Matapos makipag-usap sa nagngangalang Esperanza ay tila bula itong nawala nang makalabas na ito sa banyo. Summer can't even imagine her face dahil pre-occupied ito kanina sa restroom habang nag-e-emote. Lutang pa rin ang isip niya habang akay-akay ang sariling shoulder bag. Nakita pa niya ang sariling repleksyon sa isang dingding ng hallway. Para siyang naging maraming anyo na tila koleidoscope effect. Like seriously? Normal ba na gusali talaga ito? Parang ang weird eh. Tapos may nag-sasalita sa monitor, dinaig pa ang PBB house. Sa kaka-litanya niya ay may nabangga na pala siya sa hallway. She looked like weird too, parang dinaanan ng bagyo ang pananamit nito na tila aligaga. Yumuko lamang ito sa kaniya bago marahang umalis. Hindi man lang nag sorry? Iba rin. Satsat ng isip niya.