THE PAST

2547 Words
Ayazairah POV "Ahh!" Napasigaw ako nang pagmulat ko ay iyong anim na babae ang nasa kwarto ko. Bigla naman nilang binuksan ang kanilang mga palad at pinalitaw ang kanilang mga kapangyarihan. "Wow, awesome!" Out of nowhere ay nabanggit ko na ikinagulat naman nilang anim. "Ehh?" takang tanong pa ni Fayeth. "Siguro nga I have to accept the truth na from Elementalia kayo, ano pa ba magagawa ko kung lagi ko kayong kasama with your powers," sabi ko dahil tila nagulat ang mga ito na hindi na ako masyado nagreact sa powers nila. "Great, so tanggap mo na kami?" Nagniningning ang mata ni Ariella nang tanungin ako. "Yeah, tinanggap ko din naman si Tita eh," nakangiti kong sagot dito. "Wow! Yehey!" Natutuwang wika ni Nixie. "Pero sure ba talaga kayo na ako ang princess na sinasabi nyo?" Naninigurado parin na tanong ko sa mga ito. Ang hirap kasing paniwalaan since ang tagal ko na dito sa mundo ng mga tao at bigla na lamang may magsasabi na prinsesa ako sa elemental world. "Hmm, yeah 100 % sure ako doon," si Bruice naman ang sumagot.. "But how did you know?" Pangungumbinsi ko parin sa mga ito. "Look, mayroon kang kwentas na katulad sa amin, " turo pa ni Tenanye sa suot kong kwentas. Ang brilliant talaga ng isang ito. "Girls?" narinig namin na tawag ni Tita Frydah kaya nagsibabaan na kaming pito. Pinakahuli akong bumaba. I have to accept kung ano man ang susunod na mangyayari sa buhay ko. Honestly, I’m still not one hundred percent sure sa mga nangyayari sa akin ngayon. Para akong nananaginip at kaylangan ko nang magising dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag pinagpatuloy ko ito. Kinurot ko ang sarili ko sa pag-asang magigising ako sa totoong mundo pero bigo ako. Wala na akong kawala dahil hindi ako nananaginip lamang. I have to believe them lalo at isa pa si Tita sa nagpakita ng talagang tunay na pagkatao nila. I do believe in magics or powers. Nag eenjoy din ako kapag nanonood ako ng mga fantasy movies even though hindi ko pa alam ang tunay na kwento kung paano nangyari iyon. I also loved reading fantasy books na tila ba nasa ibang mundo ako. Pero hindi ko naman akalain na from other world pala talaga ako. "Arah, from now on I will call you Ayazairah," panimula ni Tita. Tumango nalang ako at hinanda ang aking sarili upang makinig sa history at story ng totoong ako or ang sinasabi nilang Ayazairah. "Girls, are you ready to listen?" tanong sa amin ni Tita. "Yes po," magkakasabay na sagot ng anim na babaeng kasama ko. "Okay, so close your eyes ladies," utos nito sa amin kaya naman magkakasabay din kaming pumikit. I dont know pero pagmulat ko nasa ibang dimension na ako at puro kakaibang nilalang ang nakikita ko. Nakita ko sina Bruice, Fayeth, Tenanye, Ariella, Nixie, at Alvara sa isang tabi kaya lumapit din ako sa kanila. Nang makalapit ako sa kanila bigla na lamang nagliyab sa isang gilid ang palasyong medyo malayo sa amin. Biglang tumakbo si Fayeth nang makita nya kung kanino nanggagaling ang apoy na iyon. "Fayeth," pagpigil sa kanya ni Ariella. "Ariella ang reyna at hari iyon. I have to help them," naiiyak na wika ni Fayeth kitang-kita nya kasi na nanghihina ang kanyang mga magulang. "No you cant, this is our past and we cant go there," si Alvara naman kaya napakalma nya si Fayeth. Hindi lang si Fayeth ang nakakita sa lakas at panghihina ng kanilang mga magulang kundi maging ang limang kaibigan niya. Pero wala kaming magawa dahil alam namin na hindi naman kami makakatulong sa oras na iyon. Pero ang tanong ay bakit nandito din ako samantalang wala naman akong kapangyarihan na gaya nila. Hindi ko pa din nakikita si Tita Frydah dito sa kinaroroonan namin. "Anong ginagawa ko dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanila dahil para na naman akong nangangapa sa dilim na hindi alam ang kasagutan. Pagkatapos ang digmaan na iyon ay biglang naging maliwanag ang lahat. "Ang ganda talaga ng palasyo ng elementalia," narinig kong komento ni Tenanye. Nakita ko ang buong kaharian nilang anim. Nasa gitnang bahagi ang tinatawag nilang Elementalia samantalang nakapalibot sa kanya ang anim na division na sinasabi nila kahapon. Cryokine Division na kinabibilangan ni Bruice o ang lahat ng mga nilalang doon na may kakayahan sa elemento ng yelo. Pyrokine Division kung saan nabibilang si Fayeth at lahat ng may kakayahan sa apoy. Fulgurkine Division naman na kinabibilangan ni Alvara bilang lightning elementalist. Aerokine Division naman na kinabibilangan din ni Ariella bilang Air elementalist. Si Nixie naman ay sa Aquakine Division dahil sa taglay niyang water element at si Tenanye naman bilang earth elementalist sa Geokine Division. Ngayon naintindihan ko na ang mga division na sinasabi nila. Pero hindi parin nasasagot ang tanong ko kung bakit ako nandito kasama nila. Ngayon ko lang din napansin na ang mga kwentas nilang suot ay ang mga symbol na nagrerepresenta ng kanilang kapangyarihan at division. Hinawakan ko ang kwentas na suot ko kaya nagkaroon na naman ako ng panibagong tanong. Gaya nila ay may kwentas din ako. Nakapagtataka lang dahil madaming simbolo ang naroon at hindi ko maintindihan dahil nga wala itong kulay. Biglang nawala ang lahat ng division at napunta kami sa palasyo ng Elementalia o ang tinatawag nilang kataastaasang kaharian. "Bakit umiiyak ang mahal na reyna?" takang tanong ni Alvara. "Oo nga parang mayroong nangyayari doon sa library ng palasyo," si Bruice naman dahil doon galing ang mahal na reyna. Pumasok kami sa loob ng library at nakita namin na napakaliwanag doon. Isang malaking aklat ang naroon kung saan nagmumula ang nakakasilaw na liwanag. "Hindi ko alam na may ganyang aklat tayo sa palasyo?" Takang tanong din ni Nixie. "Ako din pero teka ano kayang nakasulat dyan at bakit umiyak ang mahal na reyna," curious na tanong ni Fayeth. "Tara lapitan natin," sabi ko nalang at pinuntahan namin iyong aklat pero bigla itong nagsara nang makarating kami doon. "Ay bakit ganoon," bulalas ni Ariella. "Tara puntahan nalang natin ang reyna," suhestiyon ulit ni Bruice. Pagkalabas namin ng library ay biglang nagbago na naman ang paligid. Nasa loob kami ng isang silid kung saan naroon ang hari at ilang serbida dahil kasalukuyang nanganganak ang reyna. Makalipas ang ilang oras ay nakita namin na nanganak na siya at isang napakagandang babae ang iniluwal nito. Maya-maya ay dumating si Fydah sa loob ng silid na iyon. Tatawagin ko sana sya kaso naalala kong hindi nya rin ako maririnig. "Frydah magtungo ka sa mundo ng mga mortal at doon ka manirahan hanggang sa lumaki itong aking prinsesa," umiiyak na wika ng reyna habang yakap ito ng hari. "Mahal na reyna disidido na po ba kayo sa inyong pasya?" tanong ni Tita sa reyna. "Oo Frydah kaylangan mong itakas si Ayazairah para sa katuparan ng propesiya." Ang mahal na hari ang sumagot dahil panay na ang pag-iyak ng mahal na reyna. "Sige po basbasan nyo po kami upang kami ay makaalis ng maayos," malungkot na wika ni Tita dahil siguro alam nito kung ano ang pakiramdam ng hari at reyna na mawalay sa kanilang anak. Binendisyunan ng hari at reyna ang sanggol saka si Tita Frydah at ibinigay sa bata ang kwentas na mula sa reyna. "Mahal kong prinsesa pagdating ng araw ay matutuklasan mo ang lihim ng kwentas na ito. Ingatan mo sana ito at mag-iingat ka palagi, paalam anak ko," malungkot na wika nito at hinalikan ang sanggol bago ito tuluyang umalis sa palasyo. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Ibig sabihin anak ako ng mahal na hari at reyna ng elementalia kaya isa nga akong prinsesa pero hindi ko parin naintindihan iyong kwentas na iyon. Nagbago na naman ang paligid namin. Nasa loob kami ngayon ng isang magubat na lugar kung saan may parang salamin doon sa gitna. Bigla kaming pumasok doon ni tita at sa isang malaking bahay kami lumabas. Ang bahay na iyon na ngayon ay ang tinutuluyan namin. Doon ako lumaki kaya lang hindi normal ang paglaki ko kaya bumalik kami sa elementalia. "Tara doon tayo may magandang prinsesa daw doon," sabi ng batang kulay green ang mata. "Talaga, halika saan ba iyon?" sabi naman ng batang kulay brown ang mata. "Halika doon sa may hardin, doon ko sya nakita," iyong batang kulay pula naman ang mata. "Ang ganda nga nya," kulay asul naman ang mata nung nagsalita. "Kaibiganin natin," suhestiyon ng kulay gray naman ang mata.. "Hi, pwede ka ba namin maging kaibigan?" Tanong nung pula ang mata sa batang mag isang naglalaro sa hardin. "Oo naman para madami akong kaibigan," sagot nung bata kaya naman naglaro na silang pito. Muling nagbago ang paligid. Nasa loob na naman kami ng Elementalia. Kaharap namin ang hari at reyna habang karga ako ni Tita Frydah. "Mahal na reyna kaylangan ko ang tulong nyo dahil hindi normal ang kanyang paglaki baka magduda ang mga mortal na tao,"  wika ni Tita Frydah. Ipinatong ng mahal na reyna at hari ang kanilang palad sa aking ulo at bigla iyong nagliwanag. "Sarado na ang kanyang isipan at magiging kawangis na siya ng mortal na tao ngunit makakalimutan niya ang lahat ng tungkol dito sa Elementalia," malungkot na sabi ng reyna. Muli kaming napunta sa mortal na mundo kung saan lumaki akong normal gaya ng mga taong nakakasalamuha ko. Pagmulat namin ay nasa silid na kami kung saan nagsimula ang lahat. "Tita Frydah," umiiyak na wika ko at lumapit ako kay Frydah na syang kinilala kong ina. Nakita kong umiiyak narin ngayon ang anim na babaeng kasama ko na sa madaling salita ay ang anim na batang naging kaibigan ko ngunit nakalimutan ko. "Kaya pala ang gaan ng loob ko sa inyong anim, kilala ko pala talaga kayo," umiiyak din na wika ko sa kanila. "Sabi na nga ba ikaw iyong nawawala naming kaibigan eh," umiiyak din na wika ni Bruice. "Huwag na nga kayong umiyak mamaya tatawagin ko na naman si Tinkerbell," pagbibiro ni Fayeth pero halatang umiiyak din naman. "Group hug nalang ohh," suhestiyon ni Ariella kaya nagyakapan kaming walo kasama si Tita Frydah. "Ito na ang simula nang bagong yugto ng buhay ko, bulong ko nalang matapos namin magyakapan. FRYDAH POV Nakakatuwa lang isipin na hindi na ako mag-isa ngayon sa mundo ng mga mortal. At ang nakakatuwa pa dito ay ang mga pinakamalakas na prinsesa pa ang nandito ngayon sa tabi ko. "Girls please come with me," tawag ko sa pitong babae na nasa unang palapag ng bahay ngayon. Nagsiakyatan naman silang lahat at sumunod sa akin. Alam ko kasing darating ang panahon na ito kaya naman inayos ko na ang lahat. Nagpagawa ako ng pitong kwarto sa taas ng bahay. "From now on, dito narin kayo titira sa bahay at hindi kayo pwedeng basta nalang manirahan sa labas kasi masyado kayong makapangyarihan," panimula ko. Nagngitian naman ang mga prinsesa. Kung titignan sa labas ay iisa lang ang disenyo ng kanilang mga kwarto. "Girls dito sa second floor ang magiging room nyo," magsimula tayo sa kabilang dulo. "Astig sama sama tayo," masayang wika ni Alvara. Ngumiti naman silang lahat. "To the princess of Cryokine Division Princess Bruice, this is your room," wika ko at pinihit ang doorknob para mabuksan ang kwarto. "Woaahhh amazing, thanks tita Frydah," pasalamat ni Bruice. Tinignan nya agad ang kabuuan ng kwarto. BRUICE POV “One thing that I can say is, it really awesome. Oh my gosh! Para akong nasa sarili kong kwarto from Elementalia," komento ko nang makita ko ang aking silid. Tuwang tuwa talaga ako. I cant imagine na magiging ganito kaganda ang kwarto ko dito sa mortal world. The whole room was painted in a white paint with a frozen symbols everywhere. There are imaginary snow din. Napakalaki pa ng higaan ko with white and krystal like covers. Ang lamig sa pakiramdam. It really suits me. Nasa gitnang bahagi ang bed ko at sa kanang side naman ang closet. Natuwa din ako nang makita ko ang laman ng dresser ko. All white shirts and dresses. Mayroon din akong mga footwear. Lahat ng kailangan ko as a mortal ay nandoon na. "Grabe gravity!" Masayang sigaw ko kaya naman nagtawanan silang lahat. FAYETH POV I’m so excited nang ako na ang tawagin ni Tita Frydah. Ako ang kasunod na room ni Bruice. "This room belongs to Fayeth the princess of Pyrokine Division," wika ni tita Frydah at binuksan na ang room na para sa akin. "Wow! as in wow na wow," amaze na wika ko kaya nagtawanan din silang lahat sa reaksyon ko. Red painted naman ang buo kong wall. Instead na chandeliers ay puro fire flames ang nakasabit sa kisame ng room ko. Unlike kay Bruice nasa kanan na side nakalagay ang bed ko. Red with flames din ang cover nito. Nasa paanan ko naman nakalagay ang closet ko kagaya din kay Bruice at kumpleto narin iyon. May maliit na table din ako sa left side ko and ofcourse color red din iyon. "Ahm parang gusto ko dito nalang," with matching crying acting pa ako kay Tita Frydah.  "Drama mo huh," sabay tapik naman sa akin ni Ariella. "Heh, tara excited na ako sa rooms nyo," sabi ko kaya hinila ko na si Ariella kasunod iyong iba pa. ARIELLA POV As expected alam ko na ang magiging room ko. I'm the air elementalist kaya naman gray ang kulay ng room ko. Puro wind chimes naman ang nasa kisame ko but not like other chimes na sobrang ingay. Bawat chimes kasi na nakasabit doon ay may iba't-ibang tune kaya kapag ginamit ko ang power ko ay lumilikha ako ng napakagandang sounds. Nasa left side naman ang bed ko covering gray with a symbol of wind. Malaki din ang closet ko at kumpleto din iyon. "Woahh, so cool Ariella," komento ni Fayeth ang pinakaclose ko sa lahat. Ngumiti nalang ako sa kanya at lumabas narin ulit kami. NIXIE POV "Wow, this is great," komento ko nang buksan ni Tita Frydah ang room na para sa akin. Parang nasa loob ako ng aquarium based sa painting ng room ko from walls saka kisame. May painting din ng mga fish, corals na makukulay ang other species sa dagat. Blue with wave naman ang cover ng bed ko. Malaki din ang closet ko kagaya nila at syempre kulay blue lahat ang iyon. "Thanks tita Frydah," pasalamat ko nalang dahil at home na ako sa magiging room ko. TENANYE POV "Ay ang saya naman," bulalas ko nang buksan na ni Tita Frydah ang door ng magiging room ko. "Astig, mini forest ang peg," komento ni Alvara. Napangiti ako sa komento nya. Grabe ang ganda ng kwarto ko. Meron talagang totoong puno sa right side ng room ko katabi ang closet ko. Mini forest naman ang painting ng kwarto ko. Mostly green ang nandoon dahil nga forest. May naririnig din akong huni ng mga birds na nakasabit sa kisame ko. Nasa gitna naman ang bed ko. Green with colorful flowers naman ang color ng bed ko and other things na nasa kwarto ko.  "Ang ganda sobra," overwhelmed na sabi ko nalang. ALVARA POV "Last but not the least please welcome Alvara," wika ni Tita Frydah at binuksan na ang room na para sa akin. "Speechless?" Nagulat pa ako nang marinig ko ang sinabi ni Bruice.  "Oo naman syempre," masayang sagot ko sa kanya. Brown naman ang kulay ng kwarto ko. Hindi sya totally brown lahat dahil meron itong shade ng iba't-ibang kulay. It corresponds my power as a lightning elementalist. "Nakaka-amaze naman ang ganda sa mata," komento naman ni Tenanye. "Like yours," sagot ko nalang sa kanya. Halos lahat naman kami ay magaganda talaga ang mga kwarto. Nasa middle din ang bed ko. As usual may malaking closet din. Colorful naman ang cover ng bed ko pero mas makikita ang kulay brown as representing my power. "So were done for today girls, wika ni Tita Frydah. Pero halos magkakasabay kaming tumingin doon sa last kwarto na nakasarado parin. "Tita diba may isa pa pong room?" si Nixie. "Ohh girl ilan ba tayo huh?" si Tenanye naman. "Hmm, were only six right?" sagot naman ni Fayeth. "Cool, medyo ryhme yun huh," komento naman ni Ariella at bigla silang nagtawanan ni Fayeth.  "Dont be so excited girls may taong nakalaan para sa kwarto na yan," huling wika ni Tita Frydah at  bumaba na ng hagdan. Nagsunuran naman kami. Si Ayazairah ang huling bumaba kaya naman narinig ko pa ang sinabi nya. "Sino naman kaya ang taong yun?" Napapa-iling pa na tanong nito. Tahimik na bumaba nalang din ako thinking about it also."Hmm, hayaan na nga lang," wika ko nalang sa isip ko.  Pero habang nag-iisip ay tila alam ko na kung magiging kanino ang silid na iyon. Hindi ako one hundred percent sure pero malakas ang kutob ko na kay Ayazairah mapupunta ang silid na iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD