Hanggang ngayon ay ramdam parin nilang anim ang kahihiyan sa nangyari sa kanila kanina. Pero dahil kaylangan nilang makita ang babaeng hinahanap nila ay pinilit nila na kalimutan ang nangyari. Hindi na tuloy nila makita ang babae dahil sa nangyari kanina.
Nag-iisip na naman ngayon si Bruice kung anong sunod nilang hakbang. Hangga't maaari ay ayaw nilang pagtuunan na naman sila nang pansin ng mga mortal na tao. Bakit ba kasi nila naisip gawin itong nagawa nila. Pero wala nang atrasan ito dahil ang problema nila pag nagkataon ay kung paano sila makakabalik sa Elementalia.
Sa halip na isipin kung paano bumalik sa kaharian ay mas inisip na lamang nila kung paano nila maitutuloy ang kanilang misyon na tinatawag.
Sa totoo lang ay nababagot na sila dahil kanina pa sila nandoon sa tabi ng puno na pinagbagsakan nila. Kanina pa din nila pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad. Madalas din silang tignan ng mga mortal na tao dahil nga sa mga hitsura nila.
Hindi na nakapagpigil si Fayeth at malapit na niyang maisip na naman si Tinkerbell.
"Okay so what's next?" Tanong ni Fayeth na nakalupasay parin sa may tabi ng puno kung saan sila bumagsak kanina.
"I dont know," sagot naman ni Alvara na halatang boring na din sa kinatatayuan nito.
"Ahm, anong gagawin natin eh hindi nga natin alam kung paano mabuhay dito sa mundo ng mga mortal," si Nixie naman habang walang sawang pinapanood ang mga naglalakad na estudyante.
"Agree, hindi din naman natin pwede gamitin powers natin baka patayin lang nila tayo," naiiyak na wika ni Tenanye at tila naubusan na ito ng ideas.
"Relax girls, we’ll just have to think a plan first," suhestiyon ni Bruice na ramdam mo ang lungkot dahil sa nangyayari sa kanila.
"So, we need tinkerbell right?" Suhestiyon naman ni Ariella. Hindi nga naisip ni Fayeth pero heto naman si Ariella. Magkaibigan talaga ang dalawang baliw na ito.
"Fans ka ba talaga ni Tinkerbell?" Inosenteng tanong ni Fayeth kahit pa nga s'ya lagi ang may pasimuno nito.
"Well, not really," natatawang sagot ni Ariella kaya naman pumalakpak pa silang dalawa na tila baliw dahil nagkasundo na naman ang mga ito.
"You two, will you please stop that childish act?" sigaw sa kanila ni Bruice na stress na ngayon. Ice ang power nito pero madalas sya ang mainit ang ulo. Nagkabaliktad talaga sila ni Fayeth.
"Oops sorry po," sagot ng baliw na si Fayeth.
"As what I've said, we need to think a plan first," ulit ni Bruice sa mga kasama.
"How about we copy their dress so we can chase the girl that we're looking for? matalinong suhestiyon ni Tenanye.
"Wow! Tinkerbell ikaw ba yan?" kumikislap ang mata na tanong ni Fayeth.
"Fayeth will you please stop that attitude!" sigaw ulit ni Bruice na halatang naiinis na about that Tinkerbell thing.
"Ito naman hindi na mabiro, sorry po ulit," sagot nalang ni Fayeth habang nagpipigil naman sa tawa si Ariella.
"You too Ariella," sita ni Bruice sa kanya kaya naman napatigil sa paghagikgik si Ariella.
"Okay fine," nakasimangot nitong sagot.
"Tenanye is right but we have to do that as early as possible, dumidilim na baka hindi natin sya abutan, si Nixie naman na mukhang pinakamatino sa kanila bukod kay Bruice.
"Okay, so lets begin," wika ni Alvara at nagstart nang gumawa ng barrier na gawa sa light para hindi sila mapansin ng mga mortal students.
Nagsimula na silang kopyahin ang damit ng mga estudyante katulad din sa suot ng babaeng hinahanap nila kanina.
"I’m done," halos sabay-sabay nilang wika maliban kay Fayeth.
Nagtawanan ang lima nang makita kung anong hitsura ni Fayeth.
"Aghh! Please stop laughing uulitin ko okay," tukoy ni Fayeth sa kanyang palda. Iba kasi nangyari sa kanya. Instead palda ng school ay naging palda iyon na pang sayaw.
"Okay, go on take your time," sabi naman ni Bruice na panay tawa padin. Maya-maya naman ay success na nagawa ni Fayeth ang dapat nyang gawin.
Nagsimula na silang maglakad ngayon papunta kung saan pumunta ang babaeng hinahanap nila. Habang naglalakad ay napansin nila na pinagtitinginan parin sila ng mga estudyante doon.
"What do you think girls, may mali na naman ba tayo?" Tanong ni Bruice sa mga kasama.
"I think so," napa-isip si Alvara at tumigil sa paglalakad kaya ganoon na din ang ginawa ng lima.
"Look at our shoes ladies," si Fayeth nang mapansin ang kanilang mga sapatos.
"And also our eyes, except mine," natatawang wika ni Ariella.
"Bakit kasi ganyan ang kulay ng mga mata nyo?" Natatawa parin si Ariella.
"Heh look at your shoes naman," ganti naman ni Fayeth kaya tinawanan din niya ito.
"Stop laughing girls," ang killjoy na si Bruice na naman.
"Okay, so we have to change our shoes too right now," suhestiyon ni Tenanye kaya nagcover ulit si Alvara ng light shield.
Nagawa naman nilang baguhin ang kanilang sapatos. Sa ngayaon ay ang mga mata naman nila ang kanilang problema.
"How about our eyes?" Tanong ni Nixie.
"We are going to change it syempre para hindi tayo pagdudahan, but we have to make it quick," si Tenanye ulit.
"Okay kaya natin ito girls," wika ni Bruice at nagsimula na silang magchant para magbago ang kulay ng eyes nila. Makalipas ang ilang minuto ay matagumpay nilang nagawa iyon.
"Finally, it turns black din. We have same eye color na Ariella," masayang wika ni Fayeth.
"Ahm, let’s go na girls we need to make it fast baka mawala effect ng pagchange natin ng eye color," si Tenanye naman at nagpatiuna ng lumakad.
"Lets go!" Halos sabay ulit na wika ng mga prinsesa at nagsimula na ulit silang maglakad. Sinusundan nila ang mga estudyante kung saan pupunta ang mga ito para mahanap nila ang dalaga.
Alam mo iyong pakiramdam na maya't-maya ang tanong mo sa bawat masalubong. Ang problema nga lang ay hindi mo alam ang pangalan ng taong ipinagtatanong mo.
"Ang saya naman nito," ang baliw na si Fayeth na naman.
"Wow huh, masaya ka pa ng lagay na yan," si Ariella naman.
"Para tayong naglalaro ng hide and seek haha," si Fayeth ulit na halata mo na talagang masaya nga s'ya.
"True ka dyan," sagot naman ni Ariella ang dakilang sumasang-ayon lagi kay Fayeth kaya nagtawanan silang dalawa.
"Baliw itong dalawa na 'to, magkasundo talaga sila," si Alvara naman habang nakikinig doon sa dalawang baliw na naguusap.
"Oo nga eh, try mo kaya paglabasin ng apoy si Fayeth tapos pahipan mo kay Ariella,"natatawang suhestiyon naman ni Nixie.
"Mas baliw ka rin eh," natatawang sagot naman ni Alvara sa suhetiyon nito.
"Mas baliw parin sila," sagot din ni Nixie.
"Uy girls, nakita ko sya na lumiko doon," sigaw bigla ni Bruice kaya pinagtinginan kami ng mga estudyante sa paligid namin.
"Ay naku sigaw pa Bruice," natatawang wika ni Tenanye.
"Gusto mong i-freeze kita ngayon din huh Tenanye," inis na wika ni Bruice napakakill joy talaga ng isang ito.
"As if kaya mo, tara na puntahan na natin yung sabi mong nilikuan nya mamaya mawala na naman yun," sabi nalang ni Tenanye.
Naghagikgikan tuloy iyong lima nang mauna sa paglalakad si Bruice. Sinusundan na nila ngayon iyong babaeng hinahanap nila.
Nakita naman nilang may nambubully doon sa babaeng hinahanap nila nang makarating sila malapit sa pwesto nito. "Look girls," sigaw ni Bruice.
"Makasigaw ka naman," si Tenanye ulit kaya inirapan s'ya ni Bruice.
"We need to help her," suhestiyon ni Alvara nang makita ang itsura nung dalaga.
"Yeah right, but we need to call Tinkerbell and her friends," si Fayeth ulit.
"Baliw ka talagang babae ka," sabay tawa naman si Ariella.
"Makabaliw ka kay Fayeth eh ano ka pa?" Natatawang wika din ni Nixie dahil sa dalawang baliw.
"Hoy! Magsitigil na nga kayo sa kakatawa," si killjoy Bruice ulit.
"Itong dalawa kasi puro kabaliwan eh," si Tenanye na hindi rin mapigilan ang tumawa.
"Bahala nga kayo dyan tutulungan ko na iyong babae," wika ni Alvara at nauna nang sumugod papunta sa nambubully doon sa babaeng hinahanap nila.
"Ouch!" with feelings na wika ni Fayeth nang makitang tinulak ng mga mambubully iyong babaeng hinahanap nila.
"Wow naman ikaw nasaktan te?" pamimilosopo ni Ariella.
"Try mo kaya," sagot naman nito.
"Halika nandoon na sila lahat, kaylangan din natin tumulong," wika ni Ariella kaya hinila na s'ya nito.
"Will you stop hurting our princess!" Matapang na sigaw ni Bruice.
"Trip nya talaga sumigaw ngayon," si Tenanye naman na laging napupuna si Bruice.
Tumawa naman ang dalawang alagad ni Tinkerbell na walang iba kundi sina Ariella at Fayeth.
"And who the hell are you?" Tanong ng babaeng pangit na syang nambubully sa babaeng hinahanap namin.
"Naku patay speaking in dollar yata ito, buti may subject din tayong english," si Nixie naman na nahawa sa kabaliwan ng dalawa.
"Baliw ka din kaya, yaan mo sila ni Bruice back up lang tayo," si Alvara naman.
Tinulungan na nila Fayeth at Ariella na makatayo iyong babaeng hinahanap namin na tinulak nung tatlong babaeng pangit.
"We are the guardian of this princess," sagot ulit ni Bruice sa tanong nung pandak kanina.
"Guardian?" Magkakasabay na wika nung anim sa sinabi ni Bruice. Naging anim kasi kasama na namin iyong babaeng hinahanap namin sa pagsabi niyon na nagulat din sa kung anong sinabi ni Bruice.
Nagulat naman si Bruice sa reaksyon namin kaya nagbulungan kaming lima.
"Yes, tama si Bruice kaylangan natin iyon gawin para mapaalis na natin iyong tatlong pangit," bulong ni Tenanye.
"Ang talino mo Tenanye," tila nagti-twinkle ang mata ni Ariella sa paghanga dito.
"Tinkerbell ikaw ba yan?" si Fayeth naman na di nakakalimutan si Tinkerbell.
Muntik na silang humagalpak ng tawa kaya lang bigla kasing nagsalita iyong pangit.
"Eh di kayo na guardian ng pangit na yan," sabi nung medyo matangkad ng konti dun sa pangit na unang nagsalita kanina.
"Same to you," matapang na sagot naman ni Bruice.
"Bakit same to you?" tanong naman nung pinakamatangkad dun sa tatlong mambubully sa babaeng hinahanap namin.
"Wow, find your height lang ang peg," si Nixie naman na nakangisi na sa oras na iyon. Hahagalpak na sana ulit ng tawa yung lima kaya lang si Bruice naman ang biglang nagsalita.
"Same to you kasi pangit ka," sagot ni Bruice kaya natuloy ang hagalpak ng anim kasama narin iyong babaeng hinahanap namin na tumatawa ngayon. Back out nalang tuloy iyong tatlong babaeng nambully dahil sa inis. Lakas talaga ni Bruice.
Tumatawa parin iyong babaeng hinahanap namin pero napansin nya yatang nakatingin kaming anim sa kanya kaya napatigil sya sa pagtawa.
"Ahm sino pala kayo saka anong sinabi nyong guardian ko kayo, ngayon ko lang kasi kayo nakita dito sa school. Anyway thank you pala sa pagtulong ninyo kanina huh," sunod-sunod na wika nito.
"Tumutula ba sya?" nakakunot ang noo na tanong ni Fayeth kaya naman binatukan siya ni Ariella.
"Masakit yun huh," inis na wika ni Fayeth.
"Baliw ka kasi kung ano-anong sinasabi mo," sagot nalang ni Ariella.
"Ahm, actually hindi talaga kami dito nakatira kaya ngayon mo lang kami nakita," sagot ni Alvara sa isang tanong niya.
"Pwede bang malaman muna namin ang pangalan mo para alam namin itatawag sayo saka magpapakilala narin kami," si Tenanye naman.
"Saka totoo talaga na guardian mo kami," pahabol pa din ni Bruice.
"True po iyon," komento naman ni Nixie.
"Magpapakilala nalang muna ako saka tayo mag-usap. Ako nga pala si Arah at kayo naman?" Pagpapakilala ng dalaga sa amin.
"Nixie from Aquakine Division.
"Fayeth from Pyrokine Division.
"Bruice from Cryokine Division.
"Ariella from Aerokine Division.
"Tenanye from Geokine Division.
"and Im Alvara from Fulgurkine Division.
"Wait anong ibig sabihin nung mga division na sinasabi ninyo eh wala naman ganung division sa school na ito?" Nagtatakang tanong ni Arah.
"Ahm sabi ko nga kanina hindi kami dito nakatira," si Alvara ulit.
"Wait guys saan pala tayo titira ngayon after nito?" Tanong ni Tenanye.
"We need tinkerbell again," ang baliw na si Fayeth ulit.
"Speaking of Tinkerbell," si Ariella habang nakatingin kay Nixie.
"Why me?" Pagturo ni Nixie sa sarili sabay point naman kay Alvara.
"Ohh bakit ako? Anong alam ko dyan sa tinkerbell nyo,? si Alvara at si Bruice naman ang tinuro.
"Oh huwag nyo akong maisali sa Tinkerbell pointing nyo," pag-iwas din ni Bruice.
"Hay ang slow nyo ibig sabihin ni Fayeth is kina Arah tayo makikitulog," matalinong sagot naman ni Tenanye.
"Ang galing mo talaga Tenanye," tuwang-tuwa na sagot ni Fayeth sabay irap doon sa lima kasi hindi nakuha ang point nya.
"Okay lang naman. Teka kunin ko lang gamit ko at hintayin ninyo ako dito para makabawi sa pagtulong ninyo at para makapagkwentuhan tayo ng matagal kasi hindi ko kayo maintindihan," wika ni Arah at bigla ng umalis para kunin ang gamit nya.
Mabilis na nawala si Arah at maya-maya lang ay lumabas na ulit ito galing sa isang silid dala ang kanyang mga gamit. Masaya kaming nagkuwentuhan habang nasa byahe patungo sa kanyang bahay. Napansin na lang namin na nasa harapan na kami ngayon ng isang napakalaking bahay.
"Wow, ang laki naman ng bahay na ito," manghang wika ni Fayeth.
"Halika pasok na tayo," anyaya ni Arah at magkakasunod na kaming pumasok sa napakalaki nitong tirahan.
"Tita may bisita po ako," sigaw ni Arah nang makapasok kaming lahat.
"So kayo pala iyan, sa wakas dumating din kayo," wika ng Tita niya na bigla na lang sumulpot sa likuran namin at ikinagulat din ni Arah. Ngunit mas nakakagulat ang sinabi nito nang makita ang anim na babaeng kasama ko.
"Tita what do you mean? Ngayon ko palang sila nakilala pero how come na parang ang tagal mo na silang hinihintay," nagtatakang tanong ni Arah.
"Oo nga po parang alam nyo po na darating kami," si Bruice naman.
"Right, it seems like nahulaan po ninyo," sang ayon naman ni Tenanye.
"Teka paano nangyari iyon eh ngayon lang naman tayo nakarating dito," si Alvara na halatang nagtataka din ng mga oras na iyon.
"Ahm oo nga pwede po ba paki-explain sa amin," si Ariella naman.
"We need Tinkerbell again," out of nowhere na sabi naman ni Fayeth na halatang di rin naiintindihan ang nangyayari.
"Fayeth were serious here will you please stop that tinkerbell thing," sita sa kanya ni Nixie dahil maging sya ay hindi din maintindihan ang nangyayari.
"Girls stop asking question okay. I'll explain it to all of you right now," pag-awat sa amin ng Tita ni Arah.
"Tita ano pong ipapaliwanag nyo?" nagtatakang tanong ni Arah.
"Arah listen kaylangan mo narin sigurong malaman ang totoo tungkol sa pagkatao mo," seryosong wika nito habang hawak sa magkabilang balikat ang dalaga.
"Ano pong totoo Tita may kinalaman po ba kayo sa kanila?" Naguguluhan sa sitwasyon na tanong ni Arah.
"Okay girls listen. I am Frydah having a sub power na kayang mapredict kung sino ang parating at ano ang kaugnayan nito sa akin maging kung anong klaseng nilalang sila. I am not like you princess na mayroong elemental powers," mahabang wika nito.
"Tita anong pinagsasabi nyo, hindi ko kayo maintindihan anong sub power at anong elemental powers anong princess?"Mas lalo lamang naguluhan si Arah sa narinig nito.
"Arah listen okay, you are not Arah as a plain normal girl. You are Ayazairah from Elementalia," paglalabas nito ng totoong katauhan ng dalaga.
"Woah, halos magkakasabay na sagot ng anim na babaeng kasama ko. Makikita mo na masaya sila sa kanilang narinig pero ako ay hindi ko parin maintindihan ang pinagsasabi ni Tita. Wala akong maintindihan at naguguluhan talaga ako dahil tila hindi nagreregister sa utak ko kung ano ang pinagsasabi nito.
"Tita what are you talking about. What do you mean Ayazairah is my real name?" Naiiyak na si Arah dahil pakiramdam nya ay totoo ang sinasabi ng kanyang Tita.
"We are from Elementalia sweetie. You are their friend. You’re mom gave birth to you in Elementalia but I have to bring you here in mortal world since gusto ka nilang ilayo sa kapahamakan. I know this is the right time for you to know everything," mahabang paliwanag nito.
"Tita no, I mean how will I believe you? There's no proof at all," hindi ko parin matanggap ang sinasabi ni Tita.
"Yes we have," wika ni Bruice at biglang ibinuka ang kanyang palad at lumabas doon ang krystal like na ice upang patunayan kay Arah na galing nga sila sa Elementalia.
Gumaya narin si Tenanye nagpatubo siya ng maliit na puno sa palad nya. Si Ariella naman ay nagpaihip ng malakas na hangin na halos tangayin na si Arah. Si Nixie naman ay nagpabaha sa loob ng bahay. Si Fayeth naman ay gumawa ng mga flames na nakadisenyo. Si Alvara naman ay nagpakidlat at nagbigay ng kakaibang liwanag sa silid na iyon.
"That's cool princess," komento ni Frydah sa mga ipinakita ng mga dalaga.
"So its really true tita?" Malungkot na wika ni Arah at bigla nalang nawalan ng malay.