bc

Elemental Sovereign

book_age16+
554
FOLLOW
1.5K
READ
adventure
sex
powerful
princess
heir/heiress
tragedy
mystery
magical world
superpower
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

I learned that my life has been covered by powers and be known as elemental sovereign.

I am Ayazairah, a normal girl from what I know until I met six girls in my school and they turned my life into an exciting adventure. Those six girls were not normal because they have elemental powers.

I feel great and protected knowing that I am their missing friend from their kingdom and soon to reign as the powerful Elementalist.

But I have a concern here because I'm almost out of time. I'm not sure if I can be the elemental sovereign that the prophecy chooses.

chap-preview
Free preview
ELEMENTAL PRINCESS
The power whose name and shape no living creature knows Have pulled the immortal rose And though the seven lights bowed in their dance and wept, Great powers of falling wave and wind and windy fire, With your harmonious choir Unfold your flaming wings and cover out of sight The nets of day and night... Such a beautiful lovely girl Living in a world full of trill And wonderful power will be given on her  To follow and destined what is being care Air, water, earth, fire, ice and light gathered together to be one And who is the one who will be gone  For the living of the elemental sovereign which war is going to begin... "Ayazairah wake up! Gumising ka na please. You are going to live and follow the destined life of yours.“ A very angelic face of her crying in tears just to let me be born. "Ahhhhhhhhhh!” malakas na sigaw ko kung saan mabilis din akong pinuntahan ni Tita Frydah. I don’t have parents kaya naman si Tita na ang naging pangalawang magulang sa akin. "Arah, anong nangyari?” Hinihingal pa nitong tanong sa akin nang makita akong balisa habang nakaupo ngayon sa aking higaan. "Wala po Tita, panaginip lang po.” Sagot ko at hinayaan na din si Tita na bumalik sa kanyang kwarto upang ipagpatuloy ang kanyang tulog. "Such a nothing dream,” bulong ko sa sarili ko. Humiga na ulit ako upang ipagpatuloy ang aking pagtulog ngunit hindi na ako dalawin ng antok. Ipinikit ko ang aking mata at naalala ko ang mukha ng magandang babae na umiiyak pagkatapos akong maipanganak pero iba ang pangalan na binanggit nito. Habang inaalala ko ang kanyang mukha ay napansin ko na tila kahawig ko sya. Nais kong isipin na siya ang aking nanay. Hindi ko nakilala ang aking mga magulang. Mula ng magka-isip ako ay si Tita na ang lagi kong kasama. Sabi nila ay namatay daw sa aksidente ang aking mga magulang noong bata pa ako kaya naman hindi na ako nagtanong pa ng ibang detalye tungkol doon. Maaga pa ang pasok ko bukas kaya naman minabuti kong pilitin na makatulog ulit. Habang iniisip ko ang mukha ng babae sa aking panaginip ay nakatulog narin ako ng hindi ko namamalayan. ELEMENTALIA "Grabe ang ganda niya talaga, dapat dito na lang din s'ya lumaki sa mundo natin,” wika ng babaeng kulot ang buhok na nakasuot ng kulay berdeng tube at mala tinkerbell ang kanyang palda na kulay green din. Kulay berde din ang kulay ng kanyang mga mata at meron siyang kwintas na hugis bulaklak pero wala din iyong kulay. "Ano ka ba, huwag mo nga lakasan ang boses mo at baka mahuli tayo na nanonod dito sa portal siguradong ipapatapon din nila tayo sa mundo ng mga tao,” wika naman ng babaeng nakasuot ng kulay asul na damit na hanggang tuhod. Kulay asul din ang kanyang mga mata. Hugis alon naman ng dagat ang kanyang kwintas at wala rin itong kulay. "Great! Ayaw nyo ba yun at makakarating tayo sa mundo ng mga tao. Ibig sabihin ay mapupuntahan natin ang ating kaibigan,” suhestiyon naman ng isa pang babae na hanggang bewang ang buhok at nakasuot din ng dress na kulay gray naman. Kulay gray din ang mata nito at meron siyang kwintas na animo hangin ang nakaguhit ngunit gaya ng dalawa ay wala rin itong kulay. "Hindi parin pwede, nakalimutan nyo ba na hindi tayo kilala ng taong pupuntahan natin sa mundo ng mga tao?” Pagpigil naman ng isang babae na hanggang balikat ang buhok at nakasuot din ng dress na kulay pula. Kulay pula din ang mga mata nito. Meron naman itong flame na kwintas at wala rin itong kulay. "Bakit ba kasi nila inilayo sa atin ang ating kaibigan, pwede naman siyang mabuhay kasama natin diba?” Malungkot na pahayag ng babaeng hanggang batok ang maitim na maikling buhok. Nakadamit naman ito ng puting dress. Mayroon din siyang frozen symbol na kwintas at wala din itong kulay. "Anong magagawa natin ay puro reyna at hari ng bawat division ang may gusto ng pangyayari samantalang mga batang elementalist lamang tayo,” inis na sagot naman ng babaeng nakasuot ng kulay brown na damit at mahaba din ang buhok na kinky nito. Meron naman siyang kwintas na hugis kidlat na gaya ng mga kasama nya ay wala din itong kulay. "Tinatawagan ang lahat ng mga prinsesa para sa gagawing ball ng kataastaasang palasyo ng Elementalia,” wika ng tagapagsalita sa palasyo kaya naman tumakbo agad silang anim para makarating doon dahil tiyak na mapaparusahan na naman sila kapag nahuli sila sa oras. Tinitigan muna ng babaeng nakakulay pula ang portal bago s'ya tuluyang umalis at sumunod sa kanyang mga kasama. Sa portal na iyon ay makikita ang isang batang babae na kaedad lamang nila na ngayon ay masayang nagbabasa ng libro sa mundo ng mga tao. Magkakasama na naman ang anim na dalagita ngayon sa isang silid para sa gaganaping elementalia ball. Sa buong henerasyon ng elementalia ngayon lamang sila nagkaroon ng mga prinsesa na edad disi-otso pa lamang ngunit bihasa na sa paggamit ng kanilang mga kapangyarihan ayon sa division na kinabibilangan nila. Bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ng mga prinsesa. Yumukod muna ang babae bago nagsalita. "Pinapatawag na po kayo ng mahal na kataastaasang reyna at hari,” magalang na wika nito. "Sige po susunod na po kami,” sagot ng babaeng brown ang kulay ng mata. Nauna nang umalis ang serbida na tumawag sa kanila. Nag-usap naman ang mga prinsesa bago sila lumabas sa silid na iyon. "Anong plano natin huh?” Tanong ngayon ng babaeng kulay asul ang mata. "Alam nyo na yun basta hintayin n’yo na lang ang signal ko,” sagot naman ng babaeng kulay gray ang mata. "Exciting ito, pero halika na at baka mapagalitan na naman nila tayo,” iyong babaeng kulay green ang mata naman ang nagsalita at agad nang tumayo sa kanyang kinauupuan. "Let's go girls,” wika ng kulay itim ang mata at nauna na siyang lumabas sa silid na iyon. "Goodluck to us, ladies.” masayang wika ng kulay pula ang mga mata. Magsisimula na ang ball nang dumating sila. Talagang hinintay sila ng lahat kasi ipapakilala na sila sa buong kaharian. Sa palasyo ng kataastaasang Elementalia ginaganap ang ball dahil ito ang may pinakamataas na kapangyarihan at pinakamataas na hari at reyna. Hawak kasi ng mga ito ang buong elementalist power. "Ang gaganda naman ng aking mga prinsesa,” nakangiting puri sa kanila ng mahal na kataastaasang reyna. Tinapik naman sa likod ng hari ang kanyang asawa dahil bigla itong nalungkot matapos kaming batiin. "Maghanda na kayo mga prinsesa sabi na lamang ng hari. “ "Masusunod po,” magalang na sagot ng mga prinsesa. Maya-maya lamang ay nagsalita na ang tagapagsalita ng ball na iyon. Hudyat na magsisimula na ang kanilang ball at pagpapakilala sa mga prinsesa. Ito ang pinakahihintay na araw ng mga mamamayan sa kaharian dahil dito nila makikita kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga prinsesa.  "Tinatawagan ko ang anim na prinsesa upang dito maupo sa unahan kasama ang kanilang mga reyna at hari,” magiliw na wika nito. Magkakasunod naman na umakyat sa entablado ang anim na prinsesa kasama ang kanilang hari at reyna na sa madaling salita ay ang mga magulang nila. "Simulan na natin ang palatuntunan,” masayang wika ng tagapagsalita ng palatuntunan na iyon. Pumalakpak ng malakas ang mga taga palasyo na kinabibilangan ng mga lalaki at babae na mayroong mga sub powers gaya ng gravity, poison, technology, speed, at iba pa. Tuwing ikaapat na henerasyon ay nagkakaroon ng ganitong ball. Hindi ito ball na gaya ng sa mortal na tao. Sa ball na ito ay ipinakilala ang mga prinsesang nagtataglay ng elemental powers at ang mismong kumakatawan o nagrerepresenta sa bawat division ng buong kaharian. "Tinatawagan ko si Bruice na nagmula sa Cryokine Division o ang may hawak ng ice elemental power,” pagtawag ng tagapagsalita sa unang prinsesa. Tumayo naman agad ang babaeng kulay itim ang mata. Ibinuka nya ang kanyang palad at biglang may lumitaw doon na mga yelo ngunit maya-maya lamang ay naging krystal ang mga ito. Binalot din ng yelo ang buong entabladong kinatatayuan ng prinsesa matapos niyang ikumpas ang kanyang kamay ngunit maya-maya ay bigla din nawala ang lahat. "Palakpakan natin si Bruice, ang ice elementalist ng Cryokine Division,” humahangang wika ng tagapagsalita. Ngayon ay tinatawagan ko naman si Alvara ang lightning elementalist ng Fulgurkine Division. Tumayo naman ang babaeng kulay brown ang mata at pumunta sa entablado nila. Biglang yumanig at nagkaroon ng magkakasunod na strike ng liwanag na nagmumula sa kanyang palad. Nawala din naman agad ang mga iyon matapos niyang ibaba ang kanyang mga kamay. "Napakagaling Alvara, ang lightning elementalist ng Fulgurkine Division, kaya naman tinatawagan ko na din si Fayeth ang fire elementalist ng Pyrokine Division." Tumayo naman ang babaeng kulay pula ang mata. Nagsimula siyang magpalabas ng apoy gamit ang dalawa nyang palad ngunit agad din iyong nawala. Pumikit siya upang balutin ng malalaking apoy ang entablado at kasabay ng pagmulat niya ay ang pagkawala din ng mga apoy na nilikha nito. "Very good, sunod naman ay si Nixie ang water elementalist ng Aquakine Division." Nagpakitang gilas naman ang babaeng kulay asul ang mata. Animo nagkaroon ng malaking aquarium sa entablado nila ngunit sa halip na isda ang nasa loob ay si Nixie ang nandoon. Nagkaroon ng c***k ang entablado ng biglang gumawa siya ng water strike at sa pagkumpas niya ay nawala din lahat ang mga water elements niya. "Napakahusay Nixie at ngayon naman ay si Tenanye, ang earth elementalist ng Geokine Division," komento ng tagapagsalita sa ginawa ni Nixie. Nagkaroon naman ngayon ng mini forest sa entablado. Sa pagkumpas nya ay biglang tumaas ang lupa ng ginawa niyang forest at naglipana ang isang libong dami ng paro-paro ngunit nawala din agad iyon pagkatapos ng kanyang kumpas. "Last but not the least is Ariella, the air elementalist of Aerokine Division." Halos matangay naman ang lahat ng nanonood dahil sa lakas ng hangin na gawa ni Ariella. Bigla din naman nagkaroon ng ipo-ipo na lalong nagpahigpit sa kapit ng mga nanonood ngunit gaya ng mga nauna bigla rin itong nawala matapos ikumpas ang kanyang kamay. "Woah awesome! Napakahusay ng ating mga prinsesa," paghanga ng announcer. "Palakpakan natin silang lahat," pahabol pa nito at nauna ng pumalakpak. Nagbatian silang lahat pagkatapos ng performance. Ngayon naman ay magkakaroon na sila ng sayawan o ang tinatawag ng ball sa mundo ng mga tao. Masaya silang lahat dahil maayos nilang nagawa ang pagpapakilala sa mga prinsesa na siyang pinakamalakas sa bawat division ng kaharian. Nagsimula nang magsayawan ang iba. Inilabas narin ang napakaraming pagkain na dala ng bawat division para sa pagdiriwang. Nag-uusap narin ang mga hari at reyna na tila nagpapayabangan sa kanilang mga anak. Nasa loob na ngayon ng liblib na gubat ang anim na prinsesa na taglay ang elementat power. Nakaharap sila ngayon sa portal kung saan makikita pa rin nila ang kaedad nila na kasalukuyang nasa paaralan. “Okay, tapos na tayo sa ating palabas." si Fayeth habang naglalaro ng apoy sa kanyang mga palad. “Napagod ako doon huh," nakangiwing wika ni Ariella kahit pa nga panay ang pakikipag-sayaw nito sa mga hangin. “Wow huh, napagod ka na sa lagay na yon eh nagkukumpas ka lang naman ng kamay mo," pang aasar ni Tenanye habang busy naman ito sa paghipan ng mga magagandang bulaklak na lumalabas din sa kanyang palad. “Nahiya naman ako sa ginawa mo huh," pambabara din naman ni Nixie na panay naman ang spray ng tubig sa ginagawang apoy ni Fayeth. "Girls, we have a mission now, tutal ay ipinakilala na tayo sa buong palasyo kaya  it’s time to made our own decision na," pag-awat ni Bruice sa limang prinsesa na nakalagay pa ang dalawang kamay sa kanyang bewang at tila nag-iisip kung anong gagawin nila. "Are you really sure that we have to do this?" Nag-aalinlangan naman na tanong ni Alvara na busy din sa pagbibigay liwanag sa mga bulaklak ni Tenanye. "Girls baka lalo tayong maparusahan kapag ginawa natin ito," si Fayeth naman na halatang kabado ngunit mahahalata na medyo excited din. "Hay naku girls, hindi nyo ba halata ang feeling nung mahal na reyna kanina," wika ni Tenanye na sang-ayon sa plano ni Bruice. "Well, medyo nahalata ko nga. It seems na meron siyang anak like us or kaedad natin which is dapat ipinakilala narin sana sa buong palasyo," sagot naman ni Ariella habang tuloy parin sa ginagawa. Tila walang kapaguran s pagsayaw ang babaeng ito. "Right Ariella, so now what are we gonna do?" Si Tenanye naman ulit na nakaturo pa ang kamay sa kanang sintido na tila nag-iisip na din ng kanilang gagawin. "We have to know if that girl in the portal is the lost princess of Elementalia and our lost friend," excited na sagot ni Bruice na biglang pumalakpak dahil sa kanyang naisip. "Yes or maybe," alinlangan na sagot ni Fayeth. Magulo talaga ang isang ito. HIrap intindihin kung anong gusto. "Woah! Maybe yes kasi bakit nandyan siya at bakit kailangan bantayan nila ang portal na ito na nagkokonekta sa babaeng yan. I also notice na kahawig nga talaga sya ng friend natin," si Alvara naman habang nakaturo sa portal na iyon. "We really have to go there para matigil na ang mga panghuhula nyo," suhestiyon muli ni Bruice at nakatutok na ang paningin ngayon sa portal kung saan makikita nila ang isa pang dalaga na kaedad nila. “Hello, we are elementalist at hindi tayo mga manghuhula," natatawang wika naman ni Nixie. Inirapan naman siya ng lima kaya nanahimik nalang sya sa kanyang pagtawa.  "Okay, so are you ready girls?" Tanong ulit ni Bruice na halatang ready na sa kung ano man ang gagawin nila.  “Yes we are!" Halos sabay-sabay pa na sagot ng limang dalaga. Napaisip naman si Bruice bigla dahil naalala nya na may password nga pala ang portal na iyon. Napagkasunduan nila na pumunta sa mortal world para alamin ang katotohanan with that girl na kanilang nakikita. Malalim na nag-isip si Bruice at maya-maya lamang ay naalala na niya kung ano ang password ng portal na iyon. Tinawag niya ang lima na busy parin sa kung anu-anong ginagawa gamit ang kanilang mga kapangyarihan. "Yes!" sagot ni Alvara na tila nagsasayaw pa din sa sobrang excitement. "Im pretty ready," si Fayeth naman na panay pa rin ang paglalaro ng apoy sa kanyang kamay. "Woah! Im so excited," masayang wika naman ni Nixie na sige pa rin ang spray ng tubig sa apoy ni Fayeth. "As I am," sang ayon naman ni Tenanye na tinigil na ang pagpapalabas ng kung anu-anong bulaklak. "So let's go girls," si Ariela naman at nagready na para sa pagchant nila ng password ng portal. “abrakadabra ala kazam open sesame," magkasabay nilang wika at inulit iyon ng tatlong beses. Maya-maya lamang ay nagliwanag na ang portal at tila may ipo-ipo iyon sa lagusan kung saan tila nais silang higupin. Nagpatiuna na si Ariella sa pagpasok sa portal sa sobrang excited nito na makilala ang babae sa mortal at dahil na din sa kapangyarihan nitong hangin.  "Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!" Halos magkasabay na sigaw nila nang makapasok na silang lahat sa portal na iyon. Unang lumabas sa portal si Ariella kaya naman bumagsak ang mismong puwet nito. Tila nahihilo din ito kahit pa nga hangin ang kapangyarihan niya. "Ouch, ang sakit naman," wika nito habang hawak ang nasaktang parte ng katawan. Kasunod naman niya si Tenanye na bumangga sa likod niya bago pa ito dumiretsong bumagsak sa lupa. Tatayo na sana silang dalawa kaya lang magkakasunod naman na lumabas din ng portal ang apat pa na babae kaya ang nangyari tuloy ay nagpatong-patong sila doon which is si Bruice ang nasa pinaka-taas. "Aww please get off, all of you!" Galit na sigaw ni Ariella sa mga kasama dahil naipit na s'ya ng mga ito.  Mabilis naman na tumayo ang lima at nagtawanan dahil sa kalagayan ni Ariella. Naawa din naman sila pagkatapos nilang pagtawanan ang kaibigan nang makita ang itsura nito.  "Enough laughing at me or gusto nyong liparin kayong lahat," galit pa rin na wika ni Ariella. Mabilis naman na tumigil ang anim sa pagtawa. Natakot din naman sila na liparin ng dahil sa kapangyarihan ni Ariella.  "Oops sorry po," nakangiting paumanhin ni Fayeth habang nagpipigil parin sa pagtawa ang ibang kasama. "Look there girls," pagtuturo ni Nixie sa kanyang nakita kaya tuluyan na silang tumigil sa pagtawa. Nakita na kasi nito ang dalagang hinahanap nila.  "Siya na iyon diba, and ito ang school na pinapasukan nya," wika nito. “This is great," masayang wika ni Tenanye at excited na sa magiging adventure nilang anim sa mundo ng mga tao kahit pa nga hindi nila alam kung anong mangyayari sa kanila since wala silang alam sa mundo ng mga tao.  "Tara sundan natin," suhestiyon ni Bruice at susundan na sana iyong babae na nakikita nila sa portal pero pinigilan sila ni Alvara. "Girls, will you please check our clothes first?" Suhestiyon ni Alvara while pointing at her dress. "And also them," pagdugtong ni Alvara sa una niyang sinabi sabay turo sa mga mortal na babaeng nakatingin sa kanila. Nagtatawanan din ang mga ito dahil sa itsura nilang anim. "Ahhh!" Halos magkakasabay pa na sagot nila nang makita kung ano ang tinutukoy ni Alvara.  "Epic fail," magkakasabay din na wika ng mga estudyante at isa-isang umalis sa palibot nila. "Just wow," wika ni Bruice nang mawala na lahat ng mortal students sa paligid nila. Napaluhod naman sa sobrang kahihiyan ang limang prinsesa. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

BROKEN(MONTEMAYOR SERIES1)

read
310.1K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

My Childhood Sweetheart (R18+ COMPLETED)

read
999.2K
bc

Thunderzone (Tagalog) COMPLETED

read
491.0K
bc

Perfect Withstander

read
110.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook