Halos magkakasabay kami nagising. Nagulat pa ako nang pagmulat ko ay katabi ko si Bruice. Naalala ko na niyaya ko nga pala syang tumabi sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may kapangyarihan na ako. Isa na din ako sa may hawak ng ice elemental.
Siguro dapat ko na din malaman kung bakit biglang napadpad dito ang anim na prinsesa. Nagsimula lahat ng pagbabago sa buhay ko simula ng dumating sila dito sa mundo ng mga mortal.
"Bawal umalis sa palasyo pero tumakas pa rin kami,”narinig ko na lang na wika ni Bruice. Nakalimutan kong nababasa na nga pala nya ang laman ng isip ko. Ibig sabihin ba nito ay malalaman narin nya pati mga personal thought ko. Wala bang ibang paraan para hindi nya lagi mabasa isip ko like on and off switch.
"Try to build a barrier inside your mind para hindi ko mabasa laman ng isip mo, ganun din naman sa akin kaya hindi mo nababasa ang iniisip ko,”sagot nya ulit kahit hindi ko naman sya verbally tinatanong.
"Sige akyat muna ako para makapag-ayos ng sarili,”paalam ni Bruice.
"Okay sige.” Naligo na din ako at bumaba na para makakain. Magkakasabay din na bumaba iyong anim. Excuse na kami sa school for the whole day. Nakakapanibago dahil ang tahimik ng lahat habang kumakain. Napansin kong humikab pa si Fayeth. Napangiti naman ako dahil siguradong inaantok pa ang isang iyon.
Mabilis kaming natapos sa pagkain since wala masyadong maingay dahil mga inaantok. Babalik na sana ako sa kwarto kaya lang ay bigla kaming tinawag ni Tita.
"Girls we will go to the third floor of this house,”announce ni Tita sa aming pito.
Hindi ko alam na may third floor pa pala ang bahay namin. Kung sa second floor ay puro rooms ng anim na prinsesa at may isa pang bakanteng room doon na hindi ko alam kung para kanino, ano naman kaya ang meron doon sa third floor. Bilang sagot sa tanong ko ay pinaakyat na kaming lahat ni Tita Frydah.
"Isa lang ang door at ang lawak ng hallway,” komento agad ni Nixie nang maka-akyat kami.
"Girls don’t open your mouth huh,”nakangiting sabi sa amin ni Tita Frydah bago nya binuksan ang nag-iisang pintuan ng silid.
"Tita,I can’t help it po,”si Alvara at ngumanga na.
"Ako din po Tita,”si Tenanye naman at ngumanga narin.
"Wow! ako din po akala nyo huh,”si Ariella naman at nakisabay na doon sa tatlo."
"Fayeth okay ka lang?” tanong naman ni Bruice kay Fayeth dahil tahimik parin ito pero halos lumuwa na ang mata.
"Hey Fayeth?”pagtawag ko at tinapik dahil tila naestatwa na ito sa kinatatayuan. Bigla naman itong tumawa na ikinagulat naming lahat.
"I want to call Tinkerbell para makita nya rin ito,” tila nagwawala sa sobrang saya si Fayeth baliw.
Grabe sa lawak ang silid na ito. Take note hindi sya kwarto dahil isang training room ito na napapalibutan ng glass. Hindi ito basta glass lang dahil kahit basagin mo ay hindi iyon mababasag.
Napakalawak ng space nito at kung titignan mong mabuti ay nandoon lahat ng mga elemental training equipment. Ibig sabihin para sa aming pito ang training room na ito upang mapalakas namin ang aming sarili kasabay ng aming kapangyarihan.
"Tita Frydah hindi ko alam na mayroon tayong ganito sa bahay," wika ko dito na masayang nakatingin sa anim na prinsesa na nagsisimula nang gamitin ang kanilang mga kapangyarihan.
“Ayazairah hindi mo talaga malalaman dahil inilihim ko sayo pero dahil nga alam kong mangyayari ito kaya pinaghandaan ko na,” sagot niya.
May kakayahan si Tita Frydah na malaman ang mga kasalukuyang mangyayari. Ibig sabihin ay may alam din si Tita sa mga mangyayari pa sa akin.
“Tita after po ba ng ice power ko ay magiging okay na ang lahat?” Diretsang tanong ko sa kanya. Hindi na kasi talaga ako makapaghintay baka kung ano na naman ang sunod na mangyari sa akin kapag may natuklasan ulit ako.
“Ayah hindi lahat ay nalalaman ko kaya hindi ko rin masasabi kung tapos na ba ang lahat pero sa pagkakaalam ko ay nagsisimula ka pa lamang.”
"Ayazairah halika palabasin natin iyang kapangyarihan mo,”narinig kong tawag ni Bruice sa akin na ngayon ay nasa kalagitnaan na ng training room.
Lumapit narin ako sa kanya kaya lang paano ko ba palalabasin itong kapangyarihan na ito ay hindi ko nga alam kung paano sya lumabas kagabi. Medyo mahirap ito dahil hindi ko alam gagawin ko.
"Try to concentrate Ayazairah isipin mong dapat mapalabas mo ang kapangyarihan mo,"
“Okay, sagot ko at pumikit na kahit hindi ko alam kung magagawa ko ang pinapagawa nito. Nagconcentrate na ako sa pagpapalabas ng kapangyarihan pero hindi ko talaga sya magawa kaya muli akong nagmulat.
"Hindi basta sumusuko ang isang cryokine lalo pa at prinsesang gaya natin,”sabi sa akin ni Bruice na nagpagising sa natutulog kong diwa. Muli akong pumikit at nagconcentrate sa dapat kong gawin. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang paglamig ng palad ko kaya naiwasiwas ko iyon dahilan upang tumalsik ang parang krystal na bagay. Ikinagulat naman iyon nina Alvara at Nixie. Kung hindi sila nakailag ay malamang nasugatan na sila dahil sa bagay na iyon na muntik nang tumama sa kanila.
"Sorry,” nahihiyang wika ko sa dalawa. Nginitian lang nila ako dahil sanay na pala ang mga ito sa ganoong atake. Nagkanya-kanya na sila ng pwesto habang si Tita Frydah naman ay bumaba na at iniwan na kami sa training room.
Nakakamangha parin kahit nakita ko na silang ginamit ang mga kapangyarihan nila. Gumawa si Tenanye ng isang malaking puno sa may gilid ng kwarto at isang mahabang sofa na gawa din sa kahoy. Naglagay din sya ng mini garden sa paligid niyon. Lumapit naman doon si Ariella at pinalilipad ang mga dahon ng punong ginawa ni Tenanye. Si Fayeth naman ay sinisilaban na ang mga dahon bago pa ito bumagsak hanggang sa pabilis iyon ng pabilis na ikinagalit ni Tenanye.
"Huwag nyo naman ubusin ang dahon ng puno ko,” sigaw nito sa dalawang naglalaro.
"Sorry po,” halos sabay pang sagot ng dalawa at muli na namang inulit iyong ginagawa. Napailing nalang si Tenanye dahil alam nyang hindi mapipigilan sina Fayeth at Ariella. Ayaw din naman niyang marinig na naman ang Tinkerbell thing ni Fayeth.
Lumapit narin sa kanila si Alvara at nagsimulang magrelease ng iba't-ibang liwanag. Nagkaroon tuloy doon ng mini rainbow dahil sa light na ginawa ni Alvara. Pinapaulanan naman ni Nixie iyong mga bulaklak na ginawa ni Tenanye. In short, naglalaro lang sila sa training room using their elemental powers.
"Ayah let's do it again,”narinig kong sabi ni Bruice kaya bumalik na ang tingin ko sa kanya. Masyado akong nadala sa panonood sa limang prinsesa nakalimutan ko tuloy na training namin ni Bruice.
"Ano ba dapat kong gawin?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang si Bruice at lumayo ng konti sa akin. Maya-maya lang ay nagsimula na syang magpakawala ng mga ice power na binabato sa akin.
"Ouch! Bruice please stop ang sakit,” nagsisisigaw ako dahil magkakasunod na tumatama sa akin ang mga ice ball nito. Napatingin naman sa akin ang limang prinsesa na natigil sa kanilang paglalaro.
"Are you just going to look at me?”Sigaw ko sakanila kasi nakangiti pa ang mga ito na nakatingin sa akin.
"Hey Bruice please stop,”sigaw ko sa kanya. Natulala ako nang makita kong may malaking ice ball na tatama sa akin.
"My gosh please stop,” nagpapanic na ako to the point na hindi na ako makagalaw. Pumikit na lang ako dahil alam kong wala na akong magagawa para maiwasan ang bagay na iyon.
"Bravo,” narinig kong wika ni Bruice at nagpalakpakan pa ang limang prinsesa na tumigil na sa paglalaro. Bakit nga pala walang yelo na tumama sa akin.
“Anong nangyari?” takang tanong ko sa sarili. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata para malaman kung anong nangyari. Napagtanto ko na nakaposisyon ang dalawang kamay ko na tila may ipinangsangga sa malaking ice ball ni Bruice na tatami sana sa akin.
"Una sa lahat ay kailangan mong iwasan ang mga attack sa iyo ng kalaban at dapat pakiramdaman mo iyon. Pangalawa ay kailangan mo magfocus at lakasan ang loob. Pangatlo ay kailangan mong isipin na ikaw ang dapat na magwagi laban sa inyo ng kalaban mo. Tandaan na huwag matakot dahil isa kang ice elementalist. Okay?” Mahabang lecture sa akin ni Bruice.
So ibig sabihin ba nito ay nagawa ko ang task sa akin ni Bruice. “Nagawa ko ba talaga sya?”hindi pa din makapaniwalang tanong ko sa kanila.
Tumango naman ang mga ito kaya napasigaw na ako. Ngayon lang nagregister sa utak ko na kaya hindi ako tinamaan ay dahil nalabanan ko ang attack na ginawa ni Bruice. Nagtatalon ako sa sobrang saya. I can’t imagine na nagawa ko syang iwasan dahil kung hindi ay malamang basag na ngayon ang precious face ko.
"Congrats,” narinig ko pang sabi ni Bruice sa isip ko. Medyo nasasanay na din akong naririnig ang inner voice nya.
Siguro nga ako talaga ang prinsesa dahil mabilis akong maka-adopt sa mga nangyayari sa buhay ko pero may mga tanong parin talaga ako na hindi nasasagot. Sa ngayon ay babalewalain ko na muna ang mga iyon. Ang importante ay kailangan kong pagbutihin ang paggamit ng kapangyarihan ko para maging mabuting elementalist ako.
"Goodluck for myself,” masayang wika ko sa sarili at magkakasabay na kaming umalis sa kwartong iyon para makapagpahinga na.
Back to school na naman kami. Iba ang pakiramdam ko ngayon na tila ang lakas ko.Nagbago na din maging ang mga sense ko. Kahit malayo sa akin ay naririnig ko iyon kahit pa nga bulungan lamang. Naging malinaw na din ang paningin ko kahit medyo malayo pa sila. Hindi ko na kailangan ng glasses.
"Guys nakikita nyo ba iyong nakikita ko, tanong sa amin ni Alvara na may tinuturo sa kung saan.
"Syempre hindi naman malabo mata namin,” sagot ni Fayeth. Napatawa ako sa pagkapilosopo nito.
"Anong meron doon?” tanong din ni Ariella.Salamat naman at hindi nakisabay sa pagkapilosopo ni Fayeth.
"Siguro may pinagkakaguluhan sila doon,” sagot naman ni Nixie na nakapokerface pa. Akala ko wala ng sasabay sa kalokohan ni Fayeth meron parin pala.
"Malamang lalaki dahil puro babae ang nandoon,”si Tenanye naman.
"Tara puntahan nalang natin,” anyaya ni Bruice at hinila na ako.
Katulad nga ng sabi ni Tita ay kailangan maging close kami sa isat-isa ni Bruice dahil sa kapangyarihan namin. How I wish na si Fayeth ang maging kaparehas ko ng kapangyarihan. Mababaliw siguro ako dahil sa mga kalokohan nito. Wala akong magagawa since ice ang power ko ngayon.
Magkakasama kaming nagtungo sa umpukan ng mga babae. Nakakapagtaka dahil may pinagkakaguluhan ang mga babae sa school namin ngayon.
Nakihalubilo na din kami sa mga babae. Wagas sumiksik ang anim lalo na si Bruice, may pagkabrutal talaga ang babaeng iyon. Sa wakas nakita na namin ang pinagkakaguluhan nila.
"Naku lalaki lang pala akala ko naman kung ano,”dismayadong wika ko ng makita kung anong pinagkakaguluhan nila. Naramdaman ko na nakatingin sa akin iyong lalaki kaya nilingon ko.
"Ikaw?” Nanlalaki ang matang tanong ko nang makilala kung sino ang lalaki.
"Nice to meet you again,”sagot nito with smirk na nakakainis. Agad naman na napatingin sa akin lahat ng mga babaeng nandoon.
"Si Arah na naman,” nakasimangot na wika nung isang babae.
"Ano ba ang meron sa Arah na yan at masyadong popular," tanong nung isa pang babae.
“Lahat nalang kilala sya kainis," sagot naman nung isa pang babae na tila kaibigan iyong babaeng nagtanong.
“Dapat sa ibang school na pumapasok yan,” sabi naman nung isa pa.
"Hello, nandito pa po iyong pinaguusapan nyo,”naiinis kong sabi sa kanila.
"Goodbye girls,” wika naman nung impaktong gwapong lalaki na nakabangga ko dati pero ang pangit ng ugali.
"Bye baby Hreidamar.” Magkakasabay na wika ng mga babaeng nandoon saka pairap na umalis. As usual masama na naman tingin nila sa akin. Kasalanan ko ba na mas maganda ako sa kanila.
"Ayazairah, ayos ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Nixie.
"Oo naman syempre,” sagot ko sa kanya pero deep inside ay naiinis talaga ako.
Una ay dahil sa mga babaeng papansin na sobrang dandang ganda sa kanilang mga sarili.
"Try to control your feelings,” bulong ni Bruice.
“You might able to produce an ice from your palm,” bulong din ni Alvara sa kabilang side ko kaya naman natauhan ako. Kinalimutan ko na ang nangyari kanina tutal hindi ko naman na makikita ang mokong na iyon.
Nakakainis dahil nakita ko na naman ang lalaking panget na iyon. Hindi ko mapigilan pero kumukulo dugo ko sa kanya. Aminado ako na gwapo siya pero ang pangit kasi ng ugali. Sa sobrang inis ko ay hindi ko namamalayan na kanina pa pala nakatingin sa akin iyong anim.
"Yes?” tanong ko sa kanila at nagwave pa ng kamay dahil nakatanga silang lahat sa akin..
"Kilala mo sya?” tanong ni Ariella.
"Hindi po,” sagot ko sa mga ito. Hindi ko naman talaga kilala ang lalaki na iyon.
"Totoo ba, kasi parang kilala ka nya?” Hindi naniniwala na tanong ni Fayeth.
"Clumsy girl nga tawag sayo ni gwapo,” si Tenanye naman.
Mahirap kapag madami kaibigan dahil madami din ang may tanong. Nginitian ko na lamang ang mga tanong nila.
"Accidentally ko po kasi syang nabangga kaya lang masyado kasing masama ugali nya kaya nakakainis at ayaw ko na syang makita kahit kailan pero nagpakita na naman sya,” mahabang litany ko.
"Hey calm down Arah,”bulong sa akin ni Bruice upang kumalma ako. Naramdaman ko na parang lumalamig na iyong palad ko ay dahil nakakaproduce na pala ako ng yelo. Dapat talaga matutunan ko kung paano magcontrol ng kapanyarihan at baka may masaktan ako. Ayoko din na malaman ng mga mortal na tao na may kapangyarihan ako at ikkapahamak pa ng anim na prinsesa.
"Tara kain muna tayo,”yaya ni Alvara sa amin. Sumama na rin kami tutal maya-maya pa naman ang klase namin. Naiinis parin talaga ako sa lalaking iyon.
"Pero ang gwapo ni kuya,”kinikilig na wika ni Fayeth.
"Yes, baby boy,” sang-ayon naman ni Ariella.
"Ano nga ulit name ni baby boy?”si Alvara naman.
"Hreidmar narinig ko kanina,” sagot naman ni Tenanye. Ang galing talaga ng utak nito natandaan nya pa talaga ang pangalan ng mokong na iyon.
"Pati pangalan ang gwapo parang Ayazairah lang maganda,” panunuya naman ni Bruice.
"Naku guys it’s a big NO para sa masamang ugali na lalaking iyon,” with matching iling pa na sabi ko sa anim.
"Are you sure?” magkakasabay na tanong nung anim at talagang nakalapit pa ang mga mukha nila sa akin.
"One hundred percent sure dahil baka maging frozen human siya sa akin, inis pa din na sabi ko.
"Paalala lang po bawal natin gamitin sa bad and human ang powers natin,” wika ni Bruice sa akin kaya naman nagsorry ako.
"Pero alam mo Arah ang gwapo talaga nya,” pang-aasar na naman ni Nixie.
"Feeling ko bagay kayong dalawa parang hindi na kayo tao, natatawang wika ni Fayeth.
"Hreidmar and Ayazairah,”natatawang wika din ni Ariella sabay takbo palayo sa akin. Naramdaman nito na hahabulin ko sya kaya mabilis itong lumayo sa akin. Kanina pa sila nang-aasar kaya naiirita na ako. Okay lang asarin ako pero huwag sa lalaki na iyon. Nagsimula na din tumakbo ang iba.
"Huwag nyo kong lokohin sa lalaki na yun!” Nagsisisigaw ako habang pinaghahabol ko sila. Madaya naman kasi anim sila tapos mag-isa lang ako.
"Ang daya nyo naman!” Mas malakas na sigaw ko sa kanila dahil malayo na sila sa akin at iniwan na ako.
"Huwag na talaga magpapakita sa akin ang lalaking iyon napagod ako kakatakbo,”bulong ko sa sarili pero napapitlag ako ng marinig ko ang boses nito.
"Clumsy girl get out of my way!” sigaw nito habang tumatakbo papunta sa direksyon ko. Napatulala ako dahil ang bilis ng takbo nito at alam kong matatamaan nya talaga ako pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang mga oras na iyon at napapikit na lamang.
Saka ko lang narealize ang nangyari nang maramdaman ko ang sakit ng likod ko. Napamulat ako bigla at nagulat sa pwesto ko saka ng kinaiinisan kong lalaki.
"Hoy tumayo ka nga!” Sigaw ko dahil kasalukuyan siyang nakapaibabaw sa akin.
"You’re so cute,” nakangiting wika nito at tumayo na.
"What did he say?” tanong ko sa sarili at pakiramdam ko ay hindi na ako makatayo. Feeling ko ay namumula na ngayon ang mukha ko dahil sa kilig. Teka bakit ako kinikilig sa lalaki na yun. Napahilamos ako sa sariling isipin.
Tumayo narin ako at mabuti na lang ay wala na iyong lalaki na iyon. Nakahinga na ako ng maluwag at nagmartsa na papunta sa room namin.
"Kainis,”bulong ko habang naglalakad. Pagkadating sa room ay nagtitipon na naman ang mga kaklase naming. Hanggang dito ba naman sa room ay may pinagkakaguluhan.
Nilibot ko ng tingin ang room at nakita ko na nasa bandang likod ang anim kong kaibigan. Good thing na wala silang pakialam sa lahat ng nangyayari mga hindi talaga mortal na tao.
"Anong pinagkakaguluhan nila?” Tanong ko sa kanila habang nakatingin sa mga nagkakagulong kaklase namin.
“Hindi ano kundi sino,” pahgtatama ni Bruice sa tanong ko.
"May transferee daw na malamang lalaki kaya nagkakagulo sila ng ganyan,” sagot ni Tenanye.
“Hmm okay,” wika ko at hindi na pinansin ang kaguluhan sa room. Inayos ko na ang sarili upang mkapag-focus sa lecture ngayon dahil ilang araw na akong lutang baka wala na ako maisagot kapag nagkaroon kami ng exam.