Matapos nilang mag-alay ng dasal sa puntod ng kaniyang daddy Santi ay naunang pumanhik sina Ullysis at Magda sa kotse. Kasama rin nila ang ina nilang si Hilda na inaalalayan nilang makapasok sa kotse. Malayo-layo ang tingin ni Summer sa kinatatayuan niya mula sa pagkakaparada ng kotse ni Ullysis nang biglang napakislot siya nang marinig ang dagundong ng nagbabadyang ulan.
Makulimlim na ang kalangitan kaya naman napagpasyahan niyang tapusin ang pagmuni-muni sa harap ng puntod ng kaniyang ama.
"Sige po, dad. Aalis na po ako. I love you," sabi pa niya rito habang nag-ge-gesture ng flying kiss na animo'y kaharap lang niya ang pigura ng kaniyang ama. Aminado kasi siyang daddy's girl siya kaya ganito na lamang ang kaniyang pangungulila sa kaniyang namayapang ama.
Nang naglakad na si Summer sa gawi nila Ullysis ay may nabangga siyang kung sino. Nakasuot ito ng maitim na tuxedo habang nakasalamin din na itim, 'yong animo'y men in black. May katabi itong isang lalaki na gaya rin ng nakaitim na ginoo na halatang amo nilang lahat.
"Sorry po." Pag-iiwas niya ng tingin bago tuluyang lumayo. Pero bago pa man makalayo ay napansin ni Summer ang pagsipat ng matandang lalaki sa kaniyang gawi at tila i-puwenesto pa pababa hanggang sa kaniyang tungki ng ilong ang salaming itim na suot nito.
Animo'y may kung ano itong tinitingnan sa parte ng kaniyang mukha. Binawi niya ulit ang tingin at nagpatuloy sa paglakad. Narinig pa niya ang sigaw ni Magda na nasa loob na ng harapang bahagi ng kotse.
"Dali, ate! Maaabutan ka na ng ulan!" tili nito kaya naman napalakad-takbo agad siya sa gawi nila at tiyempong pagpasok niya sa kotse ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Dahan-dahang inandar ni Ullysis ang makina ng kotse at nagsimula nang gumalaw. Napalingon ulit si Summer sa bandang kung saan naroroon siya nakatayo kanina lamang.
Nandoon pa rin ang mga lalaking nakaitim, nakapayong na ang mga ito ng kaparehang kulay ng kanilang mga suot. Animo'y nagluluksa ang mga ito sa mga oras na 'yon. Na-curious pa siya dahil sa pagpuna ng matandang lalaking iyon sa kaniyang mukha kanina. Partikular sa kaniyang mga mata.
Nakakakaba ang tingin nito, tila pinupuntirya ang kaniyang kaluluwa sa likod ng kaniyang mga mata. Iyong parang naniniguradong mga titig. Bago pa man siya mag-conclude ay nagsalita ng kung ano ang mama Hilda nila na nasa kaniyang gilid.
"Gutom na ang baby ko!" ani nito habang sinasapo ang sariling tiyan na animo'y buntis. Napatingin si Summer kay Magda, ganoon din ang dalawang magkasintahan sa kaniya na tila nakikipag-titigan kung ano ang ibig sahihin ng sinabi nito.
"Opo, ma. Hintay lang po tayo, okay? Papakainin namin 'yang baby mo mamaya 'pag nandoon na tayo sa bahay," paliwanag ni Summer dito na halatang hinihimay ang bawat pagbigkas na tila kumakausap ng bata. Ngumiti naman ito sa kaniya at muling nagsalita.
"Ang bait mong bata, hija. Ang swerte siguro ng magulang mo," sabi pa nito sa kaniya pero imbes na magsalita bilang pagresponde ay marahan lamang niya itong hinalikan sa noo. A pure innocent kiss.
Natanaw ni Summer ang mga hitsura nina Magda at Ullysis na nakangiti.
"Mas maswerte po kami, ma, kasi ikaw ang mommy namin," sabi ni Magda sa kaniyang ina na parang wala lang dito ang narinig at ipinukol muli ang tingin sa bintanang nababasa na ng ulan.
She already knew, it's very complicated to handle her mom's situation, pero as long as magkasama silang tatlo ni Magda ay kakayanin nila iyon. Ang kanilang ina na lang ang pinaghuhugutan nila ng kanilang lakas, lalo pa ngayong nagkaka-edad na rin ito at gaya niya'y nagbi-build na rin silang dalawa ni Magda ng kani-kanilang mga pangarap.
Dalawang taon na mula nang maka-graudate siya sa kursong Physical Therapy, naka-avail siya sa scholarship ng gobyerno at fortunately, nakapasa sa licensure examination as Medical Technician Therapist. Si Magda naman ay kaka-fourth year college lang ngayong taon sa kursong Dentistry. Gaya niya'y working student din ito at rumaraket minsan sa modeling at mga mall show events bilang promogirl.
Doon nito nakilala si Ullysis na isang baguhan din sa pagmomodelo. Actually, she finds him natural at tipikal lamang na lalaki, simple lang ito umasta kahit pa nga alam ni Summer na may kaugnayan si Ullysis sa sikat na promoter ng Harrison Modeling Incorporation. Iyon 'yong kompanyang nagpapasikat sa mga baguhang modelo rito sa Pilipinas at ini-expose sa ibang country.
Pero kahit pa ganoon, Ullysis is a type of low-key man, and that's the reason why she admires him to be with her little sister.
"Ate? Lutang ka na naman, pati rin ba ikaw gutom na?" satsat na naman ni Magda habang naririnig niya ang pagkanta ni Ullysis sa isang awiting pinapatugtog sa stereo ng kotse nito.
Umiling lang si Summer at sumandal sa balikat ng kaniyang ina. It's her safest place of all, ang pagsandal sa braso ng kaniyang ina at ama noon. Kaya nga siguro minsan sinasabihan nila siyang Santina the second. Hanggang hindi na niya napansing nakaidlip na pala siya habang nakikipagbuno pa si Ullysis sa traffic na lugar ng Edsa road.
***
Glavio's moment at the cemetery
"Boss? Okay lang po ba kayo?" tanong ng isa sa mga kasamang bodyguard ni Don Glavio. Marahan lamang siyang tumango at muling tumitig sa puntod na iyon. Halos isang dekada na rin ang nakalipas, isang dekada na rin ang nakararaan nang mawalan siya ng dalawang importanteng tao sa buhay niya.
"Masaya na siguro kayo riyan, ano?" turan pa niya na parang nakikipagusap sa hangin.
"Ang daya niyong dalawa, sabay pa talaga kayong nawala sa akin," ani nito na ramdam ang umaagos na luhang kanina pa niya ikinukubli. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ay ang nararamdaman niya ngayon. Pagkabigo.
Ngayon ang araw ng pagluluksa ni Don Glavio sa kaniyang mag-inang si Elizabeth at ang munting sanggol na nasa sinapupunan nito, ang anghel na hindi nasilayan ang mundong dapat sana'y ibibigay pa niya. Pagak pang napatawa ang dakilang ginoo dahil sa kabila ng pagluluksa sa kaniyang mag-ina ay ang rumihestrong imahe ng matalik niyang kaibigan.
"Santi, kung nasaan man kayo ngayon, alagaan mo ang mag-ina ko. Patawad, matalik kong kaibigan..." usal niya bago inilapag ang isang bagay sa puntod ni Santi na siyang katabi lang din ng puntod ng kaniyang yumaong asawa na si Elizabeth. Isang metro lang ang layo ng pagkakalibing ng puntod ng mga iyon.
Elizabeth Romero and little Angel, at si Santi Remolada, ang kaniyang nag-iisang matalik na kaibigan. Ang taong hindi umiwan sa kanila simula pa noong nasa Madrid silang tatlo, hanggang maglayas silang dalawa ni Elizabeth papunta rito sa Pilipinas.
‘Ang lalaking nabangga ng sarili kong anak. Ang pamilyang hindi ko inaakalang mawawasak dahil sa isang trahedya’ sambit pa niya sa kaniyang isip.
"Boss, lumalakas na po ang hangin at ulan, tara na po," sabi ng kaniyang tauhan. Nilisan niya ang dalawang puntod na iyon. Ang dalawang taong halos kasabayan niya sana noon sa industriya. Iisa lang ang dapat niyang mahanap at makita ngayon. Tutuparin niya ang sinumpaang iyon mula sa kaniyang asawa. Hahanapin niya si Hilda, ang asawa ni Santi at ang mga anak nito.
Nakasakay na siya sa kotse at pumanhik na sa kanilang destinasyon. Iisa lamang ang gusto niyang puntahan sa ngayon, ang Demoirtel. Ang lugar kung saan nakikipag-negosasyon siya bilang isa sa mga top sponsor ng mga anghel ni Suprema X. Ang walang pagkakakilanlang babae sa likod ng mascara.
Nagbabakasakali rin si Don Glavio na baka sa pamamagitan ng ahensyang iyon ay makikita niya ang mga anak ni Santi. Natitiyak niyang dala rin ng mga ito ang mukha't appeal ng pagiging Remolada. Natitiyak niyang magaganda ang mga anak ni Santi, at kung hindi siya nagkakamali, dalaga na at nasa hustong edad na ang mga ito ngayon.
Bahagya siyang natigilan nang sumiksik sa isipan niya ang pagmumukha ng babaeng bumangga sa kaniya kanina. Maganda, maputi, attractive ika nga, at may mga matang tila nakita na niya noon.
“Ang mga matang 'yon...” sambit pa niya sa kawalan habang mariing napahilot sa kaniyang sentido. Dumagdag pa sa problema niya ang pagiging supil ng kaniyang anak na si Cristobal o kilala sa screen name na si Storm. Ang walang emosyon na anak niyang namumuhay pa rin sa nakaraan.