CHAPTER 46

2148 Words
“CAN I talk to you, lola?” anang Ciri sa abuela nang pumasok ito sa silid ni Elena. Nakaupo ang ginang sa kama nito at nakasandal sa headboard habang may hawak na libro at seryosong nagbabasa. Saglit nitong sinulyapan ang apo pagkatapos ay itiniklop ang hawak na libro at ipinatong iyon sa kandungan nito. “About what, hija?” tanong nito. Saglit na bumuntong-hininga si Ciri saka ito humakbang palapit sa may paanan ng kama. “About Dad and Solana, lola.” Anito. Bigla namang tumaas ang isang kilay ni Elena nang marinig nito ang sinabi ng apo. Bumuntong-hininga rin ito nang malalim pagkuwa’y muling binuksan ang libro na hawak nito at itinuon doon ang paningin nito. “It’s about your dad and Solana, so I don’t want to talk about it, Cirilla.” Anito. “But lola,” sabi nito. “Why are you taking sides with Rhea?” tanong nito. “I mean, I know walang kasalanan si Solana sa nangyari sa kaniya. I was there and Rhea talked to me the next morning habang nasa Isla Ildefonso kami. So I’m sire na walang kasalanan si Solana sa nangyari sa kaniya.” Giit pa nito sa abuela. “Hindi ko alam kung ano ang ginawa o sinabi ng Solana na ’yan sa ’yo para kampihan mo ang babaeng ’yon, Cirilla.” “Solana didn’t do or say anything to me to make me take her side, lola,” sabi nito. “At ngayon ko lang nakita na naging masaya si dad. And that’s because of Solana. So that reason is enough for me to like her for my dad, lola. So please... huwag mo na pong datungan si Rhea para magsampa ng kaso kay Solana.” Seryosong titig ang ipinukol ni Elena sa apo. “Like I told your father yesterday, wala ka ring magagawa kung ano ang desisyon ko, Ciri. Sinaktan ng babaeng ’yon si Rhea kaya magsasampa kami ng kaso laban sa kaniya. At hindi ako titigil hanggat hindi ko naipakukulong ang Solana na ’yon.” Muling napabuga nang malalim na paghinga si Ciri at napairap pa sa abuela. “I just want dad to be happy, lola. Matagal na pong malungkot at nag-iisa si dad. So I hope this time... maging masaya na rin lang po kayo para kay dad. He’s happy with Solana, lola. Hindi mo po ba ’yon nakikita?” “Wala akong pakialam kung masaya man siya kasama ang Solana na ’yon, Cirilla. Basta ang gusto ko ay makulong ang babae na ’yon.” Napailing na lamang si Ciri habang seryosong nakatitig sa abuela. Mayamaya ay muli itong napabuntong-hininga at tumalikod. Walang paalam na lumabas ito ng silid ni Elena. Napairap naman si Elena pagkuwa’y inilapag nito sa kama ang hawak na libro. “Pati ang isipan ng apo ko ay nalason na ng Solana na ’yon. Hindi talaga ako titigil hanggat hindi hinihiwalayan ni Rufo ang babaeng ’yon.” Pagalit na saad nito. Mayamaya ay tumunog ang cellphone nito na nasa ibabaw ng bedside table. Kaagad naman iyong kinuha ni Elena at nang makita ang pangalang naka-register sa screen ay kaagad nito sinagot ang tawag. “Yes? Hello!” anito. “Good evening po, madam!” “Kumusta ang ipinapagawa kong trabaho sa ’yo?” “Kagaya po sa gusto ninyong malaman... good news po, madam. Hawak ko na po ang mga kailangan ninyong malaman tungkol kay Miss Solana Marinduque.” Napangiti naman si Elena. “Alright. Tomorrow morning, magpunta ka rito sa bahay.” “Sige po, madam.” “Bye!” nang mapatay nito ang tawag sa kanilang linya, muling sumandal si Elena sa headboard ng kama at ngumiti nang malapad. “Tingnan lang natin kung hindi mo pa hiwalayan ang anak ko, Solana.” THE NEXT DAY I didn’t go to school because I had to go back to the precinct. Rufo is still with me. Oh, labis talaga akong nagpapasalamat ngayon na narito si Rufo sa tabi ko! Simula kahapon ay hindi niya ako iniwan, maliban lamang no’ng nakatulog ako at paggising ko ay wala siya sa pad niya. Pero bago pa makaalis sina Ciri, Millie at Gabby ay dumating naman siya. Sinabi niya sa akin na nakipagkita siya sa kaibigan niyang abogado kaya saglit niya akong iniwanan. Sa pad niya na rin ako natulog para mas madali na ang lakad namin ngayong araw. Kanina ay nakausap niya rin ang kaibigan niya at magkikita na lang daw kami sa presinto. “Are you okay, baby?” Napalingon ako kay Rufo nang marinig ko ang tanong niya. Nakaupo ako sa isang silya sa tapat ng dining table habang nakatulala lamang at kung anu-ano na naman ang iniisip ko ngayon. Napabuga ako nang malalim na paghinga saka pilit na ngumiti sa kaniya. Hinila naman niya ang silyang nasa kabisera papunta sa akin at umupo siya roon. Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa tasa ko at masuyo iyong pinisil-pisil. “Solana, everything will be okay.” “Hindi ko lang maiwasan na hindi pa rin mag-alala, Rufo,” sabi ko sa kaniya. “I made a promise to you I will do everything so that you don’t go to jail. Trust me, baby.” Tumango naman ako at muling bumuga nang malalim na paghinga. Hinawakan ko rin nang mariin ang kamay niyang may hawak sa palad ko. “Thank you, Rufo! Alam kong dahil sa nangyari sa akin ay maaaring magsuspitsya ang mga tao sa school dahil sa pagsama mo sa akin sa presinto. But here you are—” “Of course, because I love you, Solana. You are more important to me than my job. Than anything else.” Hindi ko napigilan ang pag-iinit sa sulok ng aking mga mata dahil sa sinabi niya. Oh, God! Ang bilis kong maging emosyonal ngayon. Dahil sa mga sinasabi niya sa akin, naiiyak agad ako. I really appreciate everything he does for me. Para sa kaniya, balewala ang lahat ng puwedeng mangyari sa kaniya at sa trabaho niya basta masiguro niya lang na okay ako. At dahil doon, mas lalo pang lumalalim ang pagmamahal ko para sa kaniya. Kumilos ako sa puwesto ko. Lumipat ako sa kandungan niya pagkuwa’y ipinulupot ko sa leeg niya ang mga braso ko at ibinaon ko sa leeg niya ang mukha ko. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kaniya. “Thank you so much, Rufo. I love you!” lumuluhang saad ko sa kaniya. Naramdaman ko rin ang pagganti niya sa yakap ko. Hinalikan niya pa ang likod ng ulo ko. “I love you so much, Solana. Mawala na sa akin ang lahat, huwag lang ikaw.” Hindi ko napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Nang humiwalay ako sa kaniya, kaagad kong ikinulong sa mga palad ko ang mukha niya at mariing hinagkan ang mga labi niya. Ilang segundo rin bago ako lumayo sa kaniya. Ngumiti ako nang matamis nang magtagpo ang mga mata namin. “I love you so much, Rufo.” Umangat din ang mga palad niya at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. “And I love you so much, baby.” Aniya. “So, come on! We need to go.” Umalis ako sa kandungan niya at muling inayos ang sarili ko. Nang matapos makapaghanda ay umalis na rin kami sa pad niya. Ilang minuto na biyahe ay nakarating na rin kami sa presinto. “Bro!” Isang matangkad at guwapong lalaki ang sumalubong sa amin nang makapasok kami presinto. Nakipagkamay rito si Rufo. “Thank you again, bro!” aniya. “By the way, this is my girlfriend, Solana. And baby, he’s Sebas Ildefonso. He is a good friend of mine and he will also be your lawyer.” Ngumiti naman ako at inilihad ko rin ang kamay rito. “Hi! Solana.” “Nice meeting you, Solana,” sabi nito at pagkatapos makipagkamay sa akin at hinalikan din ako nito sa pisngi ko. “I know this is not the right time and place to praise you two, but you two look good together.” Nakangiti pang saad nito. Nahihiyang ngumiti naman ako at nilingon si Rufo. “Thank you, bro!” “By the way, I also talked to Esrael last night. He immediately sent me all the CCTV footage on Isla Ildefonso and I reviewed it all last night. I don’t think we will have a problem if Rhea comes here today and files a case against you, Solana.” Anito. Iginiya kami ni Sebas papunta sa office ng hepe habang wala pa si Rhea. Ipinaliwanag at ipinakita nito sa amin ang tungkol sa kuha ng CCTV sa isla nang gabing nangyari ang pag-aaway namin ni Rhea. At kahit papaano ay nakahinga naman ako nang maluwag nang sabihin ni Sebas na malakas ang ebidensya namin kaya kung magsasampa ng kaso si Rhea dahil sa pang-aapi ko kuno rito, malaki ang chance na ako ang mananalo sa aming dalawa. “Thank you so much, bro!” anang Rufo kay Sebas. Ngumiti rin ako. “Thank you, Sebas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon kung wala si Rufo sa tabi ko at kung wala ang tulong mo.” “Like what I have said to Rufo yesterday... he’s a good friend of mine, so I can’t say no to him. And I know you are not guilty. I can see it in your eyes. So trust me, if Rhea comes here today and files a case against you... I will assure you that this case will be dismissed immediately.” Muli akong nakadama ng gaan sa dibdib ko dahil sa mga sinabi ni Sebas. Naramdaman ko rin ang pagpisil ni Rufo sa palad ko na nasa ibabaw ng hita niya kaya napalingon ako sa kaniya. “So, you don’t have to worry, baby, okay?” Ngumiti akong muli. “Thank you, babe.” “I love you!” aniya at hinalikan pa ang pisngi ko. Oh, hindi ko na pinansin kung nasa harapan man namin ngayon si Sebas at nakatingin sa aming dalawa. Basta mahal ko si Rufo at mahal niya rin ako, hindi ko na alintana ang hiya kahit pa maghalikan kami rito ngayon! Mayamaya, bumukas ang pinto ng opisina ng hepe at pumasok ito. “Sorry to interupt you Mr. Montague, Mr. Ildefonso, Miss Marinduque.” Anito. “Pero... nakatanggap po kami ng tawag mula kay Miss Sanchez. Hindi na raw po siya magsasampa ng kaso laban kay Miss Marinduque.” Sa mga sandaling narinig ko ang sinabing iyon ng hepe, tuluyang nawala ang takot at kaba sa puso ko. Hindi ko rin napigilan ang maluha. Oh, thank God! Ang akala ko’y matutuloy pa ang kasuhang ito. “Why did she back out?” tanong ni Sebas. “Hindi po nagsabi ng dahilan niya si Miss Sanchez, Mr. Ildefonso. Ipinaalam niya lamang po sa amin ngayon na hindi na raw po siya magsasampa ng kaso laban kay Miss Marinduque kaya hindi na siya magtutungo rito para magkaharap kayo.” Pagpapaliwanag pa nito. “Good to hear that,” sabi ni Rufo at niyakap ako. Pagkalabas namin sa opisinang iyon, kinausap ulit ni Rufo si Sebas. “Thank you, bro. And... pasensya na sa abala.” “No problem, Rufo. And, just call me anytime kung sakali.” Nakipagkamay pa ito kay Rufo. “I will, bro.” “Solana.” Nakipagkamay rin ako rito. “Thank you so much, Sebas.” “I gotta go.” Anito at pagkatapos ay nagpaalam na rin sa amin ni Rufo. Muli akong napabuntong-hininga nang malalim nang humarap sa akin si Rufo at ngumiti siya nang matamis. “Are you okay now, baby?” tanong niya. Tumango naman ako. “Yeah. Pero... hindi pa rin ako puwedeng makapante. Baka... baka may ibang plano lang si Rhea at ang mommy mo kaya inurong nila ang pagsampa ng kaso sa akin.” Kinabig niya ako palapit sa kaniya. “Don’t worry again, baby. Like what I have said, I’m always here for you. Whatever Rhea and mommy are planning against you... we will face it together. I promise I won’t leave you and I’m always here for you.” Ngumiti ako at tumingkayad upang halikan ang mga labi niya. Saglit lang sana ’yon, pero mabilis naman niyang nahawakan ang batok ko at mariing inangkin ang mga labi ko. Ilang segundo kaming nasa ganoon bago niya ako pinakawalan. “I love you.” Ginawaran niya rin ng halik ang noo ko. Yumakap naman ako sa kaniya. “I love you too, babe. I love you.” “Let’s go. Where do you want us to go?” tanong niya nang maglakad na kami palabas ng presinto. “Gusto ko sanang umuwi muna sa bahay.” “Alright. Doon na rin tayo mag-lunch?” Tumango na lamang ako bilang sagot sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD