“ATE, nariyan ka na po pala!” Anang Gabby dahilan upang mabasag ang saglit na katahimikan namayani sa loob ng bahay namin.
“Um,” bahagya akong tumikhim. “Ross, what are you doing here?” tanong ko ulit saka humakbang upang tuluyang pumasok sa sala. Sumunod naman sa akin si Rufo.
“Who is he, Solana?” sa halip ay balik na tanong sa akin ni Russel habang nakatingin ito kay Rufo ng seryoso.
“Um, h-he is Rufo,” wika ko. “Rufo, this is Russel, um, he’s a friend of mine. And these are my sisters, Gabby and Cat.” Ipinakilala ko rin siya sa mga kapatid ko.
“Hello po!” bati ni Cat sa kaniya. Ngumiti pa ang kapatid ko.
“Kaibigan mo siya ate?” tanong din ni Gabby.
“Ah—”
“I’m her boyfriend.”
Bigla akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya na siyang naging dahilan upang maputol ang pagsasasalita ko. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. What did he say? Sinabi niyang boyfriend ko siya?
“Boyfriend mo siya, Solana?”
Muli akong napatingin kay Ross nang magtanong din ito sa akin.
I don’t know what to say right now. Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ni Russel. Basta ang alam ko lang, ang puso ko ay bigla na namang nag-iba ang kabog. Damn it.
“Can we talk, Solana?” muling saad ni Russel sa akin.
Tipid naman akong tumango rito nang muling magtama ang mga paningin namin. And I saw how his jaw clenched habang seryoso pa rin itong nakatitig kay Rufo. Mayamaya ay kumilos ito sa puwesto nito at naglakad palabas ng bahay habang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Rufo.
“Um,” I cleared my throat and let out a deep but gentle breath as well. Inilapag ko sa sofa ang bag ko saka humakbang palapit kay Rufo. “Please, have a sit first. Kakausapin ko lang si Russel.” Saad ko sa kaniya.
Tumango naman siya saka humakbang palapit sa sofa. Ako naman ay nagmamadali nang lumabas upang puntahan si Russel.
Russel is one of the bodyguards of General Acosta. Ever since the first night General Acosta became my customer in DC, I’ve been seeing Russel all the time. And I admit na isa rin ito sa nangungulit sa akin ng palihim upang hindi malaman ng boss nito na pati ito ay interesado din sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nitong tinatanong kung kailan ko ito papayagan na maging boyfriend ko, pero iisa lang ang lagi kong sagot. I don’t like him. But I don’t understand why he continues to visit me here in our house, even though I repeatedly rejected him. O sadyang hindi lang ito marunong makaintindi sa salitang I don’t like him.
“Solana.” Mariin at seryosong sambit nito sa pangalan ko nang makalabas na ako sa pinto at naglakad ako palapit sa puwesto nito. Nakita ko pa ang pagtiim ng mga bagang nito. Magkasalubong pa ang mga kilay nito.
“Russel. What are you doing here?” kagaya sa tanong ko kanina.
Bumuntong-hininga naman ito nang malalim at inis na napahagod sa baba nito. “Who is he? Talaga bang boyfriend mo ang lalaking ’yon?” pagalit na tanong nito sa akin.
“Why are you mad?” sa halip ay balik na tanong ko rito habang magkasalubong din ang mga kilay ko. “I mean, is there a problem if he’s my boyfriend?”
“Yes there is, Solana.” Mariing saad pa rin nito. “Alam mong nanliligaw ako sa ’yo. And I really liked you so much. Tapos ngayon ito pa ang malalaman ko? Are you f*****g kidding me?”
“Russel, you know from the beginning that I don’t like you. I rejected you for so many times, right?”
“And you know that I don’t take no for an answer, Solana. Alam mong hindi ako pumayag sa sagot mo na ayaw mo akong maging boyfriend. I’m just giving you a little time to think. Tapos ito na pala ang ginagawa mo. Ginagago mo ako!” Tiim-bagang pa rin na saad nito.
Halos mag-isang linya naman ang mga kilay ko dahil sa mga sinabi nito. Oh, God! At sino naman ito para pagsalitaan ako ng ganoon? Wala itong karapatan na diktahan ako sa mga gagawin ko at mas lalong wala itong karapatan na magalit sa akin dahil lang sa sinabi ni Rufo kanina na boyfriend ko siya.
Humugot ako muli nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Hindi pa rin nagbabago ang seryosong tingin ko sa kaniya. “You can leave now, Russel.”
Muli ko ring nakita ang pag-igting ng panga nito maging ang pagsasalubong lalo ng mga kilay nito.
“Leave now!” ulit ko.
“We’re not done yet, Solana. Pasalamat ka at may importante akong lakad ngayon at dumaan lang ako rito sa bahay mo. Dahil kung hindi...” pinutol nito ang sasabihin at saglit na tumingin sa may pinto ng bahay namin. “Mag-uusap tayo ulit.” Pagkasabi nito niyon ay kaagad itong tumalikod at malalaki ang mga hakbang na lumabas sa gate namin.
I sighed deeply again and then I went back inside. Nakita ko namang kinakausap ni Cat si Rufo. Nang magbaling siya ng tingin sa akin, ngumiti ako sa kaniya.
“Ate, totoo po bang boyfriend mo siya?” tanong ni Cat.
Lumapit ako sa sofa kung saan nakaupo si Rufo at umupo ako sa tabi niya. “Um,” I still don’t know what to say. Kasi hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya kanina. Hindi ako nakapag-prepared na sasabihin niya iyon sa mga kapatid ko. Tumingin ako ulit sa kaniya nang tumingin din siya sa akin. Tipid akong ngumiting muli.
“Kailan pa po kayo mag-jowa ng ate namin, sir?” tanong din ni Gabby na kalalabas lang mula sa kusina at may bitbit na baso ng tubig. Inilapag iyon ng kapatid ko sa center table, malapit kay Rufo.
“Three days ago.”
Muli akong napatingin sa akin. Three days ago? E, tatlong araw pa lang din simula no’ng magkakilala kami. So that means, unang gabi pa lang na nagkita kami, mag-jowa agad kami? Kakaiba talaga ang lalaking ito!
“Ah, kaya po pala!” anang Cat. “Nice meeting you po ulit, Kuya Rufo.” Saad pa nito at inilahad ang kamay kay Rufo na kaagad din naman niyang tinanggap.
“Nice meeting you, Cat.” Aniya. “Gabby!”
Nakipagkamay rin naman si Gabby sa kaniya saka umupo sa tabi ni Cat. “So, saan po kayo nagkakilala ni Ate Solana?” tanong nitong muli.
Muli akong napalingon sa kaniya kasabay ng kabang biglang nabuhay sa dibdib ko. Oh, no! Huwag niya sanang sasabihin na sa club kami nagkita at nagkakilala. Patay talaga ako sa mga kapatid ko. Pasimple ko siyang hinawakan sa likod niya at banayad na humagod doon ang palad ko. When he turned to me, I smiled at him again and I gave him don’t tell my sisters the truth look.
“Well, I’m your sister’s boss,” sabi niya.
Bigla naman akong nakahinga nang maluwag.
“Oh, ikaw po pala ang boss ni ate?” anang Cat.
“Akala ko ba ate kay Mama Lu ka nagtatrabaho?” tanong ulit ni Gabby habang magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa akin
Ngumiti ako ulit. “Yeah. Pero kasi... um, ’di ba nga promoted ako sa trabaho ko? So, si Rufo na ang bagong boss ko ngayon.”
“Tapos boyfriend mo po siya?” tanong ulit ni Cat.
Ngiwing napangiti ako ulit at tiningnan uli si Rufo.
“We have known each other even before.” Siya ang sumagot.
Oh, ayoko talaga na nagsisinungaling sa mga kapatid ko. Pero ayoko rin na malaman nila ang klase ng trabahong ginagawa ko.
“Ah!” Napatango-tango naman si Gabby. Parang convinced naman siya sa sinabi ni Rufo.
“Um, Gabby, may mga stock pa naman tayo sa ref ’di ba?” pag-iiba ko na ng usapan namin mayamaya.
“Opo ate. Kakagaling lang namin ni Cat sa palengke kanina kagaya po sa utos mo sa amin.” Sagot nito.
Kumilos ako sa puwesto ko upang tumayo. “Okay. Ako na ang magluluto para sa haponan natin. Dito kasi kakain si Rufo,” sabi ko. “Um, aakyat lang ako para magbihis. Dito ka muna at kausapin mo na muna ang mga kapatid ko para magkakilala na rin kayo.” Saad ko sa kaniya nang tapunan ko siya ulit ng tingin.
“Sure,” sagot niya at nginitian pa ako.
Tiningnan ko muna saglit ang dalawa kong kapatid bago ko dinampot ang bag ko at nagmamadali ng pumanhik sa kwarto ko para magbihis na.
PAGKATAPOS kong magbihis at nang makababa na ako ulit sa sala, iniwanan ko na muna si Rufo sa sala kasama ang mga kapatid ko at pumasok ako sa kusina para magsimulang magluto na. Kare-kare at Afritada ang niluto ko dahil iyon ang specialty ko. Of course, gusto kong magpa-impress kay Rufo kaya mas lalo ko pang sinarapan ang luto ko. Saktong alas sais ay tapos na akong magluto kaya bumalik ako sa sala para tawagin sila. Natutuwa naman akong makita na parang close agad kay Rufo ang mga kapatid ko. Enjoy silang nag-uusap-usap. Ayoko man sanang isturbuhin ang bonding nila, pero lumapit na rin ako sa puwesto nila.
“Kakain na,” sabi ko.
“Halika na po sa hapag, Kuya Rufo. Doon na lang po natin ipagpatuloy ang kwentohan natin.” Nakangiting saad ni Cat at kaagad pang kinuha ang kamay ni Rufo at hinila na siya ng kapatid ko papunta sa kusina.
“Mmm, smells good.” Aniya habang nakatayo pa siya sa gilid ng mesa.
“Maupo ka na,” sabi ko sa kaniya saka ako umupo sa kabisera.
Sa kanang bahagi ng mesa naman siya pumuwesto habang nasa kaliwa naman sina Gabby at Cat.
“Ate, I think I like Kuya Rufo for you,” wika ni Cat habang kumakain na kami.
Napatingin naman ako rito at pagkatapos ay binalingan ko rin ng tingin si Rufo. He looked at me too.
“Talaga?” tanong ko.
“Mukha naman po siyang mabait, ate,” sabi rin ni Gabby. “At tinuruan niya po ako sa isang subject ko na nahihirapan ako.”
“Tapos mas guwapo po siya kaysa kay Kuya Ross.” Dagdag na saad din ni Cat kaya bigla akong napalingon ulit sa kaniya.
Aba! Mukhang butong-buto na nga ata talaga sa kaniya ang mga kapatid ko, a! Later, from under the table, I felt his foot gently rub against my leg, kaya bahagya akong napakislot. I saw him smile and wink at me kaya bahagya kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. At bago pa mahalata ng mga kapatid ko ang kiliting nararamdaman ko ay mabilis kong itinuon ang aking atensyon sa pagkain. Hinayaan ko na silang mag-usap at hindi na ako nakisali pa. Nakinig na lamang ako.
Pagkatapos naming kumain, si Gabby na rin ang nagpresentang magliligpit nang mga pinagkainan namin habang si Cat naman ay pumanhik sa kwarto nila para mag-aral. Kami naman ni Rufo ay naglakad pabalik sa sala.
“Um, h-hindi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kaniya nang umupo siya ulit sa sofa habang ako naman ay nakatayo dalawang hakbang mula sa kaniya.
“Pinapaalis mo na ba ako?” balik na tanong niya.
“H-hindi naman. A-ano lang... alas syete na rin kasi.”
“It’s okay,” sabi lamang niya at tinitigan ako ng mataman. “You know how to cook.” Saad niya.
Umupo ako sa single couch na nasa dulo ng sofa na kinauupuan niya. “Hindi naman. Sakto lang,” sabi ko at ngumiti sa kaniya. “Tinuruan lang ako ni mama no’ng bata pa ako kaya kabisado ko na kung paano lutuin ang ulam na ’yon.”
“I see,” aniya. “Where is your parents by the way?” tanong niya.
Bumuntong-hininga naman ako at sumandal sa puwesto ko. “Matagal na kaming walang kasamang magulang. I was eighteen nang magkahiwalay ang parents namin at pareho nila kaming iniwanan. Kaya simula noon, ako na ang tumayong magulang sa mga kapatid ko. I did everything for them. Nagtatrabaho ako para lang hindi kami magutom. At lalo na para lang maipagpatuloy namin ang pag-aaral naming tatlo. That’s the reason kung bakit ako pumasok sa trabahong iyon.” Pagkukuwento ko sa kaniya.
Mataman pa rin ang pagkakatitig niya sa akin habang prente siyang nakaupo sa sofa. Mayamaya ay ngumiti ako sa kaniya ulit at bahagyang nagbaba ng tingin.
Tumikhim ako. “Bakit mo pala sinabing... girlfriend mo ako?” pagkuwa’y tanong ko sa kaniya nang muli kong salubungin ang nakakailang niyang mga titig.
“Why, aren’t you my girlfriend?” sa halip ay balik na tanong niya sa akin.
Bahagya kong nahigit ang aking paghinga at pagkatapos ay dahan-dahan iyong pinakawalan sa ere. Nag-iwas ako ulit sa kaniya ng tingin. Ang puso ko, heto at nag-uumpisa na namang kumabog nang malakas dahil sa kakaiba niyang titig sa akin. Ewan ko ba, habang lumilipas ang araw na nararamdaman ko ang malakas na pagkabog ng puso ko sa tuwing tititigan niya ako ng ganoon, parang feeling ko rin ay mas lalo pang nag-iiba ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kasi bago naman sa akin ang ganitong t***k ng aking puso.
“Um, t-teka lang. Aakyat lang pala ako sa kwarto ko saglit.” Nauutal na saad ko at kaagad na tumayo sa puwesto ko. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago ako nagmamadaling naglakad papunta sa hagdan at umakyat na ako. Nagkukumahog pa akong pumasok sa silid ko at nang maisarado ko ang pinto ay bigla akong napasandal sa likod niyon nang maramdaman ko ang sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Napahawak din ako sa tapat ng dibdib ko na ayaw pa rin paawat sa malakas na pagkabog.
“Ohhh! Ano ba itong nararamdaman ko?” I asked myself, and closed my eyes tightly. I also let out a deep but gentle breath. After a few seconds, I slowly walked closer to my bed. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalapit doon ay bigla akong napalingon sa pinto nang bumukas iyon at sumilip si Rufo. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. “R-rufo?” wala sa sariling sambit ko sa pangalan niya.
Naglakad naman siya papasok at isinarado ang pinto.
Bigla akong nataranta at mas lalo pang kumabog ang puso ko. “W-what are you doing here?” kinakabahang tanong ko sa kaniya.
But instead of answering my question, he only took a few steps to the space between us and immediately grabbed my waist and neck. Without saying a word, he firmly pressed a kiss on my lips. Because of what he did, I suddenly closed my eyes and held onto his arms.
Oh, God! What is he doing?
Gusto kong tumutol sa halik na ibinibigay niya sa akin ngayon, pero ang katawan ko naman ay iba ang ginawa. My hands holding his arms quickly moved to his neck and tightly wrapped around it. Tumingkayad ako para mas lalo ko pang maabot ang mga labi niya. Tinugon ko rin nang maalab ang mga halik niya sa akin.
Damn. Iba talaga ang hatid sa akin ng mga halik ni Rufo. Dahil sa agresibong halik niya sa akin, ramdam kong unti-unti ng nabubuhay ang init sa katawan ko.
And when he gently bit my lower lip, I moaned and gasped slightly, so he inserted his tongue inside my mouth. He sucked my tongue and his claim on my lips became even more aggressive. Oh, sweet Jesus! Huwag sana ngayon, huwag dito sa bahay. Narito sina Gabby at Cat. Sigurado akong magtataka ang dalawang ’yon kung bakit nawala kami sa sala at panigurado ding maririnig nila ang ingay namin dito sa loob ng silid ko kasi hindi naman ito soundproof.
Muli akong napaungol nang bumaba sa pwet ko ang kamay niyang masuyong humahaplos sa likod ko. Tila nanggigigil niyang pinisil ang pang-upo ko at mayamaya ay binitawan ng mga labi niya ang mga labi ko. Bumaba sa leeg ko ang mga halik niya.
“Ohhh, Rufo!” pinipigilan ko ang sarili ko na hindi mapalakas ang pag-ungol ko. “P-please, stop.” Saad ko and finally, nagawa ko na rin siyang itulak sa dibdib at braso niya. “Stop, please.” Tila pagsusumamo ko sa kaniya.
Huminto naman siya at tinitigan ako. “Why?” kunot ang noo na tanong niya.
“N-not here,” ang nasabi ko sa kaniya habang hindi ako makatingin nang diretso sa mga mata niya. Napalunok pa ako. “N-nasa kabilang kwarto lang si Cat, maririnig niya tayo. And si Gabby, I, I’m sure magtataka ’yon kung bakit wala tayo sa sala.” Paliwanag ko sa kaniya.
Binitawan niya ako saka siya bahagyang umatras sa akin. Bumuntong-hininga pa siya nang malalim at nakita ko ang pag-igting ng kaniyang bagang. Hinagod niya ang kaniyang buhok hanggang sa kaniyang batok.
“Then go with me,” sabi niya.
Muli akong napatitig sa kaniya. “H-huh?” tanong ko.
“I said go with me.” Pagkasabi niya n’on ay kaagad siyang tumalikod at lumabas sa kwarto ko.
Napatulala na lamang ako sa nakapinid na pinto ng aking silid. At mayamaya ay biglang natupi ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang at naaa likuran ko lang ang kama ko kaya roon ako bumagsak nang matumba ako. Wala sa sariling napahawak ako sa mga labi ko at pagkuwa’y napangiti.