PAGKABUKAS ko sa gate namin, bumungad agad sa akin ang mukha ni Rufo na parang malungkot. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko.
“Babe! A-ayos ka lang ba?” bigla akong nag-alala para sa kaniya. Patulog na sana ako nang makarinig naman ako ng katok mula sa labas ng gate kaya napabangon ako. Ayoko na sanang bumaba para pagbuksan ang gate dahil baka ibang tao lang ang nasa labas, but when I peeked out the window of my room, I saw Rufo’s car in front of our house, so I hurried to go downstairs. “Hey! Come, pasok ka, babe!” saad ko at hinawakan pa siya sa kamay niya para hilahin siya papasok ng gate. Hindi kasi siya kumilos sa kaniyang kinatatayuan at sa halip ay nakatitig lamang siya sa akin. Mukhang seryoso siya na malungkot. Ewan, hindi ko masabi ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Nang maisarado ko na ang gate, saka ako humarap sa kaniya. Nagulat pa ako nang bigla niya akong niyapos nang mahigpit.
Oh, bakit feeling ko may problema siya ngayon kaya siya nagkakaganiyan?
Hinayaan ko na muna siyang yakapin ako. Umangat ang dalawa kong kamay at masuyong hinaplos ang likod niya.
“Tara sa loob. Malamig at mahamog na rito sa labas, babe,” sabi ko sa kaniya.
Humiwalay naman siya sa akin at hinapit ang baywang ko saka kami naglakad papasok sa bahay.
I wonder why he didn’t kiss me right away! Whereas... when we see each other, the first thing he does is kiss me right away. Pero ngayon... niyakap niya lang ako.
Nang makapasok kami sa sala, pinaupo ko muna siya sa sofa. “Kukuha lang akong tubig,” sabi ko saka naglakad papunta sa kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator. Pero nagulat naman ako nang sumunod pala siya sa akin at yumakap ulit mula sa likuran ko.
Nagsalubong ulit ang mga kilay ko. “Rufo, ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya nang pumihit ako paharap sa kaniya matapos kong isarado ang ref. Hawak-hawak ko pa ang pitcher.
Kung kanina ay magkahalong seryoso at lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon naman ay puro lungkot ang naaaninag ko roon. Kinakabahan na tuloy ako dahil sa hitsura niya!
“I... I’m sorry, Solana.”
Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “S-sorry? Para saan? May problema ba, babe? Tell me. Ano ba ang nangyari?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makadama ng kakaibang kabog sa puso ko.
May problema kayang nangyari doon sa lakad na sinasabi niya sa akin kanina?
He heaved a deep sigh, and his grip around my waist tightened. Nagpalipat-lipat pa ang paningin niya sa mga mata at mga labi ko.
Hindi naman sa nag-a-assume ako, pero nakikita ko sa mga mata niya na parang gusto niya akong halikan pero pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili na gawin iyon.
“Rufo, may problema ba?” seryosong tanong ko ulit sa kaniya.
Ilang segundo siyang nanatiling tahimik. “I went to Rhea,” mayamaya ay sabi niya.
Nang marinig ko ang sinabi niya, halos mag-isang linya ang mga kilay ko. Bigla rin akong nakadama ng inis. Ano raw? Pinuntahan niya si Rhea? Bakit?
“Why?” seryosong tanong ko ulit sa kaniya.
Muli siyang bumuntong-hininga saka pinakawalan ang baywang ko. Hinila niya ang silya na nasa kabisera. Umupo siya roon. Ako naman, umupo na rin sa isang silya.
“When I talked to mom yesterday to let her know you and I had broken up... she told me she would no longer converse with the faculty concerning expelling you from the school. But...”
Mataman lamang akong nakatitig sa kaniya. Naghihintay sa sasabihin niya ulit sa akin.
“She said Rhea and I are going out for dinner,” he said.
Nahigit ko bigla ang aking paghinga. Ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa ay bigla kong naikuyom nang mariin. That implies... Could the important thing that he was talking about earlier with me have been his date with Rhea?
“I went to Rhea to collect her and took her out for a dinner date.”
“Rufo—”
“Baby, let me explain first, okay?” putol niya sa pagsasalita ko.
Kinuha niya pa ang kamay ko at pilit na ibinuka niya iyon kaya wala na rin akong nagawa. Pinisil-pisil niya iyon.
“I followed what mom said to keep her from figuring out our plan. But... I promise, after we ate, I immediately took her to her condo.” He explained.
Mataman ko siyang pinakatitigan sa kaniyang mga mata. Mayamaya, nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.
“May ibang nangyari, Rufo,” sabi ko sa kaniya.
Damn it! Huwag niya lang sasabihin sa akin na may nangyari sa kanila ni Rhea kaya siya nagkakaganiyan ngayon! Hinding-hindi ko talaga pipigilan ang sarili ko at hindi niya rin ako mapipigilan na kahit dis-oras na ng gabi ay susugurin ko sa condo nito si Rhea! Walang-hiya talaga ang babaeng ’yon!
“Tell me na walang may nangyari sa inyong dalawa ni Rhea—”
“Of course not, baby!” mabilis na saad niya kaya naputol ang pagsasalita ko.
Medyo nakahinga naman ako dahil sa sinabi niya. Oh, jusko! Mabuti naman!
“E, bakit hindi ka makatingin sa akin nang diretso? Bakit nag-iiwas ka ng tingin sa akin ngayon?” tanong ko sa kaniya.
Isang malalim na buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan sa ere at pagkuwa’y binitawan ang kamay ko. Napalunok pa siya ng laway niya pagkatapos ay hinagud niya ang kaniyang buhok hanggang sa batok niya. Mayamaya ay tumitig siya sa akin.
“She kissed me.”
Sa pangalawang pagkakataon, nahigit ko ang aking paghinga. Biglang nagpuyos ng galit ang kalooban ko. Napakawalang-hiya talaga ng babaeng ’yon! Sinasabi ko na nga ba, e!
Tiim-bagang na humugot ako nang malalim ding paghinga at marahas iyong pinakawalan sa ere.
“But, baby, I promise I didn’t respond to her. I stopped her immediately.” Pagpapaliwanag niya pa.
Naiinis na tinitigan ko siya. “Kaya pala hindi mo ako hinalikan kanina nang dumating ka?”
Hindi siya makatingin sa akin nang diretso, pero tumango naman siya. “You know how much I love kissing you, Solana. But I restrained myself from doing that earlier because—”
“Aba, dapat lang, Mr. Montague! Mabuti naman at iyon ang ginawa mo,” sabi ko. “Ayokong maghalo ang laway namin ng Rhea na ’yon.” Naiinis na dagdag ko pa saka ako tumayo sa puwesto ko at tumalikod.
“Baby, where are you going?” tanong niya.
“Maupo ka lang diyan! May kukunin lang ako sa kwarto ko.” Saad ko sa kaniya saka ako lumabas sa kusina at pumanhik sa kwarto ko.
Walang-hiya talaga ang Rhea na ’yon! Humanda talaga sa akin ang babaeng ’yon kapag nagkita kami.
Nang makuha ko sa kwarto ko ang mouth wash ko pati ang morning towel ko, kaagad akong bumaba at bumalik sa kusina. Nakaupo pa rin siya sa kabisera.
“Magmumog ka riyan!” utos ko sa kaniya nang iabot ko sa kaniya ang mouth wash ko.
Ngumiti naman siya sa akin nang kunin niya iyon at kaagad na binuksan. Tumayo siya at pumunta sa lababo habang ako naman ay umupo ulit sa puwesto ko.
“Ayusin mo!”
Hindi ko alam kung nakailang mumog na siya. Basta tinitingnan ko lang ang likuran niya habang nasa lababo siya at paulit-ulit na naghuhugas ng kaniyang bibig at mukha. Pagkatapos ay umupo siya ulit sa kabisera. Iniabot ko naman sa kaniya ang bimpo na kinuha ko rin.
“Nako, mabuti naman at sinabi mo sa akin ang tungkol dito. Dahil kung hindi—”
“You will be mad at me,” siya ang tumapos sa sasabihin ko. Tumango-tango pa siya. “I know, Solana. And I don’t want you to be mad at me if you find out from mom or Rhea about what happened earlier, so I told you about it.”
Bumuntong-hininga ako ulit. Naiinis ako! Pero hindi sa kaniya. Naiinis ako sa mama niya at kay Rhea. Kailan kaya titigil ang mga ito na sirain ang relasyon namin ni Rufo? Bakit hindi na lamang nila hayaan na maging masaya kami ni Rufo sa piling ng isa’t isa? But despite the annoyance I feel now, I am also happy and grateful that Rufo has been faithful to me in what happened earlier. Even though he knew I would be angry and hurt, he didn’t hide the truth from me. Mas lalo kong napatunayan na mahal na mahal nga niya ako.
“I’m sorry again, baby!”
“Wala ka namang kasalanan sa akin kaya huwag kang mag-sorry.”
“May kasalanan pa rin ako sa ’yo,” sabi niya at inilapit ang silya niya sa puwesto ko at kinuha ang mga kamay ko. “I promise, it won’t happen again. And tomorrow, I will talk to Gawen, he is the Mayor of San Ildefonso, Bulacan. He is my friend and Sebas’ brother. I will ask him for help so we can get married right away.”
Ngumiti na ako sa kaniya. Muli akong nakadama ng excitement dahil sa mga sinabi niya. Marami mang problema ngayon, pero excited talaga ako na maikasal kaming dalawa kahit civil na muna. Excited na akong maging Mrs. Rufo Montague.
Hinawakan ko na rin ang mga kamay niya. “Sana lang umayon sa atin ang mga plano natin, babe. Sana... matapos agad itong problema natin. Gusto ko ng maging tahimik tayo, ang relasyon natin. ’Yong masaya lang at walang mga taong nangingialam sa atin.” Malungkot na saad ko at nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
“God knows how much I also like the things you want to happen, Solana. So I promise you, I will do everything for you, for our relationship. Everything will be okay. For now, let’s just be patient, okay?” aniya at tipid na ngumiti sa akin. Binitawan niya ang isang kamay ko at hinaplos ng likod ng palad niya ang pisngi ko pagkatapos ay masuyo niyang pinisil ang baba ko.
“Kaya kong magtiis, Rufo. Para sa atin.”
“I love you, Solana.”
“Mahal na mahal din kita, Rufo.”
Saglit kaming nagngitian sa isa’t isa bago siya dahan-dahang dumukwang sa akin. Pero bago pa man maglapat ang mga labi namin, lumayo na ako sa kaniya.
“But you still can’t kiss me now,” sabi ko sa kaniya.
Bigla naman siyang napasimangot. “Baby, I’ve used your mouth wash—”
“Kahit na,” sabi ko at binawi na rin sa kaniya ang isang kamay ko. “You can kiss me after... twenty-four hours.”
“What? That long?” hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi na rin maipinta ang mukha niya.
Gusto ko sanang tumawa ngayon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto ko lang subukan kung makakaya ba niyang hindi ako halikan ng ganoon katagal.
“Are you serious, baby?”
“Mukha ba akong nagbibiro ngayon, babe?” balik na tanong ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Solana—”
“Sige na. Umalis ka na at matutulog na ako. May pasok pa ako bukas sa school.” Tumayo na ako sa puwesto ko.
“No. I won’t go home,” sabi niya.
Magkasalubong ang mga kilay na nilingon ko siya. “At saan ka naman matutulog, aber?”
“Here,” mabilis na sagot niya. “Come on, baby. I won’t be able to sleep if I go home on my pad without even kissing you.”
“Nakakuha ka na ng halik kay Rhea—”
“Solana!”
Biglang naging seryoso ang mukha at boses niya dahil sa sinabi ko. Napalunok naman ako at mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. Walang-hiya! Mukhang magagalit pa ata siya!
“Baby, please!”
Muli kong narinig ang naglalambing niyang boses habang sumusunod siya sa akin papunta sa sala.
“Hindi nga puwede kaya umuwi ka na!”
Naramdaman ko naman ang paghablot niya sa kamay ko nang nasa sala na kami.
“Please!”
Nang lingunin ko siya, nagpapaawa na ang mukha niya at nakanguso pa. Aba! Marunong pa lang magpa-cute ang Rufo Montague? Hindi ko tuloy mapigilan ang mapahagikhik.
“Kung dito mo gustong matulog, e ’di sige,” sabi ko. “Riyan ka sa sofa matulog. Bibigyan na lang kita ng kumot at unan.”
“What?” tanong niya. “But I want to sleep beside you,” sabi pa niya at mabilis na hinapit ang baywang ko at kinabig ako papunta sa kaniya. “Please, baby. And besides, we need to practice.” Saad niya at ngumiti nang malapad.
Nangunot naman ang noo ko. “Practice? Para saan?” nalilitong tanong ko.
“For our honeymoon, baby,” sagot niya. “The day after tomorrow I will make sure we will get married right away. So we need to practice.” Nagtaas-baba pa ang mga kilay niya habang may nakalolokong ngiti sa mga labi niya. Ang isang kamay niya ay malayang nagsimulang humaplos sa likod ko na kaagad nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ko.
Hindi ko napigilang matawa nang malakas. “Paraparaan ka naman Mr. Montague,” sabi ko pero ikinawit ko na rin sa leeg niya ang isang braso ko habang sa dibdib naman niya lumapat ang isang palad ko. “Ang tagal na nating nagpa-practice, mahal ko. Varsity na rin ako dahil magaling ang coach ko. So, we don’t need to practice. And besides... nasa bahay tayo. Nandito sina Gabby at Cathy. Hindi soundproof ang kwarto ko kaya maririnig nila tayo. Hindi rin puwede rito sa sala dahil maaga silang bumababa para mag-prapare para sa pagpasok sa school.”
Ngumiti siyang lalo. “It’s not a problem, baby,” aniya. “I have my car. Soundproof and tented. We can make love there.”
Napataas ang mga kilay ko. “At sa tapat ng bahay namin tayo magme-make love?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Ngumiti siyang lalo at nagtaas-baba ulit ang mga kilay niya. Ang palad niyang masuyong humahaplos sa likod ko ay tumigil iyon at umangat sa mukha ko. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko at sinuyod ng tingin ang buong mukha ko. Para bang kinakabisado niya ulit ang bawat sulok ng mukha ko. Damn. Kapag ganoon ang ginagawa niya, lagi akong napapasuko at nagpapaubaya sa kaniya. Alam na alam niya talaga ang kahinaan ko!
“Please, baby!” aniya at pinasayad ang hinlalaki niya sa ibabang labi ko at nagkagat labi rin siya. “I know you want me too, baby. I can see it in your beautiful eyes.”
Walang-hiya!
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapakagat sa ibabang labi ko at ngumiti sa kaniya.
“Alam na alam mo talaga kung paano ako huhulihin, Mr. Montague,” sabi ko sa kaniya.
Tumawa siya. “I guess it’s a yes!”
Hindi na ako nagsalita pa. Sa halip, ang palad kong nasa dibdib niya ay mabilis na umangat papunta sa batok niya at kinabig siya. Ako na ang gumawa sa unang halik namin na kaagad naman niyang tinugon.
Damn. Ramdam kong biglang sumiklab ang init sa katawan ko lalo na nang mariin niyang tinugon ang mga halik ko at hinapit niya ako lalo sa kaniya. He pressed his hard solid-member against my stomach. He’s ready? Oh, yeah, he’s always ready!
Ilang sandaling naghinang ang mga labi namin bago siya ang kusang lumayo sa akin. Malapad ang ngiti sa mga labi niya.
“Let’s go, baby. Let’s continue this in my car. Maybe I won’t be able to control myself and own you again right here in the living room.” Aniya.
Natawa na lamang ako ulit at magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng bahay namin.