KAHIT nanginginig pa rin ang katawan ko at labis pang nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aalala para kay Rufo ay nagmamadali na akong lumabas sa room namin. I need to see him.
That’s why I felt strange in my heart earlier because something bad just happened to him.
Malalim na paghinga ang pinakawalan ko sa ere upang tanggalin ang paninikip ng dibdib ko. Pero ang mga luha sa mga mata ko’y hindi ko na napigilan.
“B-bes!” narinig ko ang boses ni Millie habang nagmamadali itong sumunod sa akin. “Saan ka pupunta?” tanong nito.
“I... I need to see him, Millie. K-kailangan kong pumunta sa ospital.”
“Pero—”
“Naaksidente siya, Millie.” Nang huminto ako sa paglalakad at hinarap ko ito. May mga luha pa ring pumapatak sa mga mata ko. “K-kailangan ko siyang makita.”
Malungkot naman ako nitong tinitigan pagkatapos ay bumuntong-hininga at tumango. Kinuha pa nito ang isang kamay ko at masuyong pinisil. “Tumahan ka na,” wika nito at gamit ang isang kamay ay pinunasan ang luha sa magkabilang pisngi ko. “Mag-iingat ka. Baka pati ikaw...” anito na hindi na itinuloy ang gustong sabihin.
Tumango naman ako at muling nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay kaagad akong tumalikod at nagmamadali nang tinahak ang hallway. But before I finally left the school, I went to the dean’s office to ask which hospital Rufo was taken to.
“And why are you asking, Miss Marinduque?” nagtatakang tanong sa akin ni dean.
Saglit kong sinupil ang sarili ko at lihim na bumuntong-hininga. “Um, m-matalik na kaibigan ko po kasi si Sir Rufo kaya... nag-aalala lang po ako para sa kaniya. Gusto ko po siyang puntahan sa ospital.” Pagsisinungaling ko.
“But you still have class—”
“Hindi lang naman po ako magtatagal, dean.” Putol ko sa pagsasalita nito. “Gusto ko lang pong malaman ang kalagayan ni Sir Rufo.”
Saglit ako nitong tinitigan. May pagtataka pa rin. Pero sa huli ay sinabi rin naman nito sa akin ang ospital na pinagdalhan kay Rufo.
“He’s in Amorez Medical Center right now.”
Bahagya akong ngumiti. “Thank you po, dean.” Pagkasabi ko niyon ay nagmamadali na akong lumabas sa office nito at dirediretso ang lakad hanggang sa makalabas ako ng eskwelahan. Nag-taxi na rin ako para mabilis akong makapunta sa ospital.
“Um, excuse me, miss.” Saad ko sa nurse na nasa front desk.
“Yes po, ma’am?”
“May... may pasyente po bang dinala rito na Rufo Montague ang pangalan?” kinakabahang tanong ko.
Oh, God! Sana hindi malala ang nangyari sa kaniya. Sana ay okay lang siya. Kapag malala ang nangyari sa kaniya... hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka masisi ko pa ang sarili ko ngayon! I mean, ilang araw na niya akong pilit na kinakausap at gusto niyang magkaayos na kami. Pero dahil sa pagmamatigas ko... parang kasalanan ko rin kung bakit siya naaksidente kanina. Jusko! Mali sana ang tumatakbo ngayon sa isipan ko.
“Wait lang po, ma’am,” sabi ng nurse at kaagad na tiningnan ang listahan nito.
Mas lalo akong nakadama ngayon ng takot.
“Sa emergency room po, ma’am.”
What? That means... malala ang nangyari sa kaniya kasi dinala siya sa ER?
Nakagat ko ang pang-ilalim kong labi nang muli na namang mag-init ang sulok ng mga mata ko.
“What are you doing here?”
Bigla akong napalingon sa babaeng galit na nagsalita. At nakita ko naman ang mommy ni Rufo na kagaya ko ay mababakas din sa mukha ang labis na pag-aalala para sa anak. Kasama rin nito si Ciri.
Matalim na titig ang ipinukol nito sa akin.
“Nagpunta ka pa talaga rito? E, alam ko namang kasalanan mo kung bakit naaksidente ang anak ko!”
“Lola, stop it! Wala pa po tayong alam sa nangyari kay daddy.” Anang Ciri habang nakahawak ito sa braso ng abuela.
Napayuko naman ako. Kasalanan ko nga ang nangyari sa kaniya!
“Umalis ka na rito at hindi mo puwedeng makita ang anak ko.”
“Lola!” awat ulit ni Ciri sa lola nito. “Miss, Rufo Montague?” mayamaya ay tanong din nito sa nurse.
“Emergency Room.” Ako na ang sumagot bago pa man makapagsalita ang nurse.
“Come on, lola.”
Nagmamadali namang naglakad ang dalawa habang ako naman ay nakatayo pa rin sa pwesto ko at sinusundan ng tingin ang mag-lola.
I sighed lightly again. I’m having second thoughts about whether to continue going to the ER to see Rufo, sigurado naman akong hindi rin ako makakapasok doon dahil nandito na ang mommy niya!
Akma na sana akong tatalikod upang umalis na lang sa ospital na ’yon... pero sa huli ay itinuloy ko ang paghakbang ko para pumunta sa ER. Bahala na kung hindi ko man siya makita mamaya. Ang gusto ko lang ay malaman ko kung ano ang kalagayan ng mahal ko.
Dali-dali akong naglakad sa pasilyo hanggang sa makarating ako sa labas ng emergency room. Hindi ko nakita roon ang mommy at ang anak niya. Marahil ay nasa loob na sila ng ER.
Muli akong napabuntong-hininga upang alisin ulit ang paninikip ng dibdib ko.
“You can’t see him, Solana.” Saad ko sa aking sarili.
Ilang segundo akong nakatayo lamang doon. Mayamaya ay tumalikod ako at handa na sanang umalis pero narinig ko namang bumukas ang pinto at...
“Mom, don’t worry about me.”
Biglang nangunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Rufo. Napalingon ako sa may pinto ng ER, and there... I saw him. Mukhang okay naman siya! Nakatayo siya at malakas at nakakapaglakad. Parang walang aksidenteng nangyari sa kaniya.
Magsasalita na sana ang mommy niya para sagutin siya, pero napatingin naman ito sa direksyon ko.
“Ano pa ba ang ginagawa mo rito?” galit na namang tanong nito sa akin.
Napalingon na rin si Rufo sa direksyon ko. Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng mga kilay niya nang makita niya ako.
“S-solana?”
“Huwag mo na siyang lapitan at kausapin, Rufo.” Anang kaniyang mommy at pinigilan siya sa kaniyang braso nang akma na sana siyang lalapit sa akin.
“Mom, please!” mariing saad niya.
Mabilis naman akong tumalikod at naglakad palayo. Oh, akala ko ba ay nakaasidente siya? Pero bakit okay naman siya? I mean, parang sugat lang sa may noo niya ang natamo niya kasi iyon lang naman ang may bandaid at maliban doon... wala na.
“Solana!”
Narinig ko ang pagtawag niya sa akin, pero nagtuloy lang ako sa paglalakad.
“Rufo!”
“Please, mom, stop! I need to talk to her. Solana!”
Hindi ko pa rin siya pinansin. Hanggang sa makaliko ako sa dulo ng pasilyo.
“Solana!” kaagad niyang hinawakan ang braso ko kaya napahinto ako at napalingon sa kaniya. Kitang-kita ko na naman ang lungkot sa mukha at mga mata niya. “Please... I, I want to talk to you.”
Lumunok ako at banayad na nagpakawala nang buntong-hininga. “I... I thought naaksidente ka,” sabi ko. Medyo nabawasan na ang takot at pag-aalala sa puso ko ngayong nakita kong okay naman pala siya. Thank God that he’s okay!
Bahagya namang nagsalubong ang mga kilay niya. “Is that the reason you came here?” tanong niya.
Hindi naman ako sumagot.
“Well, yeah, I had a car accident earlier.” He said. “But thank God it wasn’t bad. Itong sugat lang sa noo ko ang natamo ko.”
I smiled lightly at him after staring into his sad eyes. It’s been more than a week that we haven’t been together and talked, pero mukhang malaki na ata ang ibinagsak ng katawan niya! Kitang-kita ko rin ang labis na lungkot at pangungulila sa mga mata niya.
“Nag... nag-alala ako para sa ’yo nang malaman ko kanina na naaksidente ka raw at isinugod dito sa ospital. That’s why I came here. Pero...” saglit akong tumigil sa pagsasalita at marahang binawi ang braso kong hawak-hawak pa rin niya. Pinakawalan niya naman ako. “But, you seem to be fine. Kaya... h-hindi na rin ako magtatagal.”
“No. Please stay! I need to talk you, Solana. Please!” malungkot ang boses na pagmamakaawa niya sa akin.
“Wala tayong dapat na pag-usapan, Rufo,” sabi ko. “Nariyan ang mommy mo. Ayokong magalit na naman siya sa akin. Ayokong tutuhanin niya ang sinabi niyang kapag hindi kita nilayuan ay may gagawin siyang hindi maganda sa akin at sa mga kapatid kaya—”
“She told you that?” mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya at napatiim-bagang pa siya.
Muli ko siyang pinakatitigan bago ako nagbaba ng mukha. “I have to go, Rufo. May klase pa ako—”
“Please!” muli niya akong hinawakan sa kamay. Masuyo niya pang pinisil ang palad ko. “Let’s talk first. I’m begging you, Solana.”
“Sinabi ko na sa ’yong layuan mo ang anak ko!”
Sabay pa kami ni Rufo na napalingon sa mommy niyang nanggagalaiti na naman sa akin.
“Magkano ba talaga ang gusto mo para layuan mo ang anak ko?” galit na tanong nito at akma na sana akong lalapitan, pero mabilis itong naawat sa braso ni Ciri.
Ako naman ay itinago ni Rufo sa likuran niya habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. “Mom, will you please stop it? Wala namang ginagawang masama si Solana.”
“Wala nga! But I don’t like her. Piniperahan ka lang ng—”
“Hindi niya ako piniperahan, mama!” mariing saad ni Rufo sa mommy niya.
“Hindi? Rufo, hindi ka papatulan ng babaeng ’yan kung—”
“I said stop it, mom! Maybe I won’t be able to control myself at magalit ako sa inyo nang tuluyan dahil sa mga sinasabi mo kay Solana.”
Nabigla man ako sa mga sinabi ni Rufo sa mama niya, pero hindi ko napigilang sumilip sa may braso niya upang tingnan ang kaniyang mama. Kitang-kita ko ang mukha nito na natitigilan habang nakatitig sa kaniya. Mukhang hindi rin nito inaasahan ang mga sinabi ng anak. Even me... hindi ko rin naman inaasahang kakampihan ako ni Rufo ngayon at ipagtatanggol niya ako sa mommy niya. Ang akala ko kasi ay kagaya no’ng nakaraan ay hahayaan niya na naman akong masaktan.
“At kakampihan mo ang babaeng ’yan kaysa sa akin, Rufo?”
“If you keep insisting on me the things you want to happen to me, at patuloy mo pa ring pagsasalitaan si Solana nang hindi maganda... yes, mama. I will choose her over you.”
Ewan, pero bigla akong nakadama ng kaligayahan sa puso ko dahil sa mga narinig kong sinabi niya. I mean, bahagya akong nakadama ng lungkot para sa mama niya dahil alam kong nasaktan ito sa mga sinabi niya, pero mas nangibabaw ang saya sa puso ko. Hindi ko mapigilan!
“Rufo—”
“I love Solana, mama. So please...”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig ako sa likuran niya. Ano raw? Tama ba ang narinig kong sinabi niya sa mama niya? Mahal daw ako ni Rufo? Mahal niya rin ako?
“You can’t love her, Rufo! Si Rhea ang gusto ko para sa—”
“But I don’t like her. So please... itigil mo na ang pagpupumilit mo sa akin na patulan ko si Rhea. I only love Solana, so... you can’t do anything about it, mama.” Pagkasabi niya niyon ay kaagad siyang humarap sa akin at ipinagsalikop niya ang mga palad namin. “Let’s go, baby!” aniya.
“Rufo—”
“Sweetheart, iuwi mo na ang lola mo. I’ll call you later, okay?” aniya sa anak niya.
Ngumiti naman si Ciri sa kaniya at tumango. “Opo, dad.” Anito. “Come on, lola.”
“No!”
“Come. We need to talk.” Aniya.
Wala na akong nagawa nang igiya na ako ni Rufo palayo sa mama at anak niya. Para akong hangin na nagpatianod na lamang sa kaniya habang ang utak ko... busy sa pag-iisip kung totoo nga ba ang mga sinabi niya kanina.
Hindi ko na namalayan na nakalabas na pala kami sa ospital at naisakay niya na ako sa kotse niya. Bumalik lamang ako sa sarili kong ulirat nang buhayin niya ang makina ng kaniyang kotse.
Bigla akong napalingon sa kaniya.
“R-rufo!” mahinang sambit ko sa pangalan niya.
He also turned to me, and a small smile appeared on his lips. I was about to speak to ask him about what he said earlier to his mom, but he quickly crouched towards me. Kinabig niya ang batok at pisngi ko at walang sabi-sabi na sinilyuhan niya nang mariing halik ang mga labi ko.
Nang maramdaman ko ang mainit ay malambot niyang mga labi... wala akong ibang nagawa kun’di ang mapapikit na lamang at tumugon sa mga halik niya.
Oh, Jesus! I missed him so much. I missed his kisses so much. Parang feeling ko, isang taon ang lumipas nang huling beses na natikman ko ang mga halik niya.
Hindi ko na rin napigilan ang isang kamay ko na umangat at humawak sa leeg niya.
My God! Isang halik lang pala ang katapat ko para mapawi ang lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ng puso ko. I mean... kung hindi ko pa narinig ang magic word niya kanina... sigurado naman ako na hindi ako magpapadala sa mga halik niya!
Oh, really, Solana?
I don’t know how long our lips met. Just when I felt I was running out of air, I pushed him to his chest. Pinakawalan niya naman ako.
Muli kong nakita ang matamis na ngiti sa mga labi niya saka niya ginawaran ng masuyong halik ang noo ko na siyang labis na ikinatuwa ng puso ko! Oh, God!
“I missed you so much, baby.” Bulong niya sa tapat ng labi ko at muli akong hinagkan. “And I missed your lips so much.”
“But Rufo—”
“We will talk. Pero hindi rito.” Pinutol niya ang sasabihin ko sa kaniya. Ipinagsalikop niya ulit ang mga palad namin saka niya pinaandar na ang kaniyang kotse.
SA PAD NIYA kami nagpunta. Pagkapasok ko pa lamang ay ang magulong mga gamit niya ang agad na sumalubong sa paningin ko. Nangunot pa ang noo ko nang lingunin siya.
“What... what happened?” nagtatakang tanong ko.
Nakakalat sa sahig ang mga damit niya, ang mga pantalon niya, may mga bote rin ng beer. Ang gulo! Ang dumi ng pad niya kumpara noong nakaraan!
Ngumiti naman siya sa akin at isinarado ang pinto. “I’m sorry. Hindi pa ako nakakapaglinis.”
Nagtatakang inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. God! Ang layo-layo ng hitsura ng pad niya ngayon at no’ng una. At nang dumako ang paningin ko sa sulok ng kaniyang pad kung saan nakalagay dati ang tatlong paintings ng nakahubad na babae, wala na iyon doon. I’m wondering kung saan niya na iyon inilagay? Or maybe itinapon niya na?
Tiningnan ko naman siya na nagmamadaling iniligpit ang mga kalat. Dinampot niya ang mga damit at pantalon niya at inilagay iyon sa basket habang ang mga bote ng alak naman ay inilagay niya sa lababo. Pagkatapos ay muli siyang naglakad palapit sa akin. He took my hand and gently pulled me to his bed. He made me sit there, and he knelt in front of me.
Humugot pa siya nang malalim na paghinga saka iyon pinakawalan sa ere. “You don’t need to talk if you don’t want to. Just... listen to what I’m going to tell you.” Aniya.
Hindi nga ako nagsalita at hindi rin naman ako tumango para sumagot sa kaniya. Mataman lamang akong nakatitig sa mga mata niyang kanina ay puno ng lungkot, pero ngayon... kumikinang na naman iyon.
“I’m sorry for what happened at mom’s birthday party. Believe me or not... I really want to go back inside the house para balikan ka. But, I just couldn’t say no to her. And when you saw me with Rhea, it was my mom’s idea. I didn’t want her to embarrass you in front of her guests kaya sinunod ko ang sinabi niya na samahan ko si Rhea sa table namin. But when I saw you in front of the main door and when you left... Solana, I followed you right away. I looked for you. I went to your house, but Cat and Gabby said, you haven’t come home yet. And I went to DC, pero ang sabi rin sa akin ni Lucy, ilang araw ka na raw na hindi pumapasok doon. So, I went back to your house. I waited for you all night outside your house. Because I really want to talk to you. To explain and say I’m sorry. But... you got mad at me and broke up with me instead. I was hurt, Solana. Really do. And believe me... I’m telling you the truth. Rhea is not my girlfriend. Mom is the only one who likes her for me. Pero hindi ko siya pinapatulan kasi hindi ko siya gusto. And believe me again, baby... these past few days when we weren’t together, that’s when I admitted to myself that what I feel for you is not just a simple liking.” Saglit siyang huminto sa pagsasalita.
Masuyo niyang pinisil ang mga palad ko.
At ang puso ko naman ay mas lalong tumindi ang pagkabog. Excited na akong marinig ulit mula sa kaniya na sabihin niya ang mga sinabi niya kanina sa mama niya.
Gusto ko nang umiyak dahil sa explanation niya, pero pinigilan ko ang mga luha ko.
“I realized that I already love you, Solana.” Biglang nangislap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin at sinasambit niya ang mga katagang iyon.
Bahagya kong nahigit ang aking paghinga. Pero mayamaya ay mas lalo kong naramdaman ang pag-iinit sa sulok ng mga mata ko. Gusto ko sanang pigilan pa ang mga luhang iyon, pero hindi ko naman nagawa. Bigla iyong bumagsak... sunod-sunod.
“Hey!” nag-aalalang saad niya at binitawan ang mga kamay ko at mabilis na ikinulong sa mga palad niya ang mukha ko.
“T-totoo ba ang mga sinasabi mo, Rufo?” lumuluhang tanong ko sa kaniya.
“Everything I said is true, Solana,” aniya. “And if there’s anything else you want to know... just ask me and I’ll give you the answer you want to know.”
Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi. Siya naman ay pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang dalawa niyang hinlalaki.
“M-mahal... mahal mo rin ako, Rufo?”
God! I just want to make sure. Baka kasi mamaya ay nananaginip lang pala ako at hindi totoo ang mga nangyayari ngayon... lalo na ang mga sinabi niya.
Ngumiti siya at marahang hinila ang ulo ko palapit sa kaniya. Ginawaran niya nang masuyo at buong pagmamahal ang noo ko.
“I love you, Solana!” mahinang sambit niya. “I really love you, baby.”
Mas lalo akong napaluha dahil sa mga sinabi niya. Totoo nga! Rufo loves me too!
“M-mahal din kita, Rufo!”
Ngumiti siya nang malapad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang mahigpit. Mas lalo akong napaluha.
“I love you, Solana!”
“I love you too, Rufo!”
Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit niyang yakap sa kaniya.