Gabi na nang makauwi ako. Kung hindi dahil kay Bill ay hindi madadakip ang magnanakaw at uuwi rin akong hindi dala ang bag ko.
Pagbukas ko ng gate ay nadatnan ko si Paris na humahalukipkip na nakatayo sa pintuan habang nakatingin sa aking pagpasok. Hindi ko siya pinansin at lulusot na sana sa kanyang giliran nang harangin niya ako.
Yumuko siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bahagya akong lumayo. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya?
"Di ba't sabi mo pag isa sa atin ang dumating dapat may halik? Saan ang kiss ko?" Mapunuya niyang ani. Nang hindi ako kumibo ay narinig ko siyang ngumisi.
"Padaan," tugon ko at mahina siyang tinulak.
Nasasaktan ako sa inaasta niya. Ginagawa niya dahil sinasabi ko, nasasaktan ako dahil hindi ganyang Paris ang nakilala ko. Ang Paris na kilala ko ay ginagawa niya ng pagkukusa, hindi sinabi ko't hindi sapilitan.
Tinabi ko ang bag na nanakaw kanina at tumungo sa kusina. Parang hindi pamilya ang nakatira sa bahay na ito, ang sabi sa akin ng ate niya ay lumang bahay na ito ng masayang pamilya. Binili ni Paris para sa amin ng anak niya. Siguro kung may buhay ang bahay na ito, siguro nalulungkot din 'to gaya ko.
Pagbukas ko ng rice cooker ay napapikit ako at hinilot aking sintido. Dali dali ko siyang nilingon at pinagsabihan.
"Sabi ko naman sa'yo pag nag sasaing ka, lagyan mo ng sapat na tubig." inangat ko ito at ipinakita sa kanya, "Kita mo 'to? Paris, nasunog nang hindi naluluto!"
Nanliit ang kanyang mata at lumapit sa akin. Napatalon ako dahil sa gulat sa sariling sinabi. Hindi ko dapat sinisigawan ang taong ito. Itinabi ko ang rice cooker at aalis na sana ng tuluyan nang marahas niya akong higitin palapit sa kanya.
"Sino may sabi sayo na pwede mo akong sigawan?" nakakatakot ang tono ng kanyang pananalita kahit kalmado naman. "Magbihis ka, aalis tayo."
Sabi niya at naunang umakyat sa itaas. Nabuhayan ako ng loob, mag de date ba kami?
"Saan ta'yo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nakatingala.
"Kakain ta'yo sa labas nang kumalma naman yang loob mo." sagot niya nang hindi lumilingon sa'kin.
Napangiti ako. Unang pagkakataon mula noong nawalan ito ng alaala nang niyaya niya akong lumabas. Dali dali rin akong umakyat at pumasok sa kabilang kwarto.
Magkaiba kami ng kwarto ni Paris, aniya hindi siya kumportable dahil masikip. Noong una nasaktan ako pero nang tumagal ay nasasanay na. Pumunta ako sa closet upang mamili ng damit. Kinuha ko iyong bodycon black dress at six inches stilettos. Dali dali ko itong sinuot at hindi na ako nag half bath. Pag pe perfume na lang ako nong victoria secret na binigay niya sakin noon upang hindi ako mangamoy. Pero hindi naman siguro ako mabaho? Sa tingin ko lang...
Nilabas ko ang aking mga makeup. Sa wakas ay magagamit ko na rin ito! Sinadya kong lagyan ng rose colored matte lipstick aking mga labi. Kinapalan ko rin ang aking eyeshadow.
Pagkatapos kong kong makapag ayos ay sinuri ko ang sarili sa salamin. Naiisip kong dadalhin ako ni Paris sa mamahaling restaurant, katulad ng napapanood ko sa mga movies kapag nag de-date ang dalawang magkasintahan. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan nang marining ang busina ng sasakyan sa labas.
Hinawi ko ang aking nakalugay na buhok at sinadya kong pumunta sa harapan ng sasakyan, di alintana ang nakakasilaw na ilaw mula sa sasakyan. Pakiramdam ko ay para akong sikat na modelo na nakatutok sa akin ang spotlight.
Lumabas ang ulo ni Paris mula sa bintana ng sasakyan habang nakauwang ang bibig na nakatingin sa akin. Sobrang ganda ko na ba ngayong gabi, asawa ko?
"Ba't ganyan ang suot mo?" tanong niya.
Ngumiti ako at lumapit upang pagbuksan aking sarili sa kabilang upuan katabi niya. Pagpasok ko'y nakauwang pa rin ang bibig niya.
"Nagbihis lang ako, maganda ba?" I then tucked my hair strand behind my ear.
Narinig ko siyang ngumisi "Sobra,"
At umandar ng tuluyan ang sasakyan.
~*~Nakatingin ako sa Tray ng pagkain na binaba ni Paris sa aming lamesa. Two pieces chicken, dalawang spaghetti, at dalawang chicken burger ang order namin.
Ang minimithi kong sosyal na restaurant ay biglang nasira nang dalhin niya ako sa isang fast food chain na nasa katabing kalye malapit sa aming bahay.
"Naisip kong gusto mo ang mga pagkain rito sa jollibee kaya dito kita dinala. Dahan dahanin mo lang ng kain ha baka masira yang lipstick mo." Mapanuya niyang aniya habang di maalis alis ang ngisi sa labi.
Nilibot ko aking mata nang mapansing pasimpleng nakatingin ang mga tao sa akin. Gusto ko na yatang makain ako ng lupa ngayon din! Bakit ba dito naisip ni Paris na dalhin ako o plano niya talaga rito at hindi ko lang siya tinanong.
"Akala ko talaga mag dedate tayo sa isang hotel na may sosyal na restaurant tapos iinom tayo ng wine hanggang malasing tayo." nakanguso kong sabi at kinuha ang chicken leg gamit ang aking kamay.
"Kaya pala ayos na ayos ka," Hindi pa rin maalis ang ngisi sa kanyang mukha.
Bakit kasi hindi ko napansin na hindi naman siya naka pormal gaya ko. Hindi ko tuloy siya natanong sa kanya kung saan ba talaga kami pupunta. Bayolente kong tinusok ang spaghetti at walang awa itong nilamon.
Napahinto ng kain si Paris at tumingin sa akin. "Pag doon tayo kakain, hindi mabubusog ang anak ko."
Hindi ko pa nanguya nang bigla kong nailuwa 'to pabalik sa plato. Totoo ba narinig ko? Hindi niya tinangging anak niya ang dinadala ko gaya ng kadalasang naririnig ko sa bibig niya?
"Ano ka ba, kadiri ka naman." Iritang aniya nang makita ang ginawa ko sa spaghetti.
Kinuha niya ang tissue at pinahid sa aking bibig. Napatulala ako sa kanyang ginawa kasabay ng pabilis na pabilis na pag t***k ng aking puso. Para tuloy gusto ko ulit isubo 'yong spaghetti at iluwa muli sa plato.
"Ah eh, nagulat lang ako sa sinabi mo." ani ko.
Huminto siya kakapunas ng giliran ng aking labi at tumingin sa akin. Kumain siya ulit.
"Oo nga pala, sa susunod na linggo pupunta akong business trip sa Cebu." Ang sayang naramdaman ko ay biglang napalitan ng lungkot. Aalis na naman, malamang di ko naman siya makikita ng mga ilang araw. "Mag file ka muna ng absences sa school niyo." dagdag niya pa.
"Bakit?" Tanong ko.
"Isasama kita.." sagot niya.
Parang gusto kong gumulong sa saya sa pagkakataong iyon. Hindi ko muna itatanong kung bumabalik na ba alaala niya at baka mawala naman siya sa mood. Ganito lang siguro ang ibig sabihin ng doctor, wag bibiglain, dapat dahan dahan lang muna.
"Sige ba, tayo lang ba dalawa niyan?" pero minsan naiisip ko rin na baka masira pangalan ni Paris dahil nagpakasal siya sa mas bata sa kanya. Kaya iniingatan ko ang pangalan naming dalawa. Ako para sa mga magulang ko at siya para sa pangalan niya sa kumpanya.
"I'm with my colleagues and other bachelors," natahimik ako, mga ganon kagagara ang makakasama namin? Paano ako nito? "Ipapakilala kita sa kanila." nakangiting aniya.
Gusto kong umiyak sa tuwa. Tinatakpan ko lang ng aking palad aking nakangiting bibig. Akala ko talaga, puputi ang buhok namin na ganito ang set-up. Iwasan, di nagpapansinan, nagkakasagutan minsan kaya masaya akong unti unting binabalik ni Paris ang ugali niya noong nakilala ko siya kahit hindi pa rin siya makaalala. It's sounds like a good start, isn't it?
"Okay lang ba sa'yo?" Paninigurado ko.
"Actually, marami na ang nakakaalam at gusto ka rin makilala ni Papa." nang marinig iyon ay bigla akong kinabahan.
"..Pero Paris, paano si Mama mo?" tanong ko.
"Magkaiba ang ugali nilang dalawa, at wag kang mag alala hindi kasama si Mama next week.."
Simula noong nalaman niyang may anak kami ni Paris ay hindi na ito nagparamdam pa, ni minsan hindi bumisita o tumawag man lang sa bahay para mangumusta. Siguro'y masama pa rin ang loob nito sa akin. Kung sakaling mailuluwal ko ang bata ay unti unti akong makikipag bati sa kaniya.
Maya maya ay pareho naming narinig ang pag vibrate ng cellphone niya. Dali dali niya itong kinuha at tumayo para sagutin ang tawag. Bumalik siya sa akin at dali daling sinuot ang itim na leather jacket.
"Anong nangyayari?" tanong ko nang mapansin ang kanyang magmamadali.
"Emergency. Mag taxi ka muna pabalik ng bahay." Binigyan niya ako ng dalawang daan at patakbong nilabas ang exit door ng fast food chain.
Ako nama'y naiwan sa loob habang nakatingin sa perang binigay niya. Sana walang nangyaring masama kung anong emergency man 'yon.
Bill's POV
Halos hindi mahulugang karayom sa dami ng tao ang bar. Lunes ng gabi ngayon pero parang sabado ng gabi ang nararamdaman ko.
"One glass of tequila, Please."
Ani ng babae at umupo sa counter. Kinuha niya ang kanyang lighter at sinindihan ang sigarilyong nakaipit sa kanyang labi.
"Corraleja or Grand Mayan?" both tequila are the best. Masasabi ko dahil dito ako nag tatrabaho bilang Part-Time.
"Serve me the best one." sagot niya.
Tumango ako at naglagay sa kanyang maliit na baso sa kanyang harap. Nilagok niya ito ng diretsahan nang hindi man lang nasisira ang kanyang mukha.
Umiling ako. Ibang klase talaga ang mga babae ngayon, ang ganda ganda pero kung lumaklak daig pa ang lasingerong tatay.
Maya maya ay may tumabi sa kanyang lalake at hinalikan siya nito sa labi. Hindi ko maalinag ng husto dahil sa likot ng iba't ibang kulay na ilaw at sa medyong may kadilimang bahagi ng counter. Lumapit ako upang tanungin siya kung anong gusto niyang inumin.
"One glass og Jim beam, thanks!" aniya.
Pagkatapos kong magbigay sa kanya ng naturang whiskey ay napahinto ako sa aking ginagawa nang marinig ang kanilang pinag uusapan.
"Alam ba ng asawa mo na nandito ka?" Nakangiting tanong ng babae.
Bagamat Maingay dala ng malakas na tugtog ng musika ay nagawa ko pa rin marinig ang kanilang mga boses.
"Pinauwi ko muna, I prefer you over her." Nangiting sabi ng lalake at mahina namang tumawa ang babae.
Nakaupo ako malapit sa kanila pero sapat na iyon upang makinig sa kanilang pinag-uusapan. Sa walong buwan na pag pa-part time ko rito. saksi na ako sa mga katarantaduhan ng mga may asawang lalake at iba't ibang uri ng kataksilan sa bar na ito. Hindi na bago sa akin ang marining ang mga ganitong usapan.
"Nagawa mo ba ang inuutos ng ate mo sa'yo?" malanding tanong ng babae at nagawa pang kagatin nito ang kanyang tenga.
"Oo naman, " sabay silang tumawa.
Tinawag ako ng babae kaya lumapit ako sa kanya. Napansin ko ang seryosong tingin sa akin ng lalake. Hindi ko alam kung bakit pero parang may atraso akong dapat panagutan sa kanya.
"One more glass," utos ng babae sa akin at malugod ko naman itong sinunod.
Bumaba ang babae sa kanyang upuan at sumunod naman ang lalake sa kanya.
Laking gulat ko ng higitin niya ako sa kwelyo.
"Meet me outside." aniya at marahas akong binitiwan.
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking iyon, parang may masama siyang binabalak na dapat kong katakutan.
~*~Ala Una ng madaling araw nang matapos ako sa trabaho. Bukas gigising ako ng maaga upang mag aral. Sige lang, matapos ang senior high na ito ay aalis din agad ako.
Madilim na pinto aking tinahak palabas ng bar nang may bigla akong maalinag na pigura ng lalake na nakatayo sa ilalim ng sirang na ilaw.
"Sino yan?" tanong ko.
Lumingon siya sakin at dali dali akong sinugod, marahas na hinigit aking kwelyo, at sinandal sa pader.
"Anong---" Tangina, ba't ba bigla biglan na lang siyang susulpot?!
"Babala ko lang ito sa'yo, bata. Kapag hindi mo nilayuan si Carole, di lang ganito ang aabutin mo."
Tsaka niya ako binitiwan.
Teka? Narinig ko ba ang pangalan ng babaeng mahal ko? At kaano ano naman niya si Carole? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah.
Paalis siya nang tinawag ko, "Ba't ba gusto mong layuan ko si Carole, Di ko alam kung ka ano ano mo siya pero sino ka ba?"
Ngumisi siya nang lumingon sa akin, kuminang ang kanyang itim na hikaw nang matamaan ng sirang ilaw mula sa posteng malapit sa kanya.
"Paris Goncuenco, asawa niya."
Nanlaki aking mata sa gulat. Isa sa mga pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa ang mga Goncuenco. At teka, ano ang huling sinabi niya?
Asawa? Asawa niya si Carole?!