Chapter 3

1947 Words
Apple Antoinette Maraño Ingat na ingat ako habang nagkukusot ng damit baka magdurugo na naman ang sugat ko sa kamay dahil sa aksidenteng nahiwa ko ito kagabi. Kahit mahapdi ay tiniis ko dahil kailangan kong tapusin ang mga ito bago magtanghali. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkukusot ng mga puti nang humahagos si Aling Tinay papunta sa akin. Ramdam ko kaagad na may masamang balita itong dala. "Ning! Ning!" tawag niya sa akin. "Bakit po?" Medyo kinakabahan din ako dahil sa inakto niya. "Ang nanay mo. Nahimatay. Dinala sa hospital ngayon," sabi niya sa akin sa may pag-alala na boses. "Ano?!" Napatayo ako ng wala sa oras. Mabilis akong tumakbo palabas. Wala akong pakialam kung may labada pa ako. Ang nasa isip ko lang ay mapuntahan si nanay agad. Hinabol naman ako nin aling Tinay. "Sandali!" Sabi niya sa akin. "Ante, pasensya na po. Pero kailangan long mapuntahan si nanay agad." "Ito, pamasahe mo alam kong wala kang dala kaya tanggapin mo na. Susunod agad ako doon. Ako nanang tatapos ng labada mo," sabi niya sa akin. Tumango lang ako at tinanggap ang bigay niya. Di na ako tumanggi dahil alam kong kailangan ko yon. Agad akong lumara ng pedicab nang makalabas ako. Mabuti na lang at wala itong sakay. "Manong sa ospital po," sabi ko sa driver. Isa lang naman ang ospital dito kaya alam na agad ni manong kong saan ako ihahatid. Pagdating doon ay agad akong pumunta information desk. "Miss, saan ko makikita si Lilibeth Maraño po?" "Kaano-ano mo siya miss?" tanong niya habal may tinatype sa monitor. "Nanay ko po," sagot ko sa kanya. "Nasa emergency room po siya," sagot ng nurse. Tumango ako at dali-daling pumunta doon. Nadagnat ko si Aling Menchie na nasa labas nito. "Kim, mabuti at nandito kana. Diyos ko, si Beth, bigla na lang siang nawalan ng malay habang nag-uusap kami." "Anong nangyari, ante? Bakit nahimatay si nanay. Okay pa naman siya kanina ng umalis ako sa bahay." "Di ko rin alam, Kim. Bigla na lang siyang nabuwal. Kaya dali-dali ko aiyang dinala dito," sabi niya sa akin. "Kumusta naman? Anong sabi ng doctor?" tanong ko. "Yon na nga eh, di pa sila lumabas hanggang ngayon." Mas lalo akong kinakabahan sa sinabi ng niya. Sana nga lang ay walang mangyayari na malala kay nanay. Ayaw kong mawala siya sa akin. Siya na lang ang meron ako. Paano na lang ako kapag mawala siya. Di nagtagal lumabas may lumabas na doctor mula sa emergency room. "Sinong kapamilya ni Lilibeth Maraño?" "Ako po doc. Nanay ko po siya," sagot sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng mariin. "Ilang taon kana? Wala ba kayong mas matanda pa sayo?" Seryosong saad ng doctor. "Wala po. Nag-iisang anak lang po niya ako. At 22 na po ako." Napa Tango-tango na lang siya. "Alright, since ikaw lang ang kamag-anak niya, didiretsahin na kita. Hindi maganda ang lagay ng nanay mo ngayon. To be honest, wala pa ring malay ang nanay mo ngayon. I have noticed that your mother has a yellowish skin. Have she loss weight for the pass days?" tanong niya sa akin. "Opo, pumayat po si nanay nitong nakaraang araw. Wala siyang ganang kumain saka po laging masakit ang tiyan niya. Minsan namumutla po siya at nanghihina," tapat kong sabi ng doctor. "Based on what you have said, I am afraid, your mother has liver cancer, based on the ultrasound result." Tapat na sabi ng doctor. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng doctor. "Po?!" "We will conduct more laboratory on her to make sure na yon nga ang sakit ng nanay mo. Sa ngayon ilipat muna natin siya sa isang ward or do you prefer a private room?" tanong niya sa akin. "Sa ward na lang po, doc. Wala akong pambayad ng private room." Nakaunawang tumango ang doctor. "I'll be honest to you, Miss Maraño. If the laboratories confirm that your mother has liver cancer, I'm sorry to tell you but she needs to undergo an operation if not the situation will get worse. Let's just pray na mild pa lang ito para mas maagapan pa natin." "Kung sakali operaran si nanay, magkano ba ang kailangan?" tanong ko kahit sa totoo lang wala naman talaga akong kapera-pera. "It will cost 400 to 600,000 pesos. But let's pray na mild lang ang cancer ng nanay mo. Para kahit paano, treatment lang kailangan but still gagastos ka pa rin para sa gamot." Derektang wika ng doctor. Nanghihinang napakapit na lang ako kay Aling Menchie. Mabuti na lang at naging maagap ito at inalalayan ako. Ngayon pa lang parang sumakit na ang ulo ko kung saan ako kukuha noon. Yung pang araw araw pa lang namin ni nanay hirap na ako paano na lang ang operasyon niya. Awang-awa si aling Menchie sa akin. "Excuse me. Kailangan ko pang asikasuhin ang pasyente." Paalam ng doctor sa amin. "Salamat po," si aling Menchie na ang nagsasalita dahil para akong napipi sa nalalaman ko. Tumango lang ang doctor at iniwan kami para bumalik sa loob. "Okay ka lang, Kim? Namumutla ka na din." "Saan ako kukuha ng kalaking pera, ante?" Namumuroblemang wika ko sa kanya. Napaiyak na ako dahil di ko alam saan ako hihiram ng ganong kalaking halaga. "Ssh. May awa ang Diyos. Wag mo munang problemahin yon. Diba nga sabi ng doctor. Kukumpermahin pa nila kong cancer nga ang sakit ng nanay mo?" pag-alo niya sa akin. "Paano kung cancer nga. Anong gagawin ko?" tanong ko pa. Hindi na nakasagot si alaning Menchie dahil inilabas na nila si nanay sa emergency room. Wala pa itong malay at kitang kita ko ang mukha niyang namumutla pa. Ang balat niyang nag-yellowish ang kulay. Tama nha ang sinabi ng doctor. Nag-ye-yellow ang balat nanay. Napansin ko na rin ito dati. Minsan ko ng tinanong si nanay bakit ganun ang kulay ng balat niya. Pero sabi niya wala lang daw ito. Kaya inisip ko baka normal lang yon. Kung alam ko lang na senyales na yon sana pina-check up ko na. Lol àaaaaaaa.Nalaman ko sana ng mas maaga at hindi na sana humantong pa sa ganito. Ayaw din kasi niyang magpa check-up. Kaya nirerespeto ko na lang ang nais niya. Sumunod kami ni aling Menchie sa hospital bed na tulak-tulak ng isang hospital staff lung saan karga si nanay hanggang sa makarating kami sa isang ward. May apat pang pasyente ang narito at may kanya-kanyang bantay. Lahat napatingin sa amin pagpasok ngunit hindi ko na intindi pa dahil mas nag-aalala ako kay nanay. "Mauna na po kami, ma'am. Mamaya baka nandito na si doc. After nh rounds niya," sabi ng staff. "Sige po. Salamat," sagot ko sa kanya. Iniwan na kami ng hospital staff na nag-assist sa amin. Napa-buntong hininga na lang akong tiningnan si nanay. Ngayon ko lang napansin na mas lalo siyang pumayat. Hindi man lang niya sinabi sa akin na may dinaramdam na pala siya. Ang hirap makita siyang ganito. Kung may pera lang sana kami ay hindi ako magdadalawang isip na ipa doctor siya. Nanginginig akong hinawakan ko ang kamay niya. Ramdam ko agad init mula dito. Siguro dahil may lagnat din siya ngayon kayana-feel ko ang init. Himawakan ako ni Aling Menchie sa ulo. "Mabuting pang uuwi ka muna, Kim. Medyo basa pa yang damit mo, oh,x sabi niya. Napatingin ako sa suot ko. Ngayon ko lang naramdaman na nilalamig pala ako. Sa sobrang kaba ko kanina ay mawala sa isip ko na nakashorts lang ako at pambahay ang suot. Kaya pala pagtitinginan ako ng mga taong narito. "Hindi, ante. Dito lang ako. Hihintayin kong magising si nanay," sagot ko sa kanya. "Hindi naman mawawala ang nanay mo. Nandito lang ako. Magbihis ka mina ng kumportabeng damit." Sabi niya. Napatingin muli ako sa suot at mukhang tama siya kailangan kong magbihis ng matino kondi ako ang pagtitinginan ng lahat. "Sige, ante. Ikaw muna bahala kay nanay ah? Uuwi muna ako. Bilisan ko lang saka magdadala na rin ako ng damit para kay nanay." "Sige, mag-ingat ka," sabi niya. Tumango lang ako at lumabas ng hospital. Naglalakad ako patungo sa paradahan ng jeep. Late ko na ang na-realize na wala pala akong dalang pera kahit peso man lang. Ngayon ko lang sin na realize na di ako nakapagbigay ng pamasahe sa sinakyan kong tricycle kanina. Napasapo na lang ako ng ulo. Nagpasyahan kong lakarin na lang ang bahay namin. Sanay naman ako sa ganito. Lalo kapag naglalako ako ng isda at gulay. Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng madaanan ako ng sasakyan ni Don Mariano. Mukhang galing din sila ng bayan at papauwi na din sa kanilang bahay. Huminto ito sa gilid ko at umukas ang bintana sa likod. Nakita ko si Don Mariano na sumilip sa akin. "Hija, bakit ka naglalakad? Naglalako ka na naman ba?" tanong niya sa akin. "Hindi po. Wala lang talaga akong pamasahe kaya nilakad ko lang ang bahay namin pauwi," sagot ko sa kanya. "Ganun ba? Halika, ihahatid ka namin sa inyo." Aya niya sa akin. "Ai, hindi na po. Kaya ko namang maglakad," tangging ko sa kanya. "Sige na, hija. Para mas mapadali ang pag-uwi mo," sabi niya at binuksan pa ang pinto sa likod kung saan siya nakaupo. Saka ko lang naisip si nanay na nasa ospital ngayon. Baka magising.yonnay hanapin ako. Kaya sumakay ako sa sasakyan katabi niya sa likod. Hindi ito ang panahon upang pairalin ang pagiging mahiyain ko. Nang makasakay sa sasakyan ay pinaandar na ulit ang ng driver niya ang sasakyan. "Saan ka pala galing at mukhang nagmamadali ka?" tanong ni Don Mariano kalaunan. "Uuwi ako sa amin. Kukuha lang ako ng damit para kay nanay. Nasa ospital po siya ngayon," sagot ko. "Why, what happened?" tanong niya. "Nahimatay si nanay. Kasi dinala na sa ospital. Kailangan niya i admit kasi sapantaha ng doctor liver cancer daw ang sakit ni nanay," sagot ko sa kanya. "How is she? Wala naman sigurong malalang nangyari sa nanay mo?" tanong pa niya. Umiling lang ako sa sinabi niya. "Sabi ng doctor, kung sakaling liver cancer nga ang sakit ni nanay. Dalawa lang ang pwedeng mangyari, operahan or treatment ang kailangan depende kung gaano ito kalala. At sabi pa niya it will cost large amount of money kahot alin sa dalawa ang pipiliin ko." Pumiyok pa ako habang sinasabi yon. Naluluha na naman ako sa isipin kong saan ako kukuha ng pera kung sakali. Baka patusin ko na lang din ino-offer ni Caren trabaho sa club. Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Don Mariano ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. "Hija, kung sakaling kailangan mo ng pera. Just call me. Pag-uusapan natin kung anong maitutulong ko sayo. Wag mahihiyang lumapit sa akin kapag kailangan mo ako. Handa akong tulungan ka kung sakali." Wala sa loob na tumango ako sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Nailang ako sa klase ng tingin niya sa akin. Hindi ko mawari kung anong klase na tingin yon. Binabuti ko ba lang na ituon ang paningin ko sa kalsada. Hindi na ako nag-attempt pa na tumungin muli kay Don Mariano. Hanggang sa makarating kami sa bahay. Saka lang ako tumingin sa kanya upang magpasalamat. "Maraming salamat po, Don Mariano," sabi ko sa kanya. Nagulat pa ako ng may ibinigay siya na calling card sa akin. "Here's my calling card. Call me when you need anything." Tumango lang ako at tinanggap ang calling card na bigay niya. Ayoko sanang tanggapin ngunit baka sabihin na nag-iinarte ako kahit card lang naman ang ibinigay sa akin. Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan nila ay saka lang ako pumasok sa bahay namin upang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko sa ospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD