CHAPTER 8

1894 Words
BANAYAD akong nagpakawala nang malalim na paghinga habang hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa kaniya. Napalunok din ako nang muli akong mapatitig sa mga labi niya. Oh, damn. Simula kagabi hindi na rin nawala sa isipan ko ang mga labing iyon, ang muntikan na nitong paghalik sa akin. “Let’s make a deal, Ms. Marinduque.” Aniya. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “A deal?” tanong ko. “What kind of deal, Mr. Montague?” Kumilos siya sa kaniyang puwesto. He stood up and walked towards me. He sat again on the edge of the table where he was sitting earlier and he put his palms on both sides of him and gazed at me. “We will keep this as a secret... in one condition.” Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang siya na ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin sa akin. “I won’t tell the faculty about your job, and since I already paid you, I want you to become my bed buddy.” Muling nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What did he say? A bed buddy? f**k buddy? s*x buddy? Iyon ba ang ibig niyang sabihin sa akin? “Could you use another word so I can understand what you mean to me, sir?” seryosong saad ko sa kaniya. He sighed. “I want you to become my s*x buddy, Solana.” Nahigit ko ang aking paghinga kahit iyon naman ang naisip ko kanina. Wala akong makapang kataga na sasabihin sa kaniya. Feeling ko bigla kong nalunok ang dila ko at wala akong ibang nagawa kun’di ang mapatitig sa guwapo niyang mukha. Damn. At talagang pinuri ko pa siya sa lagay kong ito ngayon? “I’ll give you another amount of money so that you do not reject my offer to you, Ms. Marinduque.” Humugot ako nang malalim na paghinga at saglit iyong inipon sa dibdib ko bago pinakawalan sa ere. Pagkuwa’y nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Well, kung sabagay ay hindi ko naman siya masisisi kung bakit niya ako inaalok ng ganoon ngayon. Ang alam lamang niya ay nagsasayaw ako sa club so that means, mababa akong klaseng babae para sa paningin niya. So that means I’m a stripper. Well, yeah. I am a stripper, but a virgin one. Kaya paano ko tatanggapin ang alok niya sa akin? Hindi nga ako sigurado kung sa halik pa lamang ay papasa na ako sa kaniya? I mean, I had a boyfriend before. Pero saglit lang ’yon at nag-break agad kami kasi bading pala ang hinayupak. Kaya pala hindi ako magawang halikan nang tudo at hindi ako matinggnan no’ng maghubad ako sa harapan niya kasi kalahi ko pala siya. “I’m sorry Mr. Montague,” sabi ko mayamaya at muli siyang tiningnan. Nagtaas pa ako ng noo sa kaniya. “Pero wala sa kontrata ko sa Diamond Club ang kagaya sa inaalok mo sa akin ngayon. Tumi-table lang ako sa mga customer ko pero wala ng higit pa roon.” Saad ko sa kaniya saka ako tumayo sa puwesto ko. Seryoso pa rin ang titig ko sa kaniya na kahit biglang nangatog ang mga tuhod ko dahil sa lintik na titig niya sa akin, tinatagan ko ang aking saliri. “I can’t accept your offer. But don’t worry, I’ll send you back the money you sent to me last night.” Huminga pa ako ulit saka akma na sanang tatalikod, pero muli rin akong napaharap sa kaniya nang mabilis niyang hinila ang braso ko. Ang kabog ng puso ko dahil sa ginawa niya ay abot-abot na halos tumalon na palabas ang puso ko. “We’re not done talking yet, Ms. Marinduque.” Mariing saad niya at ipinagpalipat-lipat pa ang kaniyang tingin sa mga mata at mga labi ko. Dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa amoy na amoy ko ang mabango at mainiy niyang hininga na tumatama sa ilong ko. God, I want to close my eyes at damhin ang kakaibang dulot ng init ng kaniyang palad na nakahawak sa braso ko maging ang matiim niyang titig sa akin, pero pinigilan ko ang aking sarili. “Let me go, Mr. Montague!” mariing sabi ko rin sa kaniya at sinubukang bawiin sa kaniya ang braso ko ngunit humigpit lang lalo ang pagkakahawak niya sa akin. “Kung hindi mo ako bibitawan ngayon, sisigaw ako—” “Try it and I’ll kiss you.” Aniya at muling napatitig sa mga labi ko kasabay nang paglunok niya ng kaniyang laway. Damn. Ano ba ang gusto niyang mangyari ngayon? Hindi ko na rin napigilan ang mapalunok at saglit na muling ipinagpalipat-lipat ang paningin ko sa mga mata at mga labi niya. Damn it. There is a voice in the back of my head telling me to scream for him to kiss me. Holy lordy! Seriously, Solana? Nagsimulang magtaas-baba ang aking mga balikat dahil habang tumatagal na magkalapit kami at magkahinang ang mga mata namin, mas lalo kong nararamdaman ang pagbigat ng paghinga ko dahil sa pagreregodon ng puso ko. Damn this heart. Bakit ba kasi ito panay ang kabog nang malakas? “P-please!” nausal ko sa kaniya. Nakita ko naman ang paggalaw ng kaniyang panga. Mayamaya, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko... mabilis akong napapikit at dumukwang ako palapit sa kaniya. Walang anu-ano’y naglapat ang mga labi namin. Oh, sweet Jesus! His lips. Napakalambot at mainit. Napakabango ng kaniyang paghinga. My plan to just kiss him for a moment didn’t happen when I felt one of his hands grab my nape. His hand that was holding my arm let go, and it moved behind me. I was in between in his thighs, so when he pressed me closer to him I felt the hard thing between his thighs. Dahil doon ay mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Ang palad niyang nasa likod ko ay naramdaman ko ang masuyong paghaplos doon na siyang mas lalong nagpatindi sa kakaibang nararamdaman ko sa kaibuturan ko. I wrapped my arms around his neck. “Mmm!” I don’t know, and I’m not sure which of us moaned. Basta mas lalo ko pang inigihan ang pagtugon sa mga halik niya. Ginawa ko ang nalalaman ko sa larangang ito kahit hindi ko alam kung tama ba ang paggalaw ng mga labi ko upang tumugon sa mga halik niya. At hindi ako sigurado kung ilang segundo o minutong magkahinang ang mga labi namin. Kung hindi pa ako nahirapan sa paghinga ko, hindi ko siya itutulak sa dibdib niya upang pakawalan ang mga labi ko. Parehong kapos at habol namin ang aming paghinga nang tuluyang magkahiwalay ang aming mga labi. Naisandal ko pa sa baba niya ang aking noo saka ako napangiti. Oh, Solana, oh! Ano ba itong pumasok sa isip mo? Bakit mo naman siya hinalikan? “Damn it.” Dinig kong saad niya at hinawakan niya ako sa magkabilang baywang ko. Mayamaya, dahan-dahan akong nag-angat ng mukha upang tingnan siya. “I thought you were going to scream before I kissed you!” Hindi ko na napigilan ang mapangiti ulit dahil sa sinabi niya. “I knew it. You really want me to kiss you.” “Okay fine, I admit it. Masaya ka na?” kunwari ay mataray na saad ko sa kaniya kasabay no’ng pag-iwas ko ng tingin sa kaniya. Itinuon ko ang aking paningin sa likod niya kaya no’ng ngumiti rin siya, nakita ko iyon mula sa gilid ng aking mata. “Oh, I have to go. May next subject pa ako.” Mayamaya ay saad ko nang maalala ko si Millie. Akma na sana akong hihiwalay sa kaniya, pero bigla namang humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko kaya muli akong napatingin sa kaniya. “What?” kunot ang noo na tanong ko sa kaniya. Hindi naman agad siya nagsalita, sa halip ay dumapo sa gilid ng labi ko ang hinlalaki niya. “Nagkalat ang lip stick mo,” aniya. Napatitig na lamang ako sa mga mata niya. Ang ganda talaga ng gray eyes niya. Parang feeling ko, nakaka-relax tumitig doon kahit parang nakakalunod din. “After your class later, meet me at the parking lot.” “Huh? Why?” mas lalong nangunot ang noo ko. “Just meet me there, three o’clock.” Ewan, pero napatango na rin ako sa sinabi niya bago niya ako binitawan. Kaagad akong tumalikod at nagmamadali ng naglakad palapit sa pinto at lumabas ako sa office na iyon. “Hey, kanina pa kita hinihintay sa canteen.” Anang Millie nang makasalubong ko ito sa hallway. “Saan ka ba galing?” tanong pa nito. “Um,” at saglit akong tumikhim upang tanggalin ang bolang bumara sa lalamunan ko. Mabilis din akong nag-iwas ng tingin dito. “Nagpunta ako sa banyo. Ano kasi... akala ko mayroon na ako.” Pagdadahilan ko na lamang. “Nang ganoon katagal, amiga?” tila ayaw pa nitong maniwala sa sinabi ko. “Almost twenty minutes kang nawala. Akala ko saglit ka lang kakausapin ni Mr. Montague?” “Oo nga. Bakit ayaw mo pang maniwala?” kunwari ay naiinis na saad ko naman. Bumuntong-hininga na lamang ito saka ako inirapan. “Halika na nga at male-late na tayo sa next subject natin.” Hinila nito ang braso ko hanggang sa makarating kami sa room ng next professor namin. KAGAYA SA SINABI ni Rufo kanina, nagpunta nga ako sa parking lot. Kinakabahan pa ako na baka may makakita sa akin dito. Pero tingin ko naman ay hindi masiyadong matao rito. Kasi karamihan naman sa students na may kotse ay nasa labas naka-park ang mga sasakyan. Ang naka-park lang dito sa loob na parking na ito ay ang mga sasakyan ng mga professor ng eskwelahang ito. Nilalaro-laro ko ang aking mga daliri habang nagpapalinga-linga ako sa paligid ko. Hinahanap ko kasi si Rufo. Nasaan na kaya ang lalaking ’yon? Ang sabi niya three o’clock daw ako magpunta rito, pero three-ten na. Muli akong humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. At mayamaya ay bigla akong nagulat at napahawak sa tapat ng dibdib ko nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko. “Jesus! Papatayin mo ba ako sa takot?” inis na tanong ko sa kaniya habang mariing nakapikit ang mga mata ko. Mayamaya ay nagmulat ako. “You’re late,” sa halip ay sabi niya sa akin. “Ten minutes lang naman,” sagot ko. “At isa pa, kanina pa ako nagpapaikot-ikot dito. Hindi ko naman alam kung nasaan ka kaya hindi ko kasalanan kung late ako.” “Ang dami mo pang sinabi. Come here.” Aniya at kaagad na kinuha ang kamay ko at hinila ako. “S-saan ba tayo pupunta?” kinakabahang tanong ko. “Just don’t ask.” Saad lamang niya. Hindi na lang ako umimik, hanggang sa makalapit kami sa isang itim na sasakyan. Mabilis niyang binuksan ang pinto sa front seat niyon. “Get in.” Kahit hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, sumakay na lang din ako roon. Nang maisarado niya ang pinto ay nagmamadali naman siyang umikot papunta sa driver’s seat at sumakay na rin doon. “Seatbelt, please.” Kaagad ko namang isinuot iyon. Nang paandarin na niya ang kaniyang sasakyan ay nanahimik na lamang ako sa puwesto ko. Bahala na kung saan niya ako dadalhin at kung ano ang mangyayari mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD