Apple Antoinette Maraño
Nasa munisipyo kami ngayon, ito ang araw ng kasal namin ni Don Mariano. Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon. Maging masaya ba ako dahil sa wakas ay may sasalo na sa treatment ng nanay ko. O, maging malungkot dahil simula sa araw na ito ay mawawalan na ako ng pag-asa na makakita ng taong mamahalin ko.
Well, kahit paano naman ay masasabi ko na hindi naman ako lugi kay Don Mariano kung papakasalan ko siya. Kahit naman matanda na ito ay hindi naman maipagkakaila na may itsura ito. Maganda pa rin ito magdala ng damit. Kitang-kita sa kanya ang karangyaan kung pagbabasihan ang pananamit niya. At isa pa, hindi halata na 75 years old na siya. Matikas pa rin kasi ang awra nito.
“Oh, sweetie, you are here. How’s your sleep? Nakatulog ka ba ang maayos?” tanong ni Don Mariano sa akin.
“Okay lang po, Don Mariano, nakatulog naman po ako,” sagot ko sa kanya.
“Drop the Don. Any moment from now, you will officially be Mrs. Zueralga, so you can call me Mariano. Or much better if you call me sweetie, too?” sabi pa niya.
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Hindi na ako umalma sa kung anong nais niya dahil ilang minuto na lang ay pag-aari na niya ako. Sabay na kaming naglalakad patungo sa opisina ng mayor. Mag-isa lang akong pumunta dito dahil si aling Menchie ay nagbabantay kay nanay sa ospital. Wala rin naman akong mga kaibigan na pwedeng imbitahan.
Ang totoo, gusto ni Don Mariano na engrande ang kasal namin at sa simbahan gaganapin ngunit tinanggihan ko. Ayaw kong doon kami ikakasal dahil sa maliban na ayaw kong malaman ng lahat ang ginagawa kong pagpapakasal sa kanya, sagrado ang simbahan. Mga taong tunay na nagmamahalan lang ang pwedeng ikasal doon. At alam kong walang pagmamahal na involve ang pagpapakasal naming ito.
“Don Mariano, narito na pala kayo,” bati ni Mayor Gonsalez kay sa magiging asawa ko.
“Yes, we’re here. Thanks heaven, sinipot ako ng magiging asawa ko,” sabi naman ni Don Mariano sa tunong nagbibiro lang.
Pero sa isip ko ay kung pwede pa lang hindi siputin ito ay ginawa ko na. Kaso ayaw ko namang ilagay sa panganib ang nanay ko. Baka mapunta sa wala ang pagsasakripisyo ko.
“Shall we start? It’s almost 11 na. Naghihintay na ang mga trabahante ko sa hacienda. May konting salo-salo doon pagkatapos dito,” sabi ni Don Mariano sa mayor.
Napatingin naman ako sa Don. Hindi ko alam na may salo-salo pa sa hancxienda. Kung ako ang pagdesisyusin kahit wala na yon. Mas mabuti nga yon para iwas tsismis kung sakali. But, knowing na nag-imbenta si Don, mukhang malabo nang mangyari.
“Alright, I just get someone na magiging witness ng kasal nyo. Hindi pwedeng tayo lang ang nakakaalam dito. Magiging invalid ang kasal nyo kapag walang witness na pipirma.” sabi ni Mayor Gonzales.
Tango lang ang naging sagot ko ganun din si Don Mariano. Wala naman akong pakialam kong sino ang gawin niyang witness. Ang importante sa akin ay ang matapos na ito at makauwi na sa bahay. Hindi naman nagtagal ang mayor sa labas. Pagbalik niya ay may dala na siyang dalawang empleyado na nagsisilbing witness namin. Kita ko ang mapanuring tingin ng dalawa ngunit hindi man nagsasalita.
Mahigit isang oras din ang inabot namin bago matapos ang kasal namin. Pinaperma niya kami pati ang dalawang witness at viola! Mrs. Zueralga na ako.
“You may now kiss the bride, Don Mariano,” sabi ng mayor na nagkasal sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito. Nakalimutan kong may ganito pala kapag kinasal ka. Pinaharap ako ni Don Mariano sa kanya. Kaya wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang halik niya. Napapikit na lang ako dahil alam kong wala na akong kawala. Sa ayaw at gusto ko ay hahalikan niya ako dahil asawa na niya ako simula sa araw na to.
Napamulat ako ng mata nang dumampi ang halik niya sa gilid ng labi ko. Gusto kung maluha dahi kahit papano ay nirespito ako ni Doin Mariano. Parang nakuha yata niya na ayaw kung magpahalik sa labi kaya sa pisngi lang malapit sa labi siya humali. Tama lang upang hindi makita ang lahat na hindi siya sa labi ko humalik.
Nag Palakpakan ang lahat matapos niya akong halikan. Ngunit ramdam kong napipilitan lang silang gawin yon lalo na ang dalawang babaeng witness ng kasal namin.
“Congratulations, Mr. and Mrs. Zueralga,” batii sa amin ng Mayor.
“Congratulations po, Don Mariano, Mrs. Zueralga,” labas sa ilong na bati ng dalawang witness.
“Salamat po,” sagot ko sa kanila kahit ayaw kong magsalita.
“Thank you, mayor. Thanks girls for witnessing the wedding. I really appreciate it.” sabi ni Don Mariano.
“Wala pong problema, Don Mariano,” sagot naman nila.
“By the way, I’m inviting you guys to have lunch with us sa hacienda. We’ll waiting all of you sa hacienda,” sabi pa ni Don Mariano bago nagpaalam na aalis na kami.
Tanging tango lang ang isinagot nila. Hawak kamay kaming dalawa na lumabas sa munisipyo at sumakay ng sasakyan niya. Tulad ng dati si Mang Simon pa rin ang driver nito. Walang salitang sumakay na din ako sa sasakyan. Agad naman itong pinausad ni mang Simon palayo sa munisipyo ang sasakyan. Tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa hacienda.
Pagpasok pa lang ng sasakyan ay agad bumalaga sa amin ang nakahilirang mga mesa at may mga trabahante na narito. Marahil ay ang pagdating lang namin ang hinihintay nila kaya hindi pa sila kumain. Agad silang nagpalakpakan ng makababa kami sa sasakyan. Pero halata sa mga mukha nila na hindi siya masaya sa nangyari. Pinilit lang nilang ngumiti dahil narito si Don, Mariano.
“Congratulations, Don Mariano, naway pagpalain ka sa ginawa mong pagpakasal ulit,” wika ng isang matanda na sa tingin ko ay kaidade lang ni Don Mariano.
“Salamat, Salamat sa pagpunta nyo. Ikinagagalak kong narito kayo sa mahalagang araw ko,” sabi ni Don.
Tahimik lang ako sa buong durasyon ng pananghalian. Naisipan kong kumuha pa ng makain ko dahil gutom pa ako at wala pa akong kain mula pa kaninang umaga. tumayo ako at nagpunta sa buffet table. Habang kumukuha ang pagkain ay hindi maiwasan ang marinig ang mga pinag-uusapan ng mga narito.
“Batang-bata pa si Apple ngunit pinatulan ang matanda,” wika ng isang ale.
“Ganyan talaga kapag materialistic. Kahit matanda patusin para may pambili ng luho niya.” Napakuyom ako ng kamao dahil sa narinig ko.
Grabi kung makahusga ang mga tao ngayon. Anong alam nila sa akin? Alam ba nila na nasa ospital ang nanay ko ngayon? Na kung hindi ako nagpakasal ay baka tuluyan na itong nawala sa akin? Gusto kong komprontahin sila ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik. Alam ko naman na wala akong laban sa kanila.
“Balita ko, nasa ospital ngayon ang nanay ni Apple,” singit ng isang babae.
“Talaga? Anong sakit?” tanong ng ale
“Di alam ba ang alam ko ay kailangan na operahan yata,” sabi pa nito.
“Ah, kaya siguro nagpakasal kay Don Mariano. Para may pambayad ng operation.” konklusyon ng isa.
“Mukhang pera pala ang habol niya kay Don Mariano kaya nagpasal. tsk, tsk, tsk. Mga tao nga naman kung anong ikaganda sa labas siya namang ikabulok ng loob.”
“True. Gold digger talaga,” wika ng babaeng sumingit kanina.
Napailing na lang ako sa kanila. Ang lakas ng loob nila na pag-usapan ako kahit alam nilang nasa paligid lang ako. Naglalakad ako patungo sa buffet table. Medyo nagulat pa sila ang makita ako sa gilid nila.
“K-kanina ka pa dyan, hija?” nagka-utal-utal na tanong ng isa.
“Hindi naman po. Kakarating ko lang,” pagkaila ko sa kanila kahit ang totoo sarap hambulusan ang mga ito.
“Mabuti naman,” sabi ng isa.
“May problema po ba?” tanong ko sa kanila.
“Wala, wala. Sige, kuha kana ang makakain mo,” sagot nila.
Tumango naman ako sa kanila at kumuha ng ng makakain ko. “Kayo rin po, kuha lang ng kuha ng makakakain nyo ah? Baka kasi wala kayong ulam sa inyo. Mamaya pwede kayong magbalot nito ha? Baka kasi hindi pa kumakain ang mga anak nyo sa bahay nyo. Parang ang unfair naman po na kumakain kayo ng masarap pero mga anak nyo walang ulam.”
“Aba’t-”
“Sige po, balik na po ako sa table namin. Hinihintay na ako ng asawa ko,” nakangiting wika ko sa kanila.
Yumuko pa ako sa taas noong naglalakad pabalik sa table namin ni Don Mariano. Lintik ang walang gante. Hindi ko hahayaan na maliitin nila ako. Total yon naman ang tingin nila sa akin, edi, lubos-lubusin ko na.
“What’s takes you so long, sweetie?” tanong ni Don mariano.
“Ahm, may naka chika lang sa buffet table po,” sagot ko sa kanya.
“Alright, finish your food. May pag-uusapan tayo pagkatapos nito,” sabi niya sa akin.
Tumango na lang ako at nagsisimula ng kumain. Hindi ko na siya inayang kumain dahil alam kong tapos na siya kung pagbabasihan ang wala ng laman na plato. Nakita ko pa ang nakasagutan ko kanina, Ang talim ng tingin niya sa akin. Ngumiti ako ng matamis sa kanila. Irap lang ang iginante nila sa akin. Napailing na lang ako at walang pakialam na tinapos ang pagkain.
Nang sa wakas ay natapos din ang salo-salo. Nakahinga ako ng maluwag ng unti-unting nagsialisan ang mga ito. Puro ka-plastic-an lang kasi ang namamagitan sa amin ng mga bisita dito. Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang ginawa ang mga babaeng na kasagutan kanina. Tinitotoo nila ang sinabi kong magbalot sila ng pagkain pagkatapos ng salo-salo. Natatawa na lang ako sa sarili.
“Let’s go.” sabbi ni Don Mariano sa akin at humawak pa sa baywang ko. Tumango na lang ako sa kanya.
“Sige po,” hindi na ako kokuntra pa at sumunod sa nais nito.
Dinala niya ako sa taas ng bahay niya. Kinakabahan ako sa posibleng mangyari. Hindi naman ako inocente sa bagay na posibleng gawin ng mag-asawa. At alam kong kasama iyon sa responsibilidad ko bilang asawa niya. Parang ngayon pa lang ay nanindig na ang mga balahibo ko.
Dinala niya ako sa library na ikahinga ko ng maluwag. “Have a seat, sweetie.”
“Salamat po,” wika ko sa kanya at umupo na sa upuan sa harap ng mesa niya.
“Now that we are married, anong gusto mong gawin? Do you want to travel abroad? Maglibot tayo sa ibang bansa?” tanong niya.
“Amh, Hindi na po. Dito na lang ako sa hacienda. Hindi naman kailangan umalis pa,”? sagot ko sa kanya.
“Are you sure?” tanong pa niya.
“Opo, okay na po ako dito,” sabi ko pa.
“Alright, you’re the boss. Basta magsabi ka lang kung may gusto ka, hmmm?” malambing na wika niya.
Ngumiti naman ako sa kanya. Kahit paano pala ay sinasa alang-alang din niya kung anong gusto ko. Hindi siya namilit sa kung anong gusto niya. Kung tinanggihan ko ba ang kasal na inalok niya posible kayang may iba akong option? Kaso sinabi niya sa akin dati na kapag hindi ko tatanggapin ay makaalis na ako.
“Pasok na tayo sa kwarto?” tanong niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya.
“Iisa ang kwarto natin?” tanong ko sa kanya.
“Yes, sweetie. We are husband and wife. Natural lang na magkasama tayo sa kwarto,” sagot niya sa akin.
“O-okay,” mahinang sagot ko sa kanya at tinanggap ang kamay niya. Hawak kamay kaming lumabas sa library niya.
Kahit itinatak ko sa isipan ko na asawa ko na siya at kailangan kong ibigay kung anong gusto niya, bakit parang may nagsabi sa akin na wag kung ibigay sa kanya ang sarili ko. Handa na ba talaga akong panindigan ang pagiging asawa ni Don Mariano? Handa ba talaga akong ibigay ang sarili ko sa asawa ko? Siguro no choice ako dahil ito ang landas na pinili ko. Baliktarin ko man ang mundo, hindi magbabago na may asawa na ako at bilang asawa responsiblidad kong ibigay kung anong kailangan ng asawa ko.
“This is our room,” nakangiting sabi ni Don Mariano.
Inilibot ko sang paningin ko sa kwarto. Ang lawak ng silid. Malaki ang espasyo. Mas malaki pa ito sa bahay namin. One third lang yata ang buong bahay namin sa kwarto na ito. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sigurado ako na ang mahal ng mga gamit na narito.
"Wow," tanging nasabi ko na lang.
"Feel at home, sweetie. Lahat ng narito ay pag-aari mo na rin. Kaya wag kang mangingiming galawin ang mga ito," wika pa niya.
"Salamat po, Don Mariano," wika ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. "You're my wife now. And I intend to pamper my wife. Kaya masanay ka sa ganito dahil hindi lang ito ang maranasan mo sa piling ko, hmmm?"
Ang lambing ng pagka sabi niya noon kaya napangiti na lang ako. I guess, being married to Don Mariano is not bad after all. Maranasan ko ang mga bagay na hindi ko pa naranasan. Kung ito ang magiging kapalit ng pagpapakasal ko sa kanya ay tatanggapin ko ng buong puso. At higit sa lahat ay makakasama ko pa ang nanay ko ng matagal.
All I have to do is to be a good wife of Don Mariano and everything will be in place.