NANG bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Rufo, kaagad akong bumangon at tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kaniyang kama at nagmamadaling sinalubong siya.
“Hi!” nakangiting bati ko sa kaniya at kaagad kong ipinulupot sa kaniyang leeg ang mga braso ko habang sa baywang ko naman pumulupot ang siyang braso niya at hinawakan ang batok ko at kaagad na sinulyuhan niya nang mariing halik ang mga labi ko.
Ilang segundong naghinang ang mga labi namin bago ako humiwalay sa kaniya.
“I’m sorry if I kept you waiting, baby!” aniya.
Ngumiti ako nang malapad. “No problem, babe.”
“You seem happy? What happened?” kunot ang noo na tanong niya at pinakawalan ako agad.
Hinawakan ko naman ang isang kamay niya at iginiya ko siya papunta sa sofa. When he sat there, I also sat on his lap and wrapped my arms around his neck again. His left arm hugged my waist while his right palm landed on top of my thighs. At dahil suot ko na ulit ang damit niya na hinubad ko kanina nang dumating si Ciri, ramdam ko ang mainit niyang palad doon.
“Masaya talaga ako ngayon, babe,” sabi ko sa kaniya.
“May I know what is the reason and why my girlfriend is happy now?” tanong niya at hinalikan niya ang pisngi ko.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Nandito si Ciri kanina,” sabi ko.
“Really?” aniya. “And you two talked?”
Tumango naman ako. “Kinausap niya ako, babe,” sabi ko. “And guess what happened?”
“Okay, I’m not good in guessing. So tell me what happened, baby!”
Banayad akong bumuntong-hininga at sinuklay ko ang buhok niya sa likod gamit ang mga daliri lo. “She talked to me about our relationship and she told me... nagkwento ka na pala sa kaniya about me.”
“I did.” Tumatango-tangong saad niya.
Ngumiti akong muli sa kaniya at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi niya. “And why did you do that, babe?” tanong ko.
“Well, I know Ciri. She won’t talk to you until she gets at least a few details about you. So the day we talked, I told her about you.” He explained.
Mataman ko siyang pinakatitig sa kaniyang mga mata habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Oh, kung kanina ay labis na akong naliligayahan dahil sa pagkakaayos namin ni Ciri, ngayon naman ay nadagdagan ang tuwa sa puso ko. Hindi ko talaga inaasahan ang mga nangyari at nalaman ko ngayong araw. Ang akala ko ay problema lamang ang iisipin ko ngayon dahil sa naging pag-uusap namin ni Arisa kanina. Pero hindi pala!
“And babe, sinabi rin sa akin ni Ciri kanina na... pumapayag na siya sa relasyon natin.” Mayamaya ay saad ko sa kaniya.
Mabilis namang naging seryoso ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. “Really?” tanong niya.
Tumango ako at muling hinagkan ang nakaawang niyang mga labi. “Masaya ako ngayon kasi okay na kami ng anak mo at approved na sa kaniya ang relasyon natin. She gave her blessing to us.”
“Oh, I’m happy too, baby.” Aniya at mabilis na kinabig ang batok ko at mariing hinalikan ulit ang mga labi ko.
Napapikit na lamang ako at buong puso na tinugon ang mga halik niya sa akin. God! Than you for this wonderful day. Hindi ko talaga inaasahan ang mga ganap ngayon.
Nang maramdaman kong kakapusin na ako ng hangin, masuyo ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib upang pakawalan niya ang mga labi ko. Hindi naman siya tumutol.
“I love you, baby!”
“I love you too, Rufo. I love you so much.” Nakangiting tugon ko at hinalikan niya ang noo ko saka ako niyakap nang mahigpit. “By the way, babe,” sabi ko mayamaya nang may maalala ako. Kumalas ako sa yakap namin.
“Yeah?”
“Bakit mo pala sinabi kay Ciri na... na ikaw ’yong nakauna sa akin? I mean, required ba talaga na pati ’yon ay sabihin mo sa anak mo? Nakakahiya!” nanulis bigla ang nguso ko.
Mahina naman siyang tumawa at masuyong hinaplos ang mga hita ko. Kinintalan niya ng halik ang pisngi ko. “I had to tell her everything,” sabi niya.
“Everything talaga? E, puwede naman siguro na hindi mo na sinabi sa anak mo ang tungkol doon,” sabi ko sa kaniya at bumuga ako nang malalim na paghinga. “Alam mo bang sobra akong nahiya sa kaniya kanina?”
“Baby, I know Ciri very well.” Saad niya. “When I explain to her, I have to say everything right away so that she understands me and it becomes easy for her to accept the situation. And look, I tell her everything about you, about us. Hindi ba’t kinausap ka niya agad at nagkaayos na kayo?”
Sabagay... may point naman siya. Kung siguro hindi niya sinabi kay Ciri ang lahat ng tungkol sa akin at sa relasyon namin... siguro ay hindi pa rin kami okay hanggang ngayon. At isa pa, wala naman siguro problema ’yon kay Ciri! She’s not a child anymore kaya alam kong may alam na rin si Ciri tungkol sa bagay na ’yon. Magkarelasyon naman kami ni Rufo at normal lang naman ang bagay na iyon sa isang magkapareha.
Bumuntong-hininga ako nang banayad at ipinilig niya ang kaniyang ulo sa dibdib ko.
“Don’t think about it, okay? Ciri will understand us.”
“Yeah,” sabi ko na lang.
Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin habang magkayakap lamang kami. Though, nararamdaman ko ang kapilyuhan ng bibig niya sa dibdib ko, hinayaan ko na lang siya. Panay ang halik niya sa akin doon. And because I wasn’t wearing a bra, I could feel his hot lips, especially when he kissed my left n****e. I couldn’t help but moan a little. Hindi naging sapat na harang ang manipis na tela ng kaniyang damit upang hindi ko maramdaman ang mainit niyang mga labi.
“Babe!”
“Yes, baby?” nang mag-angat siya ng mukha. Nakangiti pa siya ng nakaloloko.
“Gusto mo bang mag-make love tayo ngayon?”
Oh, holy lordy! Ako na talaga ang nag-aya sa kaniya ngayon. Well, always naman kaming nagma-make love kapag magkasama kami rito sa pad niya. Hindi na bago iyon!
He smiled even more and firmly kissed my lips while his palms that were on top of my thigh crawled towards the middle of my thighs. My back arched and my butt slightly lifted when I felt his middle finger touched my flower. Dahil sa ginawa niyang iyon... awtomatik na nag-init ang buong mukha ko, maging ang init sa kaibuturan ko ay nag-umpisa na ring mabuhay.
I moaned when he gently bit my lower lip. My hug tightened around his neck and I pressed my chest to him. And later, I felt his finger slip through the side of my panty until he reached my midsection.
“Mmm!” ungol ko.
Mayamaya ay pinakawalan niya ang mga labi ko and his finger also stopped before it entered my hole.
“Babe!” bigla akong nakadama ng inis nang humiwalay siya sa akin. Sa pagkabitin ko sa halik namin, humabol pa nga ang mga labi ko sa kaniya.
Bahagya siyang tumawa. “Baby enough,” sabi niya.
Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko at sinamaan ko siya ng tingin. “Ayaw mo ba?” tanong ko sa kaniya.
Inalis niya ang kamay niya sa gitna ng mga hita ko at niyapos ako nang mahigpit at hinalikan ang pisngi ko. “You know that I love making love with you, baby,” sabi niya. “But not now.”
Halos mag-isang linya ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Nadismaya ako. God! Ngayon lang ako nag-aya sa kaniya kasi parati naman ay siya ang naglalambing sa akin... tapos tinanggihan niya pa ako! Walang-hiya ang lalaking ito! Nakakainis!
Tinanggal ko ang mga braso ko sa leeg niya at mabilis na umalis sa kandungan niya.
“Baby!”
“E ’di huwag, kung ayaw mo.” Naiinis na saad ko at naglakad papunta sa refrigerator. Kumuha ako roon ng malamig na tubig at kumuha rin ng baso at nagsalin doon. Uminom na lang ako para tanggalin ang init ng katawan ko na tinanggihan niya naman. Buwesit!
“Baby,” aniya at yumakap mula sa likuran ko.
“Oo nga. Huwag na kung ayaw mo.” Naiinis pa ring saad ko at nang mailapag ko sa mesa ang baso ay mabilis kong tinanggal ang mga braso niya sa baywang ko at hinarap siya.
“It’s not like that, baby. I really want to make love with you right now. Pero... may importante kasi akong pupuntahan ngayon. Magkikita kami ni Ricos.”
Umismid ako sa kaniya habang magkasalubong pa rin ang mga kilay ko at nakatitig ako sa kaniya. “E ’di sige... roon ka na kay Ricos.”
Bumuntong-hininga naman siya at napakamot sa kaniyang ulo. “Alright. Let’s do this quickly, baby.” Aniya at akma na sanang kukunin ang kamay ko para hilahin niya ako, pumiksi naman ako.
“Bakit ka makikipagkita kay Ricos?” tanong ko.
“Ricos has a problem with his mom and I can’t ignore him right now. He’s like a brother to me. So, I’m sorry, okay?” aniya at lumapit siya sa akin. Hindi naman na ako pumiksi nang kabigin niya ako sa baywang ko at dinala sa katawan niya.
Bumuntong-hininga ako at umangat ang mga kamay ko at humawak sa mga braso niya. “Okay,” malungkot na sabi ko.
“So, can you smile for me, baby?”
Kahit dismayado pa rin ako, pinilit kong ngumiti na lang sa kaniya.
Ngumiti rin naman siya at hinalikan ang noo ko. “Ihahatid na muna kita sa inyo!”
Tumango naman ako. “Hindi ba tayo mag-d-dinner muna? Nagluto ako ng ulam kanina.”
“Let’s eat then. Hindi ko puwedeng tanggihan pati ang luto mo. Baka sumabog ka na at hindi mo na ako pagbigyan kapag ako naman ang naglambing sa ’yo.” Nakangiting pagbibiro niya.
Hindi ko na napigilan ang mapangiti sa kaniya. “Aba, dapat lang Mr. Montague! Dahil kung pati ang niluto kong ulam kanina ay tatanggihan mo, hinding-hindi mo na talaga matitikman pati ang petchay ko.” Umismid ako sa kaniya.
Tumawa naman siya nang malakas at siniil ng halik ang mga labi ko. “Hindi puwedeng hindi ko na makakain ang petchay mo, baby. That’s my favorite food of all.” Aniya.
Napahagikhik na rin ako. “Okay, sige at umupo ka na. Maghahain ako para makakain na tayo.” Bumitaw ako sa kaniya at tinanggal ko rin sa baywang ko ang mga braso niya. Pagkatalikod ko ay pinalo naman niya ang puwet ko.
“Tomorrow, I’ll eat that, baby.”
“Kung gusto mo naman ng dinuguan, why not?” nakangiting saad ko. “Bukas na kasi ang schedule ko.”
“What?”
Napangiti akong lalo nang paglingon ko sa kaniya, nakasimangot na siya at halos mag-isang linya na ang mga kilay niya.
“Ayaw mo ngayon. Tapos bukas kapag dinatnan ako, walong araw kang zero, Mr. Montague.” Saad ko. Paano ba naman kasi, isang linggo ako kung duguin.
“Damn it.” Napamura pa siya at kaagad na lumapit sa akin. “Ricos can wait for me. I will meet him tomorrow,” sabi niya. “Let’s skip our dinner, baby. Kailangan kong magpakabusog ngayon dahil mami-miss kita ng isang linggo.”
Napapalatak naman ako ng tawa nang muli niyang kabigin ang baywang ko at biglang sinunggaban ng mariing halik ang mga labi ko.
“CIRI, HIJA! Where have you been?” kunot ang noo na tanong ni Elena nang makita nito ang apo na pumasok sa main door. Nasa sala ang ginang at kausap nito si Rhea.
“Hi, Ciri!” nakangiting bati ni Rhea sa dalaga.
Ngunit isang seryosong tingin lamang ang ibinigay ni Ciri kay Rhea ’tsaka nito sinulyapan ang abuela.
“Binisita ko lang po si daddy, lola.” Anito.
“Really? Where is your daddy right now, darling?” tanong ulit ni Elena.
Bumuntong-hininga naman ang dalaga. “Nasa pad niya po, lola.”
“Puwede ko bang malaman kung saan ang pad niyang iyan, hija?” nakangiti pang tanong nito.
“I’m sorry po, lola. Magagalit po si daddy sa akin kapag sinabi ko sa ’yo kung saan ang pad niya. That’s only his private place.”
Bumuntong-hininga naman nang malalim ang ginang ’tsaka napaismid sa apo. “You’re keeping secret from me, Cirilla.” Anito.
“Hayaan mo na po tita kung ayaw magsabi ni Ciri. Baka nga po magalit sa kaniya ang daddy niya,” sabi naman ni Rhea at nginitian ang dalaga.
Bumuntong-hininga lamang din si Ciri at nag-iwas ng tingin kay Rhea. “I’ll go upstairs po, lola.”
“Alright.” Anito.
Kaagad na pumanhik sa hagdan si Ciri at tinungo ang silid nito.
“Kung ginawa mo lang sana nang maaga ang utos ko sa ’yo na pikutin ang anak ko, wala ka na sanang problema ngayon, Rhea. Look what is happening right now! Naunahan ka na ng Solana na ’yon.” Seryosong saad pa ng ginang nang muli nitong tapunan ng tingin si Rhea.
“Tita, stop worrying po. I know makukuha ko rin po si Rufo.” Nakangiting saad nito. “And... may importante rin po kasi akong ginawa lately kaya naging busy ako. But now that I’m not busy anymore... may enough time na po ako para kulitin nang kulitin si Rufo. So, don’t worry.”
Bumuntong-hininga si Elena. “Siguraduhin mo lang, Rhea. Because I really don’t like that woman kaya sana ay kumilos ka na para makuha mo agad si Rufo.”
Ngumiti nang malapad si Rhea habang nakatitig ito sa ina ni Rufo.
Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa ay kaagad na nagpaalam si Rhea at pumanhik naman sa pangalawang palapag ng bahay si Elena. Sa halip na magdiretso ito sa sariling silid ay nagtungo ito sa silid ng apo.
Saglit itong kumatok sa pinto bago pinihit ang doorknob at pumasok ito roon.
“Can we talk, hija?”
“Bakit po, lola?” tanong ni Ciri na nakaupo sa tapat ng vanity table at nagtatanggal ng suot nitong alahas at make up.
“Ang sabi mo ay pinuntahan mo ang daddy mo kanina,” sabi nito.
“Yes po, lola. Why?”
“Kasama niya ba ang babaeng ’yon?”
Mula sa repleksyon sa salamin ay matamang tinitigan ni Ciri ang abuela bago ito pumihit paharap dito. “Lola, bakit hindi n’yo na lang po hayaan si dad sa desisyon niya?” sa halip ay saad nito.
“So naroon nga ang Solana na iyon sa pad ng daddy mo? At base sa tono ng pananalita mo ngayon... parang okay na kayong dalawa at tanggap mo na ang babaeng iyon na maging stepmother mo siya?”
“If Solana makes my daddy happy, why not, lola?”
Halos mag-isang linya ang mga kilay ni Elena dahil sa sinabi ng apo. Namaywang ito.
“Look, lola. Since mommy died, ngayon ko na lang po ulit nakita si dad na masaya. And it’s because of Solana. So please... itinigil n’yo na po ang pagpupumilit sa kaniya na magustohan niya si Rhea. I mean... even me I don’t like Rhea. Ikaw lang naman po ang may gusto sa kaniya, e!”
“Because I know Rhea is good for him.”
“She’s not, lola.” Anito. “Paano naman po magiging good si Rhea kay daddy if he doesn’t like her?” tanong pa nito. “Daddy loves Solana, lola. And I want him to be happy kaya hahayaan ko na po si daddy kung saan at sino po ang makakapagpasaya sa kaniya.”
“Cirilla, hindi mo gagawin ’yon.”
“I already did, lola.”
Matalim na titig ang ipinukol nito sa apo. “You will tell me kung saan ang pad ng daddy mo at—”
“I can’t, lola.”
“Cirilla.” Nagbabantang saad pa nito sa apo.
Pero sa halip na sagutin ang abuela, muling tumalikod si Ciri at ipinagpatuloy ang ginagawa nito kanina. Hindi na nag-abalang tapunan ng sulyap ang ginang.
Naiinis na tumalikod na lamang si Elena at lumabas sa silid ng apo. “I really hate that woman. Makikita niya kung ano ang gagawin ko sa kaniya.”