"Ang aga ko naman yata magising ngayon,” Pagtingin ko sa orasan ay alas tres pa lang ng madaling araw.
Gusto kong matulog ulit kaya lang ay hindi na ako dalawin ng antok. Bumangon ako at lumabas ng kwarto para umakyat sa second floor. Gusto kong tignan kung may gising na rin sa kanilang anim. Nagsasawa na ako sa mga games sa phone.
Sinimulan kong buksan ang mga kwarto nila. Hanggang ngayon ay namamahangga parin ako sa ganda ng mga kwarto nila. Naalala ko tuloy ang hitsura ng kwarto ko. Pink iyon at masyadong girly. Madaming stuff toys at kung anu-anong gamit pambabae. Kung tutuusin nga ay masikip na dahil sa mga gamit doon.
Bumaba na lang ako sa kusina para kumuha ng gatas baka sakaling makatulog ulit pagkainom. Nagulat ako dahil may natatanaw akong nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa aking kwarto. Binilisan ko ang aking paglakad at agad na binuksan ang aking silid.
Pagbukas ko ng silid ay bigla naman nawala iyong liwanag. Kinabahan ako at dahan-dahan na naglakad patungo sa aking higaan. Pinakiramdaman ko muna ang aking paligid dahil baka may ibang tao sa kwarto ko. Matagal akong tahimik sa aking pwesto at nakapagdesisyon na ako lang mag-isa sa silid na iyon. Agad kong binuksan ang ilaw. Maayos naman ang mga gamit ko kaya lang ay nais kong malaman kung ano iyong liwanag kanina.
“Hindi na naman ako makakatulog nito,” daing ko dahil natatakot pa din ako. Umayos ako ng higa at pinilit na makatulog ulit sa kabila nang nararamdaman.
Nagising na naman ako. Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako pero pakiramdam ko ay kakapikit ko lang. Bakit nga ba gising na naman ako. Ano ba ang nangyayari sakin at nagiging abnormal ang tulog ko. Nahawaan na ata ako ni Fayeth.
Napabalikwas ako ng makita ko ang paligid. Hindi ito ang aking silid.
"Nasaan ba ako?” Nagtakang tanong ko sa sarili dahil puro puti lamang ang nakikita ko. Maayos naman ang silid at may sofabed doon na pwede kong higaan kaya lang sigurado ako na hindi ako lalo makakatulog doon.
Pinakiramdaman ko na naman ang paligid. Although puti lahat ang nakikita ko sa paligid ay natatakot parin ako. Pakiramdam ko ay may kung anong mangyayari sa akin.
Maya-maya nakaramdam ako na parang may nakatitig sa akin. Hindi lang basta titig kundi isang napakatalim na titig na pwede akong matunaw bigla. Mas lalo akong natakot gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Ano ba kasi ang ginagawa ko dito.
"Oh gosh,”muntik ko ng maisigaw. Nakakarinig na kasi ako ngayon nang yabag ng paa at papalapit na iyon sa akin. Hindi ko alam pero automatic akong napahawak sa suot kong kwintas na lagi kong suot na katulad sa mga elemental princess.
Biglang nanindig ang balahibo ko sa batok. Nararamdaman ko parin iyong titig sa likod ko. No hindi na ito titig lang tila nasa likuran ko na ito. Dahan-dahan akong humarap sa kung sino man ang nasa likuran ko at nagulat ako sa aking nakita. Bigla nitong dinakot sa dibdib ko ang kwentas na hinahawakan ko.
"Ahhh, get off!” sigaw ko habang pinipigilan ang kamay nito na makuha ang kwentas ko.
Ako lang ang nasasaktan sa pagpiglas ko. Napakalakas nya at hindi ko alam kung anong nilalang sya pero parehas kami ng hitsura ngunit kakaiba ang taglay na lakas nito.
"Aghhh bitawan mo ako, wag mo itong kunin sa akin,” mas hinigpitan ko pa ang paghawak doon sa kwintas ko pero mas lalo din yata syang naging malakas.
Nanghihina na ako. Hindi ko na sya kayang labanan. Namamanhid na ang kamay ko sa paghawak sa kwentas ko pero hindi ko inaasahan ang susunod na nangyari. Nakita ko ang likod nya at saka ko lang narealize na papalayo na sya sa akin.
"Saan sya pupunta,” takang tanong ko dahil papalayo na ito sa akin at likod na lamang nya ang nakikita ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at halos napaluhod sa pagod na naramdaman ko. Bigla akong nanghina nang mapagtanto na wala narin ang kwentas na lagi kong suot simula ng magkamalay ako sa mundong ito.
"ahhhh ibalik mo sakin yan!” Galit na galit kong sigaw sa taong naglalakad palayo sa akin. Pinilt kong tumayo ulit para habulin ito ngunit hindi ko na talaga kaya. Nanghihina ako at hindi ko na alam ang susunod na nangyari.
"Ayazairah,” narinig kong boses ni Tita Frydah iyon. Alam kong tamad ako bumangon kapag umaga kaya lang parang sobra naman yata ang panggigising nya sa akin ngayon. Hindi mahinahon ang pagtawag nito sa aking pangalan tila takot ito at talagang sinisigurado na magigising ako.
"Ayazairah,” pagtawag nito at tinapik na ngayon ang pisngi ko dahilan para bigla akong bumangon.
"Ackkk, what's wrong with you Tita?” Nagtatakang tanong ko dito habang hawak ang aking pisngi.
"Well, nakaalis na silang lahat kaya naman pinuntahan na kita dito pero naririnig kitang umuungol kaya pinipilit kitang gisingin. Ano ba napapanaginipan mo?” concern na tanong nya.
Pinilit kong alalahanin iyong panaginip ko pero bakit ganun nakalimutan ko na agad ito.
“Ang alam ko bago ako makatulog ulit ay ---,” bigla akong sumigaw na ikinagulat naman ni tita.
"Ayazairah?” nakakunot na ang noo na tanong nya sakin. Ako naman ay parang maiiyak na.
"Tita kinuha po nung taong hindi ko kilala ang kuwentas ko," para akong sampung taon pa lang na nagsusumbong sa kanya. Lalo namang kumunot ang noo ni Tita Frydah sa narinig.
"Sinong tao?" Inalala ko pero hindi ko matandaan kung anong hitsura nito.
"Tita hindi ko maalala pero alam ko kinuha nya talaga ang kwentas ko,” pagpilit ko dito.
"Honey check mo muna ang lalagyan mo baka naman nandoon lang, remember its just a dream," pangungumbinsi ni Tita sa akin. Natauhan naman ako sa sinabi niya kaya mabilis kong pinuntahan ang pinaglagyan ko. Nagulat pa ako sa aking nakita habang hinahanap ang aking kwentas.
"Tita look,”pinakita ko sa kanya ang kwentas na hawak ko. Hindi ito ang kwentas ko dahil kulay gold itong hawak ko ngayon at crown naman ang pendat.
Napansin ko naman na nakangiti ngayon si Tita. May time pa sya para ngumiti sa nararamdaman ko ngayon.
"Just fix yourself first kasi late ka na sa morning sched mo," sabi n'ya at bigla na lang akong iniwan.
Ngayon lang rumehistro sa utak ko na kailangan ko nga palang pumasok dahil super late na ako. Mabilisan ang ginawa kong pag-aayos sa sarili. Pakiramdam ko ay hindi ako naligo. Hindi na ako nagpaalam kay Tita dahil nga nagmamadali na ako.
"Hindi talaga iyon ang necklace ko pero bakit ganun ang reaksyon ni Tita?” Natigil ako sa pag-iisip nang mabangga ako ng isang gwapong nilalang.
“Oh my ang gwapo,” paghanga ko sa lalaki kaya lang ay nagulat ako sa inasal nito.
"Get out of my way, you clumsy girl,” sigaw nito sa akin bago umalis sa tabi ko. Ginaya ko yung expression nung lalaki para makaganti dito.
Gwapo sana kaya lang yuck ang attitude. Bahala sya sa buhay nya dahil baka late din ako sa afternoon class ko.
Nakita ko naman agad iyong anim na prinsesa kaya nilapitan ko na sila. Napansin naman agad nila ako. Iba talaga ang advantage ng may elemental powers.
Buti na nga lang ngayon at medyo aware na sila na nasa mundo sila ng mga mortal na tao
"Anong nangyari sayo Aya---i mean Arah?" salubong agad ni Alvara sa akin. You know Arah kasi name ko dito sa school kaya ganun din tawag nila sa akin.
"Napuyat ako kagabi eh," sagot ko sa kanya.
"Huh, magkakasabay tayong natulog diba," si Bruice naman.
"Baka nagising sya sa kalagitnaan ng tulog natin," si Tenanye naman as usual ang nambabara parin kay Bruice.
"Bakit naman sya nagising?” si Fayeth naman with inosente look.
"Tanong mo kay Tenanye,” si Ariella naman. Inirapan tuloy sya ni Fayeth dahil sa naging sagot nya.
Natawa din ako. Ibang klase talaga mag usap ang mga ito.
"Wag nyo na nga pansinin atleast nakahabol naman ako sa afternoon class ko,” sabi ko nalang at nagpatiuna na sa paglalakad papunta sa room namin dahil malapit na magsimula ang klase.
Napapiglas ako nang bigla kong marinig ang boses ni Bruice.
"Napansin nyo ba iyong suot na kwentas ni Ayazairah?” tanong ni Bruice sa kanila pero narinig ko iyon kahit malayo ako sa kanila. Narinig ko sya sa pamamagitan ng isip ko.
Ngayon ko lang napagtanto bakit ko sya narinig sa isip ko. Naghahalucinate yata ako. Hinawakan ko ang nook o para makasiguradong wala akong sakit. Maayos naman ang pakiramdam ko.
"Ano ba nangyayari sa akin at kung anu-ano nakikita at naririnig ko,”
Oras na n gaming klase pero wala akong maintindihan sa mga lecture kasi wala doon ang focus ko, Nagsisimula na naman ang mga tanong sa sarili ko.
"Nagsimula lang naman ito nung dumating ang anim na prinsesa at ng malaman ko na ako ang nawawalang prinsesa nila.”
Ang daming nagbabago sa akin na hindi ko naman maintindihan. Isa pa ay ang kwentas, sigurado ako na hindi sa akin ito. Kakaiba din ang kinikilos ni Tita Frydah.
"Ahh nakakaloka,” iritableng wika ko dahil sa kung anu-anong naiisip ko.
"Kailangan mo ba si Tinkerbell?” Tanong ni Fayeth. Nagulat pa ako dahil akala ko ay may narinig na naman akong nagsasalita sa utak ko.
Maya-maya ay natawa na lamang ako ng maalala ko ang tanong nito. Kamag-anak ban g babaeng ito si Tinkerbell at lagging bukambibig.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo,” si Ariella naman.
"Hindi mo nga napansin na uwian na tayo,”si Nixie naman.
"Hala uwian na pala natin.” Tumawa naman iyong anim dahil halata talaga na hindi ko alam nangyayari sa paligid ko.
"Yes po kaya halika na at umuwi na tayo,” si Alvara naman.
Magkakaakbay na kaming naglakad palabas ng room naming. Malapit na kami sa gate nang biglang matumba si Bruice.
"Bruice!”halos magkakasabay pa naming sigaw. Mabuti na lamang at naalalayan agad siya ni Tenanye.
"Okay ka lang ba?” tanong ko kaagad sa kanya.
"Oo pero tila nanghihina ako,” mahinang sagot nya sakin.
Tila namumutla na ang kulay ni Bruice kaya nagmadali na kaming makauwi. Pinagpahinga din agad namin sya. Wala pa si Tita Frydah sa bahay kaya hindi ko rin sya makausap tungkol sa mga dapat kong itanong.
"Sana maging maayos na ang pakiramdam ni Bruice bukas,” dalangin ko.
Bago ako tuluyang natulog ay pinuntahan ko pa ulit si Bruice sa kwarto para icheck ang kalagayan nya. Mukhang maayos naman na sya. Napansin din ulit nito ang kwentas na suot ko.
"Anong nangyari bakit yan na ang sinusuot mong kwentas?” tanong nya kaya naman napahawak ako sa kwentas ko. Napansin ko rin iyong kwentas na suot nya.
"Teka bakit parang nagbabago ang kulay ng kwentas mo?” takang tanong ko rin kaya hinawakan nya rin ang kwentas nya.
"Hindi naman ah,” sagot nya at binitawan na ang kwentas.
"Sige magpahinga ka na rin wag ka muna mag isip ng kung anu-ano para mabilis kang gumaling," bilin ko dito.
“Sige, salamat Ayazairah,”
Lumabas na ako ng kwarto ni Bruice at dumiretso na sa aking silid. Katulad kagabi ay hindi na naman ako makatulog. Nakakapanibago talaga dahil dati ay mabilis akong makatulog kung saan sa oras na ito ay tulog na ako.
Humiga na lang din ako baka sakaling makatulog. Bumaba nalang ulit ako sa kusina at kumuha ng gatas dahil hindi pa rin talaga ako makatulog. Mabilis kong ininom iyon at agad din na bumalik sa aking silid para makatulog na.
Alas tres ng umaga ay naalimpungatan ako dahil sa lamig na nararamdaman ako. Nakacomforter ako pero ramdam ko parin ang lamig na nanunuot sa katawan ko. Pakiramdam ko ay may bukas na freezer sa kwarto kaya sobrang lamig. Naalala ko si Bruice, may sakit siya kaya baka hindi nya makontrol ang kanyang kapangyarihan.
Tumayo na ako para mapuntahan ko si Bruice at Makita ang kalagayan nito. Uminom muna ako ng tubig dahill nahihirapan na akong huminga sa sobrang lamig.
Hinagilap ko kaagad ang lagayan ko ng tubig. Nagulat ako dahil malapit na mag-freeze ang tubig ko. Minadali ko na ang pagkilos at baka kung ano na ang nangyayari kya Bruice.
"Ang aga naman magrelease ni Bruice ng power.”
Pakiramdam ko ay lalo pa lumamig sa aking kwarto. Bibitawan ko na sana ang lalagyan ng tubig pero nahirapan ako at tila nagiging yelo na din ang laman nito.
Pinilit ko itong bitawan at nagtagumpay naman ako. Sa wakas nabitawan ko sya kaya lang dahil sa pwersa ng pagtanggal ko ay may tumalsik na kung ano sa kamay ko.
Binuksan ko na ang main switch ng kwarto upang makita kung ano ang bagay na tumalsik mula sa kamay ko.Nagsisigaw ako dahil sa aking nakita.
"Ayazairah honey what's wrong?” narinig kong tanong ni Tita. Hindi ko naramdaman na nakapasok na sya sa kwarto ko. Hahawakan nya sana ako kaya lang ay inilayo ko ang kamay ko sa kanya.
"Tita please dont touch me,” nanghihinang bulong ko sa kanya. Naiiyak ako dahil sa kung anu-anong nararamdaman ko sa oras na ito. Maya-maya ay nagdatingan na rin ang anim na prinsesa.
"Woahh ang lamig naman,” komento agad ni Fayeth nang makapasok sa aking kwarto, palibhasa ay contrast iyon sa power nya.
"Ano ka ba naman Bruice anong problema mo at bakit nagrerelease ka ng ganitong power mahina ka pa ah,” baling ni Tenanye kay Bruice.
Naramdaman kong lumapit si Bruice sa table kung saan nakalagay ang lalagyan ko ng tubig.
"It's not me.” Narinig kong bulong nya kaya lalong nagkagulo ang limang prinsesa.
"Bruice ikaw lang ang ice elementalist sa at----,” naputol ang sasabihin ni Nixie nang makita nya ang kamay ko.Naramdaman ko na nakatingin silang lahat sa kamay ko.
"It's Ayazairah power,” konklusyon ni Alvara dahil hanggang ngayon ay may naglalabasang krystal like na yelo sa kamay ko.Sobrang lamig na din sa buong kwarto kahit wala namang ginagawa si Bruice.
"Honey try to calm down para bumalik sa dati ang temperatura ng kwarto mo or else magiging frozen ang buong bahay natin,” wika ni Tita Frydah kaya lalo akong nagpanic doon.
"Tita, I dont know how,” umiiyak kong wika. Anong nangyayari sa akin. Lumapit narin si Bruice sa akin nang makitang nagpapanic na ako.
"Shhhh, calm down Ayazairah please,”bulong nya sa akin kaya nagrelax narin ako.
Maya-maya lang ay nawala na ang panlalamig ng kamay ko. Ganoon din ang kwarto ko na unti-unti nang bumabalik sa dating temperatura nito.
Ramdam kong hindi din makapaniwala ang mga prinsesa sa nakita nila ngayon. Hindi ko pa nga nalalaman ang sagot sa mga tanong ko pero heto at meron na naman. Nagpasya na kaming bumaba muna sa sala kahit alas kwatro pa lang ng umaga.
"What’s happening to me?”bulong ko sa sarili habang umiinom ng mainit na gatas.
"We will explain it to you Ayazairah,” narinig kong wika ni Bruice. Hindi ko sya narinig verbally this time. Narinig ko sya sa isip ko. Inalog ko ang ulo ko dahil kung anu-ano na naman naririnig ko. Nginitian naman ako ni Bruice na tila alam nya kung anong iniisip ko.
"Ayazairah from now on Bruice will teach you how to control your ice power,”panimula ni Tita Frydah. Nagulantang ako sa sinabi ni Tita.
"Tita pwede po ba malaman muna kung anong nangyayari, naguguluhàn na po ako,”sagot ko sa kanya at parang maiiyak na naman ako. Ano nga ba kasing nangyayari sa akin. Hindi ko na alam kung paano tatanggapin lahat ng ito.
Napansin ko naman na tahimik lang ang anim na prinsesa. Pinaubaya na nila kay Tita Frydah ang lahat ng alam nila para sya na mismo ang magsabi sa akin.
"You have an ice element honey, remember that you are a princess of Elementalia kaya sa ayaw at gusto mo ay magkakaroon ka talaga ng mga kapangyarihan,” mahabang paliwanang sa akin ni Tita.
"Mga kapangyarihan?”pag-ulit ko sa huling sinabi ni Tita. Napansin ko na kumunot din ang noo nung anim. Ibig sabihin ay hindi nila alam ang tungkol dito.
Tumawa naman si Tita dahil sa hitsura namin. May gana pa talaga s'yang tumawa sa kalagayan ko ngayon. Hindi ba nila alam ang nararamdaman ko.
"Ofcourse I know,” sagot ni Bruice sa pamamagitan ng isip ko
"Bruice stop talking sa isip ko please, I cant help it!” Napasigaw ako dahilan para ikagulat nilang lahat.
"Kinakausap ko si Ayah using my mind,” wika ni Bruice sa mga kasama.
"It’s possible dahil pareho na silang may hawak ng ice element,”si Tita Frydah naman ang sumagot.
"Look at your necklace,”pahabol ni Tita sabay turo sa kwentas naming dalawa. Kahapon ay walang kulay ang kwentas ni Bruice pero ngayon ay naging kulay puti na iyon. Nagkaroon din ng kulay puti iyong pearl na nasa tuktok ng koronang pendat ng kwentas ko.
"Simula ngayon ay connected na kayong dalawa dahil sa pagkakapareho ng element nyo kaya magtutulungan kayo para lalong mapalakas ang kapangyarihan ng bawat isa,” bilin ni Tita sa amin ni Bruice.
"Yes Tita Frydah,” magkasabay na sagot namin ni Bruice. Medyo malinaw na ngayon ang lahat sa akin pero hindi parin lahat. Madaming tanong ang gumugulo sa aking isip at nararamdaman ko na simula pa lang ito.
"Go back to your room girls. No worries, tatawagan ko ang school na hindi kayo makakapasok ngayon since maaga tayong nagising lahat,”huling sabi ni Tita at iniwan na kami.
"Ahm Bruice can you sleep with me please?” pakiusap ko sa kanya. I’m afraid na lumabas na naman ang kapangyarihan ko at hindi ko iyon makontrol.
"Sure Ayah,”nakangiting sagot nito kaya naging panatag ako.
"Ice elemental huh,” bulong ko na nginitian ni Bruice dahil nga naririnig nya na ngayon ang inner voice ko.