaniya nang pakawalan niya ako.
Before he answered my question, he closed the gate first and took my hand saka kami magkaagapay na naglakad papasok sa bahay. Sa sofa kami magkatabing umupo.
“I need to talk you, baby.”
“Ganoon ka importante para hindi ka na makapaghintay hanggang bukas?” tanong ko pa.
Tumango naman siya at ngumiti. Muli niyang kinuha ang mga kamay ko at masuyo iyong pinisil-pisil. He took a deep breath and released it into the air while I gazed at him and waited for what he had to say.
“Let’s get married, Solana.”
Napamaang ako. Ano raw? Did I heard it right? Ewan, pero napatulala ako sa kaniya. I was surprised and didn’t expect to hear that from him.
Napakurap-kurap ako pagkuwa’y tumikhim at napabuntong-hininga rin. “T-teka. P-puwede pang paulit ng sinabi mo?” sabi ko.
“I said let’s get married, Solana.”
Nagsalubong nang husto ang mga kilay ko. Pero sa puntong ito... bigla akong nakadama ng kaligayahan sa puso ko. Biglang bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Oh, really? Gusto ni Rufo na magpakasal kami?
Napangiti ako. “R-rufo...” I don’t know what to say. Labis akong nagimbal at natuwa.
“This is the only way I know to stop mom from separating us. And so that she won’t remove you from school.”
“Pero, Rufo...” sabi ko na hindi pa nakakahupa sa mga sinabi niya kanina. Malakas pa rin ang t***k ng puso ko. “Kahit magpakasal tayo, h-hindi na rin ako aabot sa oras na ibinigay ng mommy mo.”
“I know, baby,” aniya.
“So, a-ano ang gagawin natin?” tanong ko pa sa kaniya.
“You need to break up with me,” sabi niya.
Nawala ang ngiti sa mga ko dahil sa sinabi niya ulit. Naguluhan ako. Gusto niyang magpakasal kami, pero gusto niyang hiwalayan ko siya?
“W-what?” nalilitong tanong ko.
“I mean, we need to pretend we broke up. And tomorrow, I will talk to mom. I will tell her we broke up, so that she doesn’t have to talk to the faculty to get you kicked out of school. And I will make the way for our wedding. So... when we get married, you have the right to all my properties, especially the school. And mom can’t kick you out of school anymore, Solana.”
Napangiti ako ulit matapos kong marinig ang mga paliwanag niya. “Oh, magandang idea nga ’yan, Rufo.” At hindi ko na rin napigilan ang mapaluha.
“Hey! Why are you crying?” tanong niya at kaagad na binitawan ang mga kamay ko. Muli niyang hinawakan ang mga pisngi ko.
“Natutuwa lang ako ngayon, Rufo. I mean, you really love me.”
“Of course I do. I really do, baby! I’ll do everything just so I don’t lose you.”
Napaluha na ako nang tuluyan at kaagad akong yumakap sa kaniya. Oh, labis akong naliligayahan sa mga sandaling ito! Dahil sa mga sinabi ni Rufo. Mas lalo niyang dinagdagan ang dahilan ko para mas lalo ko siyang pakamahalin.
“Mahal na mahal kita, Rufo.”
“And I love you so much, Solana.”
Ilang saglit kaming magkayakap lang at lumuluha ako. Nang mapakalma ko na ang sarili ko, humiwalay ako sa kaniya. Siya ang nagpatuyo nang husto sa mga luha ko sa pisngi ko gamit ang mga hinlalaki niya.
“Matatapos din itong problemang kinakaharap natin, Solana. Trust me, everything will be okay, baby.”
Tumango-tango ako at dumukwan ako para halikan ang mga labi niya. Saglit lang sana iyon, pero hinawakan niya naman ang leeg ko at hinagkan niya nang mariin ang mga labi ko.
“This is not the proposal I want to make when I propose marriage to you, but... I’m sorry if I did it like this and hastily. We just don’t really have—”
“I understand, babe,” sabi ko upang putulin ang pagsasalita niya. “And besides, this is unexpected kaya kita mo naman ang naging reaksyon ko kanina.”
Ngumiti naman siya nang malapad at masuyong hinaplos ang kaliwang pisngi ko kaya ipinilig ko sa palad niya ang ulo ko. “Wala rin akong singsing na naibigay sa ’yo—”
“And that’s fine, babe,” sabi ko ulit.
Ilang segundo niya akong pinakatitigan sa aking mga mata bago niya ako kinabig ulit papunta sa kaniya at muling sinilyuhan ng halik ang aking mga labi. Buong puso ko namang tinugon ang mga halik niya sa akin.
“KUNG HINDI MO lang ako pinipigilan ngayon, bes, kanina ko pa nilapitan ’yang sina Arisa at Lindsy at pinagbuhol ko na sila. Ugh! Nakakainis at nakakairita ang mga ngiti nila.”
Inis na saad ni Millie habang matalim ang titig nito kina Arisa at Lindsy na nasa unahan at kanina pa nga nakatingin sa direksyon namin habang kakaiba ang ngiti nila.
Bumuntong-hininga ako nang malalim. “Hayaan mo na sila, bes. Wala naman tayong mapapala kung papansinin pa natin ang dalawang ’yan,” sabi ko.
“Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na hindi makadama ng labis na inis sa dalawang bruhang ’yan,” sabi pa nito.
Magsasalita pa sana ako, pero nakita ko namang naglakad palapit sa amin si Arisa at sumunod naman dito si Lindsy.
“How are you, Solana?” tanong nito at namaywang pa. Ang ngiti sa mga labi nito ay hindi pa rin naglalaho.
“Gusto mo ba ng gulo, Arisa?” tanong ni Millie kaya hindi na ako nakapagsalita. “Kasi, kung ako lang ang tatanungin mo... kanina ko pa gustong ilampaso sa sahig ’yang pagmumukha mo.”
Pero sa halip na mainis o magalit dahil sa mga sinabi ni Millie, mas lalo pang napangiti si Arisa. Ugh, oo nga! Nakakairita na ang babaeng ito.
“Oh, don’t worry Millie. Hindi naman ako naghahanap ng gulo,” sabi nito. “Gusto ko lang naman kumustahin si Solana. Kasi... may nabalitaan ako kanina galing kay Dean. Gusto raw makausap ni Dean si Solana. At parang may naaamoy akong estudyanteng mapapaalis sa eskwelahang ito at hindi makakapag-graduate this year.” Tumawa pa ito. “Hindi ko naman sinasabing ikaw ’yon, Solana. Pero, feeling ko... parang ikaw nga.” Tumawa ito ulit pati si Lindsy.
“Ano ba ang pinagsasasabi mo, Arisa? Bakit, ikaw ba ang may-ari ng eskwelahang ito para—”
“I’m not, Millie. Pero kilala ko ang may-ari ng eskwelahang ito. At anytime, puwede akong tumawag sa kaniya at sabihing tanggalin si Solana rito. Right, Linds?”
“That’s correct,” sagot naman ni Lindsy.
Napatiim-bagang na lamang ako at lihim na bumuntong-hininga ulit. Oh, alam ko na kung sino ang tinutukoy ni Arisa! Malamang ay kakampi rin nito si Mrs. Montague. Kagaya ni Rhea.
“Aba—”
“Hayaan mo na siya, Millie,” sabi ko upang pigilan si Millie na huwag ng patulan si Arisa. “Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, Arisa. Kung iyan ang ikasasaya mo, fine.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Talaga, Solana! Magiging masaya talaga ako kapag napaalis ka na rito.”
“Solana!”
Napalingon kami sa may pintuan nang pumasok doon ang Governor ng department namin.
“Ang sabi ni Dean, magpunta ka raw sa office niya mamaya pagkatapos ng subject ninyo.” Anito.
“See?” anang Arisa at muling ngumiti sa akin. “I told you kakausapin ka ni Dean.”
“Kailangan ka raw makausap ni Dean mamaya.”
Muli akong napatingin sa babae at pagkuwa’y tumango ako.
“Good luck, Solana.” Anang Arisa at kaagad na tumalikod at bumalik sa puwesto nito.
Napaupo na lamang ako sa puwesto ko habang nag-uumpisa na akong kabahan ulit. Oh, God! Sana lang ay maging maayos ang mangyayari mamaya. At sana lang ay nakausap na ni Rufo ang mommy niya at gumana ang plano namin.
“OH, WHAT BROUGHT you here, hijo?” nakangiting tanong ni Elena nang makita nito ang anak na pumasok sa main door. Nakaupo ito sa sofa at may magazine na binabasa.
Bumuntong-hininga si Rufo bago siya naglakad nang tuluyan palapit sa ina. “Can we talk?” tanong niya.
“Kung nandito ka para sabihin sa akin na hiniwalayan mo na si Solana, then let’s talk.” Anito.
Napatiim-bagang pa siya saka umupo sa sofa.
Itiniklop naman ni Elena ang hawak na magazine at tinapunan ng tingin ang anak. “Spell it, Rufo.”
Ilang segundo niya ring tinitigan ng seryoso ang ina bago siya nagsalita. “Okay fine,” sabi niya. “You won mama. Solana broke up with last night. So wala ka ng dahilan para ipatanggal siya sa ekwelahan at ikalat ang relasyon namin.”
“Really?” ngiting tanong ito. “Well, glad to hear that.” Dagdag pa nito.
“So please... tigilan mo na siya at huwag ka ng gumawa ng hindi maganda sa kaniya.”
“Ang gusto ko lang ay magkahiwalay kayo, Rufo. And after that, makipag-date ka na kay Rhea—”
“Ma—”
“Makikipag-date ka kay Rhea dahil kung hindi mo gagawin ang gusto ko... kahit hiwalay na kayo ni Solana, tatanggalin ko pa rin siya sa school.”
Tiim-bagang na napabuntong-hininga siyang muli dahil sa mga sinabi ng kaniyang ina. Sinasabi niya na nga ba, e! Hihilingin at hihilingin pa rin iyon sa kaniya ng mama niya.
“Si Rhea ang gusto kong pakasalan mo, Rufo.” Anito.
Saglit siyang nanahimik habang seryoso pa ring nakatitig sa ina. Mayamaya ay muli siyang bumuntong-hininga. “Just leave Solana alone and I’ll do whatever you want mama.”
Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ni Elena dahil sa sinabi ng anak. “I will, hijo.” Anito.
Walang salita na tumayo siya ulit sa kaniyang puwesto at tumalikod na. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang muling magsalita ang kaniyang ina.
“Makikipag-date ka kay Rhea bukas ng gabi,” sabi nito.
Pero hindi siya nag-abalang sagutin ito, sa halip ay muli niyang ipinagpatuloy ang paghakbang niya hanggang sa makalabas na siya ng kanilang bahay.
“Just make sure na hindi mo ako pinaglalaruan, Rufo,” sabi nito at kinuha ang cellphone at may tinawagan ito. Isang ring pa lamang sa kabilang linya ay may sumagot na sa tawag nito. “Bantayan mo ang bawat galaw ni Rufo at Solana.”
“Opo, madam.”
Pagkatapos ay pinatay rin nito agad ang tawag.