Kabanata III

1635 Words
Ilang linggo ang lumipas, kahit ilang beses kong ipaalala sa kanya kung saan kami nagsimula, paano siya nanligaw, at kahit paano nya ako nabuntis pero wala.. Wala paring nangyari. Mahal ko si Paris at maisip ang tuluyang paglimot ng pag-ibig niya sa akin ay parang isang bangungot. Nag umpisa siyang umuwi ng huli sa oras na inaasahan kong dating niya tuwing galing siya ng trabaho. Kung hindi umagang dumating, hating gabi pero lasing. Duda ko may babae siya.. Natanong ko minsan sa kanya kung may babae siya, bigla niyang hinagis ang basong pinag inuman niya ng tubig sabay sabing, "Gusto mong maka graduate, diba? Ayaw mong ilantad ko sa buong mundo na mag asawa tayo diba? Ayaw mong masira imahe mo sa mga magulang mo? Tumahimik ka!". Unang pagkakataon iyon na masigawan ako, naging dahilan iyon ng pagiyak ko tuwing gabi. Minsan nahihirapan akong huminga at minsan naman bigla na lang kakabog ang puso ko kahit wala naman akong naiisip na masama. Kaya unti unting kong nilalayo ang sarili ko sa kanya. Ginagawa ko lahat para hindi uminit ang ulo niya, iniisip ko na lang dahil siguro nahihirapan siyang makaalala kaya nagkakaganon siya. 'Patience' sabi ni Ms. Zasha, ginagawa ko naman pero hanggang kailan? Hinatak ako ni Fionna kasama ng dalawang kaibigan niya isang lunes ng umaga sa C.R. Pagdating namin doon ay marahas niya akong binitiwan dahilan ng pagbangga ko sa pinto ng isang cubicle. Pasimple kong hinawakan aking tyan at mahinang dumaing. "Ilang beses kong sabihin sa'yo na layuan mo si Bill?" Tanong niya habang humahalukipkip. Si Bill ay aking nag iisa kaibigan dito sa St. Marcelline Academy. Hindi ko naman alam noon na maraming nagkakagusto sa kanyang babae rito, marahil masyadong nakatuon aking mata kay Paris kaya hindi ko na magawang lumingon pa sa iba. "Huh? Crush mo 'yon? E, di pa nga tuli yon." Pagtataka kong tanong sa kanya. Nabahagi niya minsan sa akin bago kami nag senior high na hindi niya pa nasusubukan ang matuli. Dahil siguro na impluwensyahan sa ibang bansa nang doon lumaki sa europa. Sa kabila ng kanyang pagiging kilala sa mga babae ay may malupit siyang tinatago. "Paano mo nalaman? Nakita mo ba?!" Tanong ni Amanda, kaibigan ni Fionna na mag da-dalawang dekada na ang braces sa ngipin. Pero syempre walang nakakaalam tungkol doon. Ang malupit na lihim ay mananatiling lihim, maliban na kung siya mismo ang magsasabi nito sa mga admirers niya. Natawa ako sa'king naisip. "Anong nakakatawa?" Tanong ni Clara. Masasabi kong mabait si Clara. Nakita ko siya minsan pinakain niya ng tsokolate 'yong aso ng kapitbahay nila. "Uh eh, di ko nakita..." sagot ko sa kanila. Sabay-saba silang bumuntong hininga na para bang nawala ang tinik sa mga loob nila. ".. Nahawakan ko lang." karugtong ko. "Ano?!" Kasabay ng kanilang pagbulyaw ay ang malakas na pagbukas ng pinto ng CR. Alam kong mangyayari ito, napangiti ako ng maalinag si Bill sa likod ng nakakasilaw na ilaw mula sa araw. Naka suot ito ng headset pero sa isang tenga lang nakalagay. Naupuan niya 'yong kabila kaya nasira. Maluwang ang suot na unipormeng pang itaas at naka bukas ang dalawang butunes dahilan upang makita ang kanyang collarbones. Kalanghap langhap rin ang kaniyang pabango na wari'y pinakamamahaling pabango sa divisoria. "Anong ginagawa niyo sa prinsesa ko?" Bulyaw niya at hinampas ang pinto, napahiyaw naman ang tatlo sa kanyang inasta. "Sagot!" Ngunit hindi sumagot ang tatlo at nag uunahang umalis ng CR. Lumabas na rin ako upang tingnan silang tumatakbo. Humalukipkip ako at napatingala upang makita ang namula mulang mukha nito. Maputi at makinis ang balat ni Bill, di gaya ng akin na napagkakamalang patay tuwing natutulog sa sobrang pusyaw pero bawing bawi naman sa natural kong kulay tsokolateng mahabang buhok. "Sabi ko naman sa'yo wag mo akong tatawaging prinsesa, kaya maraming mainit ang dugo sa akin eh." sabi ko sa kanya. Naglalakad kami papunta sa isang kiosk upang mag aral habang hinihintay ang first subject namin. Pinagtitingan kami ng iilang studyante, hindi pala, siya lang. Pinagtitinginan siya ng mga babaeng studyante. "Narinig ko naman na sinabi mo ang sekreto ko." sabi niya, tonong nagtatampo. Pabiro ko siyang hinampas sa braso at tumawa. "Wala namang maniniwala sa akin eh." pagdadahilan ko. "Kapag tuli na ba ako, pwede na akong manligaw sa'yo?" tanong niya nang seryoso ang mukha. Hindi ako sumagot, nanatili akong tahimik at kunwari nagbabasa ng algebra book. "Sana maintindihan mo kahit pabaliktad mong binabasa ang libro.." mahinang pagkakasabi pero narinig ko ang bawat detalye ng mga salita. Kahit malaki ang tiwala ko sa kanya, hindi ko siya masabihan ng relasyon ko sa buhay. Hinding hindi ko sasayangin ang pagsisikap ni Paris upang maging lihim aming relasyon at aking pagbubuntis. Alam kong ginawa niya iyon upang hindi makarating sa'king mga magulang, kapag nakarating iyon mawawasak ang anim na taong pagsusumikap at pagtitiis ko ng sekondarya. Hindi pa ang tamang oras na sabihin sa kanya ang totoo. Patawad Bill, kahit magpatuli ka, hinding hindi mangyayari ang panliligaw mo sa akin dahil nakatali na ako sa iba. Ngumiti ako sa kanya at tumayo nang marinig ang Alarm, hudyat ng unang klase ng unang asignatura. "Hindi kita susukuan.." aniya at huminto sa pintuan ng aming silid habang nakukuha niya ang atensyon ng mga babaeng dumadaan. ~*~ Matapos ang klase sa umaga ay sabay kami ni Bill na pumunta sa isang Mall. Biglang nag anunsyo ang school na walang pasok mamayang hapon dahil magkakaroon ng meeting ang mga teachers sa gaganaping nalalapit na graduation ceremony. Naiisip ko pa lang na andoon si Paris na naka suporta sa akin ay kinikilig na ako at sa araw rin iyon ay sasabihin ko kina mama at papa ang tungkol sa amin. "Carole, dyan ka muna sa arcade, bibili lang ako ng pagkain sa foodcourt." Tumango ako at pumunta sa nasabi niyang libangan. Pumunta agad ako sa isang video games upang maglaro ng tekken nang mapalitan aking mga coins to token. Dahil abala sa pag-aaral, hindi na ako nakakapaglaro ng tekken. Na miss ko rin ito! Solo akong naglaro pero nang matapos at hindi pa nangangalahati si Bill sa pila ng paborito niyang Shawarma ay naghulog ulit ako ng token. Saktong umpisa nang na decline ang match dahil may biglang nag hulog ng token sa kabilang slot. Kumalabog ng husto ang puso ko nang maamoy ang pabango ng asawa ko at hindi nga ako nagkakamali, pagka angat ng aking ulo ay saktong pag upo ni Paris katabi kong upuan. Naka hoody jacket siya na bagay na bagay sa kanyang magulong ayos na buhok at itim na makinang na hikaw. "Wala kang trabaho, asawa ko?" Tanong ko sa kanya. Pagkaka alam ko Lunes ngayon bakit hindi siya pumasok? Naalala ko ang babaeng nakabangga ko sa kabilang Mall, may duda ako sa kanilang dalawa pero hindi na ako nagsiyasat pa. Kung mahal niya ako, kahit di niya ako maalala ay hindi niya magagawa iyon. "Tsk, wag mo nga akong tawagin ng ganyan, akala ko ba gusto mo ilihim ang relasyon natin?" tanong niya. Tumango bilang sagot. "Eh, bakit ka andito?" "Anak ako ng may-ari ng kumpanyang tinatrabahuan ko. Masusunod kung gusto kong pumasok o hindi." Hindi ganito si Paris noon. Masumikap siya at hands on sa EN Line Corporation. Lalo na nong pumatok ang kanilang modern design furniture sa ibang bansa na sa kanyang idea mismo kinuha. Hindi ako nagkapagsalita, hinayaan kong matalo ang karakter ko ng karakter niya. Huminga siya ng malalim at naghulog pa ulit ng token. "Ang matatalo sa every round dapat tatanungin ng mananalo at ikaw bilang talunan dapat sumagot ng buong katapatan." bigla niyang ani. Ngumisi siya nang mapatingin ako sa kanya. Biglang nag umpisa ang laro at kailangan kong makuha ang pagkakataon na ito upang magtanong tungkol sa kanyang whereabouts nitong mga nakaraang araw. Pero sa hindi inaasahan ay natalo ang aking karakter sa unang round. "Sinadya mo bang magpabuntis upang hindi ako makawala sa'yo?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. "Kung tatanungin mo rin naman ako ng ganyan edi sana hindi mo na lang ako pinagutan, eh ba't ka pumayag na magsama tayo ng isang bahay?" Uminit ang dugo ko sa kanya. Ngumisi siya at may binulong. Akala ko ba magkasangga kami? Ah, oo nga pala. Nawala ang alaala niya, kasabay ng pagkawala ng respeto niya sakin bilang asawa niya. Maghintay ka Paris kapag nanumbalik na yang mga alaala mo, kahit siguro halik hinding hindi ko igagawad sa'yo. Sa ikalawang rounds ay ako ang nanalo. Nag-inat ako ng leeg at tamad na tumingin sa kanya. "Saan ka nagpupupunta tuwing gabi? May babae ka ba?" Kumunot ang noo niya nang tumingin sa akin. "Anong kl-"seng tanong na naman ba yan. Dinugtungan ko na ang nais niyang sabihin. "Ikaw bilang talunan dapat sumagot ng buong katapatan." ginaya ko ang paraan niya ng pagsasalita kanina. "Kaibigan lang," iniwas niya ang kanyang mata. Hindi ako nakumbinsi. Malalaman ko rin yan Paris. Naisip ko maging Cat Woman na nakasunod sa kanya tuwing gabi. Umiling iling ako, ang exag naman, magpapa ronda na lang siguro ako ng pulis. Nag umpisa na ng ikatlong round, hindi pa ako nakakaumpisa ay na knockout na ang karakter ko. Tangina, ang daya! "Sino 'yong kasama mo kanina? Boyfriend mo?" Seryoso niyang tanong at tinaasan ako ng kilay. Hindi pa ako nakakasagot ay bigla siyang tumayo upang makaalis sa Arcade. Sumunod naman ako sa kanya habang tinatawag ang kanyang atensyon. Malaki aking hakbang upang maabutan siya. "Paris, nagkakamali ka.." Nang maharangan siya ay mag dadahilan na sana ako nang biglang may humablot sa aking bag. Sa isang matinong lalake kapag may nakita silang ganitong insidente normal lang sa kanila na tulungan ang babae pero siya'y nanatiling nakatayo at walang ka emo emosyong nakatanaw sa tumatakbong lalake na humablot sa aking bag. "Magnanakaw!" Sigaw ko. Hindi pwedeng mawala ang bag na 'yon. Nandoon lahat ng gamit ko! Hinabol ni Bill ang magnanakaw nang marinig akong sumigaw ngunit si Paris ay nanatiling walang kibo. "Di mo na kailangan ng isa pang tutulong sa'yo. Your knight of the shining armor comes to save you..." Sarkastiko niyang ani at kalmadong naglakad sa kabilang direksyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD