CHAPTER 25

4105 Words
“HI, MILLIE!” bati ko rito kahit alam ko namang hindi pa rin ako nito papansinin. At tama nga ako, nilagpasan lang ako nito habang nakatayo ako sa gilid ng pinto ng classroom namin. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere saka laglag ang mga balikat at malungkot na pumasok na rin at naglakad papunta sa puwesto ko. I even glanced at Rufo, who was already in front and looking at Millie and me. I smiled at him narrowly and sadly, then sat down in my chair. Nagsimula siyang mag-discus. Naka-focus at nakikinig naman ako sa mga sinasabi niya, but I still can’t help but think about my friend who is right behind me. This is the second day that Millie and I have not been okay, and I miss her so much. Hindi talaga ako sanay na hindi kami okay! Hanggang sa natapos ang first subject namin. “Millie, tara sa canteen!” Napatingin ako sa isang classmate namin na babae na tinawag si Millie. Tiningnan ko rin ang kaibigan ko. “Sige. Wala kasi akong kasabay,” wika nito at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Nakadama na naman ako ng kirot sa puso ko. “Ms. Andres!” Millie stopped walking towards the door when Rufo called her. Napatingin ako sa kaniya at kay Millie rin. “Yes, sir?” seryosong sagot ni Millie. “Can I talk to you for a minute?” “Bakit po, sir? May importante po ba kayong sasabihin sa akin?” hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha nito. Saglit akong tinapunan ng tingin ni Rufo bago siya ulit nagsalita. “In my office.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang lumabas ng classroom. Nakita ko naman ang pagbuntong-hininga nang malalim ni Millie bago ito napipilitang sumunod kay Rufo. Kakausapin niya ba si Millie tungkol sa nangyari no’ng isang araw? Gusto ko sanang sumunod din sa kanila para marinig ko ang pag-uusapan nila, pero hindi ko na lamang ginawa. Lumabas na rin ako sa classroom at nagtungo sa canteen. Mag-isa akong kumain kagaya kahapon. At pagkatapos ng break namin ay bumalik na ako sa second subject namin. And just like yesterday, my whole day became quiet and sad again. After our afternoon class, before I went to the parking lot, I went to the bathroom first. As soon as I entered the door, I saw Millie was also there. And from our reflection in the mirror, she glance at me. Hindi na sana ako tutuloy sa pag-ihi, pero sa huli ay nagpasya na rin akong pumasok. Dumiretso ako sa loob ng cubicle. And when I came out, I saw Millie was still there in front of the sink. Wala naman itong ginagawa kun’di nakatingin lamang sa salamin. Nag-iwas ako ng tingin at naglakad din palapit sa lababo. Sa bandang dulo pa ako nagbukas ng gripo para maghugas ng kamay ko. I wanted to speak up to talk to her, but I didn’t. Dahil alam ko naman na hindi pa rin ako nito kakausapin. “Hindi mo ako tatanungin kung ano ang napag-usapan namin ni Mr. Montague nang ipatawag niya ako kanina sa office niya?” Bigla akong napalingon dito nang ito ang unang nagsalita para kausapin ako. I stared at her face for a moment, then let out a gentle but deep breath. I focused my eyes again on my hands, that were still under the faucet. Saglit akong tumikhim upang tanggalin ang bolang nakabara sa lalamunan ko. “A-ano... ano ang pinag-usapan ninyo?” tanong ko. Bumuntong-hininga rin ito nang malalim. “Sinabi niya sa akin na makipagbati na ako sa ’yo dahil hindi mo naman ginustong maglihim o mag-sekrito sa akin tungkol sa kung anuman ang namamagitan sa inyong dalawa.” Muli akong napatingin dito. Seryoso pa rin ang mukha nito habang nakatitig sa akin. “Naiinis ako sa ’yo... kasi nangako tayo sa isa’t isa noon na walang secret at lies, pero ikaw ang unang sumira sa pangakong iyon, Solana.” I bit my lower lip when I felt the heat in the corner of my eyes again. Pinatay ko ang gripo at ipinunas ko na sa palda ko ang basa kong mga kamay at humarap ako rito. “Kaya nga humihingi ako ng sorry sa ’yo Millie. Hindi ko naman talaga gustong maglihim sa ’yo tungkol sa namamagitan sa amin ni Rufo. Pero... hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa ’yo ang tungkol doon. I mean, natakot lang ako na baka malaman din ng ibang tao. Alam mo naman na bawal ’yon ’di ba? Bawal ang relasyon between sa teacher at student. I’m sorry talaga, Millie kung naglihim ako sa ’yo. Kung nagsinungaling ako. Pero, balak ko naman talagang sabihin ’yon sa ’yo. Humahanap lang ako ng timing.” Pagpapaliwanag ko. “Dapat sinabi mo agad, Solana,” wika nito na nanunubig na rin ang mga mata. “Nagmukha kasi akong tanga, e! Lagi kong sinasabi sa ’yo kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kung gaano ko siya kagusto. Tapos lagi mo ring sinasabi sa akin na hindi mo siya type. Tapos malalaman ko na lang...” huminto ito sa pagsasalita at mabilis na pinunasan ang mga luhang biglang naglandas sa mga pisngi nito. “At isa pa, hindi ko naman ipagsasabi sa ibang tao kung anuman ang mayroon kayo! Hindi naman ako masamang kaibigan para ilaglag ka, Solana! Alam kong bawal ang relasyon na kagaya ng kung ano ang mayroon kayo ngayon. Pero sa tingin mo, maaatim ko bang ipagkalat sa iba ang tungkol doon? Maaatim ko bang matanggal ka sa school na ito at hindi ka makapag-graduate? Maaatim ko bang masaktan ang kaisa-isa kong best friend?” tanong nito na bahagya pang pumiyok ang boses. Because of what she said, I can feel the pain I caused her because of my lying. And Rufo was right. Kung talagang totoong kaibigan ang turing sa akin ni Millie, hindi nito maaatim na masaktan ako kung sasabihin nito sa ibang tao ang tungkol sa nalaman nito. “Mahal kita, Solana. Parang kapatid na ang turing ko sa ’yo kaya sobra akong nasaktan nang malaman ko ang totoo. Na nagsisinungaling ka pala sa akin.” Sunod-sunod akong napasinghot at pinunasan ang mga luha sa mga pisngi ko. “I’m sorry, Millie. I’m sorry!” ang tanging nasambit ko na lamang habang hindi ko magawang tumingin sa mga mata nito. Pareho na kaming nag-iiyakan dito sa loob ng banyo. Mabuti na lamang at kami lang ang narito. “Sorry na. Please!” naglakad ako palapit dito. “Nakakainis ka!” sa halip ay saad nito at lumapit na rin sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Mas lalo akong naluha. Oh, thank God! Thank you rin kay Rufo. If he hadn’t talked to Millie this morning, malamang na hanggang ngayon ay hindi pa rin magkakabati. “Sorry, bes!” paulit-ulit na sambit ko. “Sorry din kung hindi kita pinansin.” “Deserve ko naman,” sabi ko at bahagya kaming nagkatawanan. Mayamaya ay naghiwalay kami. Pareho pang nagpunas ng mga luha namin sa mga mukha namin. “Tama na nga itong iyak natin. Ang papanget natin umiyak.” Natatawang saad nito. Tumawa na ako nang malakas. “Basta, ayoko na ng secrets, a!” anito. “Actually...” huminto ako saglit at sinupil ko muna ang sarili ko. “May isa pa akong aaminin sa ’yo, bes.” Saad ko. Nagsalubong naman ang mga kilay nito at seryosong tumitig sa akin. “Ang dami mo namang secrets. Samantalang ako...” “Sorry nga. But I have valid reason kung bakit ko inilihim sa ’yo ang tungkol dito,” sabi ko pa. Sumimangot naman ito sa akin. “Sabihin mo sa akin,” sabi nito. “Um, huwag tayo rito mag-usap,” wika ko at hinawakan ko ang kamay nito at hinila ito palabas ng banyo. Sakto namang pagkabukas ko sa pinto ay naroon sa labas si Lindsy. Mukhang nakikinig ata ito sa pinag-usapan namin ni Millie. Because of that, I suddenly got nervous. Nanlalaki pa ang mga mata ko nang tapunan ko ng tingin si Millie. “Ano ba ang ginagawa mo rito sa labas, Lindsy? Nakikinig ka ba sa usapan ng may usapan?” mataray na tanong ni Millie sa kaibigan ni Arisa. “A, h-hindi ’no.” Pag-d-deny nito. Sinamaan ito ng tingin ni Millie. “Ang tsismosa mo talaga!” anito. “Kung anuman ang mga narinig mo kanina, huwag na huwag kang magkakamaling isumbong mo iyon kay Arisa. Dahil sinasabi ko sa ’yo... kakalbuhin talaga kita kasama ang anit mo. Naiintindihan mo?” Umismid naman si Lindsy. “Halika na, bes.” Hinila ko na ulit ang kamay ni Millie hanggang sa makalayo kami sa labas ng banyo at makarating kami sa labas ng opisina ni Rufo. “Hindi kaya... narinig ni Lindsy ang pinag-usapan natin, bes?” nag-aalala at kinakabahang tanong ko pa. “Tingin ko naman ay hindi niya narinig ang buong pinag-usapan natin,” sabi nito. I sighed deeply. “Sana lang,” sabi ko. “Bakit pala rito tayo nagpunta?” kunot ang noo na tanong nito sa akin matapos nitong tapunan ng tingin ang pinto ng office ni Rufo. “Sa loob na tayo mag-usap para wala talagang may makarinig sa pag-uusapan natin.” Pagkasabi ko niyon ay kumatok na ako sa pinto at pinihit ang doorknob. Nakita ko naman si Rufo na nagliligpit na ng mga gamit niya. He even smiled when he saw Millie with me. “Hey!” he stood up from his sit and immediately walked towards me. “Have you two talked?” tanong niya habang ipinapagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Millie. Tumango naman ako, “thank you,” sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya ulit at masuyong hinagod ang likod ko. “Thank you Ms. Andres for listening my advice,” aniya. Tipid na ngumiti lamang si Millie sa kaniya. “Um, p-puwede bang mag-usap muna kami ni Millie rito?” tanong ko sa kaniya nang balingan ko ulit siya ng tingin. “Sure,” he answered and looked at the time on his wristwatch. “I’ll just wait for you in the parking lot.” Tumango ako bago siya tumalikod at bumalik sa mesa niya. Tinapos niya ang pagliligpit ng kaniyang mga gamit at pagkuwa’y kaagad siyang lumabas ng kaniyang opisina kaya naiwanan na kami ni Millie. “So, palagi pala kayong sabay na umuuwi?” tanong sa akin ni Millie. “Kaya pala madalas kang magdahilan sa akin na pupunta ka sa library.” “Sorry, bes. Pero... yeah. Lagi kaming sabay na pumasok at umuwi. Hinahatid-sundo niya ako.” “E ’di sana all!” anito at inirapan ako saka naglakad papunta sa sofa. “Saka ko na lang ikukuwento sa ’yo ang ibang tungkol sa amin ni Rufo. Gusto ko munang sabihin sa ’yo ang isa ko pang sekrito.” Naglakad din ako papunta sa sofa at umupo ako sa bandang dulo niyon. “Makikinig ako,” sabi nito. Oh, how can I tell Millie? I sighed again and gathered my courage for a moment. After a few minutes, I spoke again. “Sigurado ako na alam mo ang tungkol sa Diamond Club, hindi ba?” I asked her. Nag-uumpisa na namang bayuhin ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko kasi mabasa sa mukha ni Millie kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ko ngayon. Nagsalubong naman ang mga kilay nito at napatitig sa akin ng seryoso. “Oo, alam ko ang tungkol doon,” sabi nito. Pero mayamaya ay unti-unti ring nanlaki ang mga mata nito. “Oh, my God!” anito at napatutop pa sa bibig nito. “Don’t tell me...” Marahan akong tumango kasabay niyon ang pagbuntong-hininga kong muli. “Oh, Solana!” bumuga rin ito nang napakalalim na paghinga. “God! Nagsasayaw ka sa club na ’yon?” ulit na tanong nito. Bakas pa sa mukha nito ang gulat at hindi makapaniwala dahil sa nalaman ulit nito mula sa akin. “Nababaliw ka na ba? I mean, kailan pa?” tanong nito na hindi na maipinta ang hitsura. “I’m sorry bes, pero... may isang taon.” “Jesus!” bulalas na sambit nito at napasandal pa sa puwesto nito. Tinitigan ako nang napakaseryoso at umiling nang sunod-sunod. “Solana! Are you out of your mind?” hindi na nito napigilan ang magtaas ng boses sa akin. “Bes, wala lang talaga akong choice,” sabi ko. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nang mga panahong ’yon para maka-survived lang kaming tatlong magkakapatid. Alam mo naman ang sitwasyon namin ’di ba? Wala si mama, si papa. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para makakain lang kami, para matuloy lang ang pag-aaral naming tatlo.” Pagpapaliwanag ko. Millie was silent. She did not speak immediately. She just stared at me seriously. “Alam kong... alam kong mali itong ginawa ko. But I don’t have a choice—” “Maraming choice, Solana.” Anito kaya naputol ang pagsasalita ko. “Puwede kang mag-part time job, kagaya sa dati mong ginagawa. Pero hindi naman... hindi sa ganoong trabaho,” sabi pa nito. “So, ibig sabihin, all these time na pinagkakatuwaan ka nina Mark kapag nakakatulog ka sa klase natin, tama ang mga hinala nila sa ’yo?” Napayuko ako ng ulo ko. Ngayon ako nakadama nang labis na hiya kay Millie. Sobra talaga akong nakakahiya. “Isang taon, Solana. Isang taon ka ng naglilihim sa akin tungkol sa trabaho mo,” sabi pa nito. Kahit hiyang-hiya ako ngayon, muli akong nag-angat ng mukha upang tapunan ito ng tingin. “Isang taon, pero—” “Ibig sabihin ay nakikipag-s*x ka sa—” “No.” Mariin kong pinutol ang sasabihin sana nito sa akin. Umiling pa ako nang sunod-sunod. “Iyon ang hinding-hindi ko gagawin, Millie. Kahit wala na kaming kainin at hindi na kami makapag-aral, hinding-hindi ko magagawang ibenta ang sarili ko para lang kumita ng pera.” She breathed deeply. It was like there was a thorn was suddenly pulled out of her chest because of what I said. “Nang tulungan ako ng manager ko na makapasok sa DC, nakipag-deal ako sa kaniya pati sa may-ari ng club, kay Madam Deborah. Ang sabi ko, sasayaw at t-table lang ako sa mga customer, pero hinding-hindi ko ibibigay ang sarili ko. Iyon ang nasa kontrata na pinirmahan namin.” Pagpapaliwanag ko pa. “Hindi ako makapaniwala, Solana! All these time...” “I’m sorry again, Millie. I swear to God, kung nandito lang sana isa kina mama at papa, kung hindi lang sana ako nahirapan na akuin ang lahat ng resposibilidad sa pamilya namin, sa mga kapatid ko, I swear hindi ko gagawin ’to.” Malungkot na saad ko pa. “And... doon ko rin nakilala si Rufo. Naging customer ko siya roon. Pero hindi ko pa alam no’n na siya pala ang papalit kay Mr. Santos para maging temporary professor natin.” “So bago lang kayo?” Tumango ako. “Oo,” sagot ko. Marami pang naging tanong sa akin si Millie na sinagot ko naman lahat. Hindi na ako naglihim at nagsinungaling pa. At naiintindihan naman daw nito kung bakit ko iyon nagawa. At nangako rin ito sa akin na walang may ibang makakaalam sa sekrito ko, kahit ang mga kapatid ko. “Salamat, bes!” “Basta, no more secrets pagkatapos nito, a!” Tumango ako at itinaas ko ang pinky finger ko. “Promise, bes.” Ngumiti rin naman ito sa akin at nakipag-pinky promise sa akin. Pagkatapos ay nagyakap kaming dalawa. “Thank you so much, Millie. Salamat at naintindihan mo ako.” “I love you, bes.” “I love you too, bes!” PAGKATAPOS naming mag-usap ni Millie ay naghiwalay na rin kami pagdating namin sa hallway. Dumiretso ito sa gate habang ako naman ay nagmamadali ng tinungo ang parking lot. Oh, God! Halos isang oras kong pinaghintay si Rufo doon. Ang tagal kasi ng naging pag-uusap namin ni Millie. Ewan ko lang kung naroon pa rin siya o baka umuwi na dahil nainip na kakahintay sa akin. Pero nang makita kong naroon pa rin naman ang kotse niya, patakbo na akong lumapit doon at binuksan ang front seat door at lumulan doon. “I’ll call you back, bye!” kaagad niyang pinatay ang tawag niya. May kausap pala siya sa cellphone. I frowned slightly when I looked at him. “Who are you talking with?” tanong ko sa kaniya. “Nothing,” wika niya. “Um, did you and Millie finish talking?” pag-iiba niya ng tanong sa akin. Tumango naman ako. “Yeah,” sagot ko at ngumiti sa kaniya. “Thank you ulit, babe. Kung hindi mo siya kinausap kaninang umaga, I’m sure until now ay hindi pa rin kami magkakabati.” Ngumiti rin siya sa akin. “So, where is my kiss?” tanong niya. I quickly leaned forward to him and his lips met mine. He even held my neck and gave me a deep kiss. Oh, one thing I noticed about him, he doesn’t like just smack kisses. He always wants a deep and firm kiss. Our lips fused for a few seconds before I lightly patted his chest to get him to let go of me. “Thank you again, babe.” Nakangiting saad ko sa kaniya. “You’re always welcome, darling,” wika niya. “So, let’s go? I’m hungry waiting for you!” Bigla naman akong nakadama ng guilt dahil sa sinabi niya. Kunot ang noo na tinitigan ko siya. “Sana hindi mo na lang ako hinintay,” sabi ko sa kaniya. “Nah. I can’t do that,” sabi niya. “But you need to pay me. I waited for you here in the parking lot for an hour.” Napahagikhik naman ako bigla. Pagkatapos ay dumukwang siya palapit sa akin at siya na naman ang nagsuot ng seatbelt ko. Oh, why I always forgot to wear my seatbelt? Siya tuloy itong laging nagsusuot niyon sa akin. “Alright. What do you want? Para naman hindi na ako ma-guilty kasi pinaghintay ko ang professor ko rito sa parking lot ng isang oras!” malambing at nakangiting saad ko sa kaniya. “Are you sure?” nang matapos niyang isuot sa akin ang seatbelt at tinitigan niya ako nang mataman habang sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa’t isa. “Yeah. Kakasabi mo pa lang na dapat ay bayaran kita. So... what do you want, babe?” ngumiti pa ako nang matamis saka hinaplos ang pisngi niya. Mayamaya ay lumapad din ang ngiti niya at nagtaas-baba pa ang mga kilay niya. “I want you,” sagot niya. Suddenly, the smile on my lips disappeared because of what he said. I also swallowed. “Huh?” naitanong ko. “Remember, last night you made a promise that you would sleep in my pad?” he asked. “Y-yeah.” “Perfect. Iyon na ang bayad mo sa akin.” His silly smile widened at nagtaas-baba pa ulit ang mga kilay niya then he leaned forward and quickly planted a kiss on my parted lips, then he adjusted to his seat. Ewan ko ba, pero biglang naghalo ang kilig at excitement sa puso ko. Kinikilig ako dahil sa pagiging malambing niya sa akin, excited din ako ngayon kasi... may gagawin na naman kami? Oh, holy lordy! Hindi na lang siya ang adik sa akin, maging ako man ay naadik na rin sa kaniya! “Are you sure iyon ang gusto mong bayad ko sa ’yo?” kunwari ay tanong ko sa kaniya nang buhayin niya na ang makina ng sasakyan niya. “One hundred percent sure, baby.” Sagot niya. I just bit my lower lip and smiled at him. When he looked back at me, he even winked at me. PAGKARATING namin sa pad niya, agad siyang nagluto ng dinner namin. Ako naman ay nauna ng maligo dahil hindi niya na ako pinatulong sa pagluluto niya. After I showered, because I still didn’t have any clothes on his pad, I borrowed his clothes from him again. I wore his white button-down shirt and black boxer shorts. Nakapusod naman ng towel ang basang buhok ko nang maglakad ako palapit sa mesa. Nasa tapat pa rin siya ng kalan at nagluluto. He was topless while wearing only his black trousers. Damn. This man is really hot. Likod pa lang ay makalaglag panty na, I mean, boxer pala. Dahil iyon naman ang suot ko ngayon. Napakaganda talaga ng katawan niya. Maskulado. I don’t think na nag-g-gym siya, kasi simula no’ng makilala ko siya at parati na akong nandito sa pad niya, kapag linggo ay hindi naman siya lumalabas para magpunta sa gym. Buong araw lang ay magkasama kami. I stood on the side of the dining table for a while and I watched his back. I watched every movement of his muscles when he moved. But in the end, I couldn’t stop myself from approaching him. I was tempted to caress his hard back, his biceps, and especially his abs na sigurado akong kanina pa naiinitan dahil nasa tapat siya ng kalan at wala manlang damit na suot. “Ang sarap naman ng niluluto mo,” I said to him as I hugged him from behind. I even pressed my boobs on his back. I heard him laugh softly. “Oh, please, baby! Don’t seduce me now. I may not control myself, and you will be the first thing I eat.” Natawa na ako nang pagak dahil sa sinabi niya. At ang mga palad kong nasa may tiyan niya ay nag-umpisang humaplos sa abs niya paakyat sa dibdib niya. “f**k. Solana!” aniya at napaungol niya. Mas lalo akong natawa. “Did you just moaned, babe?” nanunuksong tanong ko sa kaniya. Suddenly, he turned off the fire on the stove and grabbed my hands and turned to face me. He let go of my hands and quickly cupped my face in his palms and, without saying a word, he kissed my lips firmly. I closed my eyes and responded to his kisses. One of my arms automatically went up to his neck and wrapped around it while my other palm caressed his chest. Later, he voluntarily let go of my lips. “Damn it, baby! Don’t seduce me right now. I haven’t taken a bath yet.” He said with a wide smile on his lips. Tumingkayad naman ako para muling kintalan ng halik ang gilid ng mga labi niya. “E, mabango ka pa rin naman kahit hindi ka pa nakakaligo,” nang-aakit na sabi ko sa kaniya. He licked his lower lip, then smiled and gently caressed my cheek with his palm. Later, he claimed my lips again. It was only a few seconds before he let go of my lips. “Just wait. I’ll take a bath first, baby.” Aniya nang pinakawalan niya ang mga labi ko. “Kahit hindi na—” “Tsk. Amoy pawis ako.” Bahagya ko namang itinaas ang isang kamay niya at sininghot ko ang kilikili niya. Medyo nakiliti pa ako nang tumama sa ilong ko ang buhok niya roon. Napahagikhik ako. “Mmm, smells good!” saad ko. Tumawa naman siya. “Silly woman. Maliligo muna ako.” Aniya at lumayo na siya sa akin. But before he entered the bathroom, he took off his pants and boxers. I can clearly see his bulging ass. Damn. Ang puti-puti ng puwet niya, ang kinis-kinis din. Napangiti ako habang kagat-kagat ko ang pang-ilalim kong labi. “Damn, so hot and sexy, sugar daddy!” nakangiting saad ko. Lumingon naman siya sa akin habang malapad din ang ngiti sa mga labi niya. “You too, baby. You’re so damn hot and sexy.” Saka siya pumasok na sa banyo. I was wondering, hindi ba siya gumagamit ng brief? I mean, wala kasi akong nakita na brief sa drawer niya, puro boxer shorts lang. Mmm! Mayamaya ay naagaw ang atensyon ko nang tumunog ang cellphone niya na nasa ibabaw ng bedside table. Lumapit ako papunta roon upang tingnan kung sino ang tumatawag sa kaniya. Nangunot pa ang noo ko nang mabasa ko ang pangalang naka-register sa screen. Rhea is calling... Sino si Rhea? Mayamaya ay namatay ang tawag at ilang segundo lang ay may text message rin na dumating. Why you didn’t answer my phone calls, Rufo? Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Who is Rhea? Iyon ang tanong na tumatak sa isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD