Hawak si Summer ng dalawang bodyguards na tila kabute kung makadikit sa kaniya. "Okey, kayo na ang bahala sa kaniya." Dinig pa niyang sambit mula sa baklang ni hindi pa niya kilala. "S-sandali!" Sigaw pa niya rito dahilan upang halos umalingaw-ngaw ang boses niya sa hallway ng gusaling iyon. Maarteng lumingon ang bakla sa gawi ni Summer at prenteng naka-plaster sa mukha nito ang maarteng ngiti. "Yes, darling?" Sambit pa nito sa kaniya. "Uh..uhm. Hindi ko pa alam, I mean.. Hindi ko pa alam ang pangalan mo." Pautal-utal na sambit ni Summer dahil na rin sa mga matang naroon sa kabuoan ng pasilyo na halos yata sa kaniya nakatingin. Shalala ka talaga, Summer! Sambit pa ng utak niya sa mga oras na iyon. "I am France. But if you like, you can call me sissy because as what I see from