CHAPTER 4_Kapit-patalim

1760 Words
Napangiti na lamang si Summer habang tanaw ang mukha ng kaniyang ina na noo'y maganang ngumunguya ng pagkain sa kaniyang harapan. "Nabusog po ba kayo?" Tanong niya habang hinahaplos ang buhok nito. Ngumiti lamang ito at humalik sa pisngi niya. "Alam mo hija, kamukhang-kamukha mo ang iyong ama." Sambit nito na siyang rason upang matigilan si Summer. "Talaga po?" Balik niyang tanong dito. Bahagya pa itong tumawa at pinisil ang kaniyang magkabilang pisngi. "Santina copy ka talaga Gregora!" Sambit pa ng ina niya habang wala pa rin itong tigil sa paglalaro ng kaniyang pisngi. "Naaalala niyo na ho, ako, Ma? Tanong pa niya na mas ikina-lapad pa ng pagngiti ng matanda. Sumabat din sa kanila si Magda na noo'y katabi si Ullysis at abala sa pagkain. "Eh, ako ho?" Tanong pa ni Magda. "Oo siyempre, mga anak ko kayo, hindi ba? Mga ulyanin na siguro kayo, eh. Nakalimutan niyo na ako.." Sambit pa nito sa kanila na tila nagdaramdam. Bahagya pang napaubo si Ullysis dahil sa narinig na sambit mula sa matandang ginang. Agad naman itong inabotan ng tubig ni Magda habang hinahagod ang likod. Napasipat naman sa gawi ni Ullysis ang mata ng matanda at tila tinatantya ang pagmumukha nito. "Teka, wala akong naaalang anak na lalaki." Napakamot naman ito sa sariling ulo at tila nag isip. Magsasalita na sana si Ullysis nang inunahan siya ng ginang na dahilan upang mabigla silang lahat. "Anak ka ba sa labas ng asawa kong si Santi? Sumagot ka!" Napangiwi naman sa narinig si Magda at pilit na pinapahinahon ang kaniyang Ina habang si Summer nama'y pigil ang pagtawa dahil sa pagiging inosente ni Ullysis. Nag-gesture pa si Summer kay Ullysis na ituloy lang nito ang pagkain, napatigil kasi ito at tila nawalan ng kulay ang sariling pagmumukha dahil sa winika ng ginang. "Tara na ho, punta na po tayo sa mahiwagang hardin." Paglalaro pa ng boses ni Magda habang akay-akay niya ang ginang papuntang silid nito. "Pagpasensiyahan mo na si Mama, Yuls ah?" Sambit pa ni Summer sa binata na noo'y natapos na sa pagkain. Uminom ito ng tubig bago magsalita. "Okey lang iyon ate Summer, she's like a mother to me also naman, kaya it's not a big deal.." Sabi pa nito bago tumindig at nagligpit ng hapag. "Naku, ako na..Nakakahiya naman," Sambit pa niya rito. Ngunit mabilis pa sa alas kwatro nitong natapos ang mga iyon at noo'y nahugasan na lahat ang mga pinagkainang plato. Nang makababa si Magda ay tapos na si Ullysis sa pag-aayos ng mga kubyertos sa cabinet habang si Summer naman ay abala sa pagwawalis ng sahig. "Ate, may sasabihin lang ako sandali." Tawag pa ni Magda sa kapatid na noo'y nakatindig sa may pintuan ng kwarto ng kanilang ina. Agad namang tumugon si Summer at lumapit dito. "Ate, paubos na ang gamot ni mama, at sa susunod na buwan na rin ang kaniyang check up maintenance. Sumabay sa mga gastusin natin sa bahay at mga bayarin. Parang kakapusin yata tayo ate.." Mahinang sambit nito kay Summer habang bitbit ang mga papel ng bills. Nalungkot si Summer sa narinig kaya napa-isip ito. "Malapit na rin ang graduation ko, ate. Mayroon pa akong balance sa tuition.." Mahina at malungkot na sambit ni Magda sa kapatid. "Don't worry, Magda. I will find a way." Hinaplos niya ang pisngi nito at noo'y niyakap ang kapatid. Hahanapan ko ng paraan ang lahat ng problemang kinakaharap nami ngayon, wala akong aasahan kung hindi ang aking sarili lamang. Kaya ko ito. Kakayanin ko 'to! Sambit pa ng utak ni Summer habang yakap-yakap ang kapatid. *** Naglalakad si Summer papunta sa kalapit na branch ng isa sa mga modeling agency na pinag-raraketan niya nang may mabangga siyang babae. Parang kaedad lamang ito ni Magdalene at naka-jacket ito ng kung anong pangalan ng kompanya. "Sorry." Paumanhin pa niya nang mahulog niya ang kaniyang tila ledger book, pinulot iyon ni Summer at ibinigay sa nasabing babae. Ngumiti lamang ito habang tinatanggap ang libro. "Thanks, by the way I'm Nikita, and you are?" Nakangiting tanong ng babae sa kaniya. Ngumiti lang si Summer na tila naiilang sa babae. "S-summer." Tipid na pakilala niya rito bago tinanggap ang pakikipag-lahad nito ng shake hands. Tumango-tango ito habang sinasambit paulit-ulit ang aking pangalan. "Gusto mo ng sideline?" Sabi pa nito na parang nababasa ang iniisip at pangangailangan niya sa mga oras na iyon. I really need a sideline. An extra income and oppurtunity that will provide me some instant cash. Iyon ang himutok ng utak ni Summer na tila binabalanse ang bagong kakilalang..sino nga pala ang babaeng 'to? "A-anong.." Bigkas pa ni Summer pero hindi natapos iyon dahil sa pagsasalita ng babae. "May alam akong makakatulong sa'yo." Sabay abot sa kaniya ng isang maliit na papel na tila calling card ng kung sino. Binasa niya iyon habang suot ang nakakunot na noo. "Rampage Society is looking for an angel." Sabi pa niya na noo'y ikinalipat-lipat ng tingin sa nasabing papel at mukha ng dalagitang halos abot-batok kung makangiti sa kaniya. "O-okey," sabi ko ni Summer. Tila nag-gesture naman ng 'yes' hands ang kung sinong nagngangalang si Nikita na noo'y parang nakajackpot sa lotto. Ewan ba niya pero, kahit weird ang hitsura nitong parang si Bob Marley, ay sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Sabi nga nila, don't judge the book by it's cover. Just read the whole story and you'll discover.. Nagsimulang maglakad sa eskenita silang dalawa nang makita niya ang motorbike nito na halatang high power ang makina. Iyong animo'y nasa western country ka na may malaking gulong sa harap at may katamtamang liit naman sa likoluran. Nagmumukha tuloy itong gangster na motor, idagdag pa ang hitsura ni Nikita na kulang na lang siguro ay manigarilyo at isiksik sa gilid nito ang baril kung meron man. Erase! Erase! Erase! Satsat ng isip niya that time, nag-iimagine na naman kasi siya ng kung ano eh. Dahilan para halos mapatalon siya sa gulat nang pinaandar na pala nito ni Nikita at noo'y mina-manouvers para umugong ang makina nito ng isang mala-halimaw na tunog. Nakatingin lamang ito kay Summer na tila hinihintay ang pag-angkas nito. "Sakay na!" Satsat pa nito na tila kinopya ang isang sikat na promo ads sa TV noon na 'sakay na!' sa barkong super ferry. Pigil tawa siyang humalukipkip at iyon nga'y maingat na pumuwesto si Summer sa likod ni Nikita. Isinuot muna nila ang mga safety gears at helmet na may desinyong mad ninja na may nakatayong tila rubberhairs sa ibabaw. Nagmukha tuloy silang gladiators mula sa ibang planeta. Mayamaya pa'y binuhay na nito ang motor at dali-daling humarurot sa kung saan. "Yeah!" Sigaw pa ni Nikita sa kawalan habang si Summer naman ay lihim na napa-sign of the cross sa kaniyang dibdib. For the first time kasi, ngayon lamang siya sumubok na sumakay sa motorsiklo, at sa taong literal lang na ngayon lang niya nakilala. Dyos ko! H'wag niyo po akong pabayaan, panginoon. Kung saan man ako dadalhin ng babaeng amazonang 'to sana po'y ligtas akong makababa dito. Iyon ang pabalik balik na usal niya hanggang sa makarating sila sa kanilang destinasyon. Hindi siya pamilyar sa lugar, pero sakop iyon ng Makati. Tumambad sa kaniyang harapan ang matayog na gusaling may plain white na pintura at tila western style na pagkakagawa ng arkitektura. Base na rin kasi sa malalapad na see through windows at tinted style na glass doors. Nang maka-parking si Nikita ay halos mapatalon siya mula sa kaniyang likuran at dali-daling nag-ayos ng kaniyang sarili. Dapat ay maganda siya sa paningin ang ahensiya, lalo pa't feeling niya ngayon eh, dinaanan ng bagyo ang kaniyang mahabang buhok. Sa lakas ba naman kasi ng pagpapatakbo ni Nikita ay halos magsibaliktaran yata ang suot niyang panloob eh. "Andito na tayo?" Tanong pa niya na tila sinisigurado ang nakikitang lugar. "Yes, we are. Welcome to Demoirtel!" Exagerrated na sambit ni Nikita habang nakawagayway pa sa ere ang kaniyang kanang palad.Napakunot-noo lamang siya rito. Napapa-isip kasi si Summer kung trip lang ba niya ito o totohanan na. Mayamaya pa ay may kung sinong dumalo at bumungad sa kanila mula sa loob. Napa-head to foot ito sa kaniyang habang ganoon din siya dito. Bahagya itong nakanguso at maarteng sinisipat ang bandang pwetan ni Summer. "You have a huge butt, dear!" Napalunok na lamang siya sa tinuran ng damuhong iyon. Ewan kasi niya kung lalaki ba ito o..nevermind. May pilantik kasi ang bawat kamay nito at halata rin sa suot nitong ternong up and down shimmering glittered—ewan, kung anong kulay iyon. Basta makintab na parang custome sa perya. Wait! Carnival? Hala! baka hindi kaya..sa carnival nila ako balak magtrabaho? Himutok pa ng utak ni Summer. Napalunok siya sa pinag-iisip. Sana hindi tama ang kutob ko. Ayokong kumain ng apoy at magpakalambitin sa ere, takot pa naman ako sa heights at masisikip na bagay. Dagdag pang himutok ng isip niya. "Hija? Okey ka lang?" Pagbabalik niya sa gunita habang wina-wasiwas ng baklang ito este ng taong ito ang kaniyang kamay sa mukha ni Summer. Nakatulala kasi ito ngayon habang nakatutok sa kaniyang harapan habang nakaawang ang bibig. Kulang na lang siguro ay sabuyan niya ito ng tubig para matauhan. Mariing napapikit si Summer at bahagyang umiling, kino-kondisyon niya ang kaniyang utak na tila lutang pa rin sa pangyayari. Nasa gitna pa kasi siya ng daydreaming at malabong-katotohanan. Bumungtung-hininga siya at muling tiningnan ang gawi ni Nikita at ng baklang iyon. Nakita pa ni Summer ang pigil na pagtawa ni Nikita sa kaniyang harapan habang dinig ang boses ng lalaking si Mr. Closeta habang sinasabing.."Siya ba talaga 'yan?" na tila paninigurado nito. "Oo siya nga," ani Nikita. "So, ready ka na ba sa pagbabago ng iyong kapalaran?" Halos sabay na litanya nilang dalawa kay Summer na animo'y announcer ng game ka na ba challenge. "R-ready na!" Sabi pa niya habang napataas pa sa hangin ang ikinuyom niyang kamao. Dahil sa inasal niya ay napa-face palm ang dalawa at iyon nga'y hinatak na nila si Summer papasok sa nasabing gusali. It's now or never lord! Papikit-pikit pa niyang sambit habang naka crossed-fingers nang unti-unti na siyang nilamon ng malapad na pintuan. Ang pintuang iyon. "You'll be fine, Grey." Dinig ni Summer mula sa naka-hawak na si Mr. Closeta dahilan para gapangan siya ng kaba. Bakit nila ako kilala? Habol na katanungan ni Summer sa isip niya. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD