Kabanata I

1304 Words
"Michael Bassey Johnson said that True love is not a hide-and-seek game; in true love, both lovers seek each other."  Nakapalumbaba akong nakikinig sa guro ko sa harap. Math subject pero ang tinuturo niya sa amin ay tungkol sa kanyang buhay pag ibig noong kabataan niya. Mukha niya ay parang may inaalala sa nakaraan, nilalaro nito ang buhok habang namumulang pisngi itong nagsasalita. "Ma'am, masarap ba ang magmahal?" tanong ng kaklase kong nagtaas ng kamay. Mabilis itong tumango at umupo sa kanyang upuan. "Sobrang sarap, lalanggamin sa sobrang tamis--" hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang may biglang nagsalita, isa rin sa mga kaklase ko. "Ba't single ka parin hanggang ngayon ma'am?" nagtawanan halos ang buong klase. Napansin ko ang malungkot na animo'y sawing kapalaran ng aking guro sa kanyang naging buhay pag-ibig. Tumingin ako sa kaklase kong nagsabi noon at pinagdilatan ko ito ng mata. Napansin niya ako kaya bigla siyang tumahimik at sinusuway ang mga iba pang nakitawa. Guro 'yan at hindi yan kahit sinong tao lamang. "At kapag nagsawa'y tila isang panis na pagkaing nilalangaw.." patuloy ni Ma'am Jasmine. Yumuko ito at nang iangat ang ulo'y matamis itong ngumiti. Natahimik ang kapaligiran nang mapuna ng mga kaklase ko ang kanyang biglaang pag iiba ng reaksyon, "Okay! Let's start the discussion.." aniya. Naramdaman ko ang pag vibrate ng aking phone sa aking armchair kaya agad ko itong kinuha. Sabik na makita ang mensahe ng aking kasintahan.. 'Tapos na kayo? Nasa labas ako' Agad kong tiningnan ang orasan at mapunang alas 12 o'clock na ng tanghali. Hindi ni minsan naging huli si Paris sa pag se-send ng text messages sa akin lalo na't tuwing tanghali at sabay kaming kumakain. Pagkatapos ng trabaho niya'y dumediretso siya sa akin. Hatid sundo niya rin ako araw araw, at tagapangalaga ko siya tuwing nagkakasakit ako. Lalanggamin sa sobrang tamis... "Saan ka pupunta Ms. Maghirang?" Tanong ni Ma'am Jasmine nang mapunang dali dali kong sinuot ang aking bag. Tinuro ko ang wall clock sa ibabaw niya at sumunod naman aking mga kaklase, nag uunahan pang makalabas ng pinto ng classroom. Gaya ko rin sila, lahat kami may mga nobyo at nobya. 'Yong guro lang namin ang wala,  "Ganon ba ako katagal nag kwento?" Tanong niya sa sarili. Nasa hallway pa lang ako nang huminto ako at dali daling kinuha ang aking munting salamin at lip balm. Nilagyan ko ang aking labi, at pulbo rin para sa aking pisngi. Sinuklay ko ang aking nakalugay na buhok gamit ang aking mga daliri at tiningnan ko aking unipormeng suot sa aking repleksyon nang madaanan ang isang one-way mirror. Alam kong maraming nakakahalubilong mga magaganda at mga kaedad nyang babae si Paris sa kanilang opisina. Isa sa mga kadahilanan kung bakit minsan nagtatampo ako tuwing may nakakasalubong kaming kakilala niyang babae. Pero noon iyon, ngayon imbes na magtampo, nagpapaganda ako lalo. Pitong taon ang agwat namin ni Paris, Dalawang pu't limang taong gulang na siya at ako nama'y kaka dyese otso pa lang, umaasa akong maraming pang pagbabago ang magaganap. Ang aking anyong tao lamang ay magiging anyong dalaga rin balang araw. Nakangiti ako nang maalinag ang isang napakagwapong nilalang. Pag mahal mo talaga ang isang tao, kahit malabo ang mata mo sa malayo ay makikilala mo parin ito. Bakat ang malaking braso nya sa suot na long sleeve shirt, nakaupo ito sa harap ng kanyang sasakyan habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa magkabilaang bulsa ng kanyang slacks dahilan kung pag bakit siya'y pinagtitinginan ng mga studyanteng nakakasulubong siya. Agad akong dumalo sa kanya pero nang ilang metro pa lamang ang aking layo ay bigla akong nadapa, mismo sa harap niya. Napansin ko at pagtigil na pagtawa ng ilang studyanteng nakakita. Nawa'y kahit nakakahiya, kayo sana kainin ng lupa! "Di naman ako lalayo eh ba't kailangan pang tumakbo." Dumalo siya sa akin para tulungan ako sa pagtayo. Sa totoo lang, sinadya kong hindi agad tumayo para buhatin niya ako. Kilala ko siyang maginoo at maunawain, hindi gaya ng mga kaedad kong lalake, siguro'y tatawanan ka lang nila't sisipain. Hinimas niya ang aking tuhod. Thanks God! Wala akong ni isang galos, "Gutom na ako." sabi ko sa kanya. Tumawa siya at ginulo ang aking buhok. ~*~ 'Stuck on you, I've got this feeling down deep in my soul that I just can't lose.' Sa gitna ng kanyang pagmamaneho ay pinatugtog niya ang aming paboritong kanta. Hinalikan niya ang likuran ng aking kamay nang hindi inaalis ang mga tingin sa daan. Mabilis ang pag t***k ng aking puso. Napakagat labi ako, unang pag ibig ko ito at unang lalake kong minahal. Ni minsan ay hindi sumagi sa'king isipan ang magiging kapalaran ko sa tuwing kasama ko siya. Naging distruction at inspirasyon ko siya sa pag aaral. Siya lamang ang nakikita ko na makakasama ko sa hinarahap, pero bakit? Bakit kung saan kami magsisimula ay gusto na agad tapusin ng tadhana? Alam kong may plano ang panginoon at hindi ko akalain na sa ganitong paraan kami hahantong. "Carole." Napadilat ako ng marinig ang boses niya kasabay ng pamilyar na kanta. Unang naalinag ko ang puting kisame at puting bagay na nakatabon sa bintana. Amoy hospital at isang panaginip.. Panaginip at alaala na lang ba ang masasayang araw na iyon? Napaiyak ako nang masagi sa isipan ang mukha ni Paris na naliligo sa sariling dugo. Naramdaman ko ang pagbigat ng aking likuran nang sinubukan kong bunganon, tila ba ilang linggo o buwan akong nakaratay sa higaan. Naka hospital gown ako at may dextrose na nakatusok sa aking kamay. May pumasok na nurse at nang makita akong gising ay agad siyang lumabas upang tawagin ang doktor. Naalala ko bigla ang aking pingbubuntis at mabilis kong hinawakan ang aking tyan. Agad na dumalo ang doktor at ang nakakatandang kapatid ni Paris.. si Ms. Zasha. Duda ko na marami na ang nakakalam sa aming relasyon kabilang na ang mga magulang ni Paris pero siya lamang ang tanging nakakaalam ng aming patagong kasal. "M-ms. Zasha... Ang anak ko po?" Tanong ko sa kanya. "Wag kang mag alala, safe ang sangol." Nakangiting aniya. Nakahinga ako ng maluwag, mabuti naman. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya. "Eh si Paris po?" Malungkot niya akong nilapitan at dahan dahang hinawakan ang aking kamay. Bakas sa mukha niya ang pag aalala at lungkot. Nag umpisang nanginig ang aking kalamnan nang di siya agad makasagot, wag niyang sabihin.. "Ate!" "Calm down, mali ang iniisip mo." Aniya, "Doc, please samahan niyo po kami kay Paris." Agad tumango ang doctor at pinaupo ako sa isang wheel chair habang si Ms. Zasha naman ang nagtutulak nito para sa akin. Nakatulala akong nakatingin sa kawalan habang hindi mawala sa isip ko kung anong nangyari kay Paris. Sana walang nangyaring masama sa kanya, sana naiisip niya rin ako at nag aalala rin siya sa akin. Nang magbukas ang isang pinto ay parang unting unti akong ginigising kasabay ng pagpasok namin rito. Nasa isang sulok ang isang lalake habang malayong nakatanaw sa labas ng bintana, gaya ko may suot rin siyang hospital gown at may bendang nakabalot sa kanyang noo. Gumuhit ang ngiti sa aking labi, para bang naalis lahat ng pangamba at pinalitan ng saya nang makita ng mga mata ko si Paris. "Paris..." Pagkuha ni Ms. Zasha ng kanyang atensyon. Unti unti itong lumingon sa aming direksyon lalo na sa akin... "Baby boss..." Nakangiti kong sabi nang sabihin ko ang paminsang tawag ko sa kanya tuwing masaya ako at kahit nangangalay ang aking paa'y dumalo parin ako sa kanya upang yakapin ngunit hindi ko pa nahihigpitan ay bigla niya akong tinulak, dahilan ng pagbagsak ko pabalik sa wheel chair. "Paris!" Bulalas ni Ms. Zasha dahil sa kanyang inasta. Pabalik balik ang tingin ko sa doctor, nurse, at kay Ms. Zasha, gusto kong tanungin kung bakit nagkakaganyan si Paris pero ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig dala ng pagkagulat. Nanahimik ang lahat kasabay ng unang kirot sa aking dibdib nang marinig ko ang mga salitang kanyang binitiwan... "Sino ka?! Kilala ba kita?! "   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD