TRANSFORMATION

2489 Words
"Magpahinga na muna kayo girls, lalabas lang ako then we will talk pagbalik ko," bilin sa amin ni Tita Frydah. Dinalaw na rin ako ng antok since late kami nakatulog kagabi dahil sa mga rooms nila. Anyway kahit ganoon masaya naman at isa pa mabuti nalang at weekend ngayon kaya okay lang matulog kahit alas diyes na ng gabi. Maya-maya lang ay nakatulog na din ako. Hindi ko na namalayan ang oras at nagising na lamang ako ng alas tres ng hapon. Ganun ang puyat ko kaya naman mahaba ang naging pagtulog ko. "Aghh nagugutom ako," sabi ko nang maramdaman kung kumukulo na ang tiyan ko kahit wala naman gatong. Bumaba na ako para makahingi ng pagkain sa katulong namin. Napag-alaman namin kay Tita Frydah na isa rin daw sub power iyong maid namin. Hindi ko na lang natandaan ang power nya dahil hindi parin kasi ako mayadong aware na may mga kapangyarihan ang kasama ko sa bahay na ito, which is nadagdagan pa ng anim na elementalist. Nasalubong ko pa si Tita Frydah habang naglalakad ako patungong kusina. Pupungas-pungas pa ako kaya naman ginulat nya ako dahil nga hindi ko sya masyadong napansin. "Hey Ayazairah what's with you honey," concern na tanong nito sa akin dahil para akong zombie na naglalakad. "Oww, sorry po Tita kagigising ko lang po kasi kaya you know," natatawang sagot ko nalang. Napansin ko naman na ang dami nyang bitbit. Puro iyon gamit sa school at uniform na katulad sa akin. "Hmm anong mayroon ang dami ko pang gamit ahh,"  bulong ko sa sarili ko. "Well, it’s not yours honey," sagot nito sa akin na tila nabasa ang tanong ko sa isip. “Manye tawagin mo na lang muna yung anim na bata, utos ni Tita sa maid . "Wait, how did she know what I’m thinking?"  Takang tanong ko sa sarili. "Because I can read your mind," simpleng sagot nya at sinisimulan nang buksan ang laman ng mga shopping bags na dala nya. Muntik na akong mapasigaw sa sinabi nya. Ano daw iyon pakiulit nga."Cause I can read your mind," at paulit ulit ko nga iyon na narinig. Hala mababaliw na yata ako. Kahapon lang halos hindi ko matanggap na isa akong prinsesa ng Elementalia at lahat sila ay may mga kapangyarihan. Ngayon naman ay kayang basahin ni Tita Fyrdah ang laman ng aking isip. "Ahm honey you will also learn that soon," nakangiti pang wika nito na tila naaaliw sa reaksyon ko. "Huh?" Nagtatakang tanong ko na naman. Magtatanong sana ulit ako kaso biglang bumaba na iyong anim na prinsesa. "Hi tita," bati ni Fayeth. Ang  jolly talaga ng isang ito na tila hindi nawawalan ng energy. "Come here girls galing nga pala ako sa school ni Ayazairah," panimula ni tita. "Ano pong ginawa nyo doon?”  Tanong ni Ariella. Ang next sa kabaliwan ni Fayeth. "I already enrolled you girls," masayang wika ni tita Frydah. Nais pumalakpak ni Tita ngunit natigil iyon dahil walang nagreact sa anim. "Epic," bulong ko" Alam mo iyong feeling na ang saya sana kaso hindi naman naintindihan ng mga kasama mo." Ahm girls ibig sabihin ni Tita ay papasok narin kayo sa school na pinapasukan ko," paliwanag ko sa kanila. Unang nakarelate si Tenanye, ang brilliant sa grupo. "Wow mag aaral na tayo dito sa mortal world,” masayang wika nito. "Hmm mukhang masaya ito at makakahalubilo natin ang mga tao," si Bruice naman. "Ahm ibig sabihin gagayahin natin ang ginagawa nila," malungkot naman na wika ni Alvara. "Yes, anyway dont worry girls kasi matututunan nyo din naman iyon." Pampalubag loob ni tita. "Ako magtuturo sa inyo nang ginagawa ng mga tao,"pagvolunteer ko. "Okay, sige thank you Princess Ayazairah," si Fayeth na halatang tuwang-tuwa na may kasama pang pagtalon. Isip bata talaga ang isang ito. "Cool I want it," si Ariella naman at sinabayan si Fayeth sa paglalaro I mean pagtalontalon. "Heto na ang mga gamit nyo girls." Isa-isa nang inabot ni Tita ang mga magiging gamit nila sa school para bukas. Pasukan na ulit bukas since Monday na naman. Ang bilis ng araw nakakatamad talaga pumasok pero mukhang exciting ngayon kasi may anim na akong kasama. As usual their things still corresponds sa kanilang. Favorite color din nila ang mga gamit nila na. Halos hindi naman magkamayaw sa sobrang tuwa iyong anim. Naalala ko tuloy nung first day of school ko noon sa high school sobrang excited din ako. Paano pa kaya itong anim na ngayon lang makakapag-aral sa mundo ng mga tao. "Okay na ba lahat ng mga iyan sa inyo?" Paniguradong tanong ulit ni tita. "Opo naku sobrang okay po," sagot naman ni Fayeth sino pa ba ang mangungunang sumagot sa sobrang hyper nito. "Talaga lang huh," pambabara naman sa kanya ni Ariella. "Thanks po tita Frydah for all this things," si Nixie naman na ngayon lang ata nagsalita. "It’s okay princess tungkulin kong ibigay ang kailangan ng mga elementalist," sagot naman nito. "Okay, so go to your room na at maaga tayo bukas dahil first day of school nyo," huling wika ni Tita kaya nagsiakyatan na kami papunta sa mga kwarto namin. Nakakapanibago talaga ang mga araw ngayon. Kung dati ay dadalawa lang kami ni Tita sa mahabang dining table, ngayon naman ay naging walo na kami. Masaya sa pakiramdam dahil nagmukha kaming malaking pamilya. Maya-maya lang ay nakita kong pababa na sila wearing their school uniform na katulad sa akin na parang sa korean schools. Blouse na white at may lining ng blue stripe sa paldang parang pang anime na kulay blue din. Two inches above the knee ang haba nito. Meron din kaming stripe na kurbata at white na medyas na hanggang tuhod na may pares na black flat shoes. Ang ganda nila tignan. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang mapansin ko ang mata ni Nixie. Hindi kasi normal ang pagkablue nito na tulad ng sa mortal na tao. "Hmm baka sadyang ganun lang,"  pagpapaniwala ko sa sarili ko kaya lang nakita ko ang mata ni Fayeth kaya nagpanic na ako. "Tita their eyes," bulong ko kay Tita. Paano nangyari iyon eh hindi naman ganun ang kulay ng mata nila kahapon ahh. Napagmasdan ko ngayon ng mabuti ang mga mata nila. Red ang mata ni Fayeth which symbolize as fire. Gray naman ang mata ni Ariella which is air elementalist. Green naman ang kay Tenanye bilang earth elementalist. Tama nga ang hinala ko natural na pagkablue talaga iyong kay Nixie dahil water elementalist siya. Si Bruice lang ang medyo normal ang kulay ng mata dahil ice power naman sya at brown naman ang mata ni Alvara which is lightning elementalist. "Ah siguro dahil sa kapangyarihan nila," konklusyon ko sa utak ko. "Dont worry honey may nakahanda na akong contact lens para sa kanila," wika ni Tita at biglang naglabas ng tatlong pares ng contact lens. Tatlo lang ang meron kasi hindi naman masyadong obvious iyong kay Ariella, Alvara at Bruice which are gray, black and brown. "Naku goodluck for Fayeth, Nixie and Tenanye for wearing a contact lenses," concerned na wika ko sa isip. "Waaahhh ouchh!" Umiiyak na reaksyon ni Fayeth. Muntik na akong matawa sa hitsura nito kasi halos hindi na niya maimulat ang mata dahil puro luha. Hindi nya talaga kaya gamitin iyong contact lens na para sa kanya. Hanggang ngayon amaze parin ako sa kulay ng mga mata nila. Ang astig tignan at alam mo na taga ibang mundo talaga sila. Maya-maya si Tenanye naman ang nagrereklamo. "Aghh bakit ba kasi ganyan ang kulay ng mata nyo," mangiyak-ngiyak narin si Tenanye. Puro basang tissue na ang nasa tabi nito. Nasa pinakamalaking restroom kami ng  bahay para kasya kaming apat. "Ohh Nixie kumusta ka naman?" Tanong ko kay Nixie na halos mapunit na ang lenses dahil sa pangigigil nito na maisuot ang mga iyon sa mata niya. "Whoo, I can’t wear this thing!" Nangigigil na sagot nya sa akin. Natatawa na may halong awa na ang pakiramdam ko sa kanilang tatlo kaya naman tinulungan ko na. Anong oras na din at baka ma-late na kami sa school. "Hey girls come with me."pagtawag ko sa mga ito na galit na sa lenses nila. "Since hindi pa kayo marunong  nyan ako na muna ang maglalagay sa inyo ngayon okay?" Nakangiti kong wika sa tatlo na natigil sa kanilang ginagawa. Nakita ko naman na halos umabot sa tenga ang ngiti ni Fayeth baliw. Nakahinga naman ng maluwag sina Tenanye at Nixie. "Ayy salamat naman atleast hindi na ako mababaliw sa contact lens na ito, wika pa ni Fayeth habang nakatitig sa mga iyon. "Ehh ano ka pa kaya ngayon?" Pambabara naman ni Nixie next sa kabaliwan ni Ariella. "Ito naman hayaan mo nalang sya Nixie," pang-aasar din ni Tenanye kaya inirapan sya ni Fayeth. Natapos ko din silang lagyan ng contact lens kaya nagpaalam na kami kay Tita Fydah. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa school. Pagkababa namin ay magkakasabay na kaming naglakad papunta sa room namin tutal magkakaklase lang kaming pito. Pakiramdam ko ngayonm ay para kaming mga bida sa isang movie kung saan naglalakad ng slow motion. Akala ko namamalikmata lang ako pero kaming pito pala talaga ang tinitingnan ng mga schoolmates namin. "Just cool," bulong ko sa isip. Nakarating din kami sa room namin sa wakas. Syempre dahil transferee sila kaya kailangan nilang magpakilala. Actually nag change narin sila ng hitsura para naman mas makikilala sila as a normal human and not the magical one. Natapos din naman agad ang klase namin sa geometry. Grabe brilliant talaga itong si Tenanye, imagine talo nya pa iyong running for valedictorian namin dahil perfect sya sa lahat ng quizzes. "Ahm Tenanye wag mo masyado seryosohin ang mga subjects huh baka mahalata nilang hindi ka ordinary human ang dami mo kasing alam eh," bilin ko kay Tenanye pero hindi mawawala ang paghanga ko dito. "Okay," maikling sagot naman nito kaya nanahimik na din ako. Magkakasabay din kaming nagbreak. Halos sa lahat ng bagay ay magkakasama kaming pito. Noon ay mabili akong mabored kapag nasa school pero ngayon ay hindi ko man lang namalayan na uwian na pala namin. As usual, maiingay na naman ang mga makukulit na elementalist. "Ang galing mo talaga Tenanye idol na kita, next time ikaw nalang tatawagin ko hindi na si Tinkerbell huh," panimula ni Fayeth. "Aghh tinkerbell na naman hindi ka ba nasasawa sa pagmumukha nung maliit na iyon," si Ariella naman na walang ginawa kundi asarin si Fayeth dahil sa mga kalokohan nito kahit ang totoo ay fans nya din naman iyon. "Whaa ang cute kaya ni Tinkerbell," malungkot na wika ni Fayeth at bigla na lamang umiyak. "Aba matindi umiyak agad," si Nixie naman na isa din sa magaling mang-asar. Nagpipigil na ako sa pagtawa dahil childish din pala itong si Fayeth. "Hey baka gusto mong sumigaw Bruice, hindi yata kita naririnig ngayon," pang alaska din naman ni Tenanye na laging napapansin si Bruice. "Aish kanina pa kaya nagpipigil yan kung alam mo lang," si Alvara naman sabay tawa. Natawa na din ako. Ang gulo at kulit talaga ng mga ito. "Ahhhhhh!" Biglang sumigaw si Bruice kaya nagulat kaming lahat. "Its time to play girls," sigaw parin nito kaya naman nagsimula na silang magsitakbuhan. Hindi ko alam kung bakit sila nagtakbuhan pero dahil ako nalang ang hindi pa tumatakbo kaya gumalaw na din ako. Kapag naabutan ka ni Bruice ay magiging taong yelo ka pala since ice elemental ito. Ayokong mafreeze dahil kay Bruice kaya naman binilisan ko na din ang aking pagtakbo. "It feel like I’m not empty anymore," bulong ko sa sarili habang nakikipaghabulan kami kay Bruice. Napakasaya ng araw na ito. Hindi ko akalain na nung isang araw lang ay para akong laging namatayan dahil tahimik lang ako sa isang tabi pero ngayon ay ang dami ko ng kaibigan. I’m so glad na nakilala ko ang mga prinsesa na ito. Mabuti na din na pinuntahan nila ako dito sa mundo ng mga tao upang hindi na ako malungkot Nakukuha ko naman lahat ng gusto since binibigay ni Tita Frydah lahat ng pangangailangan ko ngunit hindi parin iyon naging sapat. Good thing ay wala naman naging taong yelo sa amin since mabibilis tumakbo ang mga prinsesa. Nagpapahinga na kami ngayon sa sala ng bahay at lahat kami ay pagod na pagod. Sinalubong naman kami agad ni Tita Frydah. “Ohh anong nangyari sa inyo at tila kayo ay pagod na pagod?" Nagtatakang tanong nito sa amin. “Hay naku Tita si Bruice po kasi nagsimula ng laro," hinihingal na sagot ko kay Tita. “Mukha naman na masaya kayo kaya okay lang iyan, kayo ba ay nagmeryenda na?" Tanong ulit ni Tita Frydah. “Yes po Tita," sagot ni Alvara na hinihingal din sa sobrang pagod sa pagtakbo. “Pero Tita baka mayroon po tayo kahit konting----," nahihiyang wika ni Fayeth na hindi maituloy ang nais sabihin. Hindi lang baliw at childish ang isang ito kundi patay gutom din. “Nahihiya kunyari," pang alaska ni Ariella dito. “Napagod kami Tita kaya magmemeryenda po ulit kami, si Nixie ang nagtuloy ng gustong sabihin ni Fayeth. “Come on girls," natatawang wika na lamang ni Tita Frydah. Nagtatatalon naman sa tuwa sila Bruice at Tenanye. Agad naman na naghanda ng makakain si Tita Frydah. Siya na ang personal na naghanda ng aming meryenda kahit pa nga may katulong naman kami sa bahay. Sumabay na din siya sa amin kumain. “So kumusta naman ang first day nyo mga mahal na prinsesa?" Tanong nito habang nakatingin sa amin. “Naku Tita Frydah ang saya pala talagang mag-aral dito sa mortal world," masayang wika ni Fayeth. “Wala namang hindi masaya sa iyo eh," natatawa din na wika ni Ariella dahilan para irapan sya ni Fayeth. “Ohh huwag ganyan at baka umiyak na naman yan," natatawang biro din ni Alvara. “Umiyak si Fayeth?" Napakunot naman ng noo si Tita Frydah nang marinig iyon. “Wala po Tita ganoon lang daw po talaga si Fayeth, sabi ko nalang at baka kung ano isipin ni Tita. “Pero seryosong usapan ang galing po talaga ni Tenanye," singit naman ni Bruice. “Thank you so much," maarteng wika naman ni Tenanye kaya nabatukan siya ni Bruice. Nagtawanan naman kaming lahat na kumakain sa lamesa. Masaya akong tinignan ni Tita Frydah at tila naramdaman nito na iba ang saya ko ngayon. Nginitian ko narin si Tita at nagpasalamat na din sa lahat ng ginawa nya para sa akin maging sa anim na prinsesa. Madami pa kaming pinagusapan at ang ingay namin habang kumakain kakaiba sa normal na ginagawa namin ni Tita Frydah noong kami lamang ang nasa bahay. Pagkatapos kumain ay nagyaya pa na magkuwentuhan ang anim na prinsesa. Hindi talaga nauubusan ng kuwento ang mga ito. Syempre si Fayeth baliw na naman ang bida since sya ang madaming alam na kabaliwan. Puro tawa nalang ang nagagawa namin sa kung ano-anong pakulo nito na sinasang-ayunan naman ng isa pang baliw na si Ariella. Kung kay Ariella ay bagay na baliw ito since hangin ang kapangyarihan niya pero kay Fayeth naloloka talaga ako pag naiisip ko iyon. Pero mas okay narin siguro na baliw ito unlike sa power nitong apoy. Ngayon ko lang napagtanto na hindi na ako ang dating Arah.  Iba na ang naging takbo ng buhay ko simula nang malaman ko ang tunay kong pagkatao. Ibang-iba sa Arah na walang kaibigan. Ako na talaga si Ayazairah, ang nawawalang prinsesa ng Elementalia at kaibigan ng anim na Elementalist princess. "I really love this day, "masaya kong wika bago tuluyang natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD