Simula
Till the Contract do us part
All right reserved ©2020
Simula
January, 2017
Madilim ang daan, umuulan ng malakas, mabilis na pagtakbo ng sasakyan, hindi ko alam kung saan kami patungo ni Paris. Nakapirmi ang tingin niya sa daan na para bang may pinplano siyang di maganda na hindi ko dapat malaman. Kinakabahan akong hinihimas ang aking tyan. Wala sanang mangyayaring masama sa amin lalo na't dalawang linggo akong buntis.
"Paris, please slow down." Mahinahon kong aniya habang hinihimas ang kanyang matigas na braso. Kung babasahin ang kanyang emosyon, para bang binabagabag siya ng isang alaalang gumagalit sa kanya.
"Paris!" bahagyang tumaas ang tono ng aking pananalita nang binilisan niya pa lalo ang kanyang pagmamaneho."Ano bang nangyayari sa'yo?!"
Tutol sa amin ang mga magulang ni Paris lalo na ang kanyang ina. Sa isang taon naming pagsasama ang alam ko lang sa buhay niya'y galing siya sa mayamang pamilya, malayong malayo sa kagaya kong nag aaral pa lamang, isang dahilan kung bakit hindi pabor ang mga magulang ni Paris sa aming dalawa. Ang akala nila'y pera ang habol ko sa kanya, lalo na't ngayon isang taon na lamang at gagraduate na ako ng senior high.
Sekreto kaming nagpakasal sa huwes kanina dahil sinekreto rin namin ang aming relasyon sa mga magulang ko, nag iisang bisita lamang ang kanyang nakakatandang kapatid na babae. Masaya pero nang natapos ay agad niya akong pinag impake, ang sabi niya'y lilipat kami ng bagong bahay. Nasasabik akong sumama pero kung sakaling lalayo kami, paano ang pamilya ko? Ni isang motibo ay wala silang alam sa pinagbubuntis ko.
Biglang itong huminto ng pagmamaneho, kung wala kaming suot na seatbelt, malamang tumilapon kaming dalawa. Agad akong napatingin sa kanya upang makita ang kanyang lagay. Mahal ko si Paris at hindi ko kakayanin ang lumayo sa kanya. Mahal niya rin ako sigurado, hindi ako mabubuntis kapag hindi. Iyon ang paniniwala ko, base sa pagkilala ko sa kanya.
"Paris, ano bang problema? Kanina ka pa ganyan.." Mabilis ang hininga ko dahil sa kaba dulot ng kanyang pagbiglaang pagpreno.
Inalis niya ang suot na seatbelt at dumalo sa akin. Hinimas niya ang aking tyan at hinawakan ang magkabilang pisngi. Bakas sa mukha niya ang pangamba.
"Carole, ipangako mo sa akin... Mahal mo ako, wag mo akong iiwan kahit anong mangyari." hinahabol nito ang hininga habang nagsasalita. Sunod sunod aking pagtango, no matter what, Paris. Mahal na mahal kita at sa magiging anak natin.
"Kailangan mo malamang ang totooong nangyari..." matiyaga akong naghintay sa kanyang sasabihin nang ilang segundo siyang nanahimik. Nang ibukas ang kanyang bibig upang magsalita ay isang napakalas na ilaw ang unti unting lumalapit sa aming direksyon.
"Carole!"
Ramdam ko ang init ng kanyang yakap at ang pagsalpok ng isang sasakyan sa amin. Ilang minuto o oras, hindi ko alam, naramdaman ko na lang ang pag karga sa akin paalis sa loob ng sasakyan, rinig na rinig ko ang tunog ng isang ambulansya. Kahit malabo ang aking paningin ay naalinag ko ang pagsayaw ng mga ilaw mula sa sasakyan ng pulis at ang katabi kong si Paris...
Duguan at walang malay...