MULA sa pagkakatitig ko sa labas ng bintana at tinitingnan ko ang dinadaan namin ngayon, nilingon ko siya na tahimik pa ring nagmamaneho. Bahagya akong tumikhim.
“Where are you taking me?” tanong ko sa kaniya.
Saglit naman niya akong tinapunan ng tingin. “In my place,” sagot niya.
My eyebrows meet quickly. What? Dadalhin niya ako sa bahay niya? Para ano? Para gawin na ’yong sinabi niya sa akin kagabi? Oh, God! Hindi ko maiwasang kabahan na naman. Is he serious right now? I mean, oo seryoso siya dahil nagbayad na nga siya sa akin ng malaking halaga ng pera. But...
“Are you afraid?”
Muli akong napalingon sa kaniya nang marinig ko ang tanong niya. “B-bakit naman ako matatakot?” sa halip ay balik na tanong ko sa kaniya at nagtaas pa ako ng noo. “Unless may plano kang gawin sa akin na hindi maganda, I should really be afraid of you.” Saad ko.
Mahina naman siyang tumawa ng pagak. “I’m not a murderer or whatnot, Ms. Marinduque.”
“Then good. Wala akong dapat na ikatakot sa ’yo kung ganoon.” Muli kong itinapon sa labas ng bintana ang aking paningin at inabala sa pagtingin-tingin sa mga building na nadadaanan namin. Mabuti na lang talaga at tented itong sasakyan niya kaya kanina habang palabas na kami sa campus, hindi na ako nag-alala o kinabahan na baka may makakita sa akin na kasama ako ni Mr. Montague.
Muling binalot ng katahimikan ang buong sasakyan niya habang nasa biyahe pa rin kami. Hindi ko alam kung ilang minuto bago kami nakarating sa isang malawak na lote at may nag-iisang luma at parang warehouse na nasa gitna niyon. I frowned as I looked at him as I was removing my seatbelt when he parked his car.
“Where are we, Rufo?” tanong ko sa kaniya. “Is that your house?” nagtataka pa rin ako.
“Yeah,” tipid lamang na sagot niya saka niya binuksan ang pinto sa tabi niya at bumaba siya sa driver’s seat.
I did nothing but open the door next to me and get out of his car. I slung my bag over my shoulder. “Are you... sure?” muli akong kinabahan at nag-aalangan pa ako kung hahakbang ba ako palapit sa kaniya o tatakbo na lang palayo habang maaga pa! Ano’ng malay ko na may gawin nga siyang hindi maganda sa akin kaya dinala niya ako sa ganitong lugar?
Oh, Solana! Sana kasi ay nag-isip ka muna kanina bago ka sumama sa lalaking ’yan. What if... he is a murderer and you are his next target or victim?
“Come on, Solana.”
“E—” napalunok pa ako ng aking laway bago dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya.
Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila papunta sa may pinto. Inilabas niya ang susi mula sa kaniyang bulsa at ipinasok iyon sa keyhole. Nang mabuksan niya ang pinto, roon ay bumungad sa aking paningin ang magandang interior design sa loob. Pinaghalong kulay itim, gray at puti ang pintura. Nang humakbang ako papasok, nakita ko naman ang malapad na kama na nasa sulok. Kulay gray din ang punda ng mga unan maging ang linen niyon. Malinis iyon at hindi makalat. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. And I can’t say any word, but, wow! Just wow! Ang ganda. Hindi ko ini-expect na ganito kaganda ang bahay niya samantalang sa labas kasi parang abandunadong warehouse ang hitsura. Malinis ang buong paligid, walang kalat, lahat ng gamit at display niya ay naka-arranged nang mabuti. Mayroon siyang maliit na dining table, malinis din ang lababo niya, may refrigerator sa sulok, kumpleto sa gamit. Kung hindi ko lang alam na siya ang may-ari nito, iisipin kong babae ang nakatira dito sa sobrang linis ng buong paligid. Parang bigla ata akong nahiya sa sarili ko. Paano ba naman kasi, kahit ang pagligpit na lang ng higaan ko hindi ko pa magawa nang maayos, samantalang siya, look at his bed, parang kama sa isang five star hotel sa sobrang ayos ng pagkaka-fold ng linen.
“This is my place.”
Natuon sa kaniya ang aking paningin nang marinig ko ulit ang boses niya.
“W-wow! It’s beautiful.” Saad ko.
“So I’m not a murderer as you thought earlier. I think there is no murderer who would kill people in this kind of place, right?” tanong pa niya.
Nagkibit naman ako ng mga balikat ko. “Who knows,” sabi ko na lang sa kaniya saka ako naglakad palapit sa kaniyang kama. Inilapag ko sa ibabaw niyon ang bag ko saka ako umupo roon. Napakalambot naman ng higaan niya. “Puwede mo naman iyon gawin sa ibang lugar.” Dagdag ko pa.
“Are you hungry?”
“Beer is fine.” Sa halip ay saad ko sa kaniya.
Nangunot naman ang kaniyang noo nang muli niya akong tingnan.
Oh, I need beer right now. Iyon lang kasi ang nakakapagpawala sa kaba ko.
“I don’t have beer,” wika niya.
“Seriously?”
“I drink occasionally. But I don’t put any alcohol in my fridge.”
Bumuntong-hininga ako. “Alright. Water, siguro naman may tubig ka riyan at hindi rin lang occasionally ang pag-inom mo ng tubig.”
Hindi naman siya sumagot, sa halip ay naglakad siya palapit sa refrigerator niya at binuksan iyon.
“Ikaw lang ba ang nakatira dito? Wala ka bang kasama?” tanong ko sa kaniya habang naglilikot na naman ang paningin ko sa buong paligid. In a corner, I saw a black and white painting of a naked woman. Tatlo iyon na medyo malalaki. Isang naka-side view habang nasa dibdib nito ang isang braso upang takpan iyon. Ang isa naman ay nakaharap habang ang isang braso ay nakatakip pa rin sa dibdib at ang isang palad ay nakatakip sa pagitan ng mga hita nito. Ang isa naman ay nakadapa sa sahig pero kitang-kita ang puwet.
Bakit siya may painting na ganoon?
“Mag-isa lang ako rito,” sagot naman niya.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama niya at naglakad ako palapit sa book shelve niya na nasa sulok. Pinasadahan ko pa iyon ng aking kamay habang binabasa ang titles nang libro. Puro english novels ang naroon at comics din.
“Mahilig ka pala sa mga novels!”
“I love reading.”
“Mmm.” Lumapit din ako sa PC na nasa gilid ng bintana. “And why do you have PC? Are you a gamer, too?” nang tapunan ko siya ng tingin.
Iniabot naman niya sa akin ang baso ng malamig na tubig nang lumapit siya sa akin.
“Thanks.”
“Yeah, I am.”
Kunot ang noo na napalingon ako ulit sa kaniya. Wow! Wala pa akong nakilalang lalaki na kasing guwapo niya at may magandang katawan, tapos mahilig magbasa ng novels, comics, at maglaro ng PC games. Ang pagkakaalam ko, ang kadalasang gumagawa lang ng ganoon ay ang mga nerd. But he’s not a nerd. Well, if he is... he probably the King of the Nerds.
Seryosong napatitig ako sa mukha niya. “How old are you, Mr. Montague?” tanong ko saka dinala sa bibig ko ang baso para uminom.
“Forty-one.”
Halos masamid ako at maibuga ko ang tubig na nasa bibig ko dahil sa sinabi niya. What? Forty-one na siya? How come? I mean, ang buong akala ko ay nasa early thirties pa lang siya.
“Are you okay?” kunot ang noo na tanong niya sa akin.
Nilunok ko ang tubig saka ako naubo nang sunod-sunod. Banayad na pinalo-palo ko ang dibdib ko. “You... you’re forty-one?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
God! E, halos hindi nalalayo ang edad niya sa papa ko, tapos... tapos makikipag-s*x ako sa kaniya? No way! Parang tatay ko na siya. I’m only twenty-four and he’s forty-one! Seventeen ang age gap namin.
Que horror!
Mawawala ang virginity ko dahil sa isang forty-one year old na lalaki?
“What’s the problem with that?” kunot ang noo na tanong pa niya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Jesus! I’m only twenty-four, Mr. Montague.”
“And so?” aniya. “There’s no problem with that.” Aniya saka siya naglakad palapit sa akin. Kinuha niya sa akin ang baso at inilapag niya iyon sa bedside table niya. “There is no age limit to having s*x, Solana,” aniya saka ipinulupot sa baywang ko ang isang braso niya at hinila ako palapit sa kaniya.
Dahil sa pagkabigla ko, kaagad kong naitukod sa dibdib niya ang mga palad ko. Bahagyang tumama rin sa baba niya ang noo ko. Mayamaya ay dahan-dahan akong tumingala sa kaniya habang nag-uumpisa na namang kumabog nang kakaiba at malakas ang puso ko. Nang magtama ang mga paningin namin, nang tumama na naman sa ilong ko ang mainit at mabango niyang hininga, napalunok ako ng aking laway. Nagpalipat-lipat din ang aking tingin sa mata at mga labi niya.
Damn. Heto na naman ang kakaibang pakiramdam ko, lalo na at magkadikit kami at may matigas na bagay ang nakadikit sa tiyan ko. Unti-unti kong naramdaman ang pag-iinit ng aking mukha dahil doon.
“I want you, Solana. I really want you.” Mahina ngunit may diing sambit niya sa tapat ng mukha ko. “Kung alam mo lang kung gaano ako nahirapang makatulog kagabi nang magkahiwalay tayo sa club na ’yon... hindi ka na nawala sa isipan ko. At kanina, nang makita kita sa classroom na iyon, muli ko na namang naramdaman ang kakaibang init sa katawan ko, lalo na ngayong nasa harapan kita, na nasa mga bisig kita.” Anas niya at umangat ang isang kamay niya papunta sa mukha ko. Masuyo niyang hinawi ang hibla ng aking buhok at inipit niya iyon sa likod ng tainga ko. Nakita ko ang paglunok niya nang tinitigan niya ang mga labi ko. “I want to own you, Solana. I want to make you mine. Damn I don’t know why I suddenly felt this way since I saw you.”
Bumuka ang bibig ko, pero wala namang kataga ang nanulas doon. Hindi ko alam kung nalunok ko na ata ang dila ko kaya wala akong makapang salita na puwedeng sabihin sa kaniya.
“f**k!” usal niya at walang anu-ano’y kinabig niya ang batok ko at mariing inangkin ang mga labi ko.
Hindi ko naman nagawang magprotesta dahil kagaya sa naramdaman ko kanina habang nasa loob kami ng office ni Mr. Santos, I want to kiss him again. I really do.
Umangat ang dalawa kong braso at ikinawit ko iyon sa kaniyang leeg at tinugon ko ang mainit niyang mga halik.
Nagtatagisan ang mga labi namin na tila parehong sabik sa halik na iyon. Mayamaya, ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko ay inalis niya roon. Umangat iyon at ikinulong niya sa mga palad niya ang mukha ko at mas lalo pang inangkin ang mga labi ko.
“Ohhh!” I moan softly when he gently bit my lower lip. Dahil doon, napasinghap ako kaya nagkaroon siya ng pagkakaton na pasukin ang bibig ko.
Oh, damn. Why does it taste so good? Ang init ng loob ng bibig niya.
Mula sa pagkakahawak sa mukha ko, bumaba ang mga kamay niya papunta sa uniform kong suot. He started unbuttoning my blouse while we were still kissing.
“Damn, Solana.” Pagmumura niya nang pakawalan niya ang mga labi ko at bumaba ang mga labi niya sa leeg ko, pababa pa sa dibdib ko.
“Holy s**t!”
Pareho kaming natigilan at napatingin sa may pinto nang makarinig kami roon ng boses ng isang lalaki. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko roon si Ricos. At nang ma-realize kong natanggal na ni Rufo ang halos kalahati ng botunes ng uniform ko, at bahagya ng nasisilip ang malulusog kong dibdib, kaagad kong nayakap ang sarili ko.
“What are you doing here, Ricos?” kunot ang noo at galit na tanong ni Rufo sa kaibigan niya.
Tumawa naman ng pagak ang lalaki. “Woaw! Bro...” anito na tila hindi alam kung ano ang sasabihin habang ipinagpapalipat-lipat ang tingin sa amin ni Rufo. “Bro! I mean, I’m sorry for interupting your... business,” nakakalokong ngiti pa ang ibinigay nito kay Rufo.
“Damn it, Ricos.” Galit na saad niya. “I said what are you doing here?”
Ako naman na biglang napahiya at parang gusto na lang magpakain sa sahig, dahan-dahan akong nagtago sa likuran ni Rufo. Oh, holy lordy! Nakita ni Ricos ang ginagawa namin ni Rufo? And I’m almost half naked. Mabuti na lamang at hindi pa nahuhubad nang tuluyan ni Rufo ang blouse ko.
“Ang akala ko ay wala ka rito sa pad mo,” wika nito. “I’m sorry again bro.” Anito. “Is that... Soli?” tanong nito.
“f**k, Ricos. Get lost.”
“Wait. I thought you said you’re not interested in her? And why did you brought her here in your pad, bro?”
What? Ano ang sinabi ni Ricos? Hindi interesado sa akin si Rufo?
Narinig ko namang nagbuntong-hininga nang malalim si Rufo saka siya humakbang palapit kay Ricos. “Get the f**k out of my place, Ricos.” Aniya at kitang-kita ko kung paano niya itulak palabas ng pinto ang kaniyang kaibigan.
“But bro—” tumatawa pang saad nito. Pero hindi na rin nito natapos ang sasabihin nang malakas na isinarado ni Rufo ang pinto.
“Damn that bastard!” tiim-bagang na usal niya at iritadong ginulo ang kaniyang buhok at napahilamos pa.
Mula sa kinatatayuan ko, seryosong tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Bumuntong-hininga rin ako at inayos ko ang blouse ko saka ako humakbang palapit sa kaniya.
“I—”
“So you’re not interested in me pala?” tanong ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay ko.
Nangunot naman ang kaniyang noo.
“Hindi ka naman pala interesado sa akin, so bakit mo ako binayaran at inalok na maging bed buddy mo, Mr. Montague?”
Ngunit isang matiim na titig lamang ang ibinigay niya sa akin saka siya naglakad at nilampasan ako.