CHAPTER 5_Old days of Grey

1543 Words
Napahawak si Storm sa kaniyang sariling ulo habang nag-iipon ng lakas para kausapin ang kaniyang ama. He hurt him with his words last time. He must say sorry for it. Bumuntung-hininga muna siya bago kumatok ng ikatlong beses. "Come on in." Dinig pa niyang responde sa kabilang panig ng kwartong iyon. Dahan-dahan niya itong pinihit at ipinasok ang kaniyang kina-uupuang wheelchair, nang makapasok siya'y nakita niyang mataman lamang na nagbabasa ang kaniyang ama ng kung ano sa kaniyang mala-tronong upuan habang may hawak ng kung anong bagay sa magkabilang kamay nito. And if he will guess it right now, stressed ito sa kung ano o sa kung sino. At marahil ay siya ito, halatang siya ang problema nito ngayon. Tumikhim muna siya para sa bungad na pananalita. Ganoon pa rin ang pwesto nito na tila wala siya sa harapan nito. "Look dad, sorry for what happened an hour ago, hindi ko sinasadyang bastosin kayo.. I-im sorry." Mahina ngunit may sinseridad na boses ng binata. Umangat ito ng tingin sa kaniya at napagkuwan niya na tinititigan siya ngayon nito sa mata. "Hijo, I'm not forcing you to do this, tama ka. Hindi ako dapat nanghihimasok sa buhay mo. Kung ano mang plano mo mula ngayon, ay 'yon na rin ang tatanggapin ko. Tayo na lang dalawa, anak. Ayokong pati ikaw ay maiwala ko pa." Mahabang paliwanag ng kaniyang ama na tila isang punyal sa kaniyang puso. Tila huminto ang oras sa kanilang dalawa at noo'y pumagitna ang katahimikan. "You remind me of your mom, Storm.." Dagdag pa nitong sambit sa binata na noo'y hindi makatitig sa kaniyang ama. He never realized that he's getting to far from his dad. He built this wall against him and pre-occupied his mind of some shits na nagpapalugmok sa kaniya galing sa nakaraan. Ang nakaraang tila nagpapalutang sa kaniyang katinuan, not knowing about what's the reality from it. "Thanks, dad." Wala sa isip na sambit niya rito. Nakita niyang may gumuhit na ngiti sa gilid ng labi nito bago ito muling nagsalita muli. "How about old days?" Sabi nito na nagpangiti kay Storm. "Sure," ani Storm. They knew what was that, and now, they are trying to bond it up again. *** "Aww! Ang daya mo dad!" Sambit pa ni Storm habang tila napasuntok sa kawalan. Nakangisi lamang si Storm habang waging-wagi sa hawak nitong remote control. They're now having fun in their mini studio theatre habang naglalaro ng old-day games sa kanilang PS4. Gaya ng dati'y nakakailang talo na siya mula rito habang kontodo sikap naman siya na makalamang kahit isang puntos man lang. Little we don't know, ito ang kanilang bonding noon kasama ang namayapang si Doña Elizabeth. As their only child, nakatutok lamang kay Storm ang kanilang panahon at kung ano man ang naisin nito'y agad-agad din niyang nakukuha. Iilan lamang sa mga pinsan niya ang nakakasalamuha niya that time, dahil na rin sa iringan ng panig ng kaniyang ama at panig ng kaniyang ina. Obviously, he's dad is a demanding, self-centered and very dominant ruler in terms of business to business relation. Dahil na rin siguro sa pagiging panganay ng pamilyang Romero ay ganoon ito katatag at katayog. Storm even asked his mom about it, bakit ganiyan ang kaniyang ama. His mom just told him na dahil daw napagdaanan ng kaniyang ama ang lahat ng hirap bago pa makuha ang tinatamasa niyang pedestal ngayon. Unlike his mom, his dad came from a poor rural based town in Madrid, isa itong tipikal na binata noon na ang tanging gusto ay makapagtapos ng diplomasya at makagawa ng pangalan sa industriya. He is a living example of Moises. Ang sabi nga noon ng kaniyang ina noon na lumaki lamang ang kaniyang ama sa pangangalaga ng mga madre sa kumbento at nagka-isip na rin doon. Dahil na nga rin daw sa pagiging aktibo noon ng kaniyang inang si Elizabeth sa isang 'humanitarian movement leader', ay nakilala nito sa kombento ang kaniyang ama at doon nga'y nagkamabutihan na ang mga ito. Mula sa Madrid ay napunta sila sa Pilipinas. Parang Romeo and Juliet nga lang daw eh. Pero, isang pagkakamali ng kaniyang ama noon ay ang mapaibig nito ang kaniyang ina, not knowing that his mom is a niece of a monarch ruler of the Spain. Against ang lahat ng mga nakaupong opisyal noon sa kaniyang ama. Kaya sa isang kisap-mata lang ay nagsakripisyo at nagsunog ng kilay si Don Glavio upang maipakita na kahit nagsimula siya sa baba ay makakapunta pa rin siya sa itaas. Don Glavio got the highest bid of being a dominant businessman on his time. At walang nagawa ang pamilya ng kaniyang ina ng itanan ito ng kaniyang ama. It's a truly tragic yet a fierce example of legendary Romeo and Juliet story. "Hey, what are you staring at?" Putol pa ng batikang matanda sa anak na noo'y nakatulala na pala sa kaniyang harapan. "Wanna have some drink?" Ani Storm. Tumango ito at marahang nagsalita, "As you like." Dali-daling pinindot ni Storm ang buzzer na naka-attached sa kaniyang wheelchair upang tawagin si mang Kariño. Mayamaya pa'y nagbukas ng pintuan si Mang Kanor at yumukod sa kanila. "Yes, young master?" "We want to drink some wine," Simpleng saad niya rito. Tumango lamang ito at muling yumukod. "Dad, you remember the girl I told you before?" Balik na tanong niya sa kaniyang ama na noo'y abala sa screen ng monitor. "Yes, I mean, who? Is it Hara?" Sambit pa nito sa kaniya. He bitterly smiled towards him. He don't even remember that girl. Sambit ng guni-guni ni Storm. Iba ang pinupunto nitong babae. Si Hara, Storm's sweet childhood bestfriend. Napahinto siya sa ginagawa at nag-unat ng mga kamay. Nakatingin lamang siya sa kaniyang ama habang masayang hawak ang keyboard. He slightly closed his eyes, remembering that day. *** F lashback "Hey! Anong ginagawa mo riyan? Bumaba ka, baka mahulog ka." Sigaw pa niya sa batang babae na animo'y may kung anong inaabot sa punong iyon. "Hey, Cris. Sinong kausap mo?" Napalingon siya sa kaniyang likuran. It's Hara. His childhood bestfriend and secretly, his crush. Umiling lang si Storm at noo'y tinahak ang daan papunta sa kanilang tambayan. Nang biglang may kumalabog sa kung saan. "Aray!" Dinig niyang impit ng kung sinong babae sa ibaba ng puno. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang babaeng kanina pa niya sinabihan sa taas kanina. Dali-dali siyang napatakbo at dinaluhan ito. Gaya niya rin si Hara na nagmamadaling tulungan ang batang babaeng iyon. He is turning twenty-one that time and Hara is on her eighteen years. Hinila niya ang manggas ng braso nito bago tinusok-tusok ang kaniyang balat. "Aray! Masakit ah!" Litanya pa ng maingay na boses nito. Bumangon ito at napaupo. Magulong-magulo ang pananamit nito at pati na rin ang buhok nito na tila naging pugad ng kalapati. "Are you fine, dear?" Tanong pa ni Hara dito at noo'y inalalayan pang tumayo. Paika-ika itong nagbabalanse at noo'y napagtanto niyang tila pamilyar ang pagmumukha nito. Tila nakita na niya ito dati, hindi lang niya maalala. "What's your name?" Wika ni Hara sa dalagitang tingin niya'y mga sampu o onse anyos. Dahil na rin siguro sa style ng ipit nito sa buhok at ang pananamit nitong parang dalagita. She remind him about his favorite character in street fighter, si Pan. Pero hindi ganoon ang aura niya, she is more clumsy a bit. No!—clumsy overload. Pagtatama pa niya sa sinasambit ng utak niya. Ang tigas kasi ng ulo, eh. Sabi ko kanina bumaba na. Ayan tuloy nahulog! Dagdag pa ng utak ni Storm na gustong kutusin ang pasaway na dalagita. "I'm Grey..go..r.." Impit pa nitong salita bago nanghina at nawalan ng ulirat. Napasubsob ito sa braso ni Hara, kaya naman kinuha ni Storm ito at dali-daling binuhat papunta sa malapit na hospital. Sakay sila ng kotse ni Hara habang binabagtas ang daan nandoon naman si Storm sa likoran na bahagi at pinapaypayan ang batang babaeng iyon. Her name is Grey. Gaya ng pagkakasabi niya kanina bago pa ito nawalan ng malay. Tanaw pa niya ang inosenteng mukha nito na tila nakita na niya dati. Hindi lang niya talaga alam kong saan at kung kailan iyon. Ang importante ay mapabuti muna ang kalagayan nito. Nang marating nila ni Hara ang hospital ay dali-dali namang dinaluhan silq ng mga attendant nurse. A bit of hour silang naghintay noon ni Hara. He dialed his dad and mom, and even they're busy working Don Glavio and Dona Elizabeth came to rescue them. The young lady who fall down from the tree.. *** Kasalukuyan "Young master.." Boses ni Mang Kanor na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. "Here's your drinks." Sabi pa nito habang dala-dala ang tray ng alak. Storm take it and put it on the bedside table na siyang malapit sa kaniyang banda. He swirl his wheels at gaya kanina'y abala pa rin ang kaniyang ama sa paglalaro. Wala sa sariling nasambit ni Storm ang mga katagang.."It's about the girl who fall down from the tree." Dahilan para mapahinto ang kaniyang ama sa ginagawa na tila may kung ano itong nasabi. "What?" Gulat na turan ng kaniyang ama. Bakit kaya? ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD