Kabanata XIII

2173 Words

Tahimik na nakatitig si Mama kay Paris na kasalukuyang kong ginagamot ang mga natamo niyang sugat dahil sa panggugulpi sa kanya ni Papa. Naunang umuwi na si Papa kasama ng kapatid ko habang si Mama naman ay nagpaiwan dahil aniya gusto niyang makausap kaming dalawa ni Paris. "Aray!" Daing ni Paris nang mahaplosan ko ng betadine ang giliran ng kanyang labi. "Wag kang mag inarte dyan." Ani ko. Hindi nga ako nag inarte ng saktan mo ako. "Anong buong pangalan mo, hijo?" Tanong ni Mama sa kanya. Bumaling naman si Paris sa kanya. "Paris Goncuenco po." Tugon nito. "Goncuenco?" Mahinang tumawa si Mama at umiling. "Hindi ako makapaniwala na nabihag ka ng anak ko." Aniya na para bang napaka imposible na magkagusto ang katulad niya sa akin. "Mama naman.." "Madaling mahalin ang anak niyo po."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD