bc

Breathtaking Summer

book_age18+
2.1K
FOLLOW
7.5K
READ
dark
tragedy
humorous
mystery
like
intro-logo
Blurb

Warning: This novel contains matured languages that may not suitable for young readers.

RAMPAGE SOCIETY SERIES (SEASON 1)

"Dalawang taon, dalawang taon akong naghintay at nangulila sa'yo, Summer. I waited this night, I waited you to come back."

— Cristobal 'Storm' Romero

*************************

Isang mabait at ulirang anak si Gregora Samarah Remolada, mula college ay siya na ang nagtaguyod sa kaniyang bunsong kapatid at ina na may sakit na alzheimer, simula noong mamatay ang papa niya ay pinangako niyang gagawin ang lahat para makatulong sa kaniyang pamilya.

She conquered everything with god's guidance, but unfortunately, dumating ang oras na kailangan niyang gawin ang isang desisyon. Naospital ang mama niya at kailangan niya ng sapat na pera para maipagamot ito.

Wala siyang makapitan that time, kaunti lang din ang naipon niya, she madly need a job. An easy-peasy money job, kaya noong nakilala niya ang estranghero na nag-alok sa kaniya ng isang opurtunidad ay sumama siya.

She don't know what she's into. And her journey began when she found Rampage Society site, isang site na para sa mga escort girls ng mayayamang lalaki.

Meet Cristobal Romero, aka Storm. Ang nag-iisang anak ni Don Glavio Romero. May kondisyon siya sa katawan, at may emotional distress, dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina. Seryoso, hindi palangiti at ilag. Paano kaya siya gagaling kung malalaman niyang na-hire ng papa niya ang isang babaeng galing sa isang escort site. Seseryosohin kaya niya ang pabor ng kaniyang ama, o papahirapan ang naturang babae para maiganti ang hinanakit niya.

Paano kaya kung magtagpo sila? May magandang kahantungan ba ang istorya nila?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Rampage Society An elite realm of billionaire’s hidden treasure. Isang lugar kung saan pinamumugaran ng iba't-ibang uri ng anghel. Fallen angels are the right term, dahil sila ang mga klase ng anghel na magdadala sa ‘yo sa kalangitan. Money is the password for this society, it is discreetly just for the filthy underground world of bachelors na mismong parokyano ng nasabing club. It is run through technology, a safe and easy way not to be trace by someone. Lalo na sa access ng taxes and government rules and policy. It is a site with regular updates and fresh from the sea of bitches and elite women from all around the world. The highest bid owns the price and can legally do whatever they want. It's just a matter of approval from the head of the society, si Suprema X. Ang leader ng society club na nagpapatakbo rito. Wala ni isa ang nakakaalam sa tunay na identity nito, she's just a woman hiding from a mask and highly place her pedestal ass in her own throne.  Marami na ang nagtangkang i-corrupt ang system nito, but they end nothing but failure. They used all techy tools from all highly genius around the world but still, Suprema X beat them all. She always make sure na walang makakagalaw sa lahat ng impormasyon ng kaniyang mga anghel. It's a total win win. Pay her enough and she'll be nice. Pay her an extra and you'll get what you want. Pay her in advance, she'll give you your desired heaven. Huwag na huwag mo lamang tangkain na ihabla siya dahil Rampage Society can ruin your shining shimmering palace in just a click of her hand; and little we don't know, ito ang lugar kung saan magsisimula ang kuwento ng limang kababaihan na magpapabago sa takbo ng nasabing espasyo. They will organize and defeat the societies realm by somehow pleading the bidder’s heart and end it with a seal of matrimony. Ang pugad ng mga anghel kung saan magsisimula sa isang deal at ang lugar kung saan mauuwi ang lahat sa pinakaaasam nilang paraiso sa piling ng kani-kanilang panginoon. Simulan na natin ang pagpapakilala sa anghel na pilya't palaban. Hindi sumusuko sa kahit na anong laban. Meet Gregora Samarah Remolada, 22 years old, a graduate of Physical Therapy degree, a model, artist, and a freelance painter. Panganay sa pamilya, outgoing, tipikal na ate na handang tugunan ang pagiging isang ulirang anak, kumbaga bread winner sa kanila. Tinutugunan niya ang kawalan ng kaniyang namayapang ama. Kabit-kabit sa balikat niya ang responsibilidad bilang ina't ate sa bunsong si Magdalene. Naging mahirap ang posisyon nila sa buhay dahil sa insidente noong sampung taong gulang pa lamang siya. Ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at ang pagkalimot ng kanyang ina. Sa madaling salita, naging dahilan ito ng Alzheimer’s disease sa kaniyang ina. Tatlo na lang silang magkakasama't nakikipagsapalaran sa buhay, until one day, Summer got the offer from a new bumped friend na subukan ang isang site na nag-o-offer ng malaking halaga, lalo pa't taglay niya ang mukha't katawan na kinahuhumalingan ng kalalakihan. What they don't know is, she’s still a virgin. Never in her entire life pumasok siya sa ganoong uri ng trabaho, pero dahil sa karalitaan ay sinubukan niya iyon. Nakilala niya si Don Glavio Romero, ang respetadong business tycoon at pamuso sa larangan ng modeling. Iisa lamang ang gustong mangyari ng matanda, ang pagalingin at ibalik sa dati ang nag-iisang anak niyang si Storm Romero. Ang wala sa ayos na kondisyon nito dahil sa pagakakabaldado ng paa at idagdag pa ang wala sa ayos na ugali nito. Aloof, senti, at ayaw ng magulo't maingay na espasyo. Dahil ang hindi nila pagkakapareho ang mag-uudyok sa kanilang samahan. A fake relationship for a cause. Puwede kaya maging makulay ang malamlam na parte na noon ay pumapagitna sa kanila? Ito na ba ang simula ng pagliliwanag ng kanilang sarado't madilim na kalangitan? May pag-asa kaya ang dalawa na hawiin ang unos na mayroon sila? O mas magiging magulo ang takbo ng kanilang istorya kung sa una pa lang ay pinagtagpo na sila ng tadhana. Hindi lang sa una o sa pangalawa, pero hanggang sa ikatatlong pangyayari ng kanilang mga buhay. Ang masalimuot na pangyayari noon na siyang kabit-kabit nilang dalawa hanggang ngayon. Ang trahedyang nagdaan isang dekada na ang nakalilipas.  ***  Nakasandal sa kaniyang upuan ang binatang si Storm habang hawak hawak ang kopitang may lamang alak. "Yes. I know it, dad. Huwag mo na akong pangaralan, I'm—" "Dumb enough to say this again, Storm! Enough being a dickhead. Trenta y dos anyos ka na, wala ka bang balak lumugar at mag-asawa? Hindi na ako pabata, anak. I need a grandson. I need you to manage our business," makapangyarihang sambit ng kaniyang amang si Don Glavio. Nakatukod ang bigat nito sa kaniyang nag-iisang tungkod. Napasinghap na lang si Storm sa paulit-ulit na litanya ng kaniyang ama. Ang pamuso't ma-awtoridad na personalidad sa industriya, pati na rin sa pagiging ama nito sa kaniya. "Hmm," ungol ni Storm habang tamad na nag-unat ng kaniyang braso. Hindi niya ito masisisi, dahil siya lang kasi ang inaasahan nitong mamumuno at uupo sa kaniyang trono pagdating ng araw. Pero, kahit pa ilang ulit na niya itong pagsabihan na ayaw niya ang ganoong trabaho ay parati pa rin siyang pinagdidiinan na siya lang umano ang may kayang mamahala sa kanilang negosyo. Napailing na lamang si Storm habang hindi pa rin tumitigil ang kaniyang ama na nagsasalita sa kaniyang harapan. Pero ang totoo'y hindi naman siya nakikinig dito. Para ngang naka-mute ang tainga niya habang blangkong nakatingin sa pigura nito. A Romero is a dominant blood running in his veins, but somehow, mas pabor at nananalaytay sa dugo ni Storm ang isang Galvez, ang dugo ng kaniyang namayapang ina. His mom is simple. Kahit sino ay mapapamahal dito. No wonder that a Romero blood like his dad chose his mom, kahit pa sa pagkakaalam niya'y maraming nagkakandarapa noon sa kaniyang ama. Totoo nga siguro ang kasabihang 'Love moves in mysterious ways'. His grandparents told him about that fact before they passed away. Gaya ng sitwasyon niya ngayon, unico hijo ang ama niya at nagbinata ito noon na maraming umaaligid na kababaihan dito. Pero nang ipa-arrange marriage sila ng kaniyang ina ay walang anu-ano'y pumayag ito sa kagustuhan ng kaniyang lolo at lola noon. Maybe because his mom is a monarch blood from Rome. Maganda, mahinhin na babae, angkin ang katalinuhang kahanga-hanga, and yes, his mom has a down to earth character. Hindi nga niya ma-visualize ang kuwentong sinabi ng kaniyang ama't ina noon na naglayas umano ang mga ito. Galing sa Roma ay napunta sa Pilipinas ang mga ito at dito namuhay nang mapayapa. Dito na rin siya nabuo. They made love and raised him here in the Philippines. The country which they call the paradise of smiles. Nahinto sa pag-iisip si Storm at inubos ang alak. Mabilis pa niya itong nilagok at pagkawari'y pagak na napatawa sa kaniyang pinag-iisip. Doon ay sumeryoso naman ang mukha ng kaniyang ama na halatang natigilan sa kaniyang ginawa. "Nakikinig ka ba?" ani Don Glavio. Walang emosyon ang mukha ng binata na nakatanaw lang sa pigura ng kaniyang ama. Pero tila wala siyang marinig sa bawat bigkas nito ng salita. Dama niyang pinapahirapan siya nito lalo pa't dahil sa kaniya'y nawala ang kasiyahang mayroon sila noon dahil sa kaniyang katarantaduhan. "Cristobal?" Putol pa ulit ng matandang ginoo sa kaniya. Pero imbes na tingnan ang gawi nito ay napabuga na lamang siya ng mabigat na hangin na tila nagsasabi ng pagtutol nito. Inikot niya ang inuupuan niyang bagay at tumalikod sa kaniyang ama. Doon ay mas dinama pa niya ang presensya ng hangin na bumubungad sa kaniya mula sa malawak na balkonahe ng kaniyang kuwarto. Ramdam niyang nagsisimula na namang magsalita ito sa kaniyang likuran kaya nanatili na lamang siyang walang imik. Wala siyang maintindihan sa bawat salitang binibigkas ng kaniyang ama. Ang nasa isip niya lamang ngayon ay ang katanungan na kung nabubuhay pa kaya ang ina niya'y ganito rin kaya ang kakahinatnan niya ngayon. Naikuyom ni Storm ang kaniyang kamao at biglang nagsalita sa pagitan ng boses ng kaniyang ama. "Enough, dad," may kalakasang sambit niya habang tanaw pa rin ang espasyo ng bintana sa kaniyang harapan. Nasa likuran niya ang ama niya na noo'y nahinto sa pagsasalita. "Fine. I'll better go now," sambit ng kaniyang ama. Ramdam niya ang pagtahak nito sa pintuan kahit pa hindi niya ito nasisilayan. Dinig niya ang tungkod na kahoy na nagmamartsa palabas ng kaniyang silid. Nang maramdaman niyang huminto ito sa may bukana ay agad niya itong nilingon. "I'll wait for your response, anak," sabi pa nito bago isinara ang pinto. Matapos ang eksenang iyon ay dahan-dahan siyang pumanhik sa may balkonahe. Sapo niya ang sariling ulo at inayos ang magulo't mahabang buhok. Tamad niyang binalingan ang tanawin mula sa malaking bintana. Maliwanag na sa labas. Umaga na ngayon, pero parang balot pa rin siya ng kadiliman. Sa kadiliman ng nagdaang trahedya, isang dekada na ang nakalilipas. Bumuntong-hininga pa siya at inabot ang kung anong bagay sa kaniyang paanan. Inayos niya iyon at inilagay sa magkabilang armpit bago tuluyang naglakad. Pakonti-konti niyang ihinahakbang ang kaniyang binti habang nakatitig sa isang banda na kinaroroonan ng kaniyang inuupuang wheel chair. Tinatantya niya ang kaniyang bigat nang biglang ma-out of balance siya at matumba. Lumagapak sa sahig ang mga crutches na nagbunga ng ingay at nagpaalarma sa kaniyang kuwarto. It was an alarm. It's a device for loud noise na kailangan para sa kaniyang atensyon. Maya-maya pa'y may bumukas sa kaniyang kuwarto at noo'y nag aalinlangang saklolohan siya. Si mang Kariño o kilala sa tawag na mang Kanor, ang kaniyang personal butler. Dumating ang may edad na lalaki na tila nakikiramdam lang sa kaniyang pag-ahon sa inuupuang sahig. Aaksyon na sana itong lumapit sa binata pero bago pa man ito makalapit ay dinipa niya ang dalawang palad na tila ayaw nitong magpatulong. "I can do it!" impit na litanya ni Storm habang sinusubukang tumayo. "Pero—" mahinang sambit ni Mang Kanor. "It's fine. Just leave me alone," malamig na turan ng binata rito dahilan upang mapayuko ito at nilisan na lamang ang kinatatayuan. "Masusunod, master." Nakatayo siya nang mag-isa gamit ang crutches habang papalapit na sa railings ng balkonahe. Dahan-dahan niyang pinakalma ang sarili at tinungo ang malambot na chaise at umupo roon. Habang nagmumuni'y matamang pumwesto ang kaniyang mga mata sa karagatan na tila ninanamnam ang katahimikan ng lugar. Payapa at may ambiance roon na nakakapagpawala sa kung anumang trahedya na kinasadlakan niya noon na siyang rason kung bakit siya inuusig ng kaniyang konsensya ngayon. "Tss." Iling pa ni Storm. Tinapunan niya ng tingin ang kaniyang mga binti na tila kinakausap ito. Isang dekada na kasi ang nakalipas nang hindi na niya ito maigalaw at magamit sa paglakad. Mapait niyang ipinikit ang mga mata at hinilot iyon sa pamamagitan ng kaniyang daliri. Muli niyang dinaluhan ang nakalipas na alaala kung saan naganap ang hindi inaasahang pangyayari. *** Flashback "Ang husay mo nang magmaneho, anak," proud na sabi ng kaniyang ina habang masayang nakatingin sa kaniyang pagmamaneho. Kakakuha niya lang ng lisensya at ngayon nga'y officially licensed driver na siya. Puwede na siyang magmaneho ng kaniyang sariling kotse. Kasama niya ang kaniyang ina ngayon for some reason, pupuntahan kasi nila ang pinsan niyang si Ullysis na naghihintay sa sanctuary para sa pagsundo nila. Kinulit niya ang kaniyang ina na siya na lang ang magmaneho sa mga oras na iyon. Tinatahak nila ang nakagawiang daan habang masayang nagku-kwentuhan sa mga bagay-bagay. Pakanta kanta pa sila ng kanilang paboritong kanta. Masayang inabot ni Storm ang tiyan ng kaniyang ina at hinimas iyon. She's now five months pregnant with his little baby sister. Ang ironic nga eh, ang layo ng gap nila kung tutuusin. Storm is now 21 years old turning 22 sa darating na limang araw. Perfectly fit for some adventures in life. Abril dalawampu't dalawa ng taong 2010. He is an outdoor person. Malaya at carefree na binatang anak ng mag-asawang Romero. He's into sports at lahat ng extreme adrenaline work outs ay nagagawa niya. Lahat na yata ay nasalihan na niya from triathlon to cycling contest. Aside from that, he's a known ambassador for Sportsfest but, suddenly— tila nawalang parang bula ang lahat, isama pa ang nag-iisang babae na pinahalagahan niya noon. Hara. As what it sounds. He hail her name like praising an eternal goddess of his entire life. Akala niya'y sila na talaga. From his teenage days until nag twenty-one siya'y doon niya lamang napagtanto na kahit anong tagal ninyo  na magkasama, kung hindi ka na talaga niya mahal at awa na lang ang natitira para sa 'yo ay isang suntok na lang ito sa limot lahat, at iyon ang masakit na katotohanang dama pa rin niya hanggang ngayon. Ang katotohanang nangyari sa kaniya. Sa kanila. He was left alone, nothing to hold and no one who could lean on. Just his bare self alone. Napapikit pa siya nang mariin dahil sa huling espasyo ng kaniyang pagbabalik tanaw ay ang itsura ng kaniyang ina na noo'y hinding hindi niya malilimutang naliligo sa sariling dugo, habang tila walang boses siyang sumisigaw ng saklolo. Their car accidentally crashed. Siya ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ina at ang hindi naisilang na sanggol na kapatid sana niya. He felt that again. Ang kutsilyong matagal nang nakatarak sa parteng iyon. Kinapa pa niya ang bahaging iyon at mahinang umiyak. Iyon ay ang bahagi ng kaniyang puso. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
312.9K
bc

His Cheating Heart

read
45.3K
bc

Stubborn Love

read
100.1K
bc

OSCAR

read
236.5K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.9K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
406.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook