AEROKINESIS

2675 Words
ELEMENTALIA "Mahal na reyna hindi parin po natatagpuan ang anim na prinsesa,” wika nang nagrereport na gwardya sa kataastaasang reyna. "Paano nangyari iyon. Saan kaya sila nagpunta at ang tagal na nilang nawawala,” malungkot na sabi ng reyna. "Mahal na reyna may nakapagsabi na nakita po ang anim na prinsesa malapit sa pusod ng gubat na kinaroroonan ng portal,” ulat ng isa din gwardya kaya naman napatayo ang mahal na reyna. "Puntahan ninyo at silipin kung anong nakalarawan sa portal na iyon sigurado akong nagpunta sila sa mundo ng mga mortal," utos ng mahal na reyna. Agad naman na lumisan ang mga gwardya upang magtingo sa portal. “Ngunit bakit gugustuhin ng mga prinsesa na magtungo sa mundo ng mga mortal?” Nagtatakang tanong naman ng kataastaasang hari sa kanyang asawa. “Isa lamang ang nakikita kong dahilan at iyon ay dahil kay Ayazairah.” Naging malungkot muli ang tinig ng reyna. MORTAL WORLD "Pare nakita mo ba si Hreidmar?” narinig kong tanong ni Foster doon sa isa naming schoolmate.  Oh my gosh ngayon ko lang narealize na magkakilala nga sila kaya naman pala pareho ng ugali. Nakakainis dahil hanggang ngayon ay bwisit pa din ako kapag naririnig ko ang pangalan na iyon. Huwag talagang magkakamali na magpapakita sa akin ang lalaking iyon ganitong dalawa na ang kapangyarihan ko. Nagtago ako at sumunod kay Foster. Napahinfto ako sa ginagawa at napaisip. Bakit ko ba sinusundan si Foster samantalang ayaw ko nga makita si Hreidmar. "Naku wrong move Arah,”bulong ko sa sarili kaya nagpasya na akong bumalik kung saan ako nanggaling. Paalis na ako sa kinatatayuan ko at handa na maglakad pabalik nang may marinig akong boses. "Saan ka pupunta?” tanong nito na hindi ko alam kung para sa akin. "Hoy Ms.Clumsy saan ka pupunta?” Kilala ko ang boses na ito kaya mabilis akong lumingon dito. Sabi na nga ba at si Hreidmar nga ang tumatawag sa akin. Kung kelan naman tatakas na ako saka naman ako nakita nitong kumag na ito. "Babalik sa room bakit ba,” pagtataray ko sa kanya. "Okay sige sabay na tayo at doon din ang punta ko,”nakangiting sabi nito at nakapamulsang lumalapit sa akin. "hoy lumayo ka nga sa akin, ayaw kitang Makita,” pagtataboy ko sa kanya sa pamamagitan ng isip. "Uy Pre nandyan ka lang pala,” narinig ko naman si Foster na papalapit na din sa amin. “Thanks Foster,” bulong ko sa sarili. Nag-akbayan silang dalawa at naglakad na patungo sa room naming. Napansin ko ang closeness nila na tila ba matagal ng magkakilala. Teka baklit nga ba pupunta si Hreidmar sa room namin. Alam kong kaparehas naming sya ng year pero hindi namin sya classmate. “Huwag mong sabihin na classmate na namin sya ngayon kaya diin din ang punta n’ya?” tahimik na tanong ko sa isip. "Nagpalipat po ako sa room nyo Ms.Clumsy,” bulong nya sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at tila nagtayuan ang aking mga balahibo. Hindi dahil sa sinabi n’ya kundi dahil bakit sya sumagot. "Lumayo ka nga akin at huwag kang bumuntot, kayo ni Foster ang magsama,” sagot ko sa kanya at nagmamadali ko silang iniwan. Sigurado ako na isip ko lamang ang ginamit ko nung tanungin ko ang sarili. Malayo pa sya sa aking nung time na iyon kaya imposible nya akong marinig. Napaisip ako sa nangyari. Huwag nyang sasabihin na nabasa nya ang iniisip ko. Pwede ba na ang isang mortal na tao ay kayang basahin ang utak ng mga elementalist. Imposible yata iyon  unless isa din syang elementalist. Naipiling ko ang aking ulo. Ang dami kung naiiisip na kung anu-ano. Naglakad na muli ako at binilisan para makabalik sa silid namin. Pagdating ko sa room namin ay nakasimangot na naman ang mukha nung anim na prinsesa. Inaasar na naman kasi sila nung limang lalaki na kaibigan pa nga yata ni Hreidmar. "Uy nandyan na si Arah,” wika ni Keiji habang nakanguso kay Nixie. Ang cute tignan ng dalawa para silang aso’t-pusa na walang tigil sa bangayan. Pagkaupo ko ay dumating na din sina Foster at ang lalaking mokong na walang iba kundi si Hreidmar. Nauna pa din pala ako makarating sa kanila. Kung saan-saan naman sumusuot ang mga ito. "Uy pre kumusta.”bati ni Huacas sa bagong dating na si Hreidmar. "Naku nandito ka din?” Nakamulaga si Tenanye nang tanungin ang lalaki. “Yup,” mapang-asae na maikling sagot nito. "Hala anong meron at nandito ka?” Tanong din ni Fayeth ditto. "Nagpalipat sya kaya nandito na sya.” si Rukie ang sumagot kaya inirapan sya ni Fayeth. "Ikaw ba tinatanong?? Pagtatangol ni Ariella kay Fayeth. Bestfriend sila kaya inaway din nito si Rukie. "Ikaw kaylangan sumagot?” si Alfrigg naman na sumagot din kaya nagkagulo silang apat. Ang gugulo na naman nilang anim tapos nadagdagan pa nang anim ulit. Tila sasabog utak ko sa mga kalokohan nila. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?” narinig ko si Alvara na tinatarayan si Mikhail. "Bulaklak ka ba?” sagot naman nito. "Huh, bakit?” takang tanong ulit ni Alvara na mataray parin ang boses. "Ang ganda mo kasi,” nakakalokong sagot ulit ni Mikhail. Napahagalpak naman ng tawa si Bruice sa kanyang narinig. "Ang waley naman ng banat na yun, saan mo ba pinagkukuha yun Mikhail?” Nakatawa pa din na tanong ni Bruice dito. "Sa puso at utak nya,” si Foster naman ang sumagot na nakikisabay na ngayon doon sa limang lalaki na nangungulit. Inirapan na lang din sya ni Bruice. "Hindi ba kayo matatapos sa kaguluhan ninyo?” Nabibingi na ako sa ingay nila kaya hindi ko na napigilan magtanong sa kanila. Paraan ko na din para mapigilan na sila sa walang kwentang bangayan. Wala ni isa sa kanila ang sumagot na ikinatuwa ko dahil ibig sabihin ay natakot sila sa akin. Kakampante na sana ako sa aking pwesto nang bigla naman pinagkaguluhan ng mga kakalse naming babae si Hreidmar. “Urghhh ang ingay.” Matapos kong sabihin iuon ay tumahimik na lang din ako. Maya-maya ;ang ay dumating na din ang teacher namin kaya nagsimula na kaming magklase. May sariling mundo na ulit iyong anim na prinsesa palibhasa kasi ngayon lang nakaranas na pumasok sa mortal human school kaya talagang desidido sila mag aral. Hindi ba nila alam na nagbubulakbol na nga iyong iba tapos sila sobrang babad pa sa pag-aaral. Habang busy iyong anim na prinsesa ay busy din iyong anim na lalaki hindi sa pag-aaral kundi sa pangungulit sa kanila. Kung magulo ang mga kaibigan ko ay doble ang gulo ng mga kaibigan ni Hreidmar. Tinignan ko naman si Hreidmar. Nakakapagtaka dahil ang behave naman nito sa kanyang pwesto. Hindi sya nakikipagsabayan sa anim na lalaking makukulit. "May kailangan ka?” Napapitlag ako sa tanong nya dahil hindi naman sya nakatingin sa akin.  May mata yata sya sa likod ang lalaking ito. S’ya ang nasa unahan ng upuan ko hindi katulad doon sa anim na ang mga babae ang nasa unahan. "Huh, wala,” sagot ko kahit pa nga nakakapagtaka na nalaman nya ang ginagawa ko. “Bakit mo ko tinitingnan?” tanong ulit n’ya pero sa harap parin naka-focus ang tingin. "Hindi naman ikaw ang tinitingnan ko dahil nakikinig ako sa lecture ni mam,” sagot ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa likuran nya ngunit mas nakakagulat ang nakita ko dahil biglang nagkaroon ng apoy ang mata nya dahilan para mapasigaw ako. "Ms.Arah what's wrong?” tanong sa akin ng teacher naming. Nakatalikod na ulit sa akin ngayon si Hreidmar. "S-sorry mam wala po nagulat lang,” nahihiyang sagot ko dito. Lintik ka talagang lalaki ka, makakaganti din ako sayo. Napaisip naman ako nang maalala ang naging hitsura nito kanina. Sigurado ako na naging apoy iyon. Si Fayeth lang ang nakikitaan ko ng ganun. Nakakaloko lang din dahil paanong nangyari sa mata iyon. Sino ka ba talaga Hreidmar at bakit bigla ka din sumulpot sa buhay ko kasabay ng anim na prinsesa. Nagpapanic na naman ang utak ko. Nagsisimula na naman ako sa kung anu-anong tanong sa sarili. Ang daming nangyayari na hindi ko na naman masundan. "Please maglagay ka ng wall sa isip mo,nakakabingi ka,”narinig kong sabi niya. Nagtayuan na naman ang balahibo ko. Hindi ako nagkakamali dahil sya lang ang kilala kong may boses na ganun. Si Hreidmar kinausap ko gamit ang isip nya.  "No!” sigaw ko sa isip dahilan para lingunin na naman ako ni Hreidmar. Sa halip na inis ang ipakitang itsura nito sa akin ay nakangiti ito ngayon na tila nang-aasar pa. Natahimik ako at napalunok na lang ng laway. Ayokong pagtripan ako ng mokong na ito. Inirapan ko sya pero tumawa lang ito ng mahina at tinalikuran na din ako. Nakahinga din ako ng maluwag sa sandaling iyon. Hanggang ngayon hindi parin ako makamove-on sa nangyari kanina sa school. Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa lalaki na iyon. Posible ba na may iba pa bukod sa amin ang narito sa mundo ng mga mortal. Baka naman namamalikmata lang ako since saglit ko lang iyon nakita, Huwag ko na nga pag-iisipin iyon at baka mawala na ako sa tamang pag iisip.  Kakasimula ko pa lang sa pagtanggap ng kung ano ba talaga ako at kung saan mundo ako galing. Pagtanggap sa kapangyarihan na hindi lang isa kundi anim. Naiirita na ako dahil sa tagal mag-uwian lalo at kasama ko pa ang maguglong nilalang dito sa kwarto. Isama na iyong anim na prinsesa dahil talagang pinanindigan nila ang tungkuling bantayan ako na hindi pala dahil mas pinanindigan nila ang tungkulin nilang makipag-away sa anim na lalaking nasa likuran nila. Feeling ko ay laging may world war three dahil sa bangayan ng mga ito. Ang dating tahimik kong mundo ay naging magulo na ngayon. Hindi nila alam ang salitang tahimik. Hindi din nila alam ang salitang mapagod. Literal na non stop ang kanilang away. Pero okay narin dahil ngayon ay mas marami na akong kaibigan at pakiramdam ko protektado na ako. Isa lamang akong hamak na estudyante sa paaralang ito. Sabi nga nila isa akong loner dahil wala akong kaibigan at lagi pang nabubully. Ewan ko ba bakit wala akong kaibigan noon mabait naman ako saka hindi naman ako nangangangat ng tao. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko.Gusto ko ng umuwi dahil nagugutom na din ako. Parang gusto kong kumain ng hangin ngayon. Nagulat pa ako nang bigla na lang ako kinalabit ni Tenanye. "Uy kanina ka pa nakatulala jan,” "Huh, nagugutom na kasi ako,” waley na sagot ko dito. "Weh?” pokerface na sabi naman ni Bruice. "Oo nga,”sagot ko ulit. "Ahh kaya pala hindi mo alam na ikaw na lang ang nakaupo dyan sa pwesto mo,”si Fayeth. "Ayah uwian na po kanina pa,” si Ariella naman. Napatayo naman ako bigla sa sinabi ni Ariella. Napagtanto ko na talagang out of space pala ako dahil hindi ko talaga namalayan na uwian na. “We can read your thoughts Ayazairah,” koro pang wika nila Bruice at Alvara. "Let's go girls,” yaya na ni Alvara at nagsimula na kaming maglakad palabas ng room namin. Ariella POV Hindi ko alam pero pakiramdam ko para akong nanghihina at pakiramdam ko din ay nawawala ang kapangyarihan ko.Kanina pa masama ang pakiramdam ko ngunit hindi ko lang iyon pinahalata sa kanila baka kung ano na naman kasi ang mangyari. Nakahiga ako ngayon sa aking higaan at binuksan ko ang aking palad. Nagpapalabas ako ng aking kapangyarihan dahil gusto konh malaman ang aking kalagayan bilang elementalist. Mayroon namang lumalabas kaya lang ay bigla din iyong mawawala hanggang sa tuluyan na akong nanghina. Biglang sumakit ang buo kong katawan at tila hindi ako makagalaw. Hirap na hirap na ako hanggang sa unti-unti akong parang nauupos na kandila. Wala akong kasama sa silid kaya naman naisipan ko humingi ng tulong sa pamamagitan ng aking isip, alam kong may makakarinig sa akin. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nakita kong humahangos si Ayazairah palapit sa akin at hindi ko na nalaman ang susunod na nangyari. AYAZAIRAH POV Gosh ang daming sweets. Nakahiga ako sa bed na punong-puno ng chocolates saka mga candy toppings na may ibat-ibang kulay. Cotton candy naman ang unan ko habang chocolate bar ang kumot ko. Inamoy ko narin ang sarili ko dahil pakiramdamko ay ang tamis ko na. Ang sarap naman dito at parang gusto ko na dito matulog. Bawat paligid ko ay napupuno ng iba’t-ibang matatamis na pagkain. May cakes na iba’t-ibang flavor at iba-t ibang shapes na may may iba’t-ibang layer din. Sa kabilang side naman ay may iba’t-ibang icecream na kakaiba ang laki at flavors. Sa taas ng kwarto ko ay naroon ang mga candy na magkakaiba ang kulay at hugis.Napansi ko na maging ang tiles sa aking silid ay ganoon din. Dito na talaga ako matutulog. Kinuha ko ang hugis pusong cake na chocolate ang flavor. Ang daming icing nito kaya naman naglalaway na ako. Agad kong tinikman ang icing nito upang namnamin ang sarap. Kasarapan na ako ng pagkain nang bigla kong marinig si Ariella na humihingi ng tulong. Narinig ko si Ariella na humihingi ng tulong sa pamamagitan ng isip. Alam ko na ang ibig sabihin nito. Malamang ay masama ang pakiramdam nito ngayon at mahahawakan ko na din ang kanyang kapangyarihan. Bumangon agad ako para mapuntahan si Ariella. Mabilis naman akong nakarating sa silid ni Ariella dahil ginamit ko ang kapangyarihan ng hangin na ngayon ay taglay ko na. Naabutan kong nanghihina na si Ariella kaya naman ginising ko narin sina Alvara at Bruice sa pamamagitan ng inner voice ko tutal naman ay nasasanay narin ako. Inihiga ko ng ayos si Ariella. Mahina lang talaga sya ngayon dahil nga sa pagpasok ng kanyang kapangyarihan sa akin pero paggising nya ay magiging okay na ulit sya. Hinawakan ko ang kwentas nya na nagsisimbolo sa kapangyarihan ng hangin. Mabilis na nagbago ang kulay nito tanda na hawak ko na din ang kanyang kapangyarihan. Kinapa ko rin ang kwentas ko at nadagdagan na naman ng kulay ang isang pearl dito. Sa ngayon ay tatlo na ang pearl na may kulay. Simbolo ito ng hangin, liwanag at yelo. Dumating din agad ang limang prinsesa dahil ginising narin pala nila Bruice at Alvara iyong ibaKasunod na din nila si Tita Frydah. "Anong nangyari?” Bungad na tanong ni Tita. "Nawalan po ng malay si Ariella dahil sa panghihina nya,” "Ibig bang sabihin?” Tanong ni Fayeth. "Taglay na din ni Ayazairah ang kapangyarihan na meron si Ariella,” sagot na lang ni Tita Frydah dito. "Narinig ko po s’yang tinawag ako gamit ang inner voice kaya naman pumunta agad ako dito,” “Hmm sayang,” bulong ko sa isip na narinig naman nila Bruice at Alvara. “Anong sayang?” Nagtinginan silang lahat sa akin dahil sa tanong nung dalawa. "Huh?” pokerface na tanong ko dahil nakalimutan ko na naman maglagay ng wall sa aking isip. "Anong sayang?” ulit naman ni Tenanye kaya nginitian ko na sila. Hindi naman titigil sa pagtanong ang mga ito. “Ang sarap lang ng panaginip ko kanina kasi napapalibutan ako ng mga sweets food,” sagot ko sa kanila. Nagtawanan naman sila nang marinig ang rason ko kaya nagising din si Ariella. "Huwag nga kayong maingay at bakit nandito kayo?” Nagtatakang tanong ni Ariella habang kinukusot pa ang mata. “Sorry po, paalis naman na talaga kami eh,” wika ni Fayeth at nagsimula ng lumabas ng kwarto. Sumunod na din kami sa kanya para makapagpahinga na ang lahat. Bukas nalang ulit kami mag-uusap tungkol sa nangyari. "Ayazairah?” Napalingon ako nang tinawag ako ni Tita bago ako tuluyan makapasok sa aking silid. “Bakit po Tita?" “You already have three elemental powers now so please be careful sweetie.” Hinalikan ako ni Tita sa pisngi pagsabi niyon. Nagpa-alam na din ako dahil papasok na ako sa kwarto. Saka ko lang na-realize iyong sinabi nya. Why do I need to take care. Sa pagkakaalam ko ay hindi ko na dapat pang alalahanin ang sarili ko dahil kasama ko ang anim na elementalist. May kapangyarihan na din ako na kaya kong gamitin para sa aking sarili pero sa pagkasabi nun ni Tita ay parang babala na hindi ko dapat ipagpawalang bahala. Tila may bago na naman akong poproblemahin. Sa bawat paggising ko ay bagong problema na kailangan kong harapin. "Ano ba talaga ang purpose ko sa mundong ito?” Tanong ko sa sarili at hiniling na sana matapos na ang lahat bago ako nagpasyang matulog ulit.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD