Chapter 1
"Isda! Isda! Isda kayo dyan!"
Naglalakad ako sa kahabaan ng kalsada dito sa barangay namin. Nasa baywang ko ang isang bilao ng galunggong habang bitbit na naman ang isang balde ng matambaka. Nilalako ko ang mga ito tuwing may bagong huli si Mang Kadjao. Dagdag income din to para sa amin ni nanay Lilibeth.
Tahimik at kuntento na ako sa ano ang meron ako basta kasama ko lang si nanay. Wala na si tatay maaga itong ikuha sa amin. Kaya naman ay tudo kayo ako. Hindi na rin nakapagtapos pa ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay. Ayaw kong pahirapan si nanay dahil alam kung mahina ang resistensya ng katawan nito.
"Galunggong! Matambaka kayo dyan! Preskong-presko pa!" sigaw ko.
Nilakasan ko pa sigaw ko upang marinig ng mga may-ari ng bahay na nadadaanan ko. Di naman nasayang ang sigaw ko naglabasan ang ilang may-ari.
"Magkano ang kilo ng matambaka mo, Ning?" tanong ni aling Marites.
Ngumiti ako sa kanya at sumagot, "220 lang po, Ante."
"Sige. Isang kilo sa akin." Sabi niya.
"Ako din, App. Isang kilo din," sabi ng isang ale. Sunod-sunod na bumili ang ilang mga kapitbahay kaya masaya ako dahil nabawasan ang bigat na dala-dala ko.
"Ang sipag mo talagang bata ka. Kung ano-ano na lang ang ginagawa mo para kumita ka," sabi ni Aling Tinay sa akin.
"Oho nga eh. Kailangan kasi para mabuhay," biro ko sa kanya.
"Bakit ka ba kasi nagtiis sa ganitong trabaho, pwede ka namang mag-apply sa bayan. Sigurado akong maraming tatanggap sayo. Sa ganda mong iyan, impossible na walang tatatangap sayo." Wika pa ni aling Tinay.
"Alam mo naman na hindi ako nakapagtapos kahit 1st year college man lang. Sino naman ang tatanggap sa akin," mapait na wika ko.
Ang totoo kasi sinubukan kong mag apply sa bayan kaso college graduate ang hanap nila o kaya at least 2 years in college. Kung wala ka non, at least 2 years job experience naman ang kailangan. Kaya di ko na lang pinilit pa na makapagtrabaho sa bayan. Rumarakit na lang ako kung ano-ano tulad nito ng pagbebenta ng isda. Kapag walang huli si mang Kadjao ay naglalabada ako sa sinumang gustong magpapalabada sa akin.
"Gumaya ka na lang sana kay Caren. Sa club ang trabaho non. Maganda ka naman kaya sigurado akong maraming gustong kunin ka. Malaki pa ang sweldo." sabi pa ni aling Tinay.
Napangiwi naman ako ng banggitin niya si Caren. Hindi ko kaya ang trabaho ng babaeng iyon. Si Caren ay isang escort. Kung sino-sino ang kumuha sa kanya para maging escort, mayayamang tao, politico, may matanda na pero mayaman. Ngunit ang pinaka worst ay may asawang tao na na naghahanap pa ng aliw sa piling ng ibang babae. Kaya isinumpa kong hindi ko papasukin ang ganong trabaho. Di baling mabilad sa araw at mabigat ang mga dala ko wag lang gayahin ang trabaho ng babaeng yon.
Ngumiti na lang ako kay Aling Tinay. Di ko sinabayan pa ang sinasabi nito upang matigil na rin siya. "Ito na po isang kilo galunggong. Salamat po."
"Salamat, Ning. Kapag may oras ka daan ka sa bahay may ipalabada ako sayo."
"Sige po. Baka bukas makadaan ako," sagot ko sa kanya.
"Sige, asahan ko yan, ah? Ingat ka," sabi pa niya bago pumasok sa bahay nila.
Tumango na lang ako kahit hindi na ito nakatingin. Pagkatapos ay napa buntong hininga na lang ako. Napatingin ako sa bilao at balde na konti laman. Napagpasyahan ko na diretso na sa palengke kapag maubos to upang makabili ng bigas. Naalala kong isang saingan na lang ang bigas namin.
"Isda! Galunggong! Matambaka!" Sigaw ko ulit habang naglalakad. "Preskong presko pa!"
Natingilan ako ng may kotseng huminto sa tapat ko. Hindi ko sana papansinin ngunit biglang bumukas ang bintana nito. Nakita ko si Don Mariano Zueralga, ang pinakamayamang tao sa probinsya nila dito Cebu. Siya ang may-ari ng mansyon na nasa pinakadulong bahagi ng barangay namin. Kaya halos lahat ay kilala siya dahil napaka gwapo daw nito noong kabataan pa niya.
"Magandang araw po, Don Mariano," bati ko sa kanya.
"Magandang araw din, Hija. Ano yang dala mo?" tanong niya sa akin.
"Matambaka at galunggong po. Nilalako ko," sagot ko sa kanya.
"Ilang kilo na lang ang natira?" tanong pa niya.
"Mga limang kilo na lang po. Dalawa nitong galunggong at tatlong kilo nitong matambaka."
"Sige, ubusin ko na lahat yan, Hija. Para naman makapag pahinga ka na," sabi niya sa akin.
"Talaga po? Naku, salamat po, Don Mariano," sabi ko at dali-daling inilagay sa plastic ang mga tirang isda.
Hindi ko na kinikilo at ibinigay agad sa kanya. Nagbigay naman siya ang dalawang libo bilang bayad niya. Akmang susuklian ko sana ang magsalita siya.
"Keep the change, Hija. Alam kong kailangan mo yan," sabi niya sa akin.
"Sigurado po kayo? May panukli pa naman ako," sabi ko. Natawa naman siya sa akin.
"Hindi na talaga. Sayo na yan," sabi pa niya. Tumango na lang ako sa kanya. "Sige, mauna na kami. Mag-ingat ka, Hija."
"Kayo din po. Ingat kayo," masayang wika ko. Kumaway pa ako ng papaalis na ang sasakyan nila. Napatingin ako sa bilao at balde na wala nang laman. "Yes!"
Napatalon ako sa tuwa dahil sa wakas ay makauwi na ako. Agad akong pumara ng pedicab upang makapunta ng palengke. Ang plano ko kanina ay kapag may natira sa isda na nilalako ko ay ito na lang ang uulamin namin ni nanay at bigas na lang ang bibilhin mo. Ngunit dahil walang natira ay bibili na lang ako ng manok at adobohin ko mamaya. Pero bago yan ay dadaan muna ako sa pwesto ni mang Kadjao sa palengke upang ibigay ang benta ng isda.
Kinuha ko lang ay patong ko at ang tips ni Don Mariano.
****
Pauwi na ako ng makasalubong ko si Aldrin ang binabaeng kaibigan ko. Himalang umuwi ito dito sa Santander. Nag-aaral kasi ito sa Cebu City kaya bihira ko na lang makausap ang isang to.
"Best! Kumusta na?" pasigaw na salubong niya sa akin. Pabuhat na niyakap pa niya ako at inikot-ikot.
"Ito, best, maganda pa rin," biro ko sa kanya.
"That's given. Kahit amoy isda, keri na basta maganda," sabi niya sa akin. Na conscious naman ako sa amoy ko.
"Malansa ba, best?" tanong ko.
"Joke lang. Ito naman di na mabiro. Fresh ka pa rin kahit alam kong galing ka pa sa paglalako. Grabe, best, how to be you po?" sabi niya sa akin. Natawa naman ako.
"Simple lang best, magbenta ka ng isda," biro ko pa. Irap naman ang sinagot niya sa akin.
"Tse, alam mo namang allergy ako dyan. Pagbintahin mo pa ako," nakairap na sabi niya sa akin.
"Ang sabihin mo. Maarte ka lang talaga. Kaya ayaw mong magbenta. Paano na lang kung wala ka nang pwedeng pagkakitaan na iba kundi ang magbenta ng ganito. Tigok talaga abotin mo," supla ko sa akin.
"Kaya nga nag-aaral akong mabuti para di ko maranasan yan. Nakakasira kaya ng beauty yan. Mabuti sana kung kasing ganda mo ako na kahit maghapong nakabilaw ng araw ay hindi nangingitim. Di tulad ko na tatlong oras lang nakabilad para na akong negra." Letinya niya sa akin.
True. Hi di ako nangingitim kapag nagbibilad ako ng araw. Namumula nga lang pero kapag nasisungan na ay babalik naman sa dati ang balat ko. Maputi kasi ako kaya namumula ang balat ko tuwing mabilad sa araw. Sabi nila baka may lahing banyaga ako dahil sobrang puti ko daw. Sabi ni nanay half American ang tatay ko at sa kanya ko namana ang pagiging maputi. Kaya di nakapagtataka na maputi ako dahil kay tatay.
"Sana all nakapag-aral," wika ko sa kanya
"Pwede ka naman kasing mag-aral. Matalino ka, madiskarte, at higit sa lahat
With honor pa. Kung sumama ka.lang sana sa aki eh di sana dalawa tayo doon."
"Kaso paano si nanay, kapag iniwan ko?" sabi ko naman sa kanya.
"Ayon lang. Pero pwede mo naman kasing ihabilin sa kapitbahay natin si nanay Lilibeth kung sakali," sabi niya. Umiling lang ako sa kanya.
"Ayaw kong iwan si nanay. Nangako ako sa puntod ni tatay na kahit anong mangyari hindi kami maghihiwalay ni nanay."
"Kahit kapalit ay ang pangarap mo?" tanong niya sa akin.
"Okay lang. Mas importante si nanay. Isa pa marami naman pwedeng trabaho dito kahit hindi nakapagtapos ng swela," sabi ko sa kanya.
"Bahala ka basta kung sakali mang magbago ang isip. I just one call away," sabi niya sabay kindat sa akin.
"Sira." Natatawa na sabi ko. "Tabi ka nga. Bibili pa ako ng uulamin namani ni nanay."
"Sige. Kita na lang tayo sa sunod. Alis na rin ako. Dadaan pa ako kay erpat. Bago umuwi ng bahay."
"Okay. Ingat kat. Wag maglandi ha?" bilin ko sa kanya natinawanan lang ako.
"Copy, mam. Copy." Sabi niya sa akin bagonmas nauna pang nag lakad palayo sa akin. Ngumiti na lang akong umimot na at bumili ng grocery para sa bahay.
Nagsimula na akong mamili ng mga kailangan namin sa bahay. Bumili ako ng 10 kilos sampaguita rice, manok, gulay at mga pampalasa. Hindi na ako nagtagal pa sa palengke. Agad akong umuwi ng bahay since wala na rin naman akong ibang lakad pa. Pumara ulit ako ng pedicab at nagpapahatid pauwi sa amin.