CHAPTER 2

1801 Words
“YOU’RE LATE!” Bungad sa akin ni Mama Lu, nang makababa ako sa taxi na sinakyan ko papunta sa trabaho ko. It’s already nine in the evening. Kanina pa sana ako nandito sa trabaho ko kung hindi lang nagkaroon ng emergency sa bahay. Nilalagnat kasi ang bunso kong kapatid, tapos may importanteng lakad ang isang kapatid ko dahil sa thesis nito, kaya hindi agad ako nakaalis sa bahay kasi ayokong iwanan ang kapatid ko ng mag-isa lang. “I’m sorry, Mama Lu.” Saad ko sa manager ko. Inirapan lamang ako nito at kinuha ang kamay ko para hilahin na ako papasok sa Diamond Club. “Nainip na kakahintay sa ’yo ang customer mo kaya hayon, nilayasan na kami. Mananagot talaga ako nito kay Madam Deborah kapag nalaman nitong may customer tayong hindi nag-enjoy ngayong gabi.” “Ako na ang magpapaliwanag kay Madam Deb. Wala kasing maiiwan sa kapatid ko na may lagnat, e!” Bumuntong-hininga ito. “Mabuti sana kung good mood ngayon ang madam mo kasi walang problema roon.” Napabuntong-hininga na lamang din ako dahil sa sinabi nito. Mabait naman si Madam Deborah. At sa lahat ng dancer nito sa DC, isa rin ako sa paborito nito kaya minsan nadadaan ko sa lambing kapag nagagalit ito. Hindi naman sa inaabuso ko ang kabaitan nito, pero minsan kasi kailangan kong gawin iyon para mas malaki ang sahod na ibigay nito sa akin. Para saan pa at nagtatrabaho ako sa club nito, siyempre para kumita ng malaking pera, hindi ba? When we entered the Diamond Club, we were immediately greeted by the melodious music playing and I saw my two co-dancers dancing on the stage. Dahil exclusive nga ang club na ito sa mga taong mapera, hindi ito ganoon ka-crowded. Sakto lang ang dami ng tao na pumupunta gabi-gabi. Halos lahat ng nagpupunta rito ay mga businessman, may edad man o bata pa. Hindi rin maingay kagaya sa ibang club. Kapag may sasayaw na sa stage, lahat ng tao ay tahimik lamang na nanunuod habang ini-enjoy ang mamahaling alak nila. And after the performance, saka pipili ang customer kung sino ang gusto nilang i-table. Pero ako, madalas hindi na kasali sa pinagpipilian ng mga customer na mai-table. Dahil hindi pa man nagsisimula ang performance ko sa stage, I already have customers. And it depends on my manager who he chooses to be my customer. “Late ka, Solana!” Anang Candy, isa sa mga kasamahan kong dancer na naging close friend ko na rin. “Medyo nagkaroon lang ng problema,” sabi ko nang tuluyan na kaming makapasok ni Mama Lu sa dressing room namin. “Tapos na kayo?” tanong ko na ang tinitukoy ko ay ang perfromance nila sa labas. “Oo. Katatapos lang. And, guess what?” anito at biglang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi at nagsumilang hubarin ang suot nitong bra kahit nakaharap sa akin. “What?” Tanong ko at umupo na rin sa silya na nasa tapat ng vanity table upang magsimula na ring mag-ayos ng sarili ko. “May customer akong bigatin ngayong gabi. Oh, I’m hoping na malaki ang tip na makuha ko ngayon.” “Galingan mo lang sa performance mo, I’m sure malaki ang ibibigay sa ’yong tip.” “I will. Kailangan ko kasi ng malaking pera ngayon kasi may kailangan na naman akong bayaran next week.” Anito habang tinatapos na ang pagbibihis nito. “Sige at mauuna na ako sa ’yo. Kita na lang tayo mamaya.” “Ingat ka. And, don’t forget the protection later.” May inilabas naman itong maliit na sachet mula sa hand bag nito at ipinakita sa akin. “I’m always ready, amiga.” Anito at naglakad palapit sa akin. Hinalikan ako nito sa pisngi. “Bye. See you later.” “See you. Ingat ka, bes.” “Sige na, Solana, mag-ready ka na at pupuntahan ko muna si Madam Deb,” wika naman sa akin ni Mama Lu. Tumango lamang ako nang tingnan ko ito mula sa repleksyon ng salamin at saka ito lumabas sa dressing room. Ako na lamang ang naiwan dito kaya tahimik na itinuloy ko ang pagme-make up. “BAKIT NGAYON KA LANG?” Tanong ng lalaki sa isang lalaki na kararating lamang. Umupo ang huli sa mahabang sofa na nasa pinakalikuran ng mga lamesa at upuang nasa ibaba ng stage. Mula roon ay kitang-kita pa rin nang maayos ang stage kung saan may nagsasayaw na dalawang babae. “I was waiting for you. I thought you would never come. ” “Of course, pinag-isipan ko nang mabuti kung tatanggapin ko ba ang alok mo na magpunta ako rito o hindi.” Seryosong sagot ng lalaki saka niya kinuha ang isang bote ng alak na nasa mesa at nagsalin sa isang old fashion glass. Bahagyang tumawa ang huli. “Come on, Rufo. Kailangan mo ring mag-chill, mag-relax minsan. Hindi ’yong lagi ka na lang seryoso sa buhay mo at lagi kang nagkukulong sa pad mo. Minsan kailangan din natin mag-chill para gumaan ang buhay natin.” Anito. “Hindi ka ba nababagot sa routine ng buhay mo?” tanong pa nito sa kaibigan. Isang malalim na buntong-hininga lamang ang pinakawalan niya sa ere saka dinala sa kaniyang bibig ang baso at sumimsim sa alak niya. Mayamaya ay sumandal siya sa sofa at seryosong itinuon ang paningin sa stage at pinanuod ang dalawang babae na nagsasayaw. “Is this your way to unwind?” tanong niya sa kaibigan habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa stage. “Watching those beautiful women dance almost naked makes me relax, bro.” Nakangiting sagot ng huli at mas lalo pang pinakatitigan ang isang babae na nagsasayaw na kanina pa nito nakukursunadahan. “Ohhh! Damn that beautiful body. Kanina pa nangangati ang palad ko at gusto ko ng haplosin ang katawan niya, bro.” Lihim na napailing na lamang si Rufo dahil sa sinabi ng kaibigan. Ito ang unang beses na makapunta siya sa lugar na iyon. At kung hindi dahil sa pangungulit ng kaniyang kaibigan na magtungo siya roon nang gabing iyon, wala naman talaga siyang balak na magpunta. Pero sigurado siyang bubulabugin na naman nito ang tahimik niyang buhay sa kaniyang pad kung hindi niya pa rin ito pagbibigyan. Kaya hayon, no choice siya kun’di gamitin ang black card na ibinigay nito sa kaniya kaninang umaga. Siya ang tipo ng lalaki na walang bisyo. Hindi siya naninigarilyo, minsan lang din siya uminom ng alak, kung gusto lang niya. Hindi rin siya nagsusugal at mas lalong hindi siya nagtutungo sa mga bar or club para lang mag-relax. May ibang way siya ng pagre-relax. “By the way bro, gusto mo ba ng babae?” Napalingon siya sa kaniyang kaibigan dahil sa naging tanong nito. Nangunot pa ang kaniyang noo. “I mean, if you want to bring a girl home to your pad.” Anito at itinuro pa ang mga babaeng nasa stage pa rin at patuloy na sinasabayan ang malamyos na tugtog ng musika. “Tama na itong pinilit mo akong magpunta rito Ricos,” wika niya. “Come on, bro. Ngayon ka lang nagpunta rito kaya lubusin mo na.” “I don’t want.” “You know I don’t take no for an answer,” wika nito. “May susunod pang magpe-perform. Baka may magustohan ka, tell me and I’ll talk to Deb para maibigay agad sa ’yo.” Hindi na lamang siya nagsalita at hinayaan na ang kaniyang kaibigan. Bahala ito kung ano ang gusto nitong gawin, pero wala siyang balak na mag-uwi ng babae sa pad niya. Isang oras lang naman siyang mananatili roon at aalis din agad siya pagkatapos. Mayamaya ay tumigil na ang music, kaagad ding umalis sa stage ang dalawang babae. At ilang segundo lang ay muling pumailanlang ang malamyos na tugtog kasabay niyon ang pagkalat ng usok sa stage. Seryoso lamang siyang nakatitig sa stage at hinintay ng kaniyang mga mata ang susunod na magsasayaw. At hindi nga siya nabigo. Dahil ilang segundo lang ay natanaw niya ang babaeng dahan-dahang naglalakad mula sa dulo ng stage. She’s wearing a red leather jacket with the zipper open kaya kitang-kita niya ang suot nitong pulang bra at pulang panty na bahagya pang kumikinang. Hanggang tuhod din ang haba ng suot nitong pulang boots. At dahil nakasuot ito ng pulang maskara, hindi agad niya nakita ang hitsura ng babae. Ewan, pero habang nakatitig siya sa babaeng ngayon ay nagsisimula ng sabayan ang malamyos na musika, may kung ano siyang biglang naramdaman sa katawan niya. As he stared at the woman’s beautiful body, he gradually felt his manhood harden. Hindi niya tuloy napigilan ang kaniyang sarili na mapatiim-bagang at humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang baso. I GRIND LIGHTLY and keep up with the mellow music that soars throughout the club. While dancing, I look around the audience, watching me. Usually, I can clearly see it again in their faces full of lust as they stare at my body. Kung noong unang beses na sumampa ako sa stage na ito ay balot ako ng kaba at takot dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung ano ang kahihinatnan ko sa pinasok kong trabaho, pero ngayon, sa loob ng isang taon at gabi-gabi kong pag-akyat sa stage na ito para magsayaw at bigyang aliw ang mga customer ng Diamond Club, wala ng ni katiting na kaba sa puso ko. Nasanay na ako sa ganitong trabaho. Mayamaya, dahan-dahang kong hinubad ang suot kong red leather jacket kaya humantad sa manunuod ang magandang kurba ng katawan ko, ang malulusog kong dibdib na bahagya lamang natatakpan ng suot kong bra. Ipinaikot-ikot ko sa ere ang jacket ko bago ko iyon itinapon. Lumapit ako sa pole at doon, masuyo pa rin akong sumayaw. Makalipas ang ilang minuto, unti-unti ko ring tinanggal sa likod ng ulo ko ang tali ng suot kong maskara. Yumuko ako upang masuyo iyong ilapag sa sahig, at sa pag-angat ng ulo ko, nang hawiin ko ang buhok kong humarang sa mukha ko, natuon ang paningin ko sa lalaking nakaupo sa pinakadulong lamesa. Lahat naman ng mga lalaking narito ngayon sa club ay nakatuon ang atensyon sa akin, titig na titig sa akin, pero nang magtama ang mga mata namin ng lalaking iyon, para bang bigla akong nakadama ng kakaibang kabog sa dibdib ko. Hindi ko magawang ialis sa kaniya ang mga mata ko. Kahit patuloy na sinasabayan ng katawan ko ang malamyos na tugtog, nakatingin pa rin ako sa lalaking iyon. Damn. Never in my entire life have I seen a man so handsome. We are quite far from each other, but I know he has a perfect and handsome face. Ngayon ko lang din siya nakita rito. He is probably a new member of the Diamond Club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD