Apple Antoinette Maraño
"Doc, kumusta ang nanay ko?"
"I'm sorry, Miss Maraño, but it's confirmed, your mother has a liver cancer."
Nanghihinang napaupo ako sa silya na narito. Diyos ko po, anong gagawin ko ngayon? Bakit nangyari ito sa nanay ko?
"Kailangan talagang operahan, doc?" tanong ni aling Menchie sa doctor ng nanay ko.
"No. Luckily, mild pa lang ang cancer na ito. Pwede pa nating idaan sa liver treatment. Yon nga lang magastos din sya since kailangan natin ng regular chemotherapy to burned the cancer cell. Hindi pa naman ito kumalat kaya, kaya pa itong idaan sa treatment and it's takes a lots of effort, time and money. And we need to do it immediately upang maagapan ang pagkalat ng cancer bago pa ito lumala." sabi nang doctor.
Napaiyak na lang ako sa tabi. Ano ngayon ang gagawin ko? Saan ako kukuha ng pera para sa mga treatment ng nanay ko. Sigurado ako hindi lang yon isang beses kundi maraming beses namin iyon gagawin hanggang sa gumaling ng tuluyan ang nanay. Naramdaman kong hinawakan ako ni aling Menchie sa balikat. Wala na ang doctor, marahil ay nagpapaalam nang umalis.
"Anong gagawin ko ngayon, ante?" tanong ko sa kanya habang umiiyak.
"Sssh. May awa ang Diyos hindi niya tayo pababayaan," sabi ni aling Menchie.
Napatango ako sa kanya at nagpapaalam sa kanya na uuwi muna at maghahanap kung saan ako pwedeng makahanap ng pera sa sa mga treatment ng nanay ko. Nakaunawang tumango namann ni Aling Menchie sa akin.
Lumabas ako sa ospital na ang isip ay nandoon lang kay nanay. Mabuti na lang at nasa tabi namin si Aling Menchie sa mga nangyayari ngayon. Hindi niya kami iniwan ni Nanay kahit pa hindi namin siya kaano ano. Kaya laking pasasalamat ko na nandito siya dahil pwede akong makaalis kapag may kailangan akong gawin sa labas.
Umuwi ako ng bahay ng maalala kung may mga kwintas akong pwedeng masangla. Bigay pa yon ng tatay sa akin nong bata pa ako. Naalala ko na pitong taon ako noon ng binigyan niya ako. Sabi pa nga niya ito lang daw ang kaya niyang ipamana sa akin.
Agad kong pinaghahanap kung saan ko ito inilagay. Nakalimutan ko na kasi ang kwintas na ito. Kung hindi pa kailangan ko ng pera ay hindi ko ito naalala. Nang makita ko ito ay agad ko itong dinala sa sanglaan ng bayan.
“Ning, sampung libo lang ang halaga ng kwintas mo,” sabi ng cashier na nakakatuka para doon.
“Po? Wala na bang ikataas ito? Baka naman pwedeng taasan nyo pa miss, kailangan ko talaga ng pera ngayon,” pakiusap ko sa kanya.
“I’m sorry, ma’am, pero ito lang talaga ang halaga nito,” hinihingi ng depensa ng cashier.
Tumango na lang ako dahil wala naman akong magawa pa. Laylay ang balikat kong lumabas sa sanglaan. Saan pa kaya ako pwedeng makahanap ng pera para kay nanay? Itong pera ko ngayon ay kuang ppa pambayad ng bill namin sa ospital. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpagpasyahan kong uuwi na lang muuna para kahit paano ay nagpapahinga ako. Wala pa akong tulog dahil magdamag akong nagbabantay kay nanay.
Kumain lang ako ng konti at hinugasan ang pinagkainan ko. Nang matapos ay pumunta ako sa kwarto at nahiga sa higaan ko. Gawa lang ito ng kawayan at tanging banig lang ang sapin nito. Ang higaan lang ni nanay ang may foam. Di baling wala ako basta komportable ito sa hinihigaan niya.
Pabaling-baling lang ako sa kinahigaan ko habang nag-iisip kung saan ako hahanap ng pera. nang tumagilid ako ay di sinadyang mapadako ng mata ko sa lagayan ng maruming damit namin. Napadako ang mata ko sa short na suot ko kahapan. Saka ko lang naalala ang calling card na bigay ni Don Mariano kahapon. Wala sa sariiling bumangon ako at kinuha ang shorts ko. Kinuha ko mula sa bulsa ang calling card na bigay niya at pagkatapos ay bumalik ako sa higaan ko.
Tinitigan ko itong mabuti na parang may himalang hinihintay. Nagdadalawang isip ako kung tawagan ko ba ang numero na ito ngunit sa huli ay pinili ko ang tawagan ito. Para sa nanay ay alisin ko ang hiya ko. Para kay nanay kakapalan ko ang mukha ko. Nanginginig na dina-dial ko ang numerong nakasulat nnito.
“Hello?” wika ng Don sa kabilang linya.
“H-hello, Don Mariano si Apple po ito,” kinakabahan man ay pinili kong lakasan ang loob.
“Oh, hija, kumusta? Okay na ba ang nanay mo?” tanong niya agad sa akin.
“Confirm po, may cancer po si nanay,” sagot ko sa kanya.
“I’m sorry to hear that, may magagawa ba ako para sa inyo, hija?” tanong niya.
“Yon na nga po ang itinawag ko sayo, Don Mariano. Maari ba akong makahiram ng pera sa inyo?” tanong ko sa kanya.
Mas lalo akong kinakabahan ng wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya dahil wala man lang tugon. Mukhang mali ang ginawa kong pagtawag sa kanya.
“Ah, sige po. Wag na lang po. Hananap na lang po ako ng ibang paraan. Salamat po,” sabi ko na lang at akmang ibababa ang tawag ng bigla siyang nagsaluita.
“Sandali, hija,” wika niya.
“Po?” tanong ko sa kanya.
“Punta ka sa bahay. Pag-uusapan natin ang tungkol diyan.” wika niya sa kabilang linya.
“Kailan po?” tanong ko.
“Ikaw bahala kung kailan mo gustong pumunta. Nasa bahay lang ako for the whole week.”
“Sige po. Pupuna po ako ngayon.” agad na sagot ko sa kanya. Kailangan kong gawin ito baka magbago pa ang isip nito ayaw ayaw akong pagbigyan.
“Alright, I’ll wait for you.”
iyon lang at nawala na siya sa kabilang linya. Humingi ako ng malalim at ibinaba ang cellphone ko. Ang totoo ay nagdadalawang isip pa ako kung pupunta o hindi ngunit sa tuwing naiisip ko siya nanay ay hindi ako mapakali. Inayos ko ang sarili ko at nagpasyahan na pumunta na sa hacienda kung saan ang bahay ni don Mariano.
Bumaba ako sa traysikel na sinakyan ko ng nasa bungad na ako ng hacienda Zueralga. Inabot ko ang bayad ko sa driver ng traysikel. “Ito po, bayad ko po.”
“Anong gagawin mpo diyan, Ning? Bawal pumasok kapag hindi ka inimbitahan,” wika ng driver ng traysikel.
“Alam ko po yon, manong. Si Don Mariano po mismo ang nagsabi sa akin na pumunta dito,” sagot ko sa kanya.
“Ganun po ba? Sige mag-ingat ka,” sabi niya sa akin sa tonong hindi naniniwala sa akin.Di na lang ako nag komento pa at nagpapasalamat na lang sa kanya.
“Salamat po,”sabi ko.
Nagsisimula ng tinahak ko ang daan patungo sa malaking bahay ni Don Mariano. Medyo malayo-layo pa ang lalakirin ko dahil pinagbawalan na ang sasakyan na pumasok doon kung walang pahintulot mula sa may-ari.
Pagdating sa laki ng gate ng bahay ni Don Mariano ay may gwardyang nagbubukas ng gate para sa akin. Ramdam ko agad ang mga mapanuring tingin ng mga trabahante na narito. Sa labas pa lang ay kita mo agad ang karangyaan ng buhay nila.
May fountain sa gitna, sementado ang daan ng mga sasakyan patungong grahe. Bermuda grass naman ang bakuran, maganda ang landscaping at higit sa lahat sobrang lawak nito. Kaya hindi nakapagtataka na maraming katulong ang narito dahil hiindi ito kayang linisin kung mag-iisa ka lang.
“Magandang araw po, pinapapunta po ako dito ni Don Mariano. Nandito po ba siya?” tanong ko sa isang katulong na nakasalubong ko. Mukhang bata pa ito sa paningin ko.
“Ai opo, ate. Nasa sala po siya. Haika samahan kita papunta sa kanya,” magalang na sagot sa akin ng katulong.
“Salamat,” wika ko sa kanya. Tumango lang siya at senensyasan akong sumunod sa kanya.
Habang naglalakad kami patungo sa sala ay hindi ko mapigilang mamangha sa mga bagay na rito. Kung maganda na ang labas doble ang loob. Halos malula ako sa mga narito. Pakiramdam ko hindi ko kayang bayaran ang mga ito kung sakaling mabasag ko ang mga ito. Hanggang sa makarating kami ang sala ay manghang-mangha pa rin ako.
“Don Mariano nandito na po ang bisita nyo po,” wika ng babae.
“Sige, iwan mo na kami, Lay. Balik ka na sa trabaho mo.” Utos ni Don Mariano sa kasama ko.
“Sige po,” sagot ng babae at iniwan na kami ni Don Mariano.
“Let’s go to my library. Doon tayo mag-uusap. May may hinihintay pa akong bisita pa,” sabi niya sa akin at tumayo na.
Mauna itong naglalakad kaya sumunod na lang ako sa kanya. Walang salitang tinahak namin ang daan patungo sa library niya. Nakaramdam ako nag kaba ng paakyat ito sa taas. Ganon pa man yan ay pinili kong manahimik na lang. Wala pa naman itong ginawa kay kailangan kong ikalma ang isip ko. Alalahin kong para ito sa nanay ko kaya ako narito.
“Have a seat, Hija,” sabi niya sa akin at itinuro ang sofa na nasa harap ng working table niya.
Tahimik na sinunod ko siya. Pakiramdam ko kung may gagawin siyang masama sa akin since sinara niya ang pinto ng library niya. Di lang ako sigurado kung ni lock ba niya ito. Panalangin ko na lang na hindi yan nakalock para kung sakali man, madali lang akong makalabas. Umupo na rin ito sa swivel chair niya na narito.
“I Assume, narito ka dahil gusto mong manghiram ng pera, tama ba?” diretsong wika ni Don Mariano.
“Opo.” diretsong sagot ko din.
Tinukod ni Don mariano ang dalawang siko niya sa mesa at pinag-isa niya ang dalawang kamay niya at nilagay niya ito sa ilalim ng bibig niya.
“Are you willing to do anything for your mother?” mariing tanong niya sa akin.
“Opo,” sagot ko kahit ang totoo ay kinakabahan ako at nagdadalawang isip.
“Marry me then.”
“Po?!” gulat na tanong ko.
“You only have two choices, It’s a yes or no. If you said yes, lahat ng medications ng nanay mo ay ako ang sasalo. If your answer is no, you may now leave. Wala na tayong pag-uusapan pa.”
“Bakit mo po ito ginagawa?” pinigilan ko ang sarili kong masigawan siya. Medyo naiinis ako dahil mali anong pag-aalaka ko sa kanya. Akala ko ay makakatulong siya sa akin ngunit parang mas idiin niya ako sa sitwasyong ganito.
“Because I want companion. Gusto kung may makakasama ako hanggang sa mamamaalam na sa mundong ito.”
“Hey, bakit ganyang kang magsalita Don Mariano, may sakit ka ba?’ tanong ko sa kanya.
“Wala naman. I just feel lonely this days. So, what's your decision? Yes or No?” tanong ulit niya sa akin.
“Pwede po bang pag-isipan ko muna?” bsalik tanong ko sa kanya.
Hindi kasi basta-basta ang hiningi niya kailangan kong pag-isipang mabuti. Kahit kailangan ko ang tulong niya, hindi rin mainam na tanggapin ko na lang ng basta ang offer niya dahil ang doon. Habang buhay akong matali sa kanya oras na pumayag ako.
Sagrado ang kasal. And I dreamed of being married to someone whom I love so much. At mas mahal ako. Gusto kong maranasan kung paano ako mahalin. Gusto kung ma fee kong paano ako kiligin at kung paano ako mamahalin ng taong iyon. At hindi yon mangyayari kung magpapakasal ako kay Don Mariano.
Akmang tatayo ako upang mag paalam na sa kanya nang tumunog sa cellphone ko sa bulsa. kinuha ko ito at nakita koong si Aling Menchie ito.
“Hello, aling Menchie, may problema ba?” tanong ko sa kanya.
“Kim, Asan kana? Kimulbolsyon ang nanay mo. Ang taas ng lagnat niya. Balik na na dito, please. Natakot na ako.”
“Sige po, babalik na po ako,” sagot ko sa kanya.
Bumaling ako kay Don Mariano, kita ko ang pag-alala sa mukha niya ngunit alam kong hindi niya ako tutulungan hangat hindi ako papayag sa gusto niya. Nakalunok ako ng laway at tuwid na tumayo sa harap iya.
“Don Mariano, papayag na po ako sa gusto mo. Magpapakasal na po ako a iyo basta ikaw ang bahala sa nanay ko,” buo ag boses ko na sasabihin yon. Wala na rin naman akong magagawa pa dahil mangnganib ang lagay ni nanay kapag pinatagal ko pa.
“Alright. We will talk about our marriage soon. But, for now balik kana sa ospital. kailangan ka ng nanay mo ngayon. Don’t worry, ako na bahala sa ospital bill nyo,” wika niya sa akin.
“Salamat po,” wika ko at tumayo na upang lumabas.
“Ipahatid kita kay mang Simon sa ospital para mas mapabilis ang pagdating mo. I will call you once everything is settled.”
Tango lang ang sinagot ko at tuluyan na akong lumabas sa library niya. Hindi na ako nag tanong pa sa mga kasambahay na narito kung saan ang daan palabas since na memorya ko na to kanina pa. Paglabas ko ay pumarada ang sasakyan na laging gamit ni Don Mariano.
Iniluwa nito ng driver na sa tingin ko ay si Mang Simon. pinag buksan niya ako ng pinto sa likod. Kaya kusa na akong sumakay doon. Mabilis namang pinaandar ng driver ang sasakyan at hinatid ako sa ospital. Hindi na ako nakapag pasalamat dito dahil ng bumaba ako ay agad niyang pinaandar ang sasakyan paalis ng ospital.