FULGURKINESIS

2754 Words
Bumalik na sa kani-kanilang upuan ang mga kaklase naming babae dahil dumating na ang adviser namin. Hanggang ngayon ay wala pa din pakialam ang mga kaibigan ko. Nakayuko lang si Tenanye sa desk nya. Pinapaikot naman ni Alvara ang ballpen sa kanyang dalawang daliri. Si Fayeth naman ay busy maglaro ng games sa cellphone habang nakaearphone naman si Ariella. Drawing naman ang pinagkaka-abalahan ni Bruice. Mapapansin naman na malapit na makatulog si Nixie habang nagbabasa ng libro. Muli akong nagkaroon nang interes sa pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko. Para akong guard na talagang tinutukan kung sino ang transferee. Maya-maya lang ay paubos na ang mga babaeng classmate ko sa umpukan. Mas lalo kong binantayan kung sino ang transferee hanggang sa makita ko na nga kung sino iyon. Nagulat ako sa aking nakita. Nagkamali ako dahil hindi lang pala isa ang transferee namin kundi anim. Grabe ang gagwapo pa kaya naman pala ganun ang reaksyon ng mga kaklase namin kanina. Natigil na lang ako sa paghanga sa mga iyon nang magsalita na ang teacher namin. "Good afternoon class,”bati ni Mam Mryte ang statistic teacher namin. "Good afternoon Mam Mryte,” sagot naman naming lahat. Actually naging attentive na iyong anim na prinsesa at tanging sa teacher lang namin nakatingin. Masyadong seryoso ang anim sa pag-aaral nila ditto sa mortal world. "Class alam kong nagulat kayo dahil mayroon na naman tayong transferee kaya please stand up boys and introduce yourself.” Nagtayuan naman agad iyong anim na adonis at pumunta sa harapan upang makapagpakilala. "Bakit naman ang gwapo nila,” Tuloy pa din ang paghanga ko sa mga lalaki. Tinignan ko naman ang anim na prinsesa na hangang ngayon ay tahimik pa din sa kanilang pwesto. Natawa ako sa expression nila dahil lahat sila ay nakanganga na naman. "Hoy! Pasukan ng langaw mga bibig nyo,”natatawang sabi ko sa kanila kaya naman inirapan nila ako. Muli akong tumingin sa harapan nang magsalita na ang pinakagwapo sa grupo. “I’m Alfrigg and nice to meet you all,”wika nito at kumindat pa. Kulay pula ang buhok nito at green ang mata na ubod ng gwapo. Nagsalita na din ang sunod sa kanya. "I’m Keiji,”sabi naman ng lalaking kulay brown ang buhok at may headset na suot. "I’m Foster, hello girls,”pakilala naman ng lalaking kulay puti ang buhok na ang yummy tignan. "I’m Huacas,”pakilala naman ng lalaking may salamin. "Hi classmates, I’m Rukie,” yung lalaking kulay violet naman ang buhok ang nagpakilala. Violet din ang buhok nito at may bitbit na teddy bear. "I’m Mikhail,” sabi naman ng lalaking may sumbrero. Magkakasabay silang anim na yumuko samantalang kinikilig naman lahat ng kababaihan sa room namin except doon sa anim na prinsesa. Muli kong tinignan ang anim na prinsesa at napansin ko na tila ang lalim ng galit nila sa mundo. Ano na naman nangyari sa kanila. Lahat ng transferee sa school namin ay sa huling row pwede umupo kasi  occupied na lahat ng upuan sa harapan. Ang nangyari tuloy ay nasa likuran namin iyong anim na lalaki which is ganito ang hisura. Ako ang nasa huling upuan sa pangatlong linya. Ang anim na prinsesa naman ang nasa ika-apat na linya. Nasa ika-limang linya naman naka-upo ang anim na lalaki kaya nasa likuran sila ng mga prinsesa. Nasa likod ni Bruice si Foster. Next is Tenanye kay Bruice kaya si Huacas ang nasa likod nya. Si Fayeth naman ang kasunod at si Rukie ang nasa likuran niya. Sunod naman ay si Ariella at si Alfrigg ang nasa likod nya. Si Alvara ang sunod at si Mikhail naman ang sa likod nya. Nasa huling upuan si Nixie at si Keiji ang nasa likod nya. Para silang mga lovers kung titignan. Muli kong tinignan ang mukha ng mga prinsesa at hindi pa din iyon nagbabago. Ano kayang nangyari sa mga ito. Tinignan ko din ang anim na lalaki at nakangiti naman ang mga ito na tila hinahamon ang mga prinsesa. "Hmm, I know for sure na may something sa kanila,” bulong ko saka nagfocus na sa teacher namin na nagsisimula ng magturo. Umayos na din ang anim na prinsesa pero ramdam mo padin ang bad vibes sa kanila. Mabilis natapos ang klase namin kaya balik na naman sa pokerface ang mga kaibigan ko. Nagtataka na talaga ako sa inaasal nila. "Hi girls,”wika ni Foster na nakangiti at nakatingin kay Bruice. "Ugh, I hate this man,” wika ni Bruice sa utak nya. Napangiti naman ako dahil nabasa ko iyong iniisip nya. Nakalimutan nito maglagay ng barrier sa sobrang inis na nararamdaman. Si Fayeth naman ay matalim ang tingin kay Rukie at tila gusto nang lumabas ng apoy sa mga palad nito. Inirapan naman ni Ariella si Alfrigg. “Girls pwede paki-explain kung ano nangyayari dito?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagtanong na ako. Pakiramdam ko din kasi ay magkakaroon na ng world war three sa pagitan nila. "Kinukumusta ko lang si Ms. Tenanye,”sagot naman ni Huacas. "Wala akong pake sa iyo,” nakairap na sagot ni Tenanye dito. Kawawa naman iyong anim na lalaki tila ang laki ng galit sa kanila ng anim na prinsesa. “Nice to meet you again,”si Keiji naman na nakatingin kay Nixie. "Don’t stare at me like that,” iritang wika ni Nixie sa kanya sabay talikod. "Girls halika na doon tayo sa labas,” anyaya ko sa anim dahil nararamdaman ko na ang kapangyarihan ni Bruice. Tagumpay naman ako dahil nagsitayuan iyong anim at sumunod sa akin. Lagot sila sa akin dahil mahabang kwentuhan ito. Sa mini garden ng paaralan kami dumiretso. Mukhang alam na nila kung bakit kami nandito kaya nagsimula na silang magkwento. "Nakakaasar talaga ang Foster na iyon,”panimula ni Bruice. "Ano ba nangyari?” tanong ko. "Trip ko kasi kumain nung halo-halo kaya pumunta akong canteen para umorder at iniwan ko muna silang lima. Nakaorder na ako at nung ibibigay na sa akin ay bigla naman humarang yung lalaking pangit na iyon at sinabing sa kanya daw order yun. Ang kapal ng mukha ako nagbayad dahil gusto ko kumain tapos kinuha nya.” Halos umiyak si Bruice habang nagkukuwento sa amin. “Kaya pala halos lapain nya na ito kanina,”sa isip ko. Tumingin naman ako kay Tenanye na ngayon ay nakakuyom ang dalawang palad. Ano naman kaya ang drama nitong isa.  "Tenanye ano naman kwento mo,” Tinanong ko na din para malaman kung anong problema niya. "Gusto ko na makalimutan ang nangyari sa amin ng lalaking iyon kaya huwag na natin pag-usapan,”wika nito. "Bakit naman?” pangungulit ko dito. “Nasa library ako para basahin yung paborito kong libro at alam na nung librarian kung ano iyon. Nung kukunin ko na sa shelf naku nakipag-agawan sakin yung kupal na iyon. Paborito nya rin daw yung libro at sya ang gagamit,” galit na wika ni Tenanye kaya hindi ko nalang ulit tinanong. "Buti nga kayo nag agawan lang,” mangiyak-ngiyak din si Nixie. “Ano naman nangyari sayo?” Tinanong ko na din ito dahil baka bumaha na sa galit ang babaeng ito. "Pagkatapos ng P.E. kanina ay bibili sana ako ng ice water dahil nauuhaw ako sa kakatakbo tapos nagulat ako dahil may nagbato sa akin ng tubig. Mabuti nalang at may extra shirts ako dahil kung wala ay para akong basang sisiw,” sumbong naman nito sa amin. "Gusto ko manuod ng Tinkerbell,”nangigigil na wika ni Fayeth. ”Ano naman kaya problema ng baliw na ito,” "Bwisit na lalaking yun na violet ang buhok na may teddy bear na panget bigla ba naman isalang ang spongebob sa portable ko kanina kasi makikipanuod daw sya. Ang kapal ng pagmumukha nya. Hindi naman sa kanya yung portable tapos makikinuod sya nang gusto nyang palabas,” nagsisisigaw si Fayeth baliw sa sobrang gigil sa lalaki. "Ang sarap nang upo ko doon sa swing na nasa ilalim ng puno, malapit na nga akong makatulog pero dahil sa lalaking yun nahulog ako sa duyan dahil tinulak nya ng malakas yung swing na inuupuan ko. Nakainis at mabuti na nga lang din na may extra akong damit dahil kung wala ay puro lupa ako,” naaasar na wika naman ni Ariella. Gusto ko tumawa nang malakas dahil sa mga kwento nila. Ibig sabihin ay hindi lang ako ang nakaranas nang ganun sa isang lalaki. Si Alvara nalang ang hinihintay ko na magkuwento. Nakatulala lang ito na parang baliw. Naku nauna pa kay Fayeth na mawala sa sarili. "Hoy Alvara anong nangyari sayo?” "Sa dami ng lalaki dito sa mundo ay bakit sa kanya pa,” wala sa sariling wika nito. "Ohh bakit ano naman ginawa sa iyo?” Nagulat kami nang biglang umiyak si Alvara. Nabaliw na nga yata ang babaeng ito. Kanina galit na galit tapos ngayon ay umiiyak naman. "Bakit siya pa,” tanong ulit nito sa sarili. "Ano ba kasi iyon?” Si Ariella naman ang nagtanong dito. Mas lumakas pa ang iyak nito. Naloka kami dahil pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumadaan malapit sa pwesto namin. “K-kasi a-ang f-fir—st,”putol-putol na wika nito na ikinainis ni Bruice. “Ano ba kasi yun,” gigil na tanong ni Bruice. “What first?” Nagtanong na din si Nixie na hindi makapaghintay sa gusting sabihin ni Alvara. “Yung first kiss ko ninakaw nya!” Sigaw ni Alvara. “Ano!?” magkakasabay na sigaw namin dahil sa sagot ni Alvara. Tumango lamang si Alvara at muling pinagpatuloy ang pag-iyak nito. Natawa naman kaming anim. Hindi namin akalain na ganoon kabigat ang rebelasyon ni Alvara. Nagmartsa na si Alvara pabalik sa room naming at iniwan kami. Mabilis naman kaming tumayo para sundan ito at suyuin na din dahil tinawanan namin siya. "Ayiee may first kiss na si Alvara,”tukso sa kanya ni Nixie pagkatapos namin kumain. Nasa sala kami ngayon at nagkukuwentuhan. Wala pa si Tita Frydah kaya hinhintay naming sya ngayon dito sa baba. Habang nag-uusap ay panay din ang gamit nila sa kanilang kapangyarihan. Namamangha pa din ako hanggang ngayon kapag nakikita sila. “Girls mahirap ba kapag may kapangyarihan?” Nagtawanan naman ang mga ito sa tanong ko. "Ayazairah may kapangyarihan ka din,”sagot ni Bruice sa akin. “I know pero bago lang sa akin, sa inyo kasi ginagamit nyo na simula bata pa kayo.” “Well hindi naman mahirap, masaya pa nga kasi malaya naming nagagawa ang mga bagay na hindi kayang gawin nang mga mortal na tao, sagot din ni Tenanye. “I wish nakilala ko agad kayo,” nakangiting wika ko sa kanila. "Alvara ano ba feeling nang may first kiss?”Out of nowhere na tanong ni Fayeth na nagpatayo kay Alvara sa kinauupuan nito. "Tumigil ka Fayeth, ayoko na maalala iyon parang awa,” pagbabanta nito sa kaibigan. "Paano kung na-inlove ka sa kanya?” Dagdag na tanong din ni Ariella. "Bakit ako ang center of topic ngayon?” "Maganda ka kasi,”pokerface na sabi ni Tenanye. "Tumigil na nga kayo,” inis na sabi ni Alvara at tinira si Tenanye nang kanyang light power. Kinulong naman iyon ni Tenanye sa isang bulaklak kaya ang nangyari tuloy ay naging colorful ang bulaklak na hinagis din ni Tenanye. "Wow!” amaze na wika ko nang Makita ang ginawa nung dalawa. "Siguro ang gagaling nyo na sa labanan?”curious na tanong ko na naman. "Hindi pa kami sinasama sa mga labanan saka tahimik pa naman ngayon sa palasyo,” sagot ni Nixie. "Ganun ba, sige nga kwentuhan nyo ako tungkol sa Elementalia?” Magsisimula na sana magkwento si Fayeth nang biglang dumating si Tita Frydah kaya natahimik na kaming lahat. Nagbilin lang sa amin si Tita at pinaakyat narin kami agad sa aming mga kwarto. Paakyat na silang anim nang biglang mawalan ng malay si Alvara. "A-anong nangyari sa kanya?” takang tanong ko na maging si Tita ay nakalapit na sa kanila. "Ano bang ginawa nyo?” Pag-aalala ni Tita kay Alvara. "Wala naman po naglolokohan pa nga po kami kanina,” sagot naman ni Tenanye. "Ohh sige magpahinga na kayo, ako na bahala kay Alvara,” wika ni Tita at nagpatulong sa aming mga katulong na ihiga ang dalaga sa sofa. Nakabalik na ang lahat sa kani-kanilang kwarto. Kanina pa ako naktitig sa kisame at hanggang ngayon ay hindi pa din makatulog. Alam ko sa sarili na pagod ako ngayong araw dahil sa daming nangyari. Nakakapagtaka lang na hindi pa din ako dalawin ng antok. Bumangon ulit ako at nag-iisip kung ano magandang gawin para makatulog ako. Habang tahimik ay pakiramdam ko lalo akong lumalakas. Binuksan ko ang palad at nagconcentrate ako para makapagpalabas ng kapangyarihan. Nagwagi naman ako dahil nakakapaglabas ako ng yelo sa kamay ko. Tinignan ko iyong kwentas na suot ko. Nakakapagtaka pa din dahil isang pearl lang ang nagkakulay samantalang buong pendat ng kwentas ni Bruice ang nagkakulay noon. Patuloy lang ako sa pagpapalabas ng kapangyarihan ko. Para akong naglalaro nang close and open sa kamay ko. Kapag bukas ang palad ko ay may lumalabas na mga krystal like na yelo sa kamay ko. Mawawala naman ang mga iyon kapag nakatikom na ang kamay ko. Patuloy parin ako sa ginagawa ko nang biglang nawala ang yelo na lumalabas sa kamay ko.  “Hala bakit ayaw ng gumana?” Wala na talagang lumalabas sa palad ko kahit nakailang close and open na ako. "Hmm last na ito pag wala parin lumabas matutulog na ako,”wika ko sa sarili at nulling nagfocus sa ginagawa. Dahan-dahan ang pagbukas ko sa aking kamay at nagulat ako sa aking nakita. Sa halip na yelo ang lumabas ay para itong lightning na may iba't-ibang liwanag. Naalala ko bigla si Alvara. Ito malamang ang dahilan kung bakit nanghina ang dalaga. Kapangyarihan yata ni Alvara ang lumabas sa palad ko ngayon. Nagpanic ako at agad na tinawag si Tita Frydah. Sa lakas ng sigaw ko ay nagising din ang anim na prinsesa. Mabilis naman na dumating si Tita Frydah kasunod ang mga kaibigan ko. Nasa kwarto ko na sila ngayon at nagtatakang nakatingin sa akin kung bakit ako sumisigaw sa kalagitnaan ng gabi. "Nagising ako kanina dahil naririnig ko ang innervoice ni Ayazairah,” mahinang wika ni Alvara. "Y-you m-mean,” nauutal na tanong ko. "Yes naririnig ko na ngayon ang inner voice mo siguro dahil taglay mo narin ang kapangyarihang hawak ko,” nakangiting wika nito. "You can check your necklace sweetie, singit naman ni Tita Frydah. Halos sabay pa naming tinignan ni Alvara ang aming kwentas at pareho na nga iyong may kulay. Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon ang nagyari sa kwentas ko. Napansin ko na may anim na pearl ang pendat ko. "Ngayon alam kong alam mo na ang nangyayari Ayazairah,”wika ni Tita Frydah. "Tita lahat po ba ng kapangyarihan nila ay magiging kapangyarihan ko din?” "Ikaw ang anak ng kataastaasang hari at reyna kaya normal lang iyan. Nakatakda kang hawakan ang lahat ng element.  Ayon din sa propesiya ay ikaw ang magiging pinakamalakas na prinsesa at wawakas sa digmaan, mahabang paliwanag nito sa akin. Nakanganga na ngayon ang anim na prinsesa dahil na din sa narinig nila. "Naisip nyo ba and dahilan kung bakit lahat ng element ay nasa training room kahit pa nga malalakas na kayo,”tanong ni Tita sa anim. “Iyon ay dahil si Ayazairah ang magsasanay doon at tutulungan n’yo siya na palakasin ang kanyang kapangyarihan,”pagtuloy ni Tita sa kanyang sinasabi. "Para sa akin din po ba ang kwarto sa dulo?” Natawa naman si Tita sa tanong ko. "Obviously para kay Ayazairah iyon dahil mas magiging komportable sya sa silid na iyon, pero hindi pa ngayon dahil hindi pa ganap ang kanyang taglay na elememento.” "Ayazairah pareho na tayo ng kulay ng mata,” wika ni Alvara nang mapansin ang mata ko. "Hala Tita kaylangan ko na rin magcontact lens,” nagpapanic na sabi ko kasi naman alam sa school na itim ang kulay ng mata ko pero dahil nga hawak ko na rin ngayon ang lightning power kaya naging kulay brown na ito ngayon. "Dont worry honey madami akong contact lens para sa inyo,” natatawang sabi ni Tita. "Ahm Tita ibig sabihin po ba bawat elementong hawak ko ay magbabago din ang kulay ng mata ko gaya nila?" “Oo naman pero wag kang mag-alala hindi pa tapos ang sorpresa mo madami ka pang matutuklasan Ayazairah,” “Naku huwag muna natin pag usapan iyon, bukas paggising nyo ay dalawa na kayo Alvara at Bruice na magsasanay sa mahal nating prinsesa,”bilin ni Tita sa dalawa. "Hail princess,” magkakasabay na sagot nila dahilan para magtawanan kami. "Matulog na ulit kayo at may pasok pa kayo bukas, sa weekend nalang kayo magtrain," “Okay po Tita,” sagot nila at nagsiakyatan na sa kanilang silid kaya naiwan na ulit ako sa baba. Kung dati ay natatakot ako sa mga nangyayari ngayon naman ay excitement na ang nararamdaman ko. "Ano kayang pakiramdam na hawak ang lahat ng element, parang ang hirap naman,” kausap ko sa sarili. Overwhelmed ako dahil nandito ang anim na prinsesa at si Tita Frydah para gabayan ako sa mga pagbabagong nagaganap sa buhay ko. "Ayazairah matulog ka na at hindi kami makakatulog ni Bruice dahil sa ingay mo,” kausap sa akin ni Alvara sa pamamagitan ng isip. "Sorry po, heto matutulog na,” sagot ko at gumawa na ako ng wall para hindi na nila marinig kung anong iniisip ko. Sana maging ayos lang ang lahat. Hindi pa din ako makapaniwala na ang dami nang nagbago sa buhay ko. Hindi ko pa nga masyadong alam gamitin ang ice elemental ko pero heto at may lightning element na ako. Bahala na pagbubutihin ko nalang tutal malaki ang expectation sa akin ng anim na prinsesa. "Goodluck myself,”wika ko sa sarili at umayos na ng higa upang makatulog.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD