Mariing ipinikit ni Summer ang kaniyang mga mata habang nananalangin sa halos isang milyong santo at umuusal ng iba't-ibang litanya sa rosary booklet na minemorya niya. Naghahabulan ang mga kabayong kanina pa tumatakbo sa loob ng dibdib niya. Ito na.
"And the winner is..." mayroong excitement na sambit ng emcee habang nakapikit siya. Hawak-kamay silang lahat na tila isang hampas na lang ay mapapahiyaw na sa excitement na kaniyang nadarama.
"Ms. G-Gregora Samarah Remolada!" nag e-echo na dugtong ng emcee habang tila nag slow motion ang pagbukas ng mata niya. Napahawak siya sa sariling bibig at mala-Miss Universe ang eksena habang maluha-luha siyang dinaluhan ng ibang contestants.
Nagyakapan silang lahat na tila nabunutan ng tinik sa mga sandaling iyon. Matapos magyakapan ay mabilis na isinabit ang kumikislap na koronang nasa ibabaw ngayon ng kaniyang ulo at mga iba't-ibang sash sa kaniyang leeg.
Iniabot din ng mga sponsor ang isang malaking bouquet ng flowers na halos hindi niya mabitbit dahil sa kabilang kamay naman niya ay ang malaking karton na tila human size ng cash prize. Tumatagingting ito na One Hundred Thousand Pesos.
Tanaw pa ni Summer ang nagsisikislapang mga camera sa kaniyang palibot.
"Yes!" nakangiting sambit niya sa sarili na tila isang batang paslit na naka-rank sa isang laro. It's her third time trying to pursue this crown, medyo pahirapan kasi ang contest na ito, maraming training at workshop ang ginawa niya, but now, for the third time ay nasungkit na rin niya ito. At last.
Hinirang siyang Ms. Perfect Figure ngayong taon. Dama niya ang satisfaction sa tatlong taon niyang paghihintay. Tanaw niya si Magda at ang kaniyang ina na nakikipalakpak sa dagat ng audience at sumisigaw-sigaw pa.
"Ate ko 'yan!" tili pa ni Magda habang iwinawagayway ang mga kamay sa ere. Napa-smirk na lamang siya habang nag-ha-hand-wave sa kabuuan ng mall arena. Nagsilapitan din ang mga judges at sa huling eksena ay isa-isa nilang kinamayan si Summer for the good event. Matapos ang kompetisyon ay tinungo agad ni Summer ang kaniyang mama Hilda at ang kapatid na si Magda. Masaya silang naghawak-kamay habang tinutungo ang labasan ng mall. Doo'y nakita nila ang nobyo ni Magda na si Ullysis at kinausap ni Summer na may gusto siyang puntahan na lugar na halos yata pinupuntahan nila kapag mayroon silang achievement na nagagawa. Sa sementeryo.
Dadalawin nila ang kaniyang namayapang ama. Ang unang tao na mula pa noon ay ang number one supporter niya. Lulan na sila ng kotse ni Ullysis nang mapansing tumahimik bigla ang pagitan nilang lahat. Wala siyang tutol sa relasyon ng dalawa kahit pa medyo bata pa mag-isip itong si Magda. She's now turning eighteen this year, at kahit pa medyo spoiled ito sa kaniya'y nagagampanan naman niya itong asikasuhin at alagaan kahit pa wala silang ama.
Ang ina naman nila ay walang imik na nakatanaw lamang sa malayo, tila wala itong alam sa pupuntahan nila. Actually, nagbabalik bata na ang Ina niya. Hindi na siya nakakapag-isip nang tama. She's undergoing hallucinations and lucid dreams. Ito raw kasi ang epekto ng mga dosage na iniinom niyang mga gamot.
Summer's mom has Alzheimer’s disease. May mga pagkakataong hindi nito sila kilala at minsan ay nalilito kung nasaan siya. Pero, kahit pa ganoon ay ipinapakita at ipinapadama pa rin nila na hindi siya iba, na walang nag-iba sa kaniya. Para kahit sa ganoong paraan man lang ay hindi niya madama na may kakaiba sa kaniya. Summer saw her mom's face, her mom's innocent face. Katabi niya ito sa backseat habang nasa harapan naman sina Ullysis at Magda na masayang nagkukuwentuhan. Ipinikit pa niya ang kaniyang mga mata habang inaalala ang mga nagdaang pangyayari noon sa kanila. Sa panahon kung saan nawala ang kaniyang ama.
***
Flashback
"...and they lived happily ever after." Wasiwas ng kamay ng kaniyang ama na tila masayang masaya sa pagtatapos ng kuwento nito. Napapalakpak naman noon ang munting si Magda na suot ang nagkikislapang mga mata.
"Ang galing po ng story mo, papa," sambit pa ni Magda sa ama nito. Napa-cross arms naman si Summer habang nakabusangot ang mukha.
"Oh, bakit ganiyan ang mukha mo, Summer? Hindi ka ba natutuwa sa kuwento?" tanong pa ng kaniyang ama habang tila nag-aalala ang mga mukha sa kaniyang inasal. Bumuntong- hininga lamang siya habang inilaglag ang dalawang balikat na tila hndi ito sang-ayon sa sinasabi nitong ending.
"Ayoko sa ganoong ending, dad. Ayokong mamili sa dalawang prince. Gusto ko iisa lang ang dapat sa kaniya kasi kapag love mo, love mo. Hindi dahil may naibigay siya sa 'yo o may utang na loob ka sa kaniya!" litanya pa ng munting si Summer sa kaniyang papa na noo'y natigilan.
Tanaw siya ng kaniyang ama na tila naiintindihan ang ibig niyang iparating. Ngumiti ito at hinaplos ang kaniyang buhok.
"Dalagita ka na nga, Summer. Malalim ka nang mag-isip," sambit pa nito na noo'y ibinaling ang paningin kay Magda.
Summer is twelve years old, turning twelve pa lang sa darating na sabado. Ika-dalawampu't tatlo dapat ng Abril, tatlong araw mula ngayon. Masaya ang pamilya nila noon. Payak lamang ang pamumuhay nil.Her dad is a small-time businessman sa larangan ng mga automotive parts ng sasakyan, may buy and sell shop din sila at doon galing ang income ng buong pamilya. Ang mom naman nila ay maayos at napakamaaliwalas pa mag-isip. She's a part time model sa mga mommy magazines that time. A perfect family picture.
Their mom is a well-known personality because of her gorgeous looks at hindi iyon maitatanggi dahil nakikita nila ito every day without wearing any make up and still, maganda pa rin ito. May lahi kasi ang ina nila na Mexican-Caucassian blood habang ang ama naman nila'y ipinanganak sa Pilipinas ng kaniyang mga Espanyol na ama't ina. Their rich and famous grandparents.
Iyon ang sabi ng mama't papa niya noon dahil sa larawan na lang nila ito nakita dahil hindi na nila ito naabutan. Her dad told her na napadpad ito rito sa Pilipinas noon habang tinatapos ang pagkokolehiyo sana sa Madrid, Spain. May sinamahan daw kasi itong mga kaibigan papunta rito.
After that, his dad fall in love with the beauty and calm vibes here in the Philippines that led his way to meeting her mom. May pagka-hopeless romantic kasi ang ama niya.
Binabasahan sila nito ng kuwento tungkol sa magkaibigan na na-in love raw sa iisang babae at ang hindi niya lang ma-gets, bakit kailangan pang mamili sa taong may sapat at may naibigay kuno sa 'yo. Ano ‘yon? Bayad? Hindi siya payag na ganoon.
Ayaw niya na dahil lamang sa may utang ang tao ay doon ka na papanig at pipili. Para sa kaniya, pipili ka na mamahalin mo ang taong iyon, hindi dahil may mga kondisyon na dapat mong sundin. Kasi ang pinaninindigan ni Summer, 'pag mahal mo, mahal mo. Dapat walang kondisyon. Hindi na niya naisip na iyon na pala ang huling kuwento ng kaniyang ama sa kanila dahil sa isang aksidente.
Sumiksik pa sa utak niya ang mga pangyayaring iyon, ang pangyayari sa kaniyang kahapon.
***
"Daddy! Daddy, gumising ka!"
"Mommy! Gumising po kayo!" halos sabay-sabay at paulit-ulit nilang sambit ni Magda na noo'y nasa likuran ng sasakyan.
Tanaw nila ang mga dugo sa iba't-ibang parte ng katawan ng kanilang mga magulang. Wala silang malay sa harapan at doon din ay nanghina si Summer habang tinitingnan ang kaganapan. Isang banggaan. Isang aksidente. Tanaw pa niya ang umuusok na paligid at ang yupi-yuping sasakyan sa kanilang harapan.
"Ate! Ate, anong nangyayari sa ‘yo? Ate, may sugat ka!"
Halos hindi na niya maintindihan ang pinagsasabi noon ni Magda dahil malapit na siyang mawalan ng malay sa mga oras na iyon. Ramdam niyang may tila likidong umaagos sa kaniyang mga mata, hindi iyon luha kung hindi mga dugo. Pulang-pula ito.
Nanginginig ang mga palad niya habang minamasdan ang kulay nito, unti-unti siyang nanghina at nawalan ng malay.
***
"Ate? Hoy! Kanina pa kita tinatanong, lutang ka na naman ah!" wika ni Magda kay Summer habang may itinapong kung ano. Kinuha niya iyon, isang magazine.
Hindi niya sinasadyang maibuklat iyon sa kung saang pahina at nang masipat niya ang pamilyar na mukha ng taong iyon ay kaagad kumunot ang noo niya. Mataman niya itong tinitigan na tila may namumukhaan siya rito.
Naka-black and white ang color nito, and fronting from the left angle of the camera while glimpsing a pose paharap. Mabigat ang awra nito na tila may malalim na nakaraan.
Suot nito ang malamlam na mga mata at matigas na anyo na animo'y ayaw ngumiti. Mahahabang buhok na tumatabon bahagya sa mukhang kahit maangas tingnan ay tila may kahinaan dahil sa expression ng mga mata nito. Binasa pa ng kaniyang isipan ang nakasulat doon sa pahina. Throne of Romero, Storm of the Dawn.
“Maamong mata sa isang delubyong awra ng pagmumukha? Sana hindi pati ugali,” dagdag pa niyang sambit sa kaniyang sarili.