“MILLIE!” Tawag ko sa kaibigan ko habang nagmamadali pa rin akong tumakbo sa hallway upang sundan ito. Hanggang sa makalabas na kami ng gate at nasa gilid na kami ng kalsada. Lakad at takbo pa rin ang ginagawa ko upang maabutan ito. “Millie, wait!” Nang maabutan ko ito ay kaagad kong hinawakan ang braso nito upang pigilan sa paglalakad nito. “Millie—”
“Ano ba, Solana!” Singhal nito sa akin nang harapin ako nito. Nakita ko naman ang pamamasa ng mga mata nito. She’s crying.
Malungkot akong tumitig dito. s**t! I hurt my friend. I mean, right from the start, I knew I would hurt Millie if she found out about Rufo and me. Kilala ko ang kaibigan kong ito. Minsan lang magkagusto o humanga sa isang lalaki si Millie, pero solid naman. Kaya ngayon, habang nakatitig ako sa mga mata nito, alam kong labis ko itong nasaktan. I know how much she likes Rufo. Because when we’re together, Millie can’t talk about anything else but what she feels for Rufo. She has been a delightful friend to me since the first day we met. Wala itong ginawang mali sa akin o hindi ito naglihim sa akin ng sikreto, tapos heto ako, nagsinungaling at naglihim sa best friend ko.
“Millie, I... I’m sorry.” Ang nausal ko nang maramdaman ko rin ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko.
“You lied to me, Solana! Nagsinungaling ka! Napakasinungaling mo!” nagtaas pa ito nang boses sa akin kaya naagaw ang atensyon ng ibang tao na naglalakad din sa gilid ng kalsada.
“Millie, m-magpapaliwanag ako.”
“Akala ko ba, best friends tayo, Solana? Bawal maglihim ay mag-sikreto sa bawat isa?” umiiyak na tanong nito sa akin.
Nakagat ko naman ang pang-ibaba kong labi upang pigilan ang mga luhang nagbabadya na sa gilid ng mga mata ko.
“Kailan ka pa nagsisinungaling sa akin, Solana? Kailan pa kayo may relasyon ni Mr. Montague?”
“Millie, hinaan mo naman ang boses mo at baka may makarinig sa ’yo.” Nag-aalala at kinakabahang saad ko kasabay nang pagtingin ko sa paligid namin. Mayamaya ay hinawakan ko ang braso nito. “Please! Magpapaliwanag ako tungkol sa nakita mo kanina.”
Humugot ito nang malalim na paghinga pagkuwa’y umiling nang sunod-sunod at umatras. “Uuwi na ako, Solana.”
“Millie—”
Pero mabilis na itong tumalikod at wala na akong nagawa kun’di sundan na lamang ito ng tingin habang papalayo na ito sa akin. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Sunod-sunod iyong pumatak sa mga pisngi ko.
Laglag ang mga balikat na napatungo na lamang ako. But later, a car honked on the side of the sidewalk. Nang lumingon ako roon, I saw Rufo’s car. I quickly wiped the tears from my cheeks, then I rushed to his car at kaagad na sumakay sa front seat nang mabuksan ko ang pinto niyon.
“Hey!” nang makita niyang umiiyak ako. Kaagad siyang dumukwang sa akin at hinawi niya ang buhok kong nahulog sa tapat ng mukha ko. Ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha at pinunasan niya ang mga luha ko roon gamit ang dalawa niyang hinlalaki.
“She’s mad at me, Rufo!” malungkot na sambit ko nang tumitig ako sa mga mata niya.
He let out a deep sigh into the air. “This is my fault. I forgot to locked the door,” he said.
Humugot din ako nang malalim na paghinga at pinakawalan din iyon sa ere, “kasalanan ko rin,” wika ko. “Galit sa akin si Millie dahil nagsinungaling ako sa kaniya.” My heart is aching again because of what Millie said to me earlier.
He wiped the tears from my cheeks again. “Enough crying. I know you and Millie will get along well again.” He said and smiled lightly before adjusting to his seat and revving up his car’s engine.
Sa pad niya kami dumiretso.
I just sat quietly on the side of his bed while leaning on the headboard. Laman pa rin ng isipan ko ang mga nangyari kanina at ang mga sinabi ni Millie sa akin. Iniisip ko kung paano ko ito kakausapin at kung paano ako magpapaliwanag. I tried to call her number, but she didn’t answer my calls, and in the end, her number was suddenly out of coverage. She blocked my number.
“Here, drink water first.”
Nang lumapit sa akin si Rufo at iniabot niya sa akin ang baso ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at uminom ako saka kinuha niya ulit sa kamay ko ang baso. He placed it on the bedside table, then he slightly lifted my feet and sat on the edge of the bed while my legs were resting on his thighs.
“Are you alright now?” tanong niya sa akin.
Tumitig naman ako sa kaniya. Umangat ang isang kamay niya at hinawakan ang baba ko at masuyo iyong pinisil at ngumiti siya sa akin ng tipid.
“Don’t be sad, baby!”
“Hindi ko lang mapigilan, Rufo,” wika ko at muling nagpakawala ng malalim na paghinga. “Paano kung hindi niya pakinggan ang paliwanag ko? Paano kung magalit na talaga siya sa akin? Millie and I are best friends since first year college. And we made a promise to each other na hindi kami maglilihim sa isa’t isa. But I lied to her. I kept a secret from her. At isa pa... Paano kung sabihin niya sa iba ang tungkol sa atin?” mas lalong lumamlam ang mga mata kong nakatitig sa kaniya.
“I doubt Millie will do that. If she really considers you a best friend, she will settle things with you as long as you talk properly and you explain everything to her. I’m sure she can’t bear to hurt you so much if she ever tells anyone else about what she found out about us.” At kumilos siya sa kaniyang puwesto.
Umusod naman ako para makaupo siya sa tabi ko. Sumandal ako sa dibdib niya nang kabigin niya ako papunta sa kaniya.
“You two will be fine, I’m sure. Don’t worry.”
I sighed again and leaned my head on his chest when he hugged me. “Sana nga, Rufo. Sana nga!” Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko.
Kinagabihan, after we had dinner, he took me home. I was supposed to sleep on his pad as we planned, but because of what happened earlier in his office, hinayaan niya na muna ako nang sabihin ko sa kaniya na sa bahay na muna ako matutulog.
“Hindi ka na papasok?” tanong ko sa kaniya nang nasa tapat na ng bahay namin ang sasakyan niya.
“No, so you can rest immediately.” He answered and took my left hand and he squeezed it sweetly before bringing it to his mouth and gently kissed the back of it.
Ngumiti naman ako sa kaniya. “Thank you, babe!” sabi ko sa kaniya. Alright. Wala pa namang malinaw na label sa pagitan naming dalawa, but every time I call him that way, I see the sparkle in his eyes. Para bang kinikilig din siya pero hindi niya lang inaamin sa akin. I leaned forward to him and kissed his lips. It was supposed to be for a moment, but he quickly grabbed my nape and suddenly pressed my lips with a firm kiss. I couldn’t do anything but close my eyes tightly and respond to the kiss he was giving me. I moaned a little when he gently bit my lower lip. Napahawak na rin ako sa pisngi niya. Pero mayamaya ay ako na rin ang kusang humiwalay sa kaniya when I felt like he had no plan of letting go of my lips. I’m short of breath. “Awat na, babe!” I said, smiling as I slightly moved away from him. We are both short of air and lightly panting.
He also smiled widely at me as he took my left hand again and intertwined our fingers. “Tomorrow night, you will sleep on my pad, right?” he asked.
“Mmm. Let’s see.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Come on, baby.”
“Okay fine,” wika ko bigla nang nanulis ang nguso niya. Natawa pa ako. Marunong pala siyang magpa-cute? “Bukas. Sa pad mo na ako matutulog.” Nakangiting saad ko pa sa kaniya. “So, bitawan mo na ang kamay ko para makalabas na ako rito sa kotse mo at ng makapasok na ako sa bahay para makapagpahinga na ako. Para makabalik ka na rin sa bahay mo at anong oras na rin.” Tinangka kong hilahin mula sa kaniya ang kamay ko, pero sa halip ay ako ang hinila niya palapit sa kaniya. He quickly grabbed my neck, and for the second time, he claimed my lips again. I also responded again, of course.
“Good night, baby.” Nang pakawalan na niya ako.
Muli akong ngumiti sa kaniya. “Good night, babe.”
Binuksan niya ang pinto sa tabi ko. Hindi ko na siya pinababa.
“See you tomorrow.”
Nang tuluyan akong makababa sa front seat, muli ko siyang binalingan ng tingin at nginitian ulit ng matamis. “See you tomorrow.” Saad ko. Nang maisarado ko na ang pinto sa front seat ay hindi naman siya agad umalis hanggang sa makapasok na ako sa gate at sa loob ng bahay namin.
“Ate, akala ko po hindi ka uuwi rito ngayon.” Anang Cath nang madatnan ko ito sa sala at nag-aaral pa.
“Nasaan ang Ate Gabby mo?” sa halip ay tanong ko rito.
“Hindi pa rin po umuuwi, Ate. Kasama niya raw po si Ate Danica.”
I frowned and glanced at my wristwatch. “Alas dyes na, a!” Nang mailapag ko sa sofa ang bag ko.
“Nag-text lang po siya sa akin kanina at nagsabi na late raw po siyang makakauwi.”
Saglit naman akong natigilan at nag-isip. Nag-text kasi ako kanina kay Gabby na hindi ako sa bahay matutulog ngayong gabi. So, kaya late itong uuwi ngayon kasi hindi ako sa bahay matutulog?
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere. “Kumain ka na ba, Cath?” tanong ko nang maglakad ako papunta sa kusina.
“Opo, Ate. Kanina pa po.”
“Nagluto ka ng ulam?”
“Opo. Kakain ka po ba, Ate?” nang sumunod ito sa akin sa kusina.
“Hindi na. Kumain na kami ng Kuya Rufo mo bago niya ako inihatid dito. Sige na, tapusin mo na ang ginagawa mo para magpahinga ka na. Alas dyes na, o!”
“Opo, Ate!” Pagkuwa’y bumalik ito sa sala.
I just got some cold water from the fridge and then I went back to the living room. Sinamahan ko muna si Cath hanggang sa matapos ito sa paggawa ng assignments nito at pagkatapos ay sabay na rin kaming umakyat sa itaas.
It’s eleven o’clock and I still can’t sleep. Pabaling-baling pa rin ako sa higaan ko. Laman ng isipan ko si Millie at kung paano ko ito kakausapin bukas para magpaliwanag. Iniisip ko rin si Gabby. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umuuwi.
I let out a deep breath as I got up from my bed and walked out until I got down to the living room. Just then I heard the gate open so I peeked through the window. Nakita ko naman si Gabby na nasa loob na ng gate pero parang may kausap pa ata sa labas. Mayamaya ay naglakad na rin ito nang maisarado nang tuluyan ang gate. Hinintay kong makapasok ito.
“Ate!” bakas pa sa mukha nito ang pagkagulat nang makita ako nitong nasa sala at nakatingin sa direksyon nito. Napalunok pa ito. “N-Nandito ka po pala! Akala ko po... Sa bahay ni Kuya Rufo ka matutulog ngayong gabi?”
“Saan ka galing, Gabby?” sa halip ay tanong ko rito.
Naglakad ito palapit sa sofa at inilapag doon ang bag nito. “Sa bahay po nina Danica, Ate. May tinapos lang po kaming project namin.”
“Alas onse na, Gabby! Hindi ito ang oras ng uwi ng isang estudyanteng kagaya mo.” Seryosong saad ko habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko rito. God, bakit ako? Estudyante rin naman na late na kung umuwi? But of course, ibang usapan na kapag ang mga kapatid ko ang late nang nakakauwi sa bahay. I mean, ayoko silang ginagabi sa labas dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanilang hindi maganda.
“Sorry po, Ate! Kailangan lang po kasi talagang matapos namin ang isang project namin kasi ipapasa na namin ’yon bukas ng umaga.” Paghingi pa nito ng paumanhin sa akin. “Inihatid naman po ako ni Danica at ni Raven.” Dagdag pa nito.
I stayed silent for a few seconds while still looking at her. But later I let out a deep breath. “Kumain ka na roon para makapagpahinga ka na,” sabi ko.
“Busog na po ako, Ate. Kumain na po kami kina Danica. Aakyat na lang po ako sa kwarto para po magpahinga na.”
Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Muli rin akong bumalik sa kwarto ko.
KINABUKASAN, hindi na ako nagpasundo kay Rufo. Inagahan kong pumasok para abangan si Millie sa gate pa lang. Ten minutes when I arrived in front of our school, I saw she’s coming. I know she saw me, too.
“Hi, bes! Good morning.” Nakangiting bati ko rito. Pero nilagpasan lang ako nito. Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ko saka kaagad na sumunod dito. “Millie, please! Puwede ba tayong mag-usap?”
“Wala tayong dapat na pag-usapan, Solana.” Seryosong saad nito.
“Pero—”
“Hindi ako nakikipag-usap sa mga tanong sinungaling.” Mariing saad pa nito sa akin.
I was hurt again because of what she said. Suddenly, I stopped following her and felt the heat in the corner of my eyes. I stared at her with sad eyes as she walked away from me.
How can I talk or how can I explain to Millie? Kilala ko ang babaeng ’yon. Kapag nagagalit o nagtatampo ’yon ay hindi agad madaling mawala ang galit n’on! Pero hindi ko naman maaatim na hindi ako kikibuin ng kaibigan ko. Millie is like a sister to me kaya nasasaktan ako ngayon. Kasalanan ko rin naman kasi talaga! I hid a secret and lied to her even though I knew I would hurt her.
Laglag ang mga balikat na naglakad na lamang ako mag-isa papunta sa room namin. Malungkot ang araw ko ngayon. Simula nang mag-discuss na si Rufo hanggang sa matapos ang last subject namin sa hapon, tahimik lang ako at malungkot habang si Millie naman ay sumama sa ibang mga kaklase namin na medyo close rin nito.
“Magkagalit ba sina Millie at Solana?”
Dinig kong tanong ni Arisa. Nasa loob ako ng cubicle. Siguro nasa may lababo si Arisa kasama ang dalawa nitong alipores.
“I think so! Kasi pansin ko simula kaninang umaga ay hindi sila nagkikibuan.” Anang Lindsy.
“Nakakapagtaka naman. E, close silang dalawa. Kahapon ay okay naman sila, tapos ngayon biglang ganoon ang drama nilang magkaibigan.” Saad din ni Mitch, ang isa pang alipores ni Arisa.
“I’m wondering kung ano ang problema nilang dalawa,” sabi ni Arisa.
I sighed and wiped the tears that fell from my cheeks. Kanina pa ako rito sa banyo. Pagkatapos kasi ng last subject namin kanina, nagmamadali akong nagtungo rito para magtago at umiyak.
When my cellphone vibrate, I immediately took it out of my bag pocket. I read Rufo’s text message to me.
Where are you? I’m waiting for you in the parking lot.
Mabilis naman akong nagtipa upang mag-reply sa kaniya. Sinabi kong papunta na ako.
Nang maitago ko ulit ang cellphone ko sa bag ko ay sinupil ko ang aking sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako sa cubicle. Wala na roon sina Arisa. Saglit akong naghilamos at inayos ang sarili ko bago lumabas sa banyo.
Pagkarating ko sa parking lot, kaagad akong sumakay sa kaniyang kotse.
“Hey, are you okay?” Kunot ang noo na tanong niya sa akin at kaagad niyang hinawi ang buhok ko. He pinned it behind my ear.
Tumango naman ako at tipid na ngumiti sa kaniya. “Yeah.”
But his eyebrows met again, and he gazed at me. He sighed, then took my hand and squeezed it gently. “Let’s go?”
Tumango lamang ako sa kaniya.
He immediately started the engine of his car. Later, while I was just looking outside the window, I frowned when I saw that the road we were on was unfamiliar to me. I looked at him. “Where are we going?” tanong ko sa kaniya.
“Somewhere. A place where you can relax yourself.” He said with a smile when he also looked at me for a moment.
“Saan?”
“Basta.”
Hindi na lamang ako nangulit sa kaniya at hinayaan na siyang magmaneho. Hanggang sa makarating kami sa mataas na bundok at ihimpil niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan niya. Kaagad siyang bumaba sa driver’s seat at nagmamadali pang umikot sa puwesto ko at pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makababa.
“Come.” Iginiya niya ako papunta sa unahan ng kotse.
Kaagad akong napangiti nang makita ko ang magandang view sa ibaba ng bundok. Kitang-kita ang buong lugar sa ibaba. Ang mga nagtatasaang gusali, ang mall, ang mga subdivision. Kahit ang mga sasakyang nagpaparoo’t parito sa kalsada ay natatanaw rin namin. Sariwa din ang hangin na tumatangay sa buhok kong nakalugay lang.
“What do you think?” when he stood behind me and held both of my hips.
I looked at him smiling. “Ang ganda!” sagot ko. Inipon ko pa ang buhok ko sa palad ko at hinawakan ko iyon para hindi iyon tumama sa mukha niya.
“I often go here when I’m sad and when I want to be alone. As I gaze at the beautiful view below, I feel relaxed.” He whispered in my ear.
“Madalas kang magpunta rito?” tanong ko pa.
“Yeah.”
“Sino ang isinasama mo magpunta rito?” tanong ko ulit.
“I’m just alone,” sagot niya.
Muli akong lumingon sa kaniya. “Talaga?”
Ngumiti naman siya at kinintalan ng halik ang pisngi ko. “Talaga,” sagot niya. “Ikaw pa lang ang isinasama ko rito.”
“Mmm!” Tumango-tango ako ako at isinandal ko sa dibdib niya ang likod ko. Naramdaman ko naman ang pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko.
“Are you relaxed now?”
“Medyo,” sagot ko. “Puwede bang dito na muna tayo?”
“As long as you want, baby.” At muli niyang ginawaran ng halik ang ulo ko.
“Thank you, Rufo.” Malambing na saad ko sa kaniya habang pinagsasawa ko ang aking mga mata na pagmasdan ang magandang view sa paligid.
“Can I ask you out on a date next week?” mayamaya ay tanong niya sa akin.
Nangunot ang noo ko. “Date?”
“Mmm!”
“Mag-d-date ulit tayo?”
“Kinda. I mean, it’s my mom’s birthday next week. And I want you to come with me.”
I was suddenly stunned when I heard what he said. What? It’s his mom’s birthday? And he wants me to go with him? But why? Will he introduce me to his family? Ewan, pero bigla akong nakadama ng kakaibang kaba sa puso ko. I’m not sure if naging excited ako bigla dahil sa sinabi niya o nag-alala ako bigla na makilala ang pamilya niya! Suddenly, many questions invaded my mind. Like, what if his parents don’t like me? What if his parents find out that Rufo and I met at the club? That I work at the Diamond Club? Various questions that I shouldn’t have thought about immediately kasi masiyado kong inuunahan agad ang mangyayari. And one more thing, I have not yet agreed whether I will go with him or not. So bakit nagpa-panic agad ako?
Tumikhim ako. “I... Isasama mo ako sa inyo?” tanong ko sa kaniya.
“Why not?” sa halip ay saad niya.
I was silent again for a while. And then I turned to face him. Our eyes met. And since the wind was blowing my hair, he fixed it. Inipon niya iyon sa palad niya at pagkatapos ay kinuha niya sa wrist ko ang tali ko. Mataman lang akong nakatitig sa kaniya habang itinatali niya ang buhok ko. Oh! I suddenly felt a thrill in my heart. Never in my entire life has a man tied my hair. Only my mother used to do that to me when I was little. But now, Rufo did that for me.
When he finished tying my hair, he cupped my face in his palms and planted a deep kiss on my lips. “I want you to come with me, baby.” Nang humiwalay siya sa akin mayamaya.
Mataman pa rin akong nakatitig sa kaniya. “E, p-paano kung...” Bumuntong-hininga ako. “Paano kung hindi ako magustohan ng magulang mo?” iyon ang tanong na lumabas sa bibig ko kahit ayoko sanang magtanong sa kaniya ng ganoon.
His forehead furrowed. “Why not?” he asked while still not letting go of my face. Later, I wrapped my arms around his waist. “You don’t have to worry.”
“Malaki ang agwat ng edad natin, Rufo. I’m sure magtatanong sila at baka kung ano pa ang isipin ng—”
“Shhh!” Saad niya upang putulin ang pagsasalita ko. “Inuunahan mo na agad ang mga mangyayari, Solana.”
“I just can’t help myself. Bigla lang akong kinabahan dahil sa sinabi mo.”
Tipid siyang ngumiti. “But are you coming with me?” tanong niya ulit.
Muli akong bumuntong-hininga nang malalim. Pagkatapos ay tumango na rin ako. “O-Okay,” sabi ko na lamang.
He smiled and kissed my lips again. “Alright. I promise, my mom will like you.” He said and let go of my face and pulled me to his chest and hugged me.
I just closed my eyes tightly. While my mind was asking again... Why would he introduce me to his parents? Does he have feelings for me?