Kabanata II

1747 Words
"Anterograde Amnesia due to traumatic event," Sabi ng doctor habang hinawakan ko ang xray result ni Paris.  "What does it mean, doc?" Tanong ni Ms. Zasha na kasalukuyang nakaupo katabi ko. Hinahawakan niya aking kamay upang maibsan ang aking pangamba. "When someone having that kind of amnesia, most likely they lose existing and previously made memories. Old memories, such as memories from childhood, doesn't usually affect maybe some of it but not entirely. Kaya kapag nakilala niya si Carole 2-3 years ago, hindi imposibleng malilimutan niya rin ito." Dumurog ng husto sa aking puso ang aking mga narinig. Bagong kasal, bagong buhay pero ba't ganito ang nangyari sa amin? Paano kami magsasama ni Paris kung di niya ako maalala? "The severe head injury affects his memories. We'll see who are and what he forgets, so far ikaw pa lang Carole. " Dagdag ng doctor habang may binabasa sa computer sa harap niya. "A-ano po bang pwede namin gawin upang manumbalik ang mga alala niya?" Pautal utal kong tanong sa kanya. Huminto siya sa binabasa at tumingin sa akin, "Other than prescribed medicines, ang mga nakaraang pangyayari sa buhay niya ang maaaring makatulong. He will soon to visualize familiarity to some of it." Ngumiti ang doctor at inayos ang kanyang salamin sa mata, "Make him remember things." Kung sabihin ko sa kanya na may anak siya sa akin, maaalala kaya niya? Hindi ko alam ang dapat na gagawin. ~*~ Pabalik balik akong naglalakad habang nilalaro ang aking kuko. Hindi ko alam ang gagawin lalo na't titira kami sa iisang bubong kahit hindi siya makaalala. "Where's Paris?" Napangitingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses ng isang matandang babae. Nanlaki aking mata nang makita ang ina ni Paris. May gwardyang nakasunod sa kanya habang pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa agaw atensyon niyang awra at malakas na tunog ng kanyang paglalakad gamit ang suot na heels. Pinipigilan siya ni Ms. Zasha, ngunit hinahawi nito ang kanyang kamay. "Ma, wag kang mag iskandalo rito. Hospital to, hindi mo to pamamahay!" Mahinahong ani ni Ms. Zasha sa kanya. Bahagya akong nagtago sa isang pader upang hindi niya ako makita. "Zasha! Dahil sa babaeng 'yon napahamak ang kapatid mo!" Tumungo ako sa aking narinig. Ikatlong beses lang akong pinakilala ni Paris sa kanyang ina. Ang kapag sa tuwing nagkakasalubong ang landas namin ay hindi naging maganda ang pakikitungo niya sa akin. Naalala ko minsan ang huling beses akong dalhin ni Paris sa kanilang bahay. Okasyon iyon at pinaghandaan ko maging presentable sa kanyang mga magulang. Maraming taong nakadamit suit and tie at long gown, mga hindi ko kilala ang mga bisita pero halatang mayayaman. "Mano po," Hinawakan ko ang kanyang kamay upang magmano ngunit marahas niyang itong hinawi at umalis. Dahilan ng pagkakaroon ng kaunting kaguluhan sa gabing iyon. Ang kakahiyan na iyon ang nagtulak sa akin na hindi na muling magpakita sa kanya. Naaintindihan ko naman na mas pipiliin niyang kaedad at matagumpay na dalaga para sa anak niya. Pero hinding hindi iyon magiging dahilan para iwan ko si Paris. I understand how much he loves her son at ginagawa niya ito upang protektahan si Paris, pero bakit nilalayo sa akin? Hindi naman ako masamang tao. Naputol aking pag-alaala nang maramdaman ang malakas na sampal. Nang lumingon kung kanino ito galing ay nanlaki aking mata. Nanlilisik na nakatingin sa akin si Mrs. Goncuenco sa akin. Marahas niyang hinigit akong braso palapit sa kanya at dinuro ako sa mukha. "Ang kapal ng mukha mo para alisin sa buhay namin ang anak ko!" "Ma-Ma'am," Takot ang nagdala sa akin para lumuha. Hindi ko na napigilan ito lalo na't kaharap ko ang kanyang ina. "Sa huling pagkakataon, huwag na huwag mong akitin ulit ang anak ko!" Maharas niya akong binitiwan dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Agad dumalo si Ms. Zasha sa akin. Parehong nanlaki ang mata naming nang may dugong dumaloy galing sa akin habang si Mrs. Goncuenco nama'y napako sa kanyang kinatatayuan. Nakatayo lang ito habang nakatingin sa dugong dumadaloy, inangat nito ang mata upang tingnan kami pareho ni Ms. Zasha. Naramdaman ko ang pag kirot sa may bandang tyan ko at sumigaw dahil sa pagkagulat. Hindi maaari! "Isang dahilan kung bakit hindi ko gustong kunin niyo si Paris kay Carole, Ma. Magkakaanak sila! at ayaw kong lumaki ang bata nang hindi nakikilala ang ama." sabi ni Ms. Zasha. "Z-zasha.." Tulala itong nakatingin sa akin habang tinutulungan ako ng mga nurse na iakyat sa stretcher. Marahil sa mga oras nito ay iniisip niyang nagpabuntis ako kay Paris upang may dahilan ako na hindi lumayo sa kanya. Isang malaking kasinungalingan, ni minsan hindi sumagi sa isipan ko ang magpabuntis para lang hindi ako iwan ng lalakeng mahal ko lalo na't gagraduate ako sa taong ito. Nagulat din ako na malaman ang impormasyon nito pagkatapos ng pagsusuka at pagkakasakit ng netong mga nakalipas na araw. Nanganib rin ang buhay ko nang malaman ng isa kong kaklase ang tungkol sa aking pagbubuntis nang makitang may hawak akong pregnancy kit sa loob ng Girls Comfort room. Laman ako ng balita sa school 'non hanggang nakarating sa faculty room dahilan upang mapilitan kaming magpakasal ni Paris. Panuntulan ng school namin kung buntis ako at hindi ako kasal ay maaari akong ma kick out sa school. Sa ganitong paraan ay ma preserved ng school ang kanilang magandang imahe sa buong Pilipinas. Takot akong matulad sa mga iilang studyanteng hindi nakagraduate dahil hindi pinagutan ng ama ang kanilang pinagbubuntis at takot na makarating sa magulang ko ang tungkol sa akin, kaya kinausap ni Paris ang principal at ang head director ng school. Hindi ko alam ang buong nangyari, pero kinabukasan noon ay biglang naglaho na parang bula ang balita at laking gulat ko nang hindi tinawagan ng school namin sina Mama at Papa. Isang kundisyon lang ang alam ko ang namagitan kina Paris at ang school namin, ang hindi pagsisibak sa akin at paglilihim ng aming sekretong pag-iisang dibdib kapalit ng dokumentong nagpapatunay na kami ay kasal... Ang marriage contract. Ilang linggo ang lumipas nang makalabas kami ng Hospital at naging okay naman ang kalagayan ng aking anak. Sakay ng Mustang, patungo kami sa naturang bahay kung saan dapat kami ni Paris patungo noong gabing kami ay naaksidente. Lumingon ako sa katabi kong si Paris na tahimik na nakatingin sa daan habang si Ms. Zasha o kikilalanin kong Ate ang nagmamaneho sa harapan. Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay pero marahas niya itong iniwas. Bumuntong hininga ako, hindi niya ako kinakausap. Kailan ba ako kakausapin ng lalakeng 'to? "Make him remember things sabi ng doctor, I'll let him stay with you, Carole hanggang maalala ka niya. Do your best!" Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Ms. Zasha. Mabait, maginoo, maunawain ang Paris na kilala ko pero bakit ganito siya ngayon? "Seriously? Paano ko naging asawa ang babaeng dugyot na 'to?" Tanong niya kay Ate Zasha at ginagawaran ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "..At nabuntis ko pa?!" Para bang nagtataka siyang nabuntis niya ako. Mahal ko siya pero parang gusto ko siyang batukan sa ulo. "Paris, you fell inlove with her." Simpleng sagot ng kanyang ate. I heard him smirk. Ganito ba talaga ang kulay ng lalakeng minahal ko? Nag tatransform lang siya tuwing kasama niya ako dati? "Leron Leron sinta, buko ng papaya. Dala dala'y buslo, sisidlan ng sinta.." Biglang kong kanta. Ang kanta niyang iyon ang napagpabihag sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing natatawa ako dumadagdag ang kagustuhan kong mahalin siya. "Tangina, anong kanta na naman yan?" Tanong niya nang kantahin ko ulit ang isa sa mga kanta namin noon. Akala ko ba naalala niya mga kabataan niya, wag niyang sabihin, hindi niya minsan narinig ang kantang ito noon? "Harana mo sa akin noong nanliligaw ka pa." Nasamid ng kanyang iniinom si Ms. Zasha at mahinang tumawa. "What the f**k," Mahina niyang bulyaw at Umiling dahilan para umikot aking mata. Huminto ng pagmamaneho si Ate nang nag red light. Napansin ko ang pamilyar na plate number ng isang lumang ranger. Kung hindi ako nagkakamali kina Mama at Papa iyon! Nakasakay sa likuran ang nakakabata kong kapatid na si Daniel, habang karga karga niya ang aso naming itim na American bully na pinangalanan kong si Hulk. Napangiti ako nang makita sina mama at papa sa loob. Bata pa lang ako, tinuruan na ako ni papa na ang edukasyon ay isang mahalagang bagay na kanilang mapapamana sa aming magkapatid. Kaya upang makabawi sa kanilang paghihirap para sa amin ay nagaral ako ng husto ngunit dahil sa aking kapusukan ay nag iba ang lahat ng iyon. Nasasaktan ako dahil nilihim ko kina papa ang tungkol sa aking pagbubuntis pero kailangan. Ang sabi ko sa kanila tatlong buwan ako mamamalagi sa dorm malapit sa school upang makapagaral ng finals hanggang sa makagraduate pero ang hindi nila alam ay nagpasakal at tatakas kami ni Paris noong gabing iyon. Ni hindi nila alam na aksidente ako. Kilala ko siyang strikto at matapang, baka nga pagmakilala niya si Paris ang nakabuntis sa akin ibitin niya ito nang patiwarik sa araw. Ayaw kong magaya si Paris sa akin na kinamumuhian ng isang ina, gusto sabihin ang totoo sa kanila sa maayos na paraan at hindi pa ang tamang oras ngayon. Tatlong buwan na lang pa, ga graduate na ako at makikilala niyo na rin ang apo niyo. Pagkatapos kong sabihin sa aking isipan ay nauna kaming humarurot. Sa kalagitnaan ay huminto si Ate sa tapat ng isang mall, ang sabi niya'y bibili kami ng kakailanganing kagamitan sa bahay. Naiwan si Paris sa loob ng sasakyan habang kami namang dalawa ni Ate ang pumasok sa isang convenient store. "Ate Mag c-cr lang ako." sabi ko nang maramdaman ang tawag ng kalikasan. Tumango si ate habang hindi inaalis ang tingin sa mga naka display na rice cooker. Agad akong umalis doon at sa pagmamadali ko'y may isa akong nabunggo. "Aw." Tumilapon naman ang mga dala niyang gamit. Nang maiangat ko ang aking tingin ay napansin kong hindi ito basta bastang tao lang. Matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan na animo'y isang modelo ng mamahaling alak. Nakaramdam ako ng pangliliit. Kung ganito ako kaganda kahit magka amnesia si Paris ay hindi iyon magtataka kung bakit ako napangasawa niya. "Sorry!" Agad akong yumuko upang tulungan siyang kunin ang mga gamit nito sa sahig. Nang hindi sinasadyang nabuksan ko ang kanyang wallet. Sa loob noon ay mga ATM Cards at litrato niya kasama si Paris. Hindi ko nakuha ang ibang detalye dahil kinuha niya ito sa aking mga kamay atsaka umalis. "Thank you." Napako ako sa kinatatayuan ko kahit hanggang narinig ko siyang magsalita. Ano ang ibig sabihin 'non, Paris?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD