Kabanata V

1721 Words
"Always gonna be an uphil battle, sometimes I'm gonna have to lose!" Patungo kaming canteen ni Bill habang dala dala ko ang copy ng lyrics na kakantahin namin para sa graduation. Hindi ko pinapansin ang mga babaeng nangangamusta sa kanya at ang mga naiirita sa akin dahil kasama ko siya. Nang mapiyok ang boses ko sa mataas na parte ng kanta ay nakita kong muntik na matumba ang babae sa inuupuan niya. "Wag ka na kasing kumanta, napapahamak ang mga tao dahil sa'yo." pang aasar sa akin ni Bill. Umalis ang babae dahil siguro sa kahihiyan lalo na't nakita ni Bill iyon. Agad akong umupo sa pinanggalingan niya nang makita ang dami ng mga iba pang studyante ang paparating sa Canteen. "Sasaya talaga ako pag binilhan mo ako ng pagkain pero mas lalo akong sasaya pag nilibre mo ako." sabi ko nang nakangiti. Ngumiwi si Bill at pumunta sa counter upang bumili ng pagkain.  Pagbalik niya'y dalawang tray na ng pagkain ang dala niya. Nang makita ang hilaw na mangga at bagoong ay iyon ang una kong kinain. Netong mga nakaraang araw, parati akong naghahanap ng makakain, hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero pinipigilan ko ang sarili ko na mabusog. Baka kasi pag tumaba ako ay mapansin nilang pagbubuntis ko. "Totoo ba 'yong chismis dati? Na buntis siya?" napahinto ako nang marinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang magkaibigan saking likuran. "Siguro? Pag nalaman ng school yan tapos hindi pinagutan ng Ama, automatic kick out yan, makikita mo." Tuluyan akong lumingon para makunpirma kung sinong tinutukoy nila. Nakahinga ako ng maluwang nang direkta ang kanilang paningin sa isang babaeng studyante. Mabuti naman at hindi ako, dati na akong naging laman ng balita sa school, sa tulong ni Paris ay bigla na lang itong nawala na parang bula. "Ba't parang apektado ka sa pinag-uusapan nila?" Biglang tanong sa akin ni Bill habang abala siya sa kinakaing fries. "Buntis ka rin ba?" Abala siya sa kanyang phone nang tanungin niya ito sa akin. "Ha? Hindi ah." Agaran akong tumanggi. "Biro lang.." Ngumisi siya, "Wala ka namang asawa hindi ba? Ba't ka mabubuntis?" Pinatong niya ang kanyang dalawang siko sa mesa at tumingin sa akin na para bang sinusuri niya ang bawat salitang bibitiwan ko. "O-oo nga!" Utal kong sagot sa kanya at binilisan ang pagkain ng mangga. Mahina siyang tumawa nang mapansin ang pagsawsaw ko ng mangga sa ketchup. "Para ka namang naglilihi..." Nabilaukan ako sa kanyang sinabi. Agaran niya akong binigyan ng tubig at bahagyang tinapik ang aking likuran. Habang ginagawa niya iyon ay seryoso siyang nakatingin sa akin. Napuna ko ang kakaibang pag aasal niya kapag kasama ako. Sana naman hindi niya maramdaman ang pagbubuntis ko lalo na't mag iisang buwan mahigit na ito sa sa aking tyan. Hindi niya dapat malaman, lalo na't kilala niya ang mga magulang ko at ganon din sila kay Bill. Nang matapos ang araw ay nagpasama ako kay Bill sa isang bookstore upang mamili ng gagamitin para sa final defense namin. Sa isang bookshelves ay nakita ko ang isang lumang magazine na si Paris bilang main image ng cover. Naka-corporate wear siya habang nakangiti. Pinadausdos ko ng aking hintuturo sa bahagi ng kanyang mukha. Kailan ko kaya ulit siya makikitang nakangiti, iyon bang ngiting totoo, hindi lang dahil naasar niya ako o may nakita siyang katawa tawa kahit hindi naman kaaya-aya. "Goncuenco..." Mabilis ko itong binalik sa shelves at tinignan si Bill. Hindi ko dala ang apilyedo ni Paris kahit kasal na kami, ang sabi sa akin ni Ms. Zasha tsaka na pag nalaman na ng mga magulang ko ang tungkol sa amin. Hinila ko siya paalis doon pero kinuha niya ang naturang magazine at tinignan. Napahinto ako sa kanyang ginawa. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Alam kong naging pamilyar si Paris sa kanya lalo na't sinusundo ako nito noong hindi pa siya nagkaka-amnesia at hindi pa ako buntis pero sana naman hindi niya ito panghinalaan. "Alam mo bang nakatagpo ko ito isang gabi sa bar na pinagtatrabahuan ko." Nakuha niya ang atensyon ko nang sinabi niya iyon. Si Paris? Isang gabi sa bar? Iyon ba ang dahilan kaya madalas siyang umuuwi ng lasing at hating gabi? Ang sabi niya sa akin ay kaibigan lang ang kanyang katagpo, sana naman totoo, kapag nakunpirma kong may babae siya baka tuluyan na talaga kaming masirang dalawa. Ni minsan hindi niya ako pinagtaksilan o hindi ko lang nalalaman dahil hindi naman talaga siya iyong tipong kayang sabihin ang kanyang mga kasinungalingan? "Bigla niya akong sinugod at binalaan na layuan daw kita." Ngumisi siya't umiling, ".. Ang sabi pa niya'y asawa ka daw niya. Kakatawa lang talaga." Napa atras ako sa gulat. Malinaw ang usapan namin na walang makakaalam ang tungkol sa amin hangga't hindi pa ako nakaka graduate. "Umuwi na tayo." Sabi ko at kinuha ang magazine sa kanyang kamay at nilagay ulit ito sa kanyang pinanggalingan. Hinigit ko siya paalis ng bookstore at agarang nagtawag ng jeep. "Hindi naman totoo, diba?" Tanong niya. Tumango ako at ngumiti. ~*~ 9:45o'clock ng gabi nang makarinig ako ng pagdating ng sasakyan ni Paris. Ganitong oras siya dumadating ng bahay pero kadalasan may tumatawag sa kanya sa phone kaya siya umaalis na naman tapos kung hindi madaling araw, bukas kinaumagahan siya bumabalik. Tinakpan ko ng kumot aking katawan hanggang ulo, upang hindi niya malaman na nagpapanggap lang akong natutulog. Plano kong sumunod sa kanya upang malaman ko rin saking sarili ang tungkol sa pagpunta niya ng bar ng ganitong oras. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto. Bigla akong nawindang nang inalis niya ang kumot na nakatakip sa akin. Nilakasan ko ang aking hilik habang sapilitan kong pinikit aking mata na kunwari'y tulog na tulog. "Baby boss, I love you..." Kunwari rin nananaginip ako. "Sira ulo.." Mahinang aniya at ngumisi. Maya maya pa'y nakarinig ako ng malakas na tunog mula sa kanyang cellphone. Naramdaman ko ang paglabas niya sa kwarto ngunit hindi ko na narinig kung ano ang sinagot niya sa taong tumawag sa kanya. Dali dali akong bumangon at nagsuot ng black pants at t-shirt. Sigurado akong aalis yan sandali lamang at hindi nga ako nagkakamali! Narinig ko ang pag andar ng kanyang sasakyan, ni lock ko ang pinto ng bahay bago tuluyang makalabas. Nagtawag ako ng taxi upang sundan siya. "Manong, pakisundan po yang itim na raptor." Sabi ko at tinapik sa balikat ang driver. Nakarating kami sa isang busy street ng Makati. Marami pang buhay na buhay kahit sa ganitong oras. May mga taong papunta sa gimikan at sari saring tunog mula sa kahit anong klaseng sasakyan. Huminto ang sasakyan ni Paris sa isang bar. Tama nga ang hinala ko at ang sinabi ni Bill sa akin. Naramdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib pero nilakasan ko pa rin ang aking loob. Hindi dapat ako panghinaan kung sakaling ma kumpirma kong may babae nga siya, pero ang tanong... Handa ba ako kung sakaling totoo nga 'yon? "Bawal ang menor de edad dito.." Ani ng isang bouncer nang sinubukan kong pumasok. "Kuya. Paano mo nasabing menor de edad ako?" Hindi ko naman dala ang birth certificate ko ah. "Sinong matinong papasok sa bar nang naka hello kitty ang damit." Bigla kong tinakpan ang print ng aking t-shirt. Ganon ba ang basehan niya para malaman kung menor de edad ang isang tao? Kakainis lang. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "..At walang dede." patuloy niya. Nakaramdam ako ng pang-iinsulto, gusto kong magalit at magsabi ng masasamang salita. Umalis ako roon at nagisip ng paraan nang may grupo ng kababaihan ang pumasok sa kabilang entrance ay sumunod ako roon. Inaantok ang bouncer na nagbabantay roon kaya ako nakapasok. Nilibot ko aking mata sa kabuuang lugar. Medyo madilim, malilikot na mga sari saring kulay ng ilaw, at malakas na sounds system. Marami ring taong nagsasayaw, mapalalake man o babae. Bigla kong tinakpan aking mata nang may madaanang naghahalikan sa 'king tabi pero agad ko naman itong inalis, hindi na dapat bago 'yan sa paningin ko, mahigit pa riyan ang nagagawa namin ni Paris noon. Nakita ko si Bill sa isang counter sa hindi kalayuan kaya agad akong lumayo roon. Kapag nakita niya ako rito ay magtataka iyon, at bibigyan ko lang ng katotohanan ang sinasabi niya kanina sa bookstore. Dito ko nakita si Paris na pumasok pero saan na nga ba ngayon dito? Nakipagsiksikan ako sa mga sumasayaw, upang mahanap siya. "Excuse me!" sigaw ko sa kabila ng maingay na kapaligiran pero ni isa walang nakarinig. Pumunta ako sa isa pang counter nang hindi ko kinaya ang makipagsiksikan. Umorder ako ng juice at umupo sa isang stool chair. Napagpasyahan kong aantayin ko na lang na makita ng mga mata ko si Paris ng sa ganon ay hindi naman ako mapagod. Ilang minuto ang lumipas nang makaramdam ako ng antok pero ang kasiyahan at hype vibe ng lugar ay hindi pa humuhupa. Pumunta ako sa gitnang gawi kung saan maraming tao ang nagsasayaw dahil malapit doon ang exit door nang maramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso sa aking tyan. Napatalon ako sa gulat nang maramdaman rin ang kanyang labi sa aking tenga. "Hey," simpleng aniya pero naging dahilan iyon ng pagtindig ng aking mga balahibo sa katawan. Napako ako sa kinatatayuan ko nang magsimula siyang sumayaw mula sa aking likuran. "Wanna enjoy the night?" Tanong pa nito sa akin. Naramdaman ko ang paglakbay ng kanyang labi sa aking leeg. Hindi ito tuluyang dumadampi sa balat ngunit ang init ng kanyang hininga ang nagdadala sa akin patungo sa kakaibang sensasyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko't bakit hindi ko nagawang magpumiglas man lang. "T-teka.." Pumasok sa isip ko na hindi tamang maaliw sa ibang lalake maliban kay Paris kaya sinubukan kong alisin ang nakapalupot niyang braso sa akin. "May alam akong lugar na mas maganda rito." aniya. Ngunit hindi nagtagal ay naging pamilyar sa akin ang boses na iyon. Paglingon ko'y nagkadikip bigla ang dulo ng ilong namin, na amoy ko rin ang alcohol sa kanyang hininga habang seryoso itong nakatingin sa akin at ganon din ako sa kanya. Mahal ko siya kaya kahit hindi ko siya nakita ay kilala naman siya ng katawan at isip ko. "At saang magandang lugar naman yan?" Inabot ko ang kanyang bibig at bumulong. Sinadya ko rin na idikit ang aking labi rito gaya ng ginawa niya sa akin. Ngumisi siya. "Sa bahay natin." mas lalong humigpit ang nakapalupot niyang braso sa akin at unti unting naging madilim ang kanyang pagtingin na wari'y ang laki ng kasalan kong pagsunod sa kanya rito. "Uwi." ma-awtoridad niyang utos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD