CHAPTER 36

2854 Words
“SOLANA!” Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nang makasalubong ko si Arisa. Papunta sana ako ngayon sa office ni Rufo dahil nag-text siya sa akin na dumaan daw muna ako roon dahil may tinatapos pa siyang trabaho. Ayaw niya raw na maghihintay ako ng matagal sa kotse niya. Nagsalubong ang mga kilay ko habang seryosong nakatitig sa akin si Arisa. “Can we talk?” anito. “Sorry, Arisa... pero nagmamadali kasi ako,” sabi ko. Ayokong makausap itong si Arisa. Kasi nitong mga nakaraang araw, napapansin kong parang kakaiba ang mga tingin nito sa akin. Kapag subject namin kay Rufo, madalas ay nahuhuli ko itong panay ang tingin sa akin tapos titingin din kay Rufo. Parang pakiramdam ko... may nasi-sense or may alam na ito tungkol sa amin ni Rufo! Kaya nga kinakabahan ako at nag-iingat na sa pagkikita namin ni Rufo sa parking lot. Since Monday, after Rufo returned from a three-day leave because of the accident that happened to him last week, hindi na ako ganoong sumasabay sa kaniya pauwi. Nagta-taxi na lang ako kung gusto kong dumiretso sa pad niya pagkatapos ng klase namin sa hapon. I was about to step to leave, but Arisa grabbed my arm to stop me. “We need to talk, Solana!” mariing saad nito habang nakataas pa ang isang kilay. “Ano ba kasi ang sasabihin mo sa akin?” tanong ko at binawi mula rito ang braso ko. Bumuntong-hininga ito at ipinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib nito at mas lalong lumipad ang isang kilay nito. “I know your secret.” Anito. Suddenly, my eyebrows met, and I stared seriously into her eyes. Pero ang puso ko... biglang kumabog nang husto. “A-ano... ano ang ibig mong sabihin?” bahagya pa akong nautal. Ngumisi ito sa akin. “Oh, Solana! I know you know what I mean,” sa halip ay wika nito. Hindi naman ako umimik. Hinayaan ko lang na magsalita itong muli. “Lindsy told me na narinig niya kayo ni Millie na nag-uusap sa banyo no’ng nakaraan.” Mas lalo akong nakadama ng kaba at pag-aalala dahil sa sinabi nito. Hindi ko napigilan ang lihim na mapalunok. “And totoo nga ang kutob ko na may relasyon kayo ni Sir Rufo.” Nahigit ko ang aking paghinga at naramdaman ko ang pangangatog ng mga tuhod ko. Oh, no! Sinasabi ko na nga ba at may nakarinig sa amin ni Millie nang mag-usap kami sa banyo. And it was Lindsy. Tsismosa talaga ang babaeng ’yon! God! Kung bakit din kasi roon pa kami nag-usap ni Millie? May nakarinig tuloy sa amin. Kahit kinakabahan ako ngayon dahil nalaman na ni Arisa ang sekrito namin ni Rufo, hindi ko ipinakita rito na nag-aalala ako. Sinupil ko ang sarili ko at nagtaas ng noo. Pinilit ko pang ngumiti. “Ano?” kunwari ay tanong ko at bahagyang tumawa. “Sinabi sa ’yo ni Lindsy na may relasyon kami ni Sir Rufo?” bahagya kong hininaan ang boses ko. Baka kasi may makarinig din ngayon sa pag-uusap namin ni Arisa. “Yeah. Iyon daw ang narinig niya sa pinag-uusapan ninyo ni Millie,” sagot nito. “At alam ko naman ’yon. May kutob na ako no’ng nakaraan pa. Because... the way you stared each other. Halatang may something sa inyo. At last week, I think hindi kayo okay ni Sir Rufo kaya nga ikaw ang lagi niyang pinapansin sa klase natin hindi ba?” Muli akong tumawa ng pagak. “My God, Arisa! Hindi ko alam na marunong ka palang magpatawa,” sabi ko at umiling pa. “At naniwala ka naman sa mga sinabi ni Lindsy at diyan sa sarili mong kutob?” tanong ko pa. “Arisa, paano naman magkakaroon ng relasyon sa pagitan namin ni Sir Rufo maliban sa professor ko siya at estudyante niya ako? I mean... napakalaki ng agwat namin sa edad at lalo na sa buhay. At isa pa, ikaw na rin ang nagsasabi sa akin dati na hindi ako ang tipo ng babae ni Sir Rufo, hindi ba? So, bakit ngayon ginagawan mo kami ng isturya?” tanong ko. “Baka may makarinig sa nga sinasabi mo at isipin ay totoo.” Sumimangot ito sa akin at mas lalong nagsalubong ang mga kilay. “Come on, Solana! Hindi ka na makakapagsinungaling sa akin. I know na may relasyon kayo ni Sir Rufo.” Giit pa nito. “Alam mo ba na bawal ’yon?” tanong nito. “Oo alam ko, Arisa! Kaya hinding-hindi ako papatol kay Sir Rufo kung sakali mang type niya ako. Kasi alam kong bawal ’yon at ayoko na matanggal pa ako sa school na ito, pati siya,” sabi ko. “Kaya kung anuman ’yang mga sinasabi mo sa akin ngayon. Kung wala kang sapat na ebidensya na may relasyon nga kami ni Sir Rufo, please lang... huwag mo ng paniwalaan ang sarili mo. Baka sa ’yo pa magalit si Sir Rufo kapag malaman niyang sinisiraan mo siya at ginagawan ng kwento.” Pagkasabi ko niyon ay mabilis na akong tumalikod at naglakad palayo. Kahit ramdam ko pa rin ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa mga sinabi ni Arisa, pinilit kong maglakad nang maayos hanggang sa makaliko ako sa dulo ng pasilyo. It was only then that I let out a deep sigh and leaned against the wall bago pa man ako matumba dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Napahawak pa ako sa didbib kong labis ang pagkabog hanggang ngayon. “Oh! Alam na ni Arisa ang tungkol sa amin.” Nababahalang saad ko. Sa halip na dumiretso sa office ni Rufo, kinuha ko sa bag ko ang cellphone ko at nag-text sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya na hindi na ako dadaan sa office niya at magkita na lang kami sa pad niya at may importante akong sasabihin sa kaniya. I NOW HAVE my own key to Rufo’s pad. Binigyan niya ako no’ng araw na naging official na ang relasyon namin. Kaya anytime na pupunta ako rito sa pad niya, may access na ako. Nang dumating nga ako sa pad niya, kaagad akong nagbihis. Dahil hindi pa ako nakakapaglaba ng mga damit ko na dinala ko rito, isinuot ko na muna ang button-down long sleeve polo ni Rufo. Hindi na ako nagsuot ng pang-ibaba. Nasanay na ako sa ganitong hitsura kapag narito ako sa pad niya. Well, kaming dalawa lang naman ang narito palagi. At natuto na rin kaming mag-lock ng pinto. Si Ricos kasi... basta-basta na lamang sumusulpot. Nang matapos akong magbihis ay nagpasya na rin akong magluto para sa haponan namin. Tutal naman at wala akong ginagawa at tutunganga lang ako para hintayin siya. Ang sabi niya kasi sa reply niya sa akin kanina ay baka abutin pa ng dalawang oras bago siya makauwi. Marami naman siyang stock sa refrigerator niya kaya nagluto na ako ng kare-kare. Isa ’yon sa paborito niyang ulam kaya iyon na ang niluto ko. Saktong kakatapos ko lang maghugas nang mga ginamit kong utensils nang marinig ko namang bumukas ang pinto. Suddenly a wide smile appeared on my lips when I turned around thinking that Rufo had arrived. Pero ganoon na lamang ang mabilis na paglalaho ng ngiti sa mga labi ko nang makita kong si Ciri pala ang dumating. Bigla akong nakadama ng kaba. Oo no’ng magkita kami sa ospital ay hindi ito nagalit sa akin... pero hindi pa rin ako sure kung okay na rin para dito na karelasyon ako ng tatay nito. “I-ikaw pala, Ciri,” sabi ko at kinuha ko ang maliit na towel na nasa dulo ng lababo at ipinunas ko roon ang mga kamay kong basa. Tiningnan muna ako nito mula ulo hanggang paa. Nakadama pa ako ng hiya nang silipin ko rin ang sarili ko. God! Ganito pa ang hitsura ko ngayong nandito si Ciri. Well, I didn’t expect her to come here today. “Where is dad?” casual na tanong nito sa akin. Muli ko itong tiningnan. “Um,” saglit akong tumikhim. “W-wala siya rito, Ciri. Pero... pauwi na rin siya siguro. May tinatapos daw kasi siyang trabaho kanina sa office niya,” sabi ko at naglakad palapit sa dining table. “Ah, p-pasok ka muna,” sabi ko pa habang nakatayo pa rin ito sa gitna ng pintuan. “Tapos naman na akong magluto para sa dinner ng daddy mo, so... aalis na rin ako.” Pagkasabi ko niyon ay naglakad ako palapit sa kama ni Rufo at dali-daling dinampot ko roon ang uniform ko. Hahakbang na sana ako para pumasok sa banyo at doon na magbibihis pero nagsalita naman si Ciri. “You don’t have to leave, Solana.” “Huh?” gulat na tanong ko nang tumingin ako ulit dito. Huminga ito nang malalim at isinarado ang pinto pagkuwa’y naglakad na rin palapit sa sofa at doon pumuwesto. “I just came here to visit dad. Pero wala pa naman siya so... can we talk?” Bahagya akong napamaang dahil sa sinabi nito. Ano raw? Gusto akong makausap ni Ciri? “If it’s okay with you, Solana.” “S-sure,” nauutal na sabi ko at napatango pa. “Mag... bibihis lang ako.” Tumango naman ito kaya nagmadali na akong pumasok sa banyo. Oh, ano naman ang pag-uusapan namin? Kinakabahang tuloy ako. Hindi kaya... kakausapin ako nito nang maayos na hiwalayan ko ang daddy nito? Solana, huwag ka munang mag-isip ng ganiyan. Ano’ng malay mo na kakausapin ka lang niya tungkol sa inyo ng daddy niya. Nagtatalo na ang kaliwa’t kanang utak ko. Pagkatapos kong magbihis, bago ako lumabas ulit ng banyo ay humugot pa ako nang malalim na paghinga. Saglit ko iyong inipon sa dibdib ko saka pinakawalan sa ere. When I made sure I was okay, I opened the door and went out. I saw Ciri still sitting on the sofa. Lumapit ako sa kama ni Rufo at inilapag doon ang damit niyang hinubad ko at umupo na rin ako sa gilid niyon. Naiilang man ako dahil sa paninitig sa akin ni Ciri, hindi ko na lamang iyon pinansin. Saglit akong tumikhim. “A-ano ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko. “About you... and my dad.” Saglit akong nanahimik. “Galit ka rin ba sa akin kagaya ng lola mo dahil nakipag-relasyon ako sa daddy mo?” mayamaya ay tanong ko. “To be honest, Solana... yeah.” As I expected. Napatango ako at nagyuko ng ulo. “How old are you, Solana?” Muli ko itong tiningnan. “Twenty-four,” sagot. “Seventeen years ang age gap ninyo ng dad ko,” sabi nito. “And six years ang age gap natin. So parang magkapatid na tayo.” That means, eighteen lang siya? Sabagay... ang sabi ni Rufo sa akin noon, eight years old lang si Ciri nang mamatay ang mommy nito. Tapos ten years na silang hindi okay na mag-ama. “Parang daddy mo na rin siya, Solana.” “Pero mahal ko ang dad mo, Ciri at—” “I know,” wika nito kaya napahinto ako sa pagsasalita ko. “Dad told me. And he loves you too.” Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nito. So, nagkuwento na pala si Rufo sa anak niya tungkol sa amin?! “Since my mom died, ayoko talaga na nagkakaroon ng girlfriend si daddy. Isa iyon sa lagi naming pinag-aawayan kapag nalalaman kong may babae na naman siyang kasama. I mean, fling. But when he met you... I know my dad is always happy being with you. I know he loves you so much. Nalulungkot man ako na bukod kay mommy... ay may bago ng babae na nagmamay-ari sa puso niya at may bago ng babae ang nagpapasaya sa kaniya. At first, I was mad at him and to you too. Alam mo naman siguro ’yon?” Tipid akong ngumiti at tumango. “But when daddy explained to me kung gaano ka niya kamahal at kung gaano mo siya napapasaya everytime na magkasama kayo... I can see it in his eyes though. So, I told to myself na hindi ko na kailangang hadlangan ang relasyon ninyo ni daddy. Ngayon na lang ulit siya naging masaya, Solana.” Hindi ko na napigilan ang mapangiti nang malapad dahil sa huling mga sinabi nito. “Wala akong ibang hangad para sa daddy ko Solana, kun’di ang maging masaya siya lagi. And I know na ikaw lang ang makakapagpasaya sa kaniya nang husto so... I’m giving you my blessing.” Hindi ko na napigilan ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko dahil sa muling sinabi nito. “I really love your dad, Ciri,” sabi ko. “Totoo ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi pera niya ang habol ko kagaya sa ibinibintang sa akin ng lola mo.” “I know. Dad told me about that.” Anito. “And about lola, ako na ang humihingi sa ’yo ng sorry dahil sa mga sinabi niya sa ’yo na hindi maganda. She really likes Rhea for my dad. Pero kung tatanungin mo ako kung sino sa inyo ni Rhea ang gusto kong maging girlfriend ng daddy ko?” anito. Bahagyang nangunot ang noo ko at tumitig dito nang mataman. Nakadama ulit ako nang kaba sa didbib ko sa maaari nitong sabihin ulit. “I prefer you to be daddy’s girlfriend than Rhea.” Bigla akong nakahinga nang maluwag at muling napangiti. God! Ano ba itong feeling na nararamdaman ko ngayon? Para akong nanalo sa lotto dahil sa pag-uusap namin ni Ciri, dahil sa mga sinabi nito sa akin ngayon. I’m so happy right now. Hindi sumagi sa isipan ko na puwede palang mangyari ang conversation na ito between me and Ciri. “I really don’t like Rhea kahit dati pa man. Si lola lang naman ang may gusto sa kaniya para kay dad. Masiyadong maarte ang babaeng ’yon kaya I don’t like her.” Sumimangot pa ito. Kung anu-ano pa ang mga napag-usapan namin ni Ciri. Marami itong tinanong sa akin na mga personal na bagay, na sinagot ko naman nang makatutuhanan para hindi na magkaroon ng problema sa aming dalawa. God! Ito na mismo ang nakipag-ayos sa akin, so sasayangin ko pa ba? Of course hindi na! Approved na nito ang relasyon namin ni Rufo, kaya sobra akong natutuwa ngayon. At sa halos kalahating oras na pag-uusap naming dalawa, nawala na nang tuluyan ang awkwardness na nararamdaman ko. Mabait naman pala si Ciri, taliwas sa iniisip ko dati. Mukha lang maldita ang hitsura nito. Kaya naniniwala talaga ako sa kasabihang... Don’t judge the book by its cover. Magaan din itong kausap. “Um, may isa pa palang hindi sinasabi sa ’yo ang dad mo na tungkol sa akin,” sabi ko mayamaya. “What is it?” kunot ang noo na tanong nito. Bahagya akong tumikhim upang tanggalin ang kaba ulit sa dibdib ko. I’ve been thinking about telling Ciri about where Rufo and I met. And I work at the club. Mabuti na ’yong ngayon pa lamang ay alam na nito at ako mismo ang nagsabi rito. Kaysa naman sa ibang tao pa nito malalaman ang totoo. Humugot ako nang malalim na paghinga bago nagsalita ulit. “Ano kasi... um, ang totoo niyan Ciri,” sabi ko. “Huwag kang magagalit, huh! Pero... sa club kami nagkakilala ng daddy mo. Roon kasi ako nagtatrabaho.” Lakas-loob na pagtatapat ko rito pero hindi ko naman magawang salubungin ang mga mata nito. Bahagya akong nagbaba ng mukha. Nahihiya na naman ako ngayon. Pero okay na rin ’yon at sinabi ko rito ang totoo. Bahala na lamang kung ano ang magiging reaction ni Ciri ngayon. “I know.” Mabilis akong nag-angat ng mukha at tiningnan ito ng nakakunot ang noo. Ano raw? “A-alam mo?” tanong ko. Tumango ito at dinampot ang orange juice na ginawa ko kanina para dito. Saglit itong uminom doon bago nagsalita ulit. “Dad told me everything about you, Solana.” “E-everything?” tanong ko pa. “Uh-huh!” tumango-tango pa ito. “Sinabi sa akin ni dad na sa DC kayo unang nagkita at nagkakilala. Nagtatrabaho kang dancer sa club sa gabi at estudyante sa umaga. You’re doing that kasi ikaw ang bumubuhay kay Cathy at Gabby, your two little sisters. Kasi wala na kayong parents. Pero hindi mo naman ginusto na iyon ang trabaho mo, Solana. You just had no choice, so you entered that kind of job so you could support them. And I admire you for doing that for your siblings, Solana.” Anito at ngumiti pa sa akin. Napangiti ako. “Thank you, Ciri.” “And one more thing, dad told me he was your first so I know you’re not a w***e, Solana.” Nahigit ko ang aking paghinga. God! Pati ba naman ’yon ay sinabi niya sa anak niya? Walang-hiya! Nakakahiya kay Ciri. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa pagkapahiya. Pero sa kabilang banda, natutuwa pa rin ako na alam na pala ni Ciri ang lahat tungkol sa akin. And I think she’s not mad at me anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD