Nasa kalagitnaan ng kaniyang pagpipinta si Storm nang biglang may umagaw ng atensyon nito.
"Hijo—"
"s**t!" Impit niyang sambit dahil nawala sa pwesto ang guhit niya. Namantsahan ito ng maling pinta kaya ganoon na lamang ang pagkaka-inis niya.
"Did I disturb you?" Dagdag pang tanong ng kaniyang ama na dama niyang pumapanhik papalapit sa kaniya. Naririnig kasi niya ang tunog ng tungkod nito.
Napasinghap na lamang lamang siya na tila pagsuko. "Obviously—See what happen. It's ruined!" Singhal pa niya dito. Nakataas lamang ang mga kilay nito na animo'y ayaw niyang makipag-usap. Dahil doon ay marahas na hinablot ni Storm ang canvass at ipinukol sa harapan ng kaniyang ama.
"Checked it! I painted it for almost six months and now..." Huminto ito at tiningnan ang mata ng matanda. "It's ruined.." Wala sa isip na asta niya pa rito na tila hindi niya ama ang kaharap niya. Pagkatapos ay pinaikot niya lamang ang gulong ng kaniyang wheelchair sa tapat ng malapad na bintana. Naiinis siya. Naiinis siya hindi dahil sa nangyari kung hindi sa ibang rason. He knew that his dad will insist again about some proposal plan.
Napasinghap na lang siya sa pagkaka-inis at nakatalikod sa ama niyang halatang nabigla sa inasal niya.
"I'm s-sorry I didn't mean to upset you, pero, I j-just want you to know that I made the deal with Rampage.."
"—What?" napalingon si Storm sa gawi ng kaniyang ama at suot ang naghihistirikal na mukha at boses.
"What the hell you're thinking, dad? 'Di ba sinabi ko na sa'yo, ayokong pinapangunahan ninyo ako. Let me live my life!"
"—nabubuhay ka ba sa kalagayang 'yan?" Dugtong ng kaniyang ama na nila iginisa siya pabalik sa mantikang sinabi niya.
Natahimik si Storm at umiwas ng tingin.
"It's been a decade, son. H'wag mong hayaan na lamunin ka ng nakaraan. L-Let it go! H'wag mo nang sisihin ang sarili mo, hindi ikaw ang may kasalanan. Aksidente ang nangyari!" Sabi pa ng kaniyang ama bago pa niya narinig ang pagsalampak nito sa kaniyang kama.
Nakatalikod pa rin siya dito at noo'y umiiwas ng tingin sa matandang batikan. Kung may ganiyan lang sana siyang pag iisip na gaya ng kaniyang ama, 'di sana'y malaya at nabuhuhay na siya ng kontento ngayon, pero hindi eh. Masakit pa rin. Ang sakit sakit.
"Bakit mo ba kasi pinipilit sa akin ang bagay na ayoko," mahina ngunit mariing sambit niya dito.
Pero walang sagot si Don Glavio na noo'y pakiramdam niya'y humihingos na sa kaniyang likuran. He faced him by turning around his wheels. And there, nakikita niya ang mukha nitong pulang-pula at namamaga ang mga mata.
Like what is this show about? Ang isang tanyag at nasa tuktok ng pedestal at tinitingala ng lahat ay isa palang mahinang nilalang. Inangat ko ang aking mga kilay at tamad na napa-ngisi sa pag d-drama ng kaniyang ama.
He knew he's faking it. Diyan yata ang linyada ng career niya. Ang showbiz.
"Now, if you're done.. just lea--"
"—i can't imagine that you've reached like that, Cristobal! Hindi ganiyan ang pagpapalaki namin sayo ng mommy Elizabeth mo." Mahina ngunit tila punyal na sambit ng kaniyang ama bago ko naramdaman ang kaniyang pagtayo at mga hakbang na tila lumabas na siya sa kaniyang silid.
Natigilan pa si Storm sa huling sinambit ng ama niya. Ang pangalan ni kaniyang inang si Elizabeth. Ang unang babae na minahal niya na abot hanggang langit. Ang kaniyang butihing ina.
He just slowly closed his eyes and let those old memories visit again. In that same place we're he used to hanged out with his mom. Sa gazeebo ng parke na malapit lamang sa kanilang dating mansyon.
***
(Flashback Storm)
"Okey baby, just stay here, mommy will just go there for a minute.." Sabi pa ng kaniyang ina habang nakaturo sa fountain at may kung sinong babaeng kinakawayan ang gawi nila.
Tumango lamang ang munting si Storm at noo'y nagpatuloy sa kaniyang sketch pad habang minamani-obra ang ginagawang canvass. He is turning sixteen that time, pero kung maka-baby pa rin sa kaniyan ang kaniyang ina ay wagas.
He put and mixed those dark colored liquids before he draw a scenery of where he is now. Sa gazeebo mismo, pero ang pangyayari nito ay tila malamlam na kalangitanan dahil gamit niya lamang ay ang white and black na paint.
Maraming nagsasabi na magaling daw siyang magpinta, kaya naman pinursige nito at mas ginalingan pa. Minsan, kung nababagot siyasa pag gala sa labas ay pinipili niyang magkulong sa kwarto at hawakan lamang ang canvass at brush.
Ang ganda na ng linyada at pag arko niya sa ginagawang curves nang biglang may pumutol sa mga oras na iyon.
"Waaaa! M-mama!"
"Ay palaka!" Gulat na sambit niya sa isang batang babae na noo'y nasa likuran niya at sinubsob ang mukha sa mismong suot niyang T-shirt at tila basahan itong ipinang-trapo sa kaniyang munting mukha.
"H-hoy! ano ba? Umalis ka nga, ang dungis mo!" Pagtataboy pa niya rito at pilit na gumawa ng espasyo sa kaniya. Tanaw pa niya ang nagkalat na luha sa kaniyang pisngi at wala sa ayos na buhok. Nakasuot ito ng dress na kulay yellow at may ribbon sa magkabilang manggas ng kanyang balikat.
Nakayapak lamang ang kaliwa nitong paa habang ang kanan naman ay may sapatos na kulay violet. Napansin niya rin ang sugat sa kaniyang tuhod na tila natumba o nagasgasan ito ng kung ano. Wala pa rin itong tigil sa kakaiyak kaya nilapitan at pinatahan niya ito.
"Ssshh, sorry na, ang bad bad ni kuya, ano? Anong gusto mo?"
"Ikaw." Sambit ng munti nitong tinig na ikinamilog ng mga mata niya.
"Ha? Ano ulit, bata?"
"I-ikaw— a-ang maghatid sa akin sa mama ko. Naiwala ko ang sapatos ko eh. Waaa! hinabol kasi ako ng mga bibe.." Sabi pa nito sabay turo sa nagkukumpulang bebe na noo'y nagtatampisaw sa bandang lawa ng gazeebo area. Napakamot na lang si Storm sa sariling ulo bago muling nagsalita.
"Sige, dito ka lang ah. Hahanapin ko ang pares ng sapatos mo.." Matapos magsalita ay naglakad na siya sa itinurong gawi nito at matiyagang naghanap ng kulay violet na sapatos. Halos mga bente minuto siyang nagpabalik-balik sa bermuda grass area at sa mga cement road ng gilid ng lake bago ko nahanap ang sinasabi nitong sapatos.
Nakasabit iyon sa isang hindi kataasang puno na mismong nasa harap ng lawa na may mga bibe. Palagay niya'y dito umakyat ang batang babae matapos habulin ng mga bibe at siguro'y dito rin siya bumagsak dahilan ng sugat na natamo sa kaniyang tuhod.
Natigilan pa si Storm ng maalala ang sugat ng batang babae. Dapat palang linisin iyon para hindi ma-impeksyon. Alam ni Storm kung paano ang tamang first aid drill kasi boyscout siya noon sa school. Lakad-takbo ang ginawa niya para daluhan sana ang iniwang bata noon sa gazeebo. Nang nakarating siya'y agad naman siyang natigilan dahil sa pagkaka-pwesto nito na tila hinihintay siya.
Ginapangan siya agad ng kaba.
"Kuya..may ginawa ako na magugustuhan mo.." Nagpapacute na boses ng batang babae sa kaniyang at ibinungad mula sa likuran ang aking sketchpad.
"A-anong?" Nangangambang wika niya dito.
Ang kaniyang sketchpad kasi'y nag-iba. Ang pinipintahan niya kanina ay naging isang tila coloring book!
"My god.." Aniya.
Napahawak sa ulong sambit ni Storm na parang gustong maiyak at magwala.
Hindi ba niya alam na iyon ang dapat na project ko sa gaganapin na arts-fest sa school!
Himutok ng isipan ni Storm.
Parang ako na naman yata ang maiiyak eh.
Dugtong pa niyang sambit sa kaniyang guni-guni.
"Hoy kuya hindi mo ba nagustuhan?" Inosenteng tanong ng batang babae kay Storm.
"Neng akin na 'yan, please. Baka ubusin mo pa 'yan sa pagpipinta.." Nakalahad ang mga palad niya rito habang hinihintay ang paglagay ng mga gusto niyang bagay doon.
Wala sa isip na tumugon naman ang batang babae at agad na inilapag ang mga iyon. Sa ginawang iyon ng batang babae ay nag-koneksyon ang kaniyang mga palad. Tila isang kuryenye iyon na hindi maintindihan ni Storm.
They we're both in their deep thoughts nang biglang may nagsalita na kung sino sa kaniyang harapan. Nakaganoong posisyon pa rin sila na tila naghahawak-kamay habang tila lutang na nakatingin sa gawi ng mga taong dumating. It was their mommy, ang mommy ni Storm at ang ina ng batang hindi pa niya nakikilala ang pangalan.
"Nandito ka lang pala bata ka, Pinag-alala mo ako, anak." Wika ng ina ng batang iyon na noo'y agad na hinablot ang kamay ng batang babae mula sa kamay ni Storm. Nagyakapan ang mga ito at naging emosyonal.
"Mommy..tinulungan po ako ni kuya. Tinulungan niya po ako mommy na hanapin ang sapatos ko." Sambit pa ng batang babae habang nakaduro sa gawi ni Storm.
"Mukhang magkakilala na pala sila, Hilda.." Sambit ng ina ni Storm sa ina ng batang babaeng nagngangalang Hilda. Tumango lamang ang babae at muli'y lumapit sa ina ni Storm upang humalik sa pisngi nito.
"Oh sya, salamat sa oras ah, kita ulit tayo sa susunod." Paalam ng babaeng nagngangalang Hilda habang hawak ang batang babae na kumakaway sa gawi nila, sa gawi ni Storm.
"Mom, sino po sila?" Inosenteng tanong ni Storm sa ina nito.
Ngumiti pa ito bago magsalita.
"Isang malapit na kaibigan, anak." Ani nito tapos ay ginulo ang buhok ng kaniyang anak.
Napalingon naman si Storm sa hawak niyang bagay at tinitigan iyon. Ang black and white effect ng gazeebo ay pininturahan ng batang paslit ng makukulay na pintura at naging isang realistic na garden. May ulap at tila sinag rin ng araw sa bandang taas nito habang nakalatag sa bawat bahagi ng ibaba ang mga iba't-ibang kulay ng bulaklak. May tila stickman din itong iginuhit na tila naka-upo at nagpipinta, at isang maliit na stickman na nakatayo sa harap ng nagpipintang stickman suot ang violet na tila sapatos.
Napangiti na lang siya sa pinag-gagagawa ng batang iyon.
At least, may talent siya sa art.. Paglaki nya, mas mahusay pa siguro siya kaysa sa akin.
Himutok ng isip niya.
***
Kasalukuyan.
Naimulat ni Storm ang sariling mga mata at nilingon ang bagay na iyon. Napangiti pa siya nang maalala ang iginuhit ng batang babae. Ipina-frame niya ito noon at isa ito sa mga nakasabit na artworks dito sa malawak na silid niya hanggang ngayon. Patunay na kahit sa sandaling iyon ng kabataan niya, may isa siyang natulungan na batang paslit.
Ang batang paslit na hinahabol noon ng bibe.
...itutuloy.