CHAPTER 49

2886 Words
I WAS quiet throughout our class. While Rufo was discussing, I was just listening to him intently. Iniwasan ko ng mapatitig sa kaniya at ngumiti lalo pa at panay ang lingon sa akin nina Arisa at Lindsy. Hindi naman iyon naging mahirap para sa akin. Because Rufo himself also avoided looking at me and talking to me like he often does when he teaches in our class. Hanggang sa natapos ang klase namin sa kaniya. Kabado pa ako nang bumalik ulit sa classroom namin ang babaeng inutusan ni Dean kanina para daw papuntahin ako sa office nito. “Solana, ang sabi pala ni Dean... kakausapin ka na lang niya sa susunod na araw. May biglaang meeting kasi siya ngayon,” sabi nito sa akin. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag at medyo gumaan ang pakiramdam ng dibdib ko. Tipid akong ngumiti at tumango sa babae. “Salamat,” sabi ko. And when I glanced at Rufo, he still looked serious while putting his things inside his bag, and then left our classroom without even glancing at me. “You’re so lucky today, Solana.” Napalingon naman ako kay Arisa nang lumapit ito sa akin. Nakataas ang isang kilay nito habang nakakrus sa tapat ng dibdib nito ang mga braso. “Kung hindi lang nagkaroon ng biglaang meeting si Dean, I’m sure na last day mo na rito sa school ngayon at hindi ka na ulit makakapasok dito bukas.” “Tumigil ka na nga, Arisa! Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko—” “Hayaan mo na siya, Millie,” sabi ko kay Millie nang tumayo ito sa tabi ko. “Nakakagigil na kasi talaga ang babaeng ito, Solana.” Ngumisi naman si Arisa. “Come on, Millie. I know na may alam ka rin tungkol sa relasyon nina Sir Rufo at Solana. Huwag mo na siyang ipagtanggol at baka pati ikaw ay mapaalis sa school na ito dahil alam mo namang bawal ang ginagawa nila, hindi ba?” “Wala akong pakialam, Arisa! Kung totoo man ’yang sinasabi mo na may relasyon silang dalawa... e ’di ipatanggal mo rin ako rito. Hindi nga ba’t sabi mo kanina ay kilala mo ang may-ari ng ekwelahang ito? Then do it. Hindi ako natatakot, Arisa.” Anang Millie. “Bakit? Akala mo ba ikaw lang ang may kakayahang ipatanggal si Solana rito?” tanong pa ni Millie habang matalim ang titig kay Arisa. “Hindi lang si Solana ang may tinatagong sekrito dito, Arisa.” Nangunot ang noo ko nang balingan ko ng tingin si Millie. Gusto ko sanang magtanong kung ano ang ibig nitong sabihin, pero hindi ko na nagawa nang tumawa ng pagak si Arisa at muling nagsalita. “Well, I do have secret, Millie. Pero hindi na ’yon sektrito sa ’yo dahil nalaman mo na ngang nakipagrelasyon ako sa bodyguard ni papa. But we already ended our relationship. Kaya—” “Ah, hindi ’yon ang sinasabi ko, Arisa.” Anang Millie at kaagad na kinuha ang cellphone nito mula sa bulsa ng bag nito at may kinalikot doon. Pagkatapos ay ipinakita iyon kay Arisa. “This is what I’m talking about, Arisa.” Anito. Hindi ko alam kung ano ang ipinakita ni Millie kay Arisa na nasa cellphone nito, pero kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Arisa at labis na gulat nito. Mayamaya ay ipinagpalipat-lipat nito ang tingin sa cellphone at kay Millie. “H-how...” halata ang kaba sa mukha nito ngayon. “Akala mo ikaw lang ang may alam, Arisa? Well, to tell you the truth... may alam din ako tungkol sa ’yo.” Lumapit dito si Millie. “Oras na ipagkalat mo rito sa school at lalo na sa faculty ang tungkol sa relasyon nina Sir Rufo at Solana, hindi rin ako magdadalawang-isip na isumbong ka sa faculty para pati ikaw ay matanggal dito.” Mahinang saad ni Millie, pero malinaw ko namang narinig ang mga sinabi nito kay Arisa. Mas lalong nangunot ang aking noo at nagtaka ako nang husto kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. Kitang-kita ko pa ang paglunok ni Arisa ng laway nito at parang namumutla na. “Y-you... you can’t do that—” “Para sa kaibigan kong labis mong pinag-iinitan? I can, Arisa.” Napatiim-bagang naman si Arisa at biglang nagpuyos ng galit. Mayamaya, walang salita na tumalikod ito bigla at nagmamadaling lumabas sa classroom namin. “Arisa!” tawag naman dito ni Lindsy at nagmamadali na ring lumabas para sundan ang kaibigan. “Ano ang sektrito ni Arisa na alam mo, bes?” tanong ko kay Millie habang magkasalubong pa rin ang mga kilay ko. Bumuntong-hininga naman si Millie at ipinakita nito sa akin ang cellphone nito. Nang kunin ko iyon para tingnan ang picture na naroon, lalong nangunot ang aking noo, pero kalaunan ay nanlaki rin ang mga mata ko at napatingin ulit kay Millie. “Totoo ba ito, Millie?” takang tanong ko. Tumango naman ito. “Oo, bes,” sagot nito. “May relasyon din si Arisa sa professor natin sa Services Marketing. Ang sabi sa ’kin ni Diana, ’yong kaibigan ni Gov. na nasa registrar nagtatrabaho, bumagsak daw sa subject na ’yon si Arisa sa dalawang exam natin. At para hindi malaman ng parents niya at dito sa school at nating lahat, nakipagrelasyon siya sa prof natin para lang din mabigyan siya ng grade at makapag-continue sa pag-aaral niya at makapag-graduate.” Pagkukuwento sa akin ni Millie. Oh, my God! Nagulat ako sa mga sinabi ni Millie. Oh, so ibig sabihin... wala akong dapat na ikatok o ipag-alala kay Arisa, kasi may hawak din namang ebidensya si Millie? Well, kung sabagay... hindi lang naman si Arisa ang kalaban ko ngayon. Kahit hindi ako nito isumbong sa faculty, nandito naman ang mommy ni Rufo. Wala pa rin akong kawala. “At nang araw na pumunta rito ang mga pulis para isama ka sa presinto, kinausap ako ni Diana at ito nga at ibinigay niya sa akin ang picture na ito.” Dagdag pa ni Millie. Dahil sa mga nalaman ko ngayon mula kay Millie, kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. At least, may pang-blackmail din ako kay Arisa kung sakaling gumana ang plano namin ni Rufo para sa mommy niya. MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Rufo sa ere habang ibinubutones niya ang kaniyang long sleeve button-down shirt. Nakatayo siya sa harap ng full-sized mirror. Pagkatapos ay sinuklay niya ang kaniyang buhok at inayos ulit ang kwelyo niyon. Matapos magbihis ay dinampot niya ang kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table at tinawagan ang nobya. Isang ring pa lamang ay sinagot na agad ni Solana ang kaniyang tawag. “Hey!” “Hi, babe! Where are you?” “Nasa pad,” sagot niya. “What are you doing? Pupunta ka ba rito sa bahay? Gusto mo bang dito mag-dinner? Nagluto kasi ako ng paborito nating ulam.” Nahihimigan niya ang masiglang boses ni Solana. Alam niyang nakangiti ito ngayon. Muli siyang bumuntong-hininga pagkuwa’y sinilip ang oras sa suot niyang wristwatch. Alas syete na ng gabi. At mamayang seven thirty ay kailangang masundo na niya si Rhea dahil iyon ang sinabi ng kaniyang mama. Labag man sa loob niya na makipag-date kay Rhea, pero wala siyang magagawa kun’di gawin ang gusto ng kaniyang ina alang-alang kay Solana. At hindi na rin niya ipinaalam sa kaniyang nobya na makikipag-date siya ngayon kay Rhea. Ayaw niya lamang na makadama ito ng selos kahit pa ipaliwanag niya rito na parte lamang iyon sa plano nila. “I would love to go there, baby. But... I have something important to go to now.” Aniya at napahilot pa sa kaniyang sentido pagkuwa’y umupo sa gilid ng kaniyang kama. “Sayang naman,” sabi ni Solana. “Saan ka pala pupunta, babe? Magtatagal ka ba sa pupuntahan mo? Puwede naman kitang hintayin. Mamaya na lang ako kakain pagdating mo.” Napangiti siya dahil sa sinabi ni Solana. “God knows how much I wanted to go there so we can have dinner together tonight, my love. But I can’t, baby.” “Ganoon ba?” “Yeah. But I promise, tomorrow night, I will have dinner at your house. I’ll bring Ciri too.” “Sige, babe. Mas gusto ko ang idea na ’yan.” Anito. “Mag-iingat ka sa biyahe mo. Huwag magmadali sa pagmamaneho mo, okay?” Muli siyang napangiti. “Yes, ma’am.” “Okay sige na. Ba-bye na muna at kakain na rin kami. I love you.” “Bye. I love you too, baby.” Kaagad na namatay ang tawag sa kabilang linya. Muli siyang napabuntong-hininga nang malalim at saglit na napatitig sa kawalan. Pagkalipas ng ilang sandali, nagpasya na rin siyang tumayo sa kaniyang puwesto at kinuha na ang susi ng kaniyang kotse at lumabas sa kaniyang pad. Tahimik lamang siyang nag-byahe papunta sa address ni Rhea. Nang makarating siya sa tapat ng condo ng dalaga, kinatok niya ito. “Hi, babe!” malapad ang pagkakangiti ni Rhea nang pagbuksan siya nito ng pinto. Ngunit hindi nagbago ang seryoso niyang hitsura at hindi rin siya nag-abalang batiin ito. “Are you done?” sa halip ay tanong niya rito. “I was waiting for you for almost ten minutes,” sagot nito. Late nga siya ng sampong minuto. Pero ayos lang... sinadya niya talaga iyon. “Let’s go.” Pagkasabi niyon ay kaagad siyang tumalikod at akma na sanang maglalakad para magpatiuna, pero nagsalita naman si Rhea. “Rufo!” tawag nito sa kaniya. Huminto naman siya at nilingon ito. “Hindi mo manlang ba ako aalalayan?” tanong nito at inilahad sa kaniya ang kanang kamay nito. Saglit niyang tiningnan ang kamay nitong nasa ere bago muling tiningnan ang mukha ng dalaga. “You can walk, Rhea. Let’s go.” “Rufo!” muling tawag nito sa kaniya nang tumalikod ulit siya. “Come on. This is our first date, babe. Huwag mo akong bigyan agad ng dahilan para tawagan si Tita Elena.” Napahinto siyang muli sa kaniyang paghakbang nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang ina. Tiim-bagang na napabuntong-hininga siya nang malalim at napipilitang pumihit paharap kay Rhea. Naglakad siya pabalik dito. Ngumiti naman nang mas malapad ang dalaga at muling inilahad sa kaniya ang kamay nito. Ayaw man niyang hawakan ang kamay nito, pero sa huli ay wala na rin siyang nagawa. Oh, damn! Kung hindi lamang para kay Solana, hinding-hindi niya gagawin iyon. But, he really loves Solana kaya handa siyang gawin ang lahat para sa kaniyang nobya. Nang mahawakan niya ang kamay ni Rhea, lumabas na ito nang tuluyan sa condo nito at isinarado ang pinto. Mayamaya ay bumitaw ito sa kaniyang kamay at sa halip ay ipinulupot nito ang mga kamay sa kaniyang braso. “This is much better,” wika nito at iginiya na siya sa paglalakad. SA ISANG MAMAHALING restaurant pala nagpa-reserved ng lamesa ang kaniyang ina kaya wala na rin siyang nagawa nang naroon na sila ni Rhea. “Oh, this is so sweet, babe!” anang dalaga sa kaniya habang magkaharap na silang nakaupo sa pandalawahang lamesa. “Matagal ko na talagang gusto na mag-date tayo. And finally... natupad na rin. Thanks to Tita Elena,” wika pa nito. Bumuntong-hininga siyang muli. Kanina nang nasa biyahe pa lamang sila ay panay na ang daldal ni Rhea, pero hindi niya ito pinapansin. Hinahayaan lamang niya kahit pa ang totoo ay naririndi na siya. Damn. Kung sana si Solana ang kasama niya sa date na iyon ngayong gabi, malamang na kanina pa hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya. Kanina pa rin panay ang daldal niya. Pero hindi si Solana ang kasama niya ngayon, kun’di si Rhea. “By the way, babe... Tita Elena told me earlier na nakipag-break na raw sa ’yo si Solana. So that means, puwede ng maging tayo.” Kunot ang noo na napatingin siya kay Rhea. Malapad pa rin ang pagkakangiti nito sa kaniya. “Rhea, Solana, broke up with me, because that’s what my mom wanted to happen. But that doesn’t mean we can have a relationship.” Seryosong saad niya rito. Pero hindi manlang nawala ang ngiti sa mga labi ni Rhea. “Come on, Rufo! I know gusto mo naman ako, e! Hindi mo na kailangang—” “I don’t like you, Rhea.” Aniya upang putulin ang pagsasalita nito. “I already told you I don’t like you. And one more thing... I only agreed to go on a date with you tonight to...” huminto siya. “Para ano? Para hindi tanggalin ni Tita Elena si Solana sa eskwelahan ninyo?” tanong nito. “I know, Rufo. Sinabi sa akin ni Tita Elena ang tungkol doon.” Muli siyang napabuntong-hininga at nag-iwas ng tingin dito. Oh, damn! Hindi niya talaga kayang tagalan ang pagtitig sa mukha ng dalaga. Kapag nakikita niya kasi ang mukha nito ay labis lamang siyang nakakadama ng poot. Kung hindi lamang kasi dahil kay Rhea hindi naman talaga magkakaroon ng malaking problema sa relasyon nila ni Solana. Dumating ang dalawang waiter at ini-served na sa kanila ang pagkain nila. “You know how much I like you, Rufo. Simula pa man ay sinabi ko na rin sa ’yo kung gaano kita kagusto. So, ngayong nakipaghiwalay na sa ’yo si Solana, dapat lang na maging akin ka na. Dahil kung hindi...” ngumisi ito sa kaniya nang sulyapan niya ulit ito. “Kaya kong gawin ang lahat para pahirapan ang babaeng ’yon.” Dagdag pa nito. Napatiim-bagang siyang muli. Damn it! Hindi na lamang siya nagsalita pa. Sa halip ay nagsimula na siyang kumain. Naging tahimik ulit siya hanggang sa matapos silang kumain. Hindi na niya sinagot ang ibang mga sinabi ni Rhea sa kaniya. Pagkatapos, gusto pa sana ni Rhea na magpunta sila sa coffee shop, pero hindi na siya pumayag. “It’s just a coffee, Rufo.” “If you want to have coffee, Rhea, then go. I’m going home because I still have work tomorrow morning.” Seryosong saad niya rito nang nasa labas na sila ng restaurant. Malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Rhea sa ere pagkuwa’y inismiran siya. Pero mayamaya ay ngumiti rin bigla. “How about... tomorrow night, babe? Coffee naman tayo?” Tinitigan niya lamang ang dalaga, pagkatapos ay tumalikod na siya. “I’ll take you home,” wika niya at kaagad na sumakay sa driver’s seat. “Hindi mo ba ako pagbubuksan ng pinto, Rufo?” maarteng saad nito. “The door is in front of you, Rhea. It’s not hard to open—” “Come on! Hindi ako sasakyan hanggat hindi mo ako pinagbubuksan ng pinto, Rufo.” Anito at namaywang pa at seryosong tingin ang ibinigay sa kaniya. Tinitigan niya rin ng seryoso ang dalaga, pagkatapos ay dumukwang siya papunta sa front seat upang buksan ang pinto. Pero mabilis din naman iyong isinarado ni Rhea. “Buksan mo ang pinto para sa akin, Rufo. Bumaba ka.” Utos nito sa kaniya at tumaas pa ang isang kilay. Muli siyang napatiim-bagang at naikuyom ang kaniyang mga kamao na nasa ibabaw ng kaniyang mga hita. Napabuntong-hininga siyang muli at napipilitan na lamang na bumaba ulit sa kaniyang kotse at umikot sa puwesto ni Rhea. Walang salita na binuksan niya ang pinto. Ngumiti naman si Rhea sa kaniya at inilahad sa kaniya ang isang kamay. “Alalayan mo ako, babe!” anito na pinalambing pa ang boses. At para matapos na ang gabing iyon na kasama niya ang dalaga, hinawakan niya na ang kamay nito at inalalayan na makasakay sa front seat. Pagkatapos ay isinarado niya na ang pinto at muling sumakay sa driver’s seat. Wala pa ring imik na pinaandar niya ang kaniyang sasakyan hanggang sa makarating na sila sa building ng condo nito. Muli niya itong pinagbuksan ng pinto at inalalayang makababa. Kaagad namang yumakap sa braso niya si Rhea. “Let’s go, babe.” Anito. “You can go to your condo by yourself, Rhea.” “Pero gusto kong ihatid mo ako,” sabi nito. Napatiim-bagang ulit siya at wala ng nagawa. Hanggang sa makarating na sila sa tapat ng unit nito. Bumitaw naman sa kaniya si Rhea at humarap sa kaniya. Malapad pa rin ang ngiti nito sa mga labi. “Thank you again, babe, for this wonderful evening,” wika nito at walang sabi-sabi at biglang ipinulupot ang isang braso sa kaniyang leeg at kinabig siya papunta rito. Nanlaki pa ang kaniyang mga mata nang maglapat ang kanilang mga labi. Gulat man sa ginawang iyon ni Rhea, pero bigla niya itong hinawakan sa braso at inilayo sa kaniya. “What are you doing, Rhea?” galit na tanong niya. Ngumisi naman ito. “What? I’m just kissing you.” Napatiim-bagang siya. Damn it! Kung hindi lamang kasalanan na saktan niya ito, kanina niya pa ginawa. Matalim na titig ang ipinukol niya rito. “Don’t get mad, babe. Masasanay ka rin sa halik ko.” Hindi na siya nagsalita pa. At bago pa man siya makagawa ng hindi maganda kay Rhea, kaagad siyang tumalikod at iniwanan na ito. “Good night, Rufo.” Hindi niya na ito pinansin at nagtuloy-tuloy lamang siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan ng elevator. “f**k!” mariing pagmumura niya at pinunasan ang kaniyang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD