THE music is over. I’m done dancing, but I’m still standing next to the pole and staring at that man. He’s gazing at me, too. I don’t know, but that man’s eyes were like a magnet, so I couldn’t take my eyes off him. If Mama Lucy hadn’t called me habang nasa ibaba na ng stage ay hindi pa ako babalik sa ulirat ko.
“Solana, bumaba ka na riyan at naghihintay sa ’yo ang customer mo!”
Saglit akong napatingin sa manager ko, at nang muli kong tingnan ang lalaki na nasa dulo, kausap na nito ang kasama nitong lalaki.
Banayad akong bumuntong-hininga saka dinampot ang jacket ko at umalis na ako sa stage. Kaagad naman akong sinalubong ni Mama Lu.
“Halika, bilisan mong magbihis. Baka mainip ang customer mo, layasan na naman tayo.” Anito at hinawakan ako sa kamay ko at kaagad na hinila.
“Sino ba ang customer ko ngayon, Mama Lu?” tanong ko habang tinatahak na naman ang medyo dim na hallway papunta sa dressing room.
“Si General Acosta ang nariyan.”
Bahagyang nangunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi nito. General Acosta was my very first customer when I worked here in DC. At simula no’ng gabing iyon, kapag nagpupunta ang General na iyon dito sa Diamond Club, awtomatik na ako ang tini-table nito. Malaki kasi kung magbigay ng bayad sa manager ko kaya ito ang laging pinipili ni Mama Lu na maging customer ko. Hiwalay naman si General Acosta sa asawa nito kaya wala akong problema at hindi ako nababahala na baka may biglang sumugod sa akin na babae at awayin ako. And he’s being nice to me since day one. Simula kasi no’ng maging customer ko ito, medyo nakaluwag-luwag din ako at nakaipon para sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid. Grabe din kung magbigay ng regalo. Unang buwan pa lamang na naging regular customer ko ito ay pinadalhan na ako ng mga appliances sa bahay, pati mga groceries. Sa mga sumunod naman na buwan ay lagi itong nagpapadala ng allowance ko raw. Ayoko man sanang tanggapin dahil tumatanggap lang naman ako ng pera galing dito sa tuwing itini-table ako nito, pero ito naman ang nagpupumilit na kunin ko ang pera kaya wala na rin akong nagawa. And it’s been three months since the last time na nagpunta ito sa DC. Ang sabi kasi nito sa akin last time ay madedestino ito sa Mindanao ng tatlong buwan. At ngayon nga ay bumalik na ito.
“Magbihis ka na at pagkatapos ay pumunta ka sa VIP room. Naroon si General at naghihintay sa ’yo. Pupunta rin muna ako sa office ni Madam Deb at gusto raw akong makausap.” Anang Mama Lu sa akin nang makapasok na kami sa dressing room.
That’s exactly what I did. I immediately got dressed and then I went out of the dressing room again.
Habang naglalakad ako sa gilid ng stage papunta sa VIP room, muli kong nakita ’yong lalaki. He was still talking to his friend. But when he glanced in my direction, he stopped talking to his companion and looked at me again.
Oh, God! Ano ba itong nararamdaman ko? Simula kanina nang unang beses na magtama ang mga mata namin, may kakaiba na akong naramdaman sa kaibuturan ko, hanggang ngayon. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto ng magkahinang ang mga mata namin. Basta mayamaya, bigla na lamang akong ngumiti sa kaniya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad ko kahit ramdam kong nakasunod pa rin sa akin ang tingin niya, hanggang sa makarating na ako sa VIP room.
“HEY! I’M STILL TALKING—” napahinto sa pagsasalita si Ricos nang makita nitong nakatingin sa malayo si Rufo. Kunot ang noo na sinundan nito ng tingin ang tinatanaw ng kaibigan. “Oh!” Anito at biglang ngumiti nang malapad nang makita ang babaeng tinitingnan ng kaibigan. “Do you like her?” tanong nito.
Sinusundan pa rin niya ng tingin ang papalayo ng babae.
“She’s Soli. She is one of the most famous dancers here in DC.”
Hindi naman siya nagtanong sa kaibigan niya kung ano pangalan ng babae, pero okay na rin na sinabi nito sa kaniya dahil kanina nang makita niya pa lamang itong naglalakad sa stage, nakuha agad ng babae ang kaniyang buong atensyon. The whole time she was dancing on stage, his eyes and attention were only focused on her. While he was watching her dance, kakaiba na ang dating nito sa kaniya. There was a feeling in his whole body he felt only now. Especially when she took off the leather jacket she was wearing at napagmasdan niya nang mabuti ang magandang kurba ng katawan nito. And her face, when she romoved the mask she’s wearing... pakiramdam ni Rufo biglang nag-slow motion ang buong paligid niya habang titig na titig siya sa mga mata ng babae. At habang tumatagal, mas tumindi pa ang kakaibang nararamdaman ng kaniyang katawan.
“Do you like her, bro? I’ll talk to Deb para papuntahin siya rito.” Dinig niyang saad muli ni Ricos sa kaniya.
Bumuntong-hininga naman siya at bahagyang ipinilig ang kaniyang ulo pagkatapos ay muli niyang dinala sa kaniyang bibig ang baso na hawak-hawak niya.
“I’m not interested.” Kahit taliwas iyon sa gusto niyang sabihin at mangyari.
“Seriously, bro?” anang Ricos at bahagya pang pinalo ang balikat niya. “Sa tagal ko ng nagpupunta rito sa DC, halos lahat ng customer dito ay nakapila sa kaniya. Pero hindi lahat ay maswerteng naita-table siya.” Anito. “I talked to her many times. And damn bro, she’s so hot. Lalo na sa malapitan.”
“I’m not interested, Ricos,” wika niya ulit at inisang lagok na ang natitirang laman ng kaniyang baso. Pagkatapos ay tumayo na siya sa kaniyang puwesto at dinukot niya ang kaniyang wallet mula sa bulsa ng kaniyang pantalon saka naglabas ng pera doon at inilapag sa mesa. “Pinagbigyan na kita sa gusto mo. Pumunta na ako rito. Kaya sana naman tigilan mo na ako at huwag mo na akong bulabugin sa pad ko.” Aniya.
“Ang KJ mo, bro.” Sa halip ay natatawang saad ng binata.
Hindi na siya nagsalita at tumalikod na siya upang lumabas sa lugar na iyon at umuwi sa pad niya.
“NASA LOOB ba si General?” Tanong ko sa dalawang bodyguard ni General Acosta na nasa labas ng VIP room.
“Oo. Kanina ka pa hinihintay ni General. Pumasok ka na.” Anang isang lalaki at kaagad na binuksan ang pinto.
Tumango naman ako saka humakbang papasok. Kaagad ko namang nakita ang General na prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang may hawak-hawak itong baso na may lamang alak. Nang makita ako nito ay kaagad itong ngumiti sa akin at inilapag sa mesa ang baso saka tumayo at sinalubong ako.
“Good evening po, General!” bati ko rito.
“Good evening, hija. How are you?” Nakangiting tanong nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko.
Tipid akong ngumiti rito. “Okay lang po, General.” Sagot ko.
“Come, have a sit, hija.” Anito at hinawakan ang likod ko upang igiya papunta sa sofa. Nang makaupo ako roon ay umupo rin ito sa tabi ko.
“I missed you.”
I didn’t know how to respond to what he said, so I just smiled and slightly looked away from him.
General Acosta is a nice person. Iyon ang pagkakakilala ko rito. But it doesn’t mean that I like him. I mean, God, he’s too old for me. Mas matanda pa nga ito ng ilang taon sa papa ko, e! Pero dahil ganito nga ang klase ng trabaho na pinasok ko, I have no choice kun’di ang pakiharapan at pakisamahan ito nang maayos. And since I started working here in DC, since General Acosta became my regular customer, all he has done to me, even my other customers, is to kiss my cheek and hold my hand. Dahil iyon ang kasunduan namin ni Mama Lu at Madam Deb bago pa man ako magsimulang magtrabaho rito. Magsasayaw at ta-table lang ako sa mga customers pero hindi ako sasama sa labas para magbigay pa ng ibang serbisyo sa kanila. Kahit naman ganito ang trabaho ko, malinis pa rin ang puri ko. Iyon ang isa sa maipagmamalaki ko sa lalaking magiging partner ko sa buhay. Na kahit pinasok ko ang ganitong klaseng trabaho, I’m still a virgin.
“Kumusta po kayo, General?” tanong ko na lamang dito mayamaya.
“I’m good.” Sagot nito. “And I have a good news, Solana.”
Bahagyang napatingin ako sa hita ko nang ipatong nito roon ang isang kamay nito at masuyong humimas doon.
“In three months, magreretiro na ako sa trabaho ko,” wika nito. “And I want you to marry me, Solana.”
Nabigla naman ako sa mga sinabi nito sa akin. Ano raw? Gusto nitong magpakasal ako sa kaniya?
Pilit akong ngumiti ulit. “General—”
“Shhh! Pakinggan mo muna ako,” wika nito upang putulin ang aking pagsasalita.
Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.
“Like what I have said, in three months aalis na ako sa trabaho ko, Solana. And I want you to marry me. I promise na giginhawa ang buhay mo, hija.” Anito. “I will give you everything. Ako na ang gagastos sa pag-aaral ng dalawa mong kapatid hanggang sa makapagtapos sila sa kolehiyo. And you, iaalis kita sa lugar na ito, sa trabaho mong ito. And I promise you na magbubuhay reyna ka kapag naikasal na tayong dalawa. I will give you anything what you want, Solana. Money. Designer bags, clothes, shoes, make up, anything. Even car, if you want. Hindi mo na kailangang magtrabaho. And you can go to abroad monthly if you want, para magbakasyon. Kasama ang mga kapatid mo.”
Tinitigan ko sa mga mata ang General Acosta. “Ganoon po ang halaga ko sa inyo, General?” tanong ko.
Lumapad ang ngiti sa mga labi nito at tumango. “Yes. Yeah, hija. Ganoon ang halaga mo sa akin.” Sagot nito. “At hahatiin ko rin ang lahat ng yaman na mayroon ako at ililipat ko sa pangalan mo oras na maikasal na tayo.”
“Napakalaki naman po pala ng halaga ko sa inyo, General Acosta.”
“Of course. Because I really like you, hija.” Anito at kinuha ang isang kamay ko at masuyo iyong pinisil.
Oh, napakasarap naman sa pandinig ng mga sinabi nito sa akin. Ngunit magpagayun pa man ay wala akong balak na tanggapin iyon kapalit ng pagpapakasal ko rito. Hindi naman ako ganoon ka mukhang pera para ipalit ang puri at buong pagkatao ko para lamang sa mga binanggit nitong bagay at salapi.
“May tatlong buwan pa bago ako magretiro sa trabaho ko. So, I hope, in three months ay mapag-isipan mo ang alok ko sa ’yo.”
Tipid akong ngumiti ulit at nag-iwas ng tingin dito. “I’ll think about it, General,” sabi ko na lamang dito.
“Good. Good to hear that, hija.”