Apple Antoinette Maraño
Tahimik ang bahay ng makauwi ako. Tiningnan ko si nanay sa kwarto baka natutulog lang siya ngunit wala siya doon. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Cloud phone ang unit ng cellphone ko. Pagka-alala ko ay one thousand five hundred ang bili ko dito. Hi di tulad ng iba na naka vivo, oppo, iPhone at kung ano-ano ang brand ng cellphone na sa tingin ko hindi bababa sa five thousand ang cellphone nila. Dina-dial ko ang numero ni nanay. Nakailang ring pa bago ito sumagot.
"Nay, asan ka?" tanong ko sa kanya.
"Nandito kina Minchie. Nakipag-chikahan lang," sagot nito sa kabilang linya.
"Sige po. Uwi po kaya bago maghapuhan nay, magluluto ako ang adobong manok."
"Wow, masarap ulam natin ngayon, nak, ah?" tanong niya sa akin.
"Ubos na kasi ang binebenta kong isda. Walang natira para sa atin," rason ko sa kanya.
"Kaya pala. Sige, mamaya uuwi na ako. Tapusin ko lang tong usapan namin. Nakakahiya naman kung aalis na lang ako basta-basta," sabi pa ni nanay.
"Sige po. Mag-ingat ka, nay," sabi ko sa kanya.
"Sige, anak. Basta uuwi lang ako mamaya ah? Wag mag-alala?" sabi niya sa akin.
Tumango lang ako as if nasa harapan ko lang siya. Ibinaba ko ang tawag at sinimula na ang pagluluto sa kusina. Pakanta kanta pa ako habang nagluluto. Nagsaing muna ako bago sinimulang hiwain ang manok na binili ko sa palengke.
Ingat na ingat ako habang naghihiwa. Ngunit mukhang hindi akin ang pagkakataon dahil kahit anong ingat ko ay nahiwa ko pa rin ang middle finger ko. Bumaon pa talaga ang kutsilyo kaya napasigaw ako.
"Ahhh. s**t! Ang sakit!" dali-dali ko itong itinapat sa running water ng gripo.
Hinayaan ko lang na ito hanggang sa nararamdaman kong wala na itong dugo. Agad ko itong inis at ginamot. Sa di malamang dahilan ay bigla akong kinakabahan. Di ko alam kong para saan ang kaba ngunit hindi maalis alis ang kabang nararamdaman ko. Nang matakpan ko na ang sugat ko ay muli akong bumalik sa pagluluto. Ingat na ingat akong wag ito masagi or else nagdurugo na naman ito.
Napatingin ako sa orasan na nasa ding-ding ang matapos akong magluto. Alas singko na ng hapon. Naisipan kong mag linis muna habang hinihintay si nanay. Di rin naman masyadong makalat ang bahay namin dahil kami lang ni nanay ang narito. Araw-araw ko din itong nilinis kaya konting kuskus lang tapos na agad.
Natapos na lang ako sa paglilinis ay walang nanay na dumating bagay ma ipanigtataka ko. Hindi ugali ni nanay na abutin ng alas sais sa labas. Palagi niyang bilin sa akin na dapat wla ng alas singko ay nasa bahay na ang lahat. Kaya nakapagtataka na wala pa siya sa ganitong oras. Dahil hindi ako mapakali ay naisipan kong tawagan ulit ito.
Nakailang ring at dial na ako walang nanay na sumagot. Kaya napagpasyahan kong sundan ito. Nabanggit niya kanina na nasa kina aling Minchie lang sila. Kaya doon ko siya pupuntahan. Tinakpan ko muna ang niluto ko bago kumuha ng jacket at lumabas ng bahay. Hindi na ako nag-abala pang magbihis ng damit. Malapit lang naman ang kanila sa akin.
Pagdating doon, nadagnat ko si nanay na nakatulog sa sofa nila aling Minchie. "Anong nangyari, ante?"
"Masama daw pakiramdam niya kaya pinagpahinga ko muna. Kaso nakatulog na kaya hinayaan na lang naman.
"Salamat sa pag-alala kay nanay, te." Sabi ko sa kanya.
"Ano ka ba, syempre pamilya tayo kaya dapat lang na matulungan," sabi niya sa akin.
"Ganon po ba? Sige Salamat po." Sabi ko sa kanya.
Lumapit ako sa pwesto ni nanay. Pinagmasdan ko siya. Ang payapa ng tulog niya. Kaya sa halip na gisingin upang makauwi ay hinayaan ko na lang. Pansin ko na parang namumutla siya kaya dinampi ko ang kamay ko sa leeg niya.
Pansin ko na medyo malamig siya kaya nagtataka kong muling idinampi ang kamay ko. This time sa noo niya. Napakislot naman si nanay Lilibeth sa ginawa ko dahilan upang tuluyan itong magising.
"Anak? Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin.
"Mag-alas sais na kasi wala ka pa rin. Kaya naisipan kong sunduin ka," sagot ko sa kanya.
"Pasensya na. Di ko namalayan ang oras at nakatulog ako. Tara uwi na tayo." Sabi pa niya.
"Sige po. Pero okay lang po ba kayo, nay?" tanong ko sa kanya. Di ko matiis na hindi siya tanungin. Nag-alala din ako.
"Oo, nak okay lang ako."
"Tara na po. Uwi na tayo. Lumalamig na ang niluto ko," sabi ko.
"Sige. Maring Menchie, uwi na kami. Salamat sa pag-asikaso." Paalam ni nanay kay aling Menchie.
"Sige, maring Beth, maghapunan muna tayo bago kayo umuwi." Pigil sa amin ni aling Menchie.
"Hindi na. Salamat na lang pero nagluto daw tong anak ko ng pagkain sa bahay. Sayang naman kung mapanis yon. Wala pa naman kaming ref."
"Abay, eh sige. Kayo Na bahala," hinayaan na lang kami ni Aling Menchie na umuwi.
Inalalayan ko si nanay maglakad. Pinakapit ko siya sa mga braso ko. Ramdam ko talaga na parang hindi maganda ang pakiramdam ni nanay pero di na ako nagtanong. Kasi alam kong mag-deny lang ito.
Pagdating ng bahay ay diretso na kami sa kusina. Pansin ko talaga na kahit sa pagkain ay walang gana si nanay. Kaya di na ako nakatiis pa.
"Nay, okay lang po ba talaga kayo? Kanina ko pa napansin na namumutla ka at malamig ang kamay mo," sabi ko sa kanya.
"Okay lang ako, nak. Wag mag-alala. Pahinga lang kailangan nito."
"Sigurado kayo? Pa-check-up kaya tayo bukas para masiguro na okay lang talaga kayo?" nag-alala na wika ko sa kanya.
"Ano ka ba, pahinga lang talaga kailangan, anak. Di mo na kailangan pang dalhin ako doon," sabi pa niya sa akin.
"Sige, magpahinga ka na, Nay. Ako na bahala dito."
"Hindi ako na dito. Ikaw na nga ang nagtatrabaho sa atin, tapos ikaw pa gagawa nito. Ikaw ang magpahinga doon sa kwarto mo."
"Nay, wag matigas ang ulo. Alam kong hindi maganda ang pakiramdam mo."
Napa buntong hininga na lang si nanay at binitawan ang plato na ililigpit sana kanina. "Sige, nak. Magpahinga na ako. Ikaw na bahala dito.
Matapos sabihin yon ay nagpaalam siyang pumasok sa kwarto na tinanguhan ko lang. Niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan na din para konti na lang ang tatrabahujn ko bukas. Nang matapos ay sinara ko ng maigi ang pinto at bintana ng bahay namin bago pumasok sa kwarto at magpahinga na. Mag-aalas otso na rin kasi ng gabi.
****
Kinabukasan ay nagising ako ng mga kalampag sa kusina. Kaya bumangon ako at sinilip kung anong meron. Nakita ko si nanay na nagluluto ng pagkain namin. Ninangag niya ang natitirang kanin kagabi. At iniinit niya ang tirang adobo. Napangiti ako dahil parang masigla na ulit si nanay. Siguro tama siya kailangan lang niyang magpahinga upang bumuti ang pakiramdam niya.
"Good morning, Nay," bati ko sa kanya. Humalik pa ako sa kanya at diretso na sa lababo upang maghilamos ng mukha saka maka pag mumog na rin.
"Good morning din, anak. May lakad kaba ngayon?" tanong niya sa akin.
"Maglalaba muna ako kina aling Tinay, Nay. Saka daanan ko mamaya stocks na binebenta ko. Para kahit paano, may dagdag kita pa rin," sabi ko at umupo sa upuan na narito sa mesa. Sumandok na rin ako ng sinangag. Ang bango talaga basta si nanay ang magluto ng ganito.
"Ang sipag talaga ng anak ko. Mana sa tatay," sabi ni nanay sa akin.
"Syempre naman po. Kanino pa ba ako magmamana edi sa inyo talagang dalawa ni tatay," sabi ko sa kanya.
"Pasensya ka na anak, ha? Ako dapat ang nagtatrabaho sa atin at ilaw ay nag-aaral lang," malungkot na sabi ni nanay.
Kinuha ko ang kamay niya at pinisil ito. "Nay, hindi mo kailangang malungkot. Choice ko din naman yon. Ako ang nag desisyon nito. At pinapangako ko na wala akong pinagsisihan sa kung anong desisyon ko. Bastat kasama lang kita, kuntento na ako sa lahat ng meron sa atin. Hmmm."
"I love you, anak. Tandaan mo yan palagi. Kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo. Mawala man ako sa mundong ito, lagi kitang gagabayan at babatayan mula sa taas."
"Mahal din kita, Nay. Ikaw na lang ang meron ako. Kaya hindi mo ako pwedeng iwan," sabi ko na binaliwala ang sinabi ni nanay.
Sa isip ko pa lang na maari akong iwan ni nanay ay parang hindi ko na kakayanin. Kaya nga ako hindi umalis dito at kuntento sa anuman meron kami, kasi ayaw kong iwan si Nanay. Ayaw ko ding maiwang mag-isa.
"Oh, sya. Kain na tayo. Ang aga-aga ang drama natin," biro ko kay nanay. Natatawa na tumango naman si nanay sa sinabi ko.
Masaya kaming nag salo-salo ng agahan at ng matapos ay hinugasan ko ang pinagkainan namin habang si Nanay ay nagwawalis sa bakuran namin. Naligo na rin ako pagkatapos maghugas dahil pupunta ako kuna Aling Tinay upang maglabada. Nang makagayak na ay nagpapaalam na ako kay nanay na aalis na.
"Nay, alis na ako. Ingat ka dito ah? Tawagan mo ako pag may kailangan ko," bilin ko sa kanya.
"Itong batang to, ginawa akong bata. Oo, gagawin ko ang sinabi mo," sabi niya sabay iling-iling. Natawa naman akong humalik sa pisngi niya at naglakad na paalis. Diretso na ako kina aling Tinay para maaga akong matapos.
Pagdating ko doon ay agad naman akong pinapasok ni aling Tinay sa bahay nila. Di gaya ng bahay namin ni nanay na gawa sa kahoy. Ang bahay nila ay gawa sa semento. Tiles ang sahig at may kalakihan. Bermuda grass ang labas at may gate pa. Seaman kasi ang asawa kaya di nakapagtataka na medyo maginhawa ang buhay nila.
"Pasensya kana, Ning ah? Busy kasi mga anak ko sa pag-aaral kaya hindi nakapag laba," sabi ni Aling Tinay sa akin.
"Okay lang po. Kaya ko namang labhan lahat to," sabi ko. Ngunit sa isip ko ay napangiwi ako. Sa tadya ko ay aabot ito ng halos dalawang sako.
"Sige, ikaw ng bahala dito. Iwan na kita at may gagawin pa ako. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka."
"Opo. Ako na ang bahala dito," sagot ko sa kanya.
Tumango lang siya sa akin at iniwan na ako doon. Napa buntong hininga naman ako bago simulang paghiwalayin ang puti, decolor at pantalon pati shorts. Ganito ako maglaba, sini-segregate muna ang mga damit para maiwasang mahawa ang puti kung sakaling magkulay ang mga decolor.